CTBC: Carrying The Billionair...

By Summer_Alli

3.4M 77.3K 4.4K

Siya si Precious Gem San Isidro. Napakagandang pangalan ngunit kabaliktaran ng salitang "precious", itinuturi... More

DISCLAIMER
SYNOPSIS
CTBC: Prologo
CTBC: Kabanata 1
CTBC: Kabanata 2
CTBC: Kabanata 3
CTBC: Kabanata 4
CTBC: Kabanata 5
CTBC: Kabanata 6
CTBC: Kabanata 7
CTBC: Kabanata 8
CTBC: Kabanata 9
CTBC: Kabanata 10
CTBC: Kabanata 11
CTBC: Kabanata 12
CTBC: Kabanata 13
CTBC: Kabanata 14
CTBC: Kabanata 15
CTBC: Kabanata 16
CTBC: Kabanata 17
CTBC: Kabanata 18
CTBC: Kabanata 19
CTBC: Kabanata 20
CTBC: Kabanata 21
CTBC: Kabanata 23
CTBC: Kabanata 24
CTBC: Kabanata 25
CTBC: Kabanata 26
CTBC: Kabanata 27
CTBC: Kabanata 28
CTBC: Kabanata 29
CTBC: Kabanata 30
CTBC: Kabanata 31
CTBC: Kabanata 32
CTBC: Kabanata 33
CTBC: Kabanata 34
CTBC: Kabanata 35
CTBC: Kabanata 36
CTBC: Kabanata 37
CTBC: Kabanata 38
CTBC: Kabanata 39
CTBC: Kabanata 40
CTBC: Kabanata 41
CTBC: Kabanata 42
CTBC: Kabanata 43
CTBC: Kabanata 44
CTBC: Huling Kabanata
CTBC: Epilogo
PASASALAMAT!

CTBC: Kabanata 22

65.5K 1.4K 42
By Summer_Alli


Ylecander Dior

Fuck!

Sunod-sunod ang ginawa kong pagpalo sa manibela ng aking sasakyan pagkatapos kong mapagtanto ang ginawa ko kay miss San Isidro. Iniwan ko ito sa labas ng bahay ni dad dahil sa inis na naramdaman ko para dito.

"You are idiot. Why are you so emotional like her? Damn!" Inis na tanong ko sa aking sarili bago mabilis na nag-u turn dahilan ng sunod-sunod na busina ng mga sasakyan. Well, I don't care. Tsk!

Nang makarating ako sa bahay ni dad ay agad akong bumaba sa aking kotse. Mabilis akong pumasok sa gate para lang matigilan sa aking naabutan. Nakatikod sa akin ang kapatid kong si AD na ngayon ay malumanay na hinahagod ang likod ni miss San Isidro. Agad na umahon ang inis sa aking dibdib. What they are doing?

"Eat slowly, miss strawberry. I'm not going to steal your foods. Tss!" Natatawa na wika pa ng kapatid ko habang patuloy na hinahagod ang likod ni miss San Isidro na ngayon ay halos mabulunan dahil punong-puno ng pagkain ang bibig nito. Agad itong inabutan ng tubig ni AD.

Napakusot ako sa aking ilong no'ng maamoy ko ang kinakain ng mga ito, honey garlic shrimp. Tsk! "Drink this water, miss strawberry" Narinig ko pang wika ng kapatid ko na inalalayan pa sa pag-inom si miss San Isidro. "I can cook this dish for you if you want, Precious" Dagdag pa nito. Sarkastikong napangiti nalang ako.

"Talaga?" Sabik na tanong naman ni miss San Isidro na nagpamaang sa akin. Is she serious?

"Oo naman basta ikaw" sagot naman ng kapatid ko. What the?

"Too sweet. Tsk!" Hindi na nakatiis na singit ko sa pag-uusap ng mga ito. Agad na napalingon ang dalawa sa akin.

"What brought you back here, kuya?" Tanong sa akin ni AD habang nakakunot ang noo.

"I left my property" sagot ko dito na nagpamaang dito. "Let's go home" Baling ko kay miss San Isidro na bahagya pa yatang nagulat dahil bigla itong napatingin sa akin mula sa pagkakatingin nito sa kamay ko. Marahil ay tinitingnan nito ang sugat sa aking kamay at naroon pa rin kasi ang mantsa ng dugo.

"Let's go" Ulit ko bago hinigit ang braso ni miss San Isidro.

"See you tomorrow, miss strawberry. I'll make honey garlic shrimp for you" Habol pa ng kapatid ko no'ng makabawi ito.

"Sige. D-damihan mo huh?" Masaya namang sagot ni miss San Isidro na nagawa pang lumingon sa kapatid ko para kumaway. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkindat ng kapatid ko dito. What the fuck?

"Tsk!" Asik ko bago pinihit ang ulo ni miss San Isidro paharap para dumiretso ito ng tingin sa daan. Pinigilan ko rin ang kamay nito mula sa pagkaway sa kapatid ko.

Precious Gem

Inihulog ko ang shoulder bag na dala ko para lang kunin ang atensiyon ni Dior na ngayon ay walang imik na nagmamaneho. Napabuntong-hininga nalang ako no'ng mabigo akong kunin ang atensiyon nito. Hindi ko rin alam kung bakit sa likod ako nito ng sasakyan pinaupo.

"Galit ba sa akin ang dad mo, anak?" Pagkausap ko nalang sa tiyan ko. Hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil nakikita ko na ngayon ang umbok ng aking tiyan. Natutuwa ako dahil alam kung ilang buwan mula ngayon ay darating na ang anghel na makakasama ko.

Napatingin ako sa gawi ni Dior. Pinagmasdan ko ang bulto nito at ang pagkakahulma ng mukha nito partikular ang ilong nito na nakakainggit sa pagiging matangos. "Ang gwapo ng tatay mo, anak. Sino kaya ang magiging kamukha mo?" Tanong ko sa aking sarili na hindi mapigilan ang mapangiti.

Hindi ako makapaniwala na isang katulad ni Ylecander Dior Montemayor ang makakabuntis sa akin. Kung iisipin ay parang napakaimposible na makakilala ang isang pobre na katulad ko ng isang bilyonaryo. Napabuntong-hininga ako sa katotohanan na malayo ang agwat namin ng lalaking tinititigan ko ngayon. Bakit ko nga ba siya tinititigan?

Nasamid ako no'ng mapagtanto ko na masyado kong tinititigan si Dior. Bumilis pa bigla ang tibok ng puso ko no'ng lumingon ito sa akin. Kumunot ang noo nito no'ng mahuli ako nitong nakatingin. "What's wrong?" Walang ideya na tanong nito.

"Gusto ko 'yang ilong mo" wala sa sarili na sagot ko naman dito.

"Huh?"

Napatakip ang kamay ko sa aking bibig no'ng mapagtanto ko ang naging sagot ko. "W-wala" sagot ko bago nag-iwas ng tingin at umayos ng upo. Isinandal ko nalang din ang ulo ko sa upuan.

"Tsk!" Narinig ko namang asik nito. Hindi ko nalang ito pinansin dahil nagsisimula na akong makaramdam ng antok.

Nagising ako no'ng maramdaman ko na parang lumulutang ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala talaga ako. Inilibot ko ang paningin ko at napakunot-noo ako no'ng makita ko ang mga lalaking nakasuot ng mga itim. "We are here" Pukaw sa akin ng isang boses. Noon ko lang napagtanto na buhat-buhat pala ako ni Dior at ngayon ay ibinababa na ako nito sa sofa.

Inilibot kong muli ang aking paningin. Noong makita ko ang mga pamilyar na imahe at mga display sa bahay ni Dior ay nakumpirma ko na nakauwi na nga kami. "N-nandito na nga tayo. B-bakit ang bilis? Kakatulog ko lang e" Hindi makapaniwala na tanong ko dito.

Napakunot-noo ako no'ng marinig ko ang mahina at sarkastikong pagtawa ni Dior. "What? Are you serious? You are sleeping in my car a whole ride, and that is approximately 30 minutes, woman" wika nito kaya naman napamaang nalang ako.

Nagkatitigan kami nito pagkatapos. Napalunok-laway ako gano'n din ito. Nag-iwas ako bigla dito ng tingin dahil pakiramdam ko ay namumula na ang mga pisngi ko. Narinig ko naman ang mahina nitong pagtikhim na para bang nag-aalis ito ng bara sa lalamunan. "Brush your teeth" wika nito bigla kaya naman napaangat ako ng tingin dito.

"Huh? B-bakit?" Naguguluhan na tanong ko dito.

"Anong bakit? Are you not brushing your teeth?" Nakakunot naman ang noo na tanong nito. Bigla naman akong nahiya sa naging tanong ko dahil nagmukha akong hindi naglilinis ng ngipin. "Brush your teeth because I don't like the smell of garlic from your mouth. Tsk!" Dagdag nito na napakamot pa sa ilong nito na ngayon ay namumula. Tumitig lang ito sandali sa akin bago naglakad papuntang hagdaanan.

Sinundan ko ito ng tingin. Hinubad nito ang coat at inisa-isang alisin ang pagkakabutones ng suot na long sleeves habang naglalakad paakyat. Napatingin ako bigla sa kamay nito na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalilinisan. Napabuntong-hininga ako.

No'ng hindi ko na matanaw si Dior ay agad rin akong pumunta sa aking kwarto para gawin ang utos nito, ang magsipilyo. Naglinis na rin ako ng aking katawan at nagbihis. Napatingin ako sa ibabaw ng kama pagkatapos kung saan naroon ang first aid kit na inihanda ko.

"Bahala na. Kayo na po bahala sa akin, Lord" wika ko sa aking sarili bago nagpakawala ng isang malalim na hininga para kumuha ng lakas ng loob.

Mabilis kong kinuha ang first aid kit para lumabas ng aking kwarto at pumunta sa kwarto ni Dior bago pa ako muling mawalan ng lakas ng loob. Nang makarating naman ako sa tapat ng kwarto nito ay hindi ko pa rin naiwasan ang makaramdam ng kaba.

"Kaya mo 'yan" wika ko pa sa aking sarili na pumikit pa muna at huminga ng malalim para kumalma. Kumatok ako sa kwarto ni Dior pagkatapos.

Napakunot-noo ako no'ng sa pagkatok ko ay wala akong anumang ingay na narinig mula sa loob. Sinubukan ko ulit kumatok at no'ng wala akong makuhang reaksiyon ay hinawakan ko na ang seradura ng pinto. Lalo akong nakapakunot-noo dahil hindi iyon nakalock.

Huminga pa ulit ako ng malalim bago dahan-dahang pumasok sa loob. Agad na natuon ang pansin ko sa nakahigang si Dior sa kama. Mahimbing na itong natutulog.  Naramdaman ko pa ang pag-iinit ng aking pisngi dahil wala itong suot na pang-itaas. Nakalantad ngayon sa paningin ko ang matipuno nitong katawan.

"Ilayo niyo po ako sa tukso, Lord" wala sa sarili na usal ko bago lumapit sa kinaroroonan ni Dior.

Pigil ang hininga na dahan-dahan kong inabot ang kamay na may sugat ni Dior at sinimulan iyong linisin. Lihim akong nagpapasalamat dahil hindi ko ito nagigising. Hindi ko napigilan ang pagngiti no'ng mapatingin ako sa mukha nito na ngayon ay payapang natutulog. Muka itong maamong tupa. Tsk!

"Bakit ba parang naaadik ako sa mukha ng lalaking ito?" Naguguluhan na tanong ko sa sarili.

Nang matapos ako sa ginagawa ay nagsimula na akong tumayo para lumabas na ng kwarto nito. Hindi pa man ako nakakahakbang no'ng mapatigil ako dahil narinig ko ang boses ni Dior.

"M-mom, h-huwag po please. D-don't leave me please" Narinig kong paulit-ulit nitong sinasabi kaya naman napalingon ako dito.

Napakunot-noo ako no'ng makita ko na tulog pa rin ito. Nananaginip ba ito? "M-mom----- I-I'm sorry. I-I'm sorry. S-stay please" Muling wika nito habang nakapikit pa rin at nakalahad ang isang kamay na para bang pilit inaabot ang isang bagay. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang butil ng luha na kumawala sa mga mata nito.

Naguguluhan na lumapit ako dito at inabot ang kamay nito. "Dior?" Usal ko sa pangalan nito. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak nito sa kamay ko na para bang takot itong mabitawan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Aalisin ko na sana ang pagkakahawak nito sa kamay ko no'ng manlaki naman ang mata ko dahil bigla nalang ako nitong hinigit dahilan para mahulog ako sa tabi nito. "D-don't leave me----- p-please" usal nito sa hirap na tinig. Umusad pa ito palapit sa akin para yakapin ako ng mahigpit at isiksik ang mukha sa aking leeg. Naramdaman ko pa ang paglapat ng labi nito sa leeg ko. Pigil ang naging paghinga ko.


🌞 Thank you for reading! Feedbacks are always highly appreciated ❤❤❤ Keep safe everyone!

Continue Reading

You'll Also Like

916K 29.7K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
199K 5.5K 32
Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at hayaan na sirain s...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
986K 33.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.