Playboy's Girl

By HippityHoppityAzure

3.4M 39.4K 3.5K

Book Zero/Prequel of Playboy's Baby. Informally written and not yet edited. ā€¢ š—–š—¢š— š—£š—Ÿš—˜š—§š—˜š—— ā”Š š—£š—¢š—¦š—§š—˜... More

Playboy's Girl
xx2: Adrian
xx3: Punishment
xx4: That Question
xx5: Suitor
xx6: The Way He Courts
xx7: The Way He Courts (part2~)
xx8: His Point of View
xx9: Tending His Chelle
x10: First Yes
x11: Uneasiness?
x12: The Date!
x13: A Dog's Weep
x14: Date End
x15: Another One
x16: Foundation Day!
x17: Finally..
x18: In A Relationship
x19: Cindy
x20: Trust
x21: Warning
x22: Playboy's Girl?
x23: Bothering Look
x24: Misunderstanding
x25: Fighting
x26: The Contest and The Party (part1~)
x27: The Contest and The Party (part2~)
x28: Cat Moves
x29: Dreams
x30: Happiness
x31: Complicated Christmas (part1~)
x32: Complicated Christmas (part2~)
x33: One Painful Moment
x34: Break-up Aftermath
x35: That Playboy
x36: Moving On
x37: The Prom (part1~)
x38: The Prom (part2~)
x39: Misery
x40: What Takes Over
x41: Break Down
x42: Made-up Mind
x43: To End
EPILOGUE

xx1: Teasing Moments with a Playboy

233K 2.1K 127
By HippityHoppityAzure

dedication porr -- @CyrhelDoneza :D 
[sya^ kasi ang unang nakahula ng title nitong PG.. galing galing.. XD] 

- - - - 

xx1: Teasing Moments with a Playboy 




Deep connection without clear communication.. 


POSIBLE BA YUN? 


Parang ang labo lang, diba? 


But in my case.. 


..I FIND IT VERY POSSIBLE. 


Napakalinaw nitong koneksyon na nararamdaman ko SAKANYA eh-- 


--sa LALAKING YUN na madalas kong makatinginan at makatitigan pero ni minsan, hindi ko pa nakakausap. 




"CHELLYYYY!" 


Napahinto ako sa pagpasok ng schoolgate dahil sa pagsigaw na yun ni Millie sa pangalan ko-- or nickname ko to be exact. Rachellyn Quintos kasi ang real name ko. 


Si Millie naman, Milliana Esconde. She's my bestfriend and... teka. Asan na ba yun? 


Di ko sya makita sa dami nitong estudyante na kasabayan ko eh. 


"CHELLYYY!" yun na naman ang sigaw ni Millie! 


Pero di ko talaga sya makita.. >3< 


Umikot ako nang isa pang beses para hanapin sya. Pero may biglang yumakap sa likuran ko! 


"Hihi! Chellyyy!" si Millie lang pala tong nangyakap. "I missed you!" 


"Uhh Millie.." di ko sya masagot nang maayos! Natatawang nahihiya ako eh! Nakaharang ba naman kasi kami sa gitna ng gate.. >___< 


"Sana classmates pa rin tayo noh, Chelly?! Dame kong gusto ichika sayo eh!" bumitaw na sya ng yakap sakin at hinawakan na lang ang kamay ko. "Tignan na natin yung section list!" 


Tumango lang ako then hinatak na nya ko papasok ng school. 


Millie talaga.. Napaka-agresibong babae.. ^___^' 


She's actually very opposite of me. Passive kasi akong tao. Tahimik lang ako for most of the time samantalang itong si Millie, hindi. She's very outspoken and outgoing. 


Magkaiba nga kami ng personalities pero nagkakasundo naman kami sa napakaraming bagay. Kaya nga from seatmates, naging magbestfriend kami. 


"Amp! Ang dame namang tao!" reklamo ni Millie nang marating na namin yung bulletin board kung saan naka-post ang section lists ng mga junior students. Incoming 3rd years na kami eh. 


Binitawan na ni Millie ang kamay ko at nag-tiptoe sya para masilip yung bulletin board. Pero kaka-tiptoe at usog nya, may nabangga syang lalaki sa kaliwa nya. 


"ARAY!" sabay na sigaw ni Millie at nung lalaki tapos nagtitigan sila-- NANG MASAMA. 


Gulp.. Nangangamoy away na naman.. O___O 


"Kung maka-aray ka naman! Masakit ba masyado pagkakabangga ko sayo ah? Nagasgasan ka ba? Nagkapasa? Nagkadugo?" sigaw ulit ni Millie dun sa lalaking nakabanggaan nya who happens to be LEVI-- si Levi na matagal na nyang..uhm..kabangayan? 


"WOW! Kung makasita ka parang di ka umaray ah!" sigaw rin ni Levi sakanya. 


"Umaray ako kasi nasaktan talaga ko! Eh ikaw?!" 


"Malamang nasaktan din ako! Di lang askal tulad mo ang nasasaktan sa mundo noh!" 


"Hoy ikaw pusandi ka, naliligaw ka na nga lang ng listahang tinitignan eh ganyan ka pa umasta! Bakit ka ba nandito sa listahan ng Section 1 ah? Eh nandun yung listahan ng sa SECTION 5 oh! Kaya dun ka na! Shoo! SHOOOO!" 


Haaay. Ang sweet nila mag-away noh? May endearment pa sila sa isa't isa-- ASKAL at PUSANDI. Askal ang tawag ni Levi kay Millie kasi para raw asong kalye si Millie. Pusandi naman ang tawag ni Millie kay Levi kasi para raw pusang laging naglalandi si Levi. 


Bagay naman sakanila ang tawagan nila. Parang naman kasi talaga silang aso't pusa kung mag-away. .___. 


"HAHAHAHA" tinawanan lang ni Levi ang huling sinabi ni Millie. "Para sa kaalaman ng maliit mong utak, wala sa list ng Section 5 ang pangalan ko. Wala rin sa 4, 3 at 2. So saan pa ba ko mapupunta ah?" 


"HAHAHAHA" sarkastiko namang ginaya ni Millie ang pagtawa ni Levi. "So asa ka namang mapapadpad ka sa Section 1? Sa corrupted mong utak na yan? Pft. Patawa ka huh!" 


"WAAAAA~" biglang nagsigawan yung mga estudyanteng nagkukumpulan sa may bulletin board kaya napahinto sa pagbabangayan yung dalawa. 


"ASAN NA YUNG LIST?!" sigaw ng isang estudyante. 


"BAKIT BIGLANG NAWALA?!" 


"BAKA KAKASIKSIKAN NYO, NATANGGAL!" 


Hala.. Nawawala yung students list ng 3rd years, Section 1? O___O 


"Naman oh.. Hoy askal, kumuha ka nga ng copy nun!" utos ni Levi kay Millie. 


"Heh! Ikaw na lang! Di ko naman kailangan nun noh 'cause for sure, Section 1 pa rin ako!" sagot ni Millie sakanya. 


"Ako na lang ang kukuha." bigla kong singit sa pagtatalo nila. 


Naisip ko rin kasi, kailangan yun ng mga students na di pa nila alam ang section nila. Tulad ko. 


"Haaay Chelly." hinarap ako ni Levi at pinat ang ulo ko. "Ang bait-bait mo talaga." 


"Wag mo nga syang hawakan!" tinapik ni Millie ang kamay ni Levi paalis sa ulo ko. "Mamaya kung saan na mapunta yang kamay mo eh! Tsss. Tara Chelly, sasamahan na kita." 


Aalis na sana kami ni Millie pero natigilan kami dahil sa isang lalaki na bigla at nakasimangot na lumabas mula dun sa kumpulan ng mga estudyante. 


Ang lalaking yun... 


*budumbudum 


"Oh Adrian!" sinalubong sya ni Levi. "Ano namang ginagawa mo dun ah?!" 


"Wala lang. Masarap lang makipagsiksikan dun. Daming babae eh." sagot nung lalaki na Adrian nga ang pangalan. 


Adrian.. bestfriend sya ni Levi at parehas silang taga-Section 5 since 1st year. 


"Daya mo! Sana sinabihan mo ko kanina!" - Levi 


"Nakuu. Sarap nila pag-umpugin. Parehas malandi." nanggigigil na sabi ni Millie. 


Napangiti lang ako. Mukha mang naiinis si Millie kay Adrian, mas nagkakasundo naman sila kung kay Levi lang. 


Ang totoo nga, matagal nang magkakaibigan ang tatlong yan. Err..magkakaibigan nga ba? Basta, since prep eh magkakakilala na sila. Ako naman eh nitong high school lang lumipat dito sa Bulacan so di ko pa ganun kakilala at kaclose yung dalawang lalaki, lalo na si... 


*budumbudumbudumbudum 


Mas bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. 


Si Adrian kasi, biglang tumingin sakin. 


Tsk. Lagi na lang kaming ganito. At pag nagkakatinginan kami, lagi ko nararamdaman ang weird at nakaka-ilang na pakiramdam na toh. Kada tingin nya kasi sakin, parang may sinasabi sya pero di ko naman alam kung ano. 


"Nga pala, may ipapakita ko sainyo." inalis na ni Adrian ang tingin nya sakin at may kinuha sya mula sa bulsa ng pants nya. 


Isang nakatiklop na papel yun na niladlad nya sa tapat namin. 


Klaris Academy.. 


3rd year - Section 1 Students List.. 


WAIT.. Nasa kanya pala yan? So sya ang kumuha nyan dun sa bulletin board?! 


"ADRIAN?! BAKIT MO YAN KINUHA AH?!" sita sakanya ni Millie. 


"Akala ko ba nandun ka lang para makipagsiksikan sa mga babae?!" sita rin sakanya ni Levi. 


"Tsk. Basahin nyo na muna tong list." may tinuro sya sa names ng mga boys. 


'12. Guillermo, Adrian Louis' 


WAH! Sya yun ah?! 


Ang galing naman.. From SECTION 5, naging SECTION 1 sya.. *o* 


"YES! YESSS! AKO RIN OH!" tumalon-talon si Levi habang tinuturo yung '25. Sy, Levi' dun sa list. "NAG-SECTION 1 RIN AKO! WOOO! ANG GALING NATIN ADRIAN!" 


Nag-apir sila ni Adrian. Si Millie naman, natulala na dun sa list. 


"Imposible yan.." umiling si Millie. "Si Adrian, pwede pa mag-section 1 kasi matalino talaga sya! Nasa section 5 nga lang sya para samahan ang bobong pusanding bestfriend nya eh! Pero..si Levi..nag-section 1 din eh..napaka-imposible talaga.." 


"Ano yun, askal? May reklamo ka?" masaya syang inakbayan ni Levi. "Para sa kaalaman ulit ng maliit mong utak, nag-aral ako nang malupet last school year kaya--" 


"DI KO TINATANONG!" tinulak ni Miillie palayo si Levi. "AT LUMAYO KA NGA SAKIN!" 


Nag-aaway na naman po sila. =o= 


Habang busy sila mag-away, binalikan ko ng tingin yung list na hawak pa rin ni Adrian. Nandito kaya ko? 


Una kong nakita yung name ni Millie. At nang malapit na sa 'Q' ang tingin ko, may biglang tinuro banda dun si Adrian. 


'20. Quintos, Rachellyn' 


Pangalan ko yun ah! 


Ibig sabihin, alam nya ang pangalan ko? 


Napatingin ako kay Adrian. Nakangiti lang sya sakin. 


*budumbudumbudumbudum 


Ano ba.. Ito na naman yung weird na feeling.. 


Nakaka-ilang talaga ang mga tingin nya maging ang presence nya. Kaya madalas, iniiwasan ko sya eh. Di ko rin kasi gusto tong nararamdaman ko sakanya..itong parang koneksyon na meron kami kahit ba di kami nag-uusap.. 


*RIIIIIING 


Ayun. Tumunog na ang schoolbell! At nagawa ko nang alisin ang tingin ko sakanya. 


"ADRIAN! NANDYAN KA LANG PALA!" may schoolmate kaming babae na biglang yumakap sa braso ni Adrian. Ah, yan pala ang current girlfriend nya. 


Current kasi paiba-iba sya ng karelasyon. Well, PLAYBOY si Adrian eh. Palibhasa, may itsura sya kaya maraming babae ang di nagdadalawang isip na pumatol sakanya. 


"Di ko mahanap name ko sa mga list!" maarteng reklamo nung babae. "Ikaw ba nahanap mo na yung sayo?" 


"Syempre. Ako pa. Section 1 ako. Pati ikaw." sagot ni Adrian. 


"Talaga?! Section 1 ka na rin?! Magiging magkaklase na tayo?!" 


"Oo nga. Toh oh, tignan mo." binigay sakanya ni Adrian yung list. 


Natuwa naman nang sobra yung babae nang makita na nya ang name nilang dalawa. Tss. 


After nun, binigay na nung babae yung list dun sa nagkakagulong mga estudyante na di pa mahanap ang name nila. Then.. sabay na silang umalis ni Adrian.. 


Pinanood ko silang lumayo. At nakakainis lang.. 


HUH? ANO? 


Bakit ba ko biglang nainis? 


Aish! Shinake ko ang ulo ko dahil sa biglaang pagkalito ko. 


"Chelly! Halika na!" badtrip na humawak sa braso ko si Millie. 


Tsaka ko lang napansin si Levi na tumatawa. Siguro napikon na naman nya itong si Millie. 


Buti na lang nawala agad ang pagkabadtrip ni Millie nang malaman nyang mag-classmates pa rin kami. 


Sabay kaming pumunta sa klase namin. Marami nang estudyante dun, including Adrian and his girlfriend. Magkatabi silang dalawa sa gitna ng row 1. At aba.. pinapaypayan pa nung babae si Adrian. 


"Dun tayo Chelly!" hinatak ako ulit ni Millie papunta sa row 5. Sa may tabi ng bintana ako umupo and syempre, seatmates pa rin kami ni Millie. 


Maya-maya ay dumating na ang adviser namin. Si Sir Arnold Santos. Nasa early 30s ang edad nya at naging teacher na namin sya last year sa AP. 


Dahil kilala na nya kami, di na nya kami pinag-introduce. Kahit sina Adrian at Levi, hindi na. Notorious kasi ang dalawang yun sa mga teachers. Bukod sa parehas silang matinik sa babae eh parehas din silang pasaway. 


Tulad ngayon..ang ingay nilang dalawa at parang barkada lang kung kausapin nila si Sir Arnold. 


"AY! TANTANAN NYO KO, MR. SY AT MR. GUILLERMO!" suway ni Sir Arnold dun sa dalawa na tawa pa rin nang tawa. "Class! Mag-election na lang tayo para sa class officers!" 


Walang ganang sumang-ayon ang buong klase. Ayaw na ayaw nila nito kasi ayaw nila ng responsibilidad. Madalas rin kasi na maraming pinapagawa sa officers.


Nung inopen na ni Sir Arnold ang table para sa nomination ng class president, nanahimik ang buong klase. Walang nagnonominate, hanggang sa.. 


"SIR!" biglang nagtaas ng kamay si Millie. "I NOMINATE RACHELLYN QUINTOS FOR PRESIDENT!" 


ANOHH?! O___O 


"Okay. Ms. Quintos nominated as president. Meron pa ba kayong gusto inominate?" - Sir Arnold 


"Hihi. Go Chelly~" bulong nya sakin. "Kaya mo yan! Last year nga, vice ka lang pero mas marami kang ginawa kaysa dun sa president natin! Now it's your turn to be our president!" 


Totoo yun pero..ayoko nang maging officer eh.. T3T 


"Haaay." napahilot ng ulo si Sir Arnold. "As always, ganito kayo pag class elections. Kaya sige. Ms. Quintos, ikaw na ang class president!" 


HALAAA! >3< 


Nagpalakpakan ang buong klase. Lalo na si Millie, tuwang-tuwa. 


"Ms. President, dito ka! Ikaw na ang magtuloy nitong class election natin!" umalis na sa harap ng klase si Sir Arnold. 


Ayoko sanang humarap sa maraming tao, lalo na sa klase na toh pero..haaay.. Ayoko namang mag-inarte.. So ito, pinalitan ko na si Sir Arnold sa pwesto nya.. 


"Classmates.." sinubukan kong lakasan ang boses ko. "Uhm.. The table is now open for the nomination of our vice president.. So.. Anyone?" 


5 seconds.. 


10 seconds.. 


30 seconds.. 


Magwa-1 minute na pero wala pa ring nagrerespond sakanila! >___< 


Section 1 ba talaga ang klase na toh?! 


Ah, ayun! May nagtaas ng kamay! 


*budumbudumbudumbudumbudum 


Si Adrian pala yun.. 


"Uhh.. yes? Mr.." napalunok ako. Kilala ko sya pero di ko mabanggit ang pangalan nya. >___< 


And come to think of it, ito ang magiging first conversation namin, ever.. 


"Guillermo po." ehhh~ Nag-po si Adrian sakin.. T3T 


"Uhh okay.. Mr. Guillermo.. Sino inonominate mo?" 


Ngumiti sya. "I nominate... MYSELF." 


O___________O 


Gaya ko, gulat na napatingin sakanya ang buong klase pati si Sir Arnold. 


"Oh bakit? Bawal ba yung ginawa ko?" pagtataka ni Adrian sa reaksyon namin. 


"Hindi yata. Pero para ka lang baliw, pre." sagot ni Levi. 


Tumawa lang si Adrian tapos tumingin sya sakin. 


Agad ko namang iniwas ang tingin ko sakanya at tinignan ko ang adviser namin. 


Sinenyasan ako ni Sir Arnold ng 'okay'. Siguro ang ibig nyang sabihin ay okay lang ang ginawa ni Adrian at ituloy ko lang toh so.. hinarap ko na ulit ang klase. 


"Uhm.. Mr. Guillermo nominated himself as vice president.. Meron pa bang iba na gusto magnominate?" 


Wala na namang sumasagot. Pero umingay na sila. Mga nagbubulungan yata dahil sa ginawa ni Adrian. 


"Oh, wala nang magnonominate ah." tumayo na si Adrian at hinarap sila. "Ako na ang vice president." 


Lalong umingay ang klase. May tumatawa at may pumapalakpak. Mga adik lang. 


"Quiet na classmates!" sigaw ni Adrian at naglakad na sya..palapit sakin! "Tapusin na natin ang elections na toh bago kayo mag-ingay!" 


Habang papalapit sya nang papalapit sakin, papalakas din nang papalakas ang tibok ng puso ko. Gusto ko sanang umiwas pero..paano? 


Naestatwa na ko dito nang huminto sya sa tabi ko. 


Weird.. Sobrang weird sa feeling nang ganito..yung katabi ko sya.. 


"Tuloy mo na yung nominations." mahina at nakangiti nyang sabi. 


Tumango ako at pinagpatuloy na ang kanina ko pang ginagawa kahit ilang na ilang talaga ko kasi nag-stay lang si Adrian sa tabi ko. Nagbaback-up din sya sa pagsigaw pag umiingay na sobra ang klase. 


Almost an hour passed, nakaraos din ang elections kahit wala talagang nagnonominate-- except kina Levi at Millie na ginaya si Adrian. Ninominate din kasi nila ang mga sarili nila as our secretary. But in the end, ginawa silang Sgt. at Arms ni Sir Arnold. Yung ibang positions naman, si Adrian na ang nagnominate para pagbotohan ng klase. 


And after all of that, balik na kaming dalawa sa kanya-kanya naming upuan. Ako sa tabi ni Millie at sya, dun sa tabi ng girlfriend nya. 


Hinihintay namin ang next teacher namin kaya ito, daldalan ang buong klase. Pati itong si Millie, may kinukwento sakin pero di ko sya maintindihan. 


Yung tingin at isip ko kasi, nandun kay Adrian at sa girlfriend nya.. 


Ang saya nila magkwentuhan.. Nagtatawanan silang dalawa.. 


At nakakainis talaga.. 


Pero ano nga bang dapat kong ikainis sakanila?! 


Ayoko na. Dapat di ko na lang sila papansinin so pinilit ko nalang na ifocus ang isip ko sa kinukwento ni Millie, then sa mga new teachers namin sa mga sumunod na subject. 


AND ON OUR LUNCHBREAK.. 


"WAAAA~ Chelly! Ayoko dun sa MAPEH teacher natin! Terror!" ToT - Millie 


"Ganun talaga.. Pag may mabait, may terror din.." sagot ko sakanya. 


"Amp." T3T 


"Millie.. Ikain na lang natin yan." ilalabas ko na sana ang baon kong sandwich nang.. 


"PRESIDENT AT VICE PRESIDENT! PINAPATAWAG KAYO NI SIR ARNOLD SA FACULTY!" sigaw ng classmate naming nasa pintuan. 


Nagkatinginan naman kami ulit ni Adrian na nakaupo pa rin sa seat nya. 


"Ay.. Paano na tayo maglalunch nyan?" - Millie 


"Mauna ka nang kumain dito.. Ba.." napahinto ako sa pagsasalita dahil sa nakita ko. 


Si Adrian, parang malambing na nagpaalam dun sa girlfriend nyang mukhang nagtatampo. And again, nakaka.. ahh wala-wala! Binalik ko na ang atensyon ko kay Millie. 


"Basta mauna ka nang kumain, Millie. Babalik din ako agad." sabi ko na kay Millie. 


"Okaay.." 


Binalikan ko ng tingin si Adrian. Pero ayun sya, nauna nang lumabas.. 


Di man lang nya ko hinintay eh noh.. Tss.. Ay. Okay lang naman yun.. Di nga pala kasi kami close.. 


Napasigh muna ko bago ko iniwan si Millie at lumabas ng room. 


Pero laking gulat ko naman nang maabutan ko si Adrian na nakasandal sa tabi nung pintuan sa labas. 


At nang lingunan nya ko, tumayo sya nang maayos at nginitian ako. 


Ang tingin nyang yan..ang ngiti nyang yan.. Iba ang dating sakin.. Yung puso ko tuloy... 


*BUDUMBUDUMBUDUMBUDUM 


"Lika na sa faculty room?" yaya nya na ikinagulat ko at.. mas ikinawala pa nitong puso ko. 




xxxxxx TBC~

*YAAAAWN~* HONGHOBOOO NG 1ST CHAP~ boriiing =O= 

ask ko lang din pala para sa readers nito at ng xnut.. Okay lang ba na pagsabayin ko yun at ito? Di ba sya nakakalito kasi magkaiba ang timeset nila? Iniisip ko kc na hindi since magkaiba naman ang charas.. I mean, Ate Hazel won't be here that much. Pati ang AdriChelle, wala rin masyado sa xnut. Pero KUNG meron at marami-rami ang nalilito, hmm..ewan. Baka ionhold ko muna itetch? 

Ayun.. THANKS MUCH SA NAGREAD~ ^^v

Continue Reading

You'll Also Like

212K 13.7K 68
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
114K 8.6K 76
And so? An epistolary.
8.2K 507 84
Wataro's always running towards Dudang everytime she's in trouble. Dudang likes to create mess from time to time at bilang nakakatandang kapatid nito...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...