Three is better than Two (Boy...

By secretauthor014

89.4K 2.6K 61

Third sex generation? May love story ba talaga para sa mga may ganitong kasarian? Sabi nila, lalaki at babae... More

3rd book
Chapter 1: Truth or Dare
Chapter 2: Dead or Alive
Chapter 3: I Have An Idea
Chapter 4: Naughty Alex
Chapter 5: Angriness Turns Guilty
Chapter 6: Guys, Si Tiffer
Chapter 7: No Choice
Chapter 8: Puyat
Chapter 9: Rainy day for Tiffer
Chapter 10: Crazy Brixton
Chapter 11: This is it, Pansit!!!
Chapter 11: This is it, Pansit!!!
Chapter 12: Ferdy the Great
Chapter 13: Whatttttt!!!!!!
Chapter 14: Surprise
Chapter 15: It's complicated
Chapter 16: Gagong Kent
Chapter 17: Crazy Brixton Part 2 and Tiffer Too.
Chapter 18: Chapter 18
Chapter 19: Meeting Parent
Chapter 20: From the Book
Chapter 21: Trap
Chapter 22: Not used to be
Chapter 24: Ang Desisyon
Chapter 25: Three is Better than Two (Part 1)
Chapter 25: Three is Better than Two (Final)

Chapter 23: Start of Something New

2K 58 0
By secretauthor014

Pasensya na sa matagal na update, medyo mahaba naman ang chapter na ito. Kailangan ko kasing kumuna ng autocad para sa course ko. Hope you enjoy this.

------------------------------------------------------------------------------

Chapter 23: Start of Something New

Brixton's POV

Habang nagkaklase kami, ipinapatawag daw ang mga kalahok na players at pageant para sa gaganapin na foundation sa biyernes. Miyerkules ngayon at last praktis na daw namin ito. Kasali din itong si Alex pero sa poster making naman kaya hindi niya ako masasamahan ngayon.

Okay naman ako sa praktice kung hindi sana kasali si Tiffer. Nababahala na talaga ako kapag nakikita ko siya. Ito namang gf niya, kung makasilbi wagas. Nakakadiri, parang linta. Napasuntok na lamang ako sa pader. Buti na lang gawa sa plywood kaya di ako masyadong nasaktan.

"May problema ka ba Mr. Nicholes?" Tanong ng coordinator sa akin.

"Don't mind me" matipid kong sagot dahil irita ako. Nakatanggap naman ako ng text message at kay Alex ito galing. 'Galingan mo sa last practice babe' txt nito sa akin at nasapo ko tuloy ang noo ko. Lagot ako sa kanya nito kapag nalaman niya na nag-aalburoto ako sa galit dito dahil kay Tiffer. Hay, inaamin ko naman na hindi na talaga ako lalaking lalaki at nagmumukha na akong ewan. Anyway, hindi naman ako kumikilos ng may pilantik. Kaharutan lang sa pag-iisip. Malaking gulo na talaga ito. Mamaya nga makapagpa-checkup na.

Nag-umpisa na ang rehearsal namin. Nag-reply ako kay Alex na galingan din niya sa paghahanda ng iguguhit niya sa poster making. Nakita ko ng humiwalay si linta kay Tiffer. Sa backstage kaming lahat. Puro papansin naman mga babaeng kasali sa pageant. Kung dati siguro matutuwa pa ako dahil madaming magagandang babae dito pero iba na kasi preference ko. Pero, one thing that bother me is...when I look at the other guys. I feel nothing. Even they are cute like the three of us, I still find them gross. Kay Alex at Tiffer lang talaga nababasag ang pagkalalake ko.

Alam ko, ayos na kaming dalawa ni Tiffer. Napansin ko lang na umiiwas ito sa akin at kay Alex after ng nangyari sa amin sa lumang bahay. Kahapon lang kami ulit nagkausap ng ipakilala nga niya sa amin si Maxine. Kwento ni Alex sa akin na siya daw ang babaeng dahilan kung bakit nagpamacho si Tiffer dahil iniwan siya kasi tumaba daw. Kaya nga iritado ako sa kanya. How come he forgive this crazy bitch?

Next ng modeling, we have to showcase our talent. Dahil practice pa lang ito, hindi pa namin gagawin. Kakanta na lang siguro ako, wala akong talent sa pagsayaw eh. After sports wear naman. Ala arrow naman ako para sa portion na ito. Mahilig kasi ako sa archery. Alam ko basketball naman ang kay Tiffer. Di daw pwedeng sport ang swimming dahil sa Q&A. Naka-swimwear kaming lahat. Pakulo ito ng baklang organizer namin. Pumayag naman kaming lahat. Ako? Okay lang sa akin. They are free to see my mouthwatering physique. Tao ako sa gym remember. Even Tiffer. F*ck! Tinigasan ako, naisip ko lang iyon ah. Biglang sumagi naman si Alex na hubad din sa isipan ko. Damn, di ko na kaya. Kailangan kong ilabas ito. Ang sexy lang din kasing naiisip ko about Alex. Susmaryosep, inlab ata talaga ako sa dalawa.

Umalis na lang ako sa praktis namin at ng makapunta ako sa pychiatrist.

"Di pa po tapos ng paktis natin Mr. Nicholes" si organizer ulit.

"I have to do something important than this"

"Ah sige po, you can go" sagot na lang niya. Wala naman siyang magagawa.

Naisipan ko munang daanan si Alex sa room kung saan inipon ang mga kalahok sa poster making contest. Pagdating ko doon, they all looked at me. Kaya ayoko mag-aral dito. They will treat me like a boss. Teachers lang naman ang tinutukoy ko, yung mga estudyante lalo na mga babae at binabae. Humihiyaw naman. They know I like Alex but they still claiming me as their boyfriend even Alex owns me. Well, I'm sure I owned him too. Ako lang ang pwedeng magmay-ari sa kanya.

Di ko napansin na nasa harapan ko na pala si Alex. Dami ko lang naiisip ngayon.

"Bakit ka nagpunta dito?" Tanong niya.

"Na-miss kita, masama ba?" Hiyawan naman ng mga nakikinig sa amin.

"Magtigil ka nga, ano talaga sadya mo dito at may pacheezy ka pang nalalaman diyan". Tapos sinuntok niya ng bahagya ang braso ko.

"Sige na nga. Sasabihin ko lang na hindi kita masasamahang mag-impake mamaya. May kailangan lang ako daanan pero after, I will grab you for sure" paliwanag ko dito.

"Yun lang pala. Sige na at magpa-praktis pa ako"

"Pa-kiss muna bago ako umalis"

"Ay, ang daming tao dito oh"

"Sige maya na lang" saka na ako umalis.

Nakilala kong pychiatrist ay sa ospital lang kung saan naka-confine ang papa ko. Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumunta na ako.

____________

"Napakakomplikado ng pinasok mo Mr. Nicholes" alam kong ito ang sasabihin niya after kong ikwento sa kanya ang nararamdaman ko para sa dalawang lalake. Pero, kailangan may masabi siyang magandang bagay to make my mind function back to its right system. "Best thing you need to do now is talk to them both. Yung ganyang relasyon sa mundo natin is complicated. Wala namang masama kung subukan mo muna silang dalawa. Hindi ko sinasabing mahalin mo sila pareho. Talk to them and tell them that you need to confirm something to the both of them" pagpapatuloy niya.

Kaya ko bang gawin ang sinabi ng doktor na ito? Parang pinagulo pa niya lalo ang isip ko. Paano ko ipapaliwanag kay Alex na maaring gusto ko din si Tiffer at para kay Tiffer naman, anong sasabihin ko na nagkakagusto na din ako sa kanya. Haiyssst, sana hindi na lamang ako umuwi ng states. Di pa sana nagulo ang buhay ko. Pero, masaya ako ngayon dahil minamahal ko si Alex ngayon. Nagugulo lang dahil I want to do bad things to Tiffer same as to Alex.

"This can't be doc, nakakabaliw isipin na magagalit ang isa sa kanila"

"Mas maganda na kausapin mo sila. Ang gawin mo, invite them both in some place na kayong tatlo lang magkakasama then grab the opportunity to tell what you feel for them"

"I think that's a good idea"

"It's a good idea Mr. Nicholes but remember. If you do that. One of them will or both will get dissapointed" sabi ni doc.

"Then, hindi maganda ang kausapin ko sila ng sabay"

"Sinabi ko iyon para hindi sila masaktan ng sobra sa gagawin mo, lalo na kay Alex na boyfriend mo na ngayon. Tiffer on the other hand, a straight guy who is best friend of your boyfriend and has a girlfriend will felt sad for your condition after you confess to them"

"Whatever doc, I will try what you just said to me. I will get crazy if I hide it to them for long"

"Well. Let me know how they'd react and I can help you whatever the result is"

"That's for sure doc" hindi naman masama ang payo ni doc sa akin kaya't nagpaalam na ako. Naisip kong daanan ang dad ko since andito na ako sa ospital kung nasaan siya. May bahay bakasyunan kami sa tagaytay at ipapaalam ko kung pwede akong pumunta doon kasama si Alex and Tiffer. I'm sure naman na papayagan niya ako. Hindi ko lang alam kung paano ko ma-iinvite si Tiffer na siya lang. Pangalawa, mapapayag ko kaya sina Ferdy at iba pa na hindi muna sila kasali. Hay buhay. Kailangan kong gawin ito para maging payapa ng ang utak at puso ko.

Tiffer POV
Pagkaalis ni Brixton sa practice namin para sa foundation, nagpaalam na din ako. Naasiwa na kasi ako kay Maxine. Para siyang linta na dikit ng dikit sa akin, daig pa niya mama ko eh.

"Alis na po ako" paalam ko sa organizer ng event na ito.

"Alis na ba tayo babe? Di pa kayo tapos sa practice niyo ah"

"Kailangan ko ng umuwi" sagot ko sa kanya.

"Ganun ba, sige. Let's go babe"

"Sorry Maxine, may kailangan pa kasi akong gawin kaya di na kita maiihahatid sa inyo" hindi ko na inantay pa ang sagot niya at kinuha ko na ang bag ko at naglakad na ako papuntang parking lot. Nangangati na ako hindi dahil sa kakapraktis, si Maxine ang dahilan at puro pa-sweet kasi siya ngayon. Di magtatagal at sasabihin ko na mag-break na kaming dalawa.

Pagdating ko sa apartment. Nadatnan ko si Alex na nag-iimpake na ng kanyang mga gamit.

"Bakit mo iniimpake mga gamit mo Alex?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Andiyan ka na pala Tiffer. Si Brixton kase, inalok ako na dun na sa kanila tumuloy" sagot nito.

"Biglaan ata?"

"Hindi naman. Naisip ko din kasi na nagkabalikan na kayo ni Maxine kaya di maganda pa na tumira ako dito kasama mo"

"Okay naman iyon sa kanya Alex. Saka din ka naman babae para umiwas sa akin di ba"

"Tiffer, kailangan ng magkarelasyon ang privacy kaya mabuti na kay Brixton na ako tumira"

"Ayoko. I mean...kung si Maxine lang ang inaalala mo. Makikipagbreak na ako sa kanya. Kaya huwag ka ng umalis please" pagmamaakaawa ko kay Alex. Parang nangatog lahat ng laman ko sa katawan dahil sa iiwan na ako ni Alex sa apartment ngayon. Di ko siya gustong mawala ngayon, ayoko. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Tiffer, may problema ka ba? Bakit parang takot ka diyan. Aalis lang ako sa apartment, magkikita pa naman tayo sa school di ba"

"Pwedeng huwag ka munang umalis ngayon. Please lang Alex" mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kanya.

"Sus, huwag kang mag-alala. Tatawagan ko si Brixton na bukas na lang ako sunduin dito. Ikaw talaga, di mo naman kailangan sabihin na hiwalayan mo ang girlfriend mo eh" sabi niya at niyakap niya din ako. Ang sarap sa pakiramdam. Ayoko siyang mawala sa buhay ko. 'Gusto kita Alex' iyon ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya ngunit di ko magawa dahil nararamdaman ko din ito para kay Brixton.

Tinawagan nga ni Alex si Brixton para sabihin na bukas na lang ito sunduin dito. Dahil last ko na siyang makakasama sa apartment. Gusto ko maramdaman ang Alex bilang siya. Iyong ipagluluto niya ako, ihahanda ang panligo ko at yayakapin niya ako sa pagtulog ko.

Nagpaluto ako sa kanya ng nilasing na hipon. Alam kong paborito ito ni Brixton pero nagustuhan ko na din ito. Sabay kaming kumain at nagpasubo pa ako sa kanya, mamimiss ko ito sa kanya. Sunod niyang hinanda ang gamit ko sa pagligo, hindi na iba sa kanya ang mga boxer na sinusuot ko dahil pinanlalaba pa niya ako. Siya na ang pinapili ko para sa susuotin ko sa pagtulog. Pagkatapos kong maligo, nakita ko siyang gumagawa ng kanyang assignments.

"May maitutulong ba ako?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya ako pero sandali lang at tumingin ulit sa notebook niya. Alam ko na kung bakit kaya sinuot ko muna ang bathrob ko.

"Sus, dapat di ka na nahihiyang makita katawan ko. Libre naman ito sayo" biro ko sa kanya.

"Naku Tiffer, para kay Maxine na iyan. Kaga itago mo dahil may Brixton naman na ako" medyo na upset ako sa sinabi niya. Lagi na lamang niyang binabanggit si Maxine. Wala na nga akong pake dun.

"Oo na, may Boyfriend ka na. Pero aminin mo, ang hot ko na ngayon di ba?"

"Tiffer naman eh, di ako makapag-concentrate sa homework ko" tiningnan ko naman ang ginagawa niya at math naman pala. Sisiw lang ito sa akin at tinuruan ko na lamang siya.

Pagkatapos, siyempre nahiga na kami sa kama. Ilang buwan din kaming magkatabi matulog.

"Paano na iyan, wala ng yayakap na gwapong lalaking sayo sa pagtulog Alex" biro ko ulit dito habang naglalagay siya ng cream sa mukha nito.

"Hello, may Brixton na kaya ako" Oo nga pala. Magkakasama na silang dalawa ni Brixton. May iba ng yayakap sa kanya. Kahit kasi umiiwas ako nitong mga nakaraang araw sa kanya, di ko pa rin matiis na di siya yakapin tuwing gabi. Tulog mantika naman kasi kaya di niya ako pansin. Saka, mabubugbog na naman ako kung hindi ko siya yayakapin. Ngayon, last na ito at susulitin ko talaga. Pagkahiga niya, niyakap ko na talaga siya.

"Ang higpit naman ata?" tanong niya.

"Sorry, yakap ka din kase"

"Tingnan mo ito. Kung andito lang si Brixton, sinapak ka na nun eh. Minamanyak mo na ang boyfriend niya"

"Hindi ah, mahal kasi kita Alex" 0_____0

"Ano?"

"Mahal kita kase...ano...para na kitang kapatid, iyon"

"Hay, mahal din kita...Kuya Tiffer" iyon na ang sabi niya ang natulog na siya. Hindi niya ako niyakap dahil naka crample ang mga kamay niya sa dibdib niya. Ginawa ko, kinuha ko ang isang kamay niya at niyakap ko ito mismo sa katawan ko at niyakap ko siya ulit ng mahigpit.

Continue Reading

You'll Also Like

79.9K 3.2K 16
He's so pretty, smart and charming. how can he find a work kung nagiging problema nya ay ang pagiging magandang lalaki. pano pag may nag offer sa kan...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
441K 9.1K 92
Subdivision Scandal II: Freshmen want a Fresh Man
84.2K 2.5K 41
A Sinful Love Story Paano na lang kung mainlove ka bilang poser sa taong nililinlang mo? Handa ka bang aminin ang katotohanan o handa mong ilih...