Wanted: SomeoneTo Love

Od iDangs

7.3M 208K 30.1K

Kung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila... Více

Wanted: Someone to Love
Prologue
Chapter 1: I don't love you
Chapter 2: Grounded
Chapter 3: Jaydee and Phoenix
Chapter 4: National Bungguan Day
Chapter 5: Offer
Chapter 6: Good and Bad News
Chapter 7: Prank Call
Chapter 8: What hurts the most
Chapter 9: Be careful what you wish for
Chapter 10: Gitara
Chapter 11: Faith
Chapter 12: Doubts
Chapter 13: Patching things up
Chapter 14: Desperate
Chapter 15: You're okay
Chapter 16: Friends to the rescue
Chapter 17: Improving
Chapter 18: I will marry you
Chapter 20: Possible
Chapter 21: If I'm Gonna Fall in Love
Chapter 22: Issues
Chapter 23: Pizza Delivery
Chapter 24: Are you sure?
Chapter 25: Minus two
Chapter 26: Text
Chapter 27: Another Story
Chapter 28: Soulmates
Chapter 29: All About Timing
Chapter 30: Last Chapter
Other Stories

Chapter 19: You're nice.

191K 6K 1.1K
Od iDangs


Maaga ang lakad ni Ate Cass at siya ang maghahatid sa akin sa school kaya pati ako ay naobligang pumasok ng maaga. Keri na rin naman. Better na ang maging maaga kaysa malate.

Nang makarating ako sa school, tinext ko si Marga para sabihin na pumasok siya ng maaga. Kaya lang ang bruha, kakaligo palang pala. Thirty minutes pa naman ang byahe niya from school tapos kakain pa 'yun, mag-aayos, matratraffic and the list goes on. Solo flight na lang ulit ako.

Nagpunta ako sa likod ng school at tumambay. Umupo ako sa may damuhan at inilabas sa bag ko ang third book ng Percy Jackson series. Pang-ilang beses ko na ata binabasa ang kwento nila Percy pero hindi pa rin talaga ako nagsasawa. Ang cool lang kasi talaga. Sobrang adventure. Adventure kung adventure talaga. Isa pa, gusto ko ang loyalty at friendship nila Annabeth, Percy at Grover sa isa't isa.

Tapos na ako sa third chapter nang iceck ko ang wrist watch ko. Halos kalahating oras na rin akong nagbabasa at ilang minuto na rin lang ang natitira bago tumunog ang magwarning bell.

Ibinalik ko sa bag ang libro at paalis na sana nang may marinig akong umiiyak.

Oh. My. God.

Posible kayang may multo na akong kasama dito sa likod? Pero ang taas pa naman ng sikat ng araw. Nagpapakita ba sila kapag ganitong kaaga at ganitong kaliwanag?

Kahit natatakot ako, lumapit pa rin ako sa pinagmumulan ng tunog. Unti-unti akong sumilip sa likod ng isang puno. May nakaupo doon na babaeng maputi. Mahaba ang buhok at nakadukdok ang mukha sa tuhod.

Hindi ko na keri 'to. Natatakot na ako.

Dahan dahan akong naglakad palayo bago pa man humarap 'tong multo. Kaya lang may naapakan akong plastic cup kaya nakagawa ako ng ingay at napaangat ang ulo ng babae. Kung sino man ang nagtapon dito nitong cup, bwisit siya. Saka bawal magkalat sa campus ha. Kairita.

Tumingin ako sa may cup at saka ako tumingin sa babae na ngayon ay nakatingin sa akin. Si Aubrey.

Nanlaki ang mata niya at yumuko ulit.

"You?" tanong ko sa kaniya at lumapit ulit. "Thank goodness tao naman pala. Akala ko multo."

"What are you doing here? Go away," pagtataboy niya sa akin at suminghot singhot pa. Nakalimutan na niya ang poise niya. Buti naman at kaya pala niyang gawin 'yun.

 "Kung makapagpaalis ka feeling mo naman binili mo na 'yung lupang 'to. Feeling din."

Hinihintay kong sumagot siya kasi ayun ang paborito niyang gawin — ang kontrahin ang sinasabi ko. Kaya lang hindi siya nagsalita. Wala siyang sinabi. Nako, depress nga siguro 'to.

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa tapat niya. Maybe she needs someone to talk to or someone who'll listen to her problem. Hindi kami close, ni hindi nga kami friend. Kaya lang hindi na rin naman masama na subukan siyang pakinggan.

"Bakit ka umii — "

"Alam mo, maswerte ka." Hindi siya nakatingin sa akin habang nagsasalita. Tumigil na siya sa pag-iyak pero nakayuko lang siya at pinaglalaruan ang dulo ng palda niya. "Nakita ko ang pagtrato sa 'yo ng mga kaibigan mo. Nakita ko kung gaano ka nila gustong protektahan at kung gaano kahalaga sa kanila na walang umaaway o nagmamaliit sa 'yo."

Tumawa siya ng mahina at nagpatuloy, "Kasi wala akong ganiyan e. Wala akong kaibigan. Siguro nga bossy ako. Siguro nga bitch ako. Kaya lang totoo naman ako sa mga nagiging kaibigan ko. Kahit binubully o nasasabihan ko sila ng hindi maganda minsan, totoo pa rin ako sa kanila. Kaya lang malas ako. Sobrang malas ko. Kasi 'yung mga taong akala ko totoo sa akin, niloloko lang naman pala ako. Akala ko kaibigan ko sila. Akala ko lang pala.

"I didn't know about it. Kanina, maaga akong pumasok. Sanay ang friends ko — I mean sanay ang mga nakakasama ko na late akong dumarating. Nang makarating ako sa room, hindi nila napansin na nandoon na ako. Babatiin ko sana sila kaya lang narinig kong pinag-uusapan nila ako. Maarte ako, napapagod na silang kasama ako, hindi na nila matolerate ang ugali ko. Sabi pa ng isa pagdating ko raw huwag na lang nila ako pansinin. Hayaan nalang nila akong mag-isa. That hurts.

"Alam ko naman totoo na masama talaga ugali ko. Kaya lang bilang kaibigan, sana naman sabihin nila sa akin 'yun ng harapan. Hindi 'yung kapag kaharap nila ako parang walang problema tapos kapag nakatalikod na ako, saka sila babanat ng kung anu-ano. I may be a bitch, but at least I'm real."

Kahit naman pala ganito ang ugali ng babaeng 'to marunong din pala siyang masaktan. Akala ko hobby lang niya ang manakit ng feelings ng iba sa mga panglalait niya e. Kaya lang kung tutuusin, hindi ko naman siya nakitang nambully ng sobra. Masakit lang siyang magsalita, nanlalait lang siya pero hindi naman siya nanakit ng sobra.

"Bakit hindi mo subukang kausapin sila? Baka may misunderstanding lang talaga. Sabihin mo rin sa kanila na narinig mo 'yung mga pinagsasabi nilang mean things about sa 'yo. Kapag kasi kinausap mo sila, doon mo malalaman kung friends nga ba ang tingin nila sa 'yo or hindi."

Inayos niya ang palda niya at napabuntong hininga.

"Alam mo, may napanuod akong movie. Magkakaibigan sila. Apat sila actually. May pagkabitch 'yung pinakaleader nila. 'Yung isa niyang friend, hindi niya alam na naiinis na sa kaniya at mas pipiliing maging kaibigan 'yung iba. 'Yung isa naman, she tried to bring her down. Secretly, of course kaya lang wala rin. Tapos 'yung isa, hindi siya pinagkakatiwalaan. Instead na magsabi ng secret sa kaniya, mas pinili niyang sabihin 'yung problema at secret niya sa taong kakakilala lang niya. Hanggang sa may dumating na isa pang babae. Kahit lagi siyang inaapi nung bitch, okay lang sa kaniya kasi gusto niyang maging kaibigan. She even protected her from humiliation.

"What I'm trying to say is that, siguro both parties ang mali. Or maybe, may iba pang tao ang darating sa buhay mo para maging totoong kaibigan sa 'yo despite your rude and mean attitude. Kasi ganoon ang friends 'di ba? Tanggap ka kahit na ano or sino ka pa."

Natahimik kami parehas hanggang sa magsalita siya, "Hindi naman ako nanghihingi ng opinion or advice mo."

I know. Kaya lang nakakaawa siya e. And maybe she's acting tough na lang ngayon.

Tumunog na ang warning bell kaya tumayo ako at umalis ng walang pasabi.

"Thanks, though." Mahinang sabi niya bago ako tuluyang makaalis.

Maybe she's not that mean after all. Misunderstood lang siguro.

***

"I'm so hungry. Sa wakas makakakain na tayo."

Tumabi sa kaliwa ko sa Phoenix at sa kanan naman si Jaydee. Nasa tapat namin si Rocco at Marga.

"Ayoko nitong mushroom. Mahilig ka dito 'di ba? Gusto mo?" alok ni Phoenix sa akin.

Inilapit ko ang plato ko sa kaniya at inilapit niya ang mushrooms sa plate ko. Kain lang ako ng kain at hindi na ako nakikisali sa usapan nila.

"Eat slowly, Ash. Baka mabilaukan ka," bilin ni Phoenix.

"Ang takaw mo hindi ka naman tumataba. May kashare ka ba ng pagkain sa tiyan mo?" Pang-iinis naman ni Jaydee.

Hindi ko ulit pinansin ang mga sinasabi nila. Bahala sila sa buhay nila.

Mauubos na ang pagkain ko nang mapansin kong nakatahimik na ang mga kasama ko. Binibigyan ba nila ako ng moment para kumain ng mabuti?

Kaya lang pag-angat ko ng tingin ko, nasa tapat ng table namin si Aubrey.

"O, ano na namang problema mo?" tanong sa kaniya ni Marga.

Nakakatouch din talaga 'tong babaeng 'to. Hindi pa man din ako inaaway ni Aubrey, prinoprotektahan na niya ako.

"May ginawa ka na naman bang hindi maganda at aawayin ka ulit niyan?" bulong sa akin ni Jaydee kaya tinapakan ko ang paa niya.

"Kung mang-aaway ka, pwede bang pakibilisan para matapos na at makakain na ulit kami?" sabi ulit ni Marga. "Pero matanong ko nga lang, kailan mo ba balak tigilan 'tong si Ash?"

Napatingin ako kay Marga at napansin kong mukhang hindi naman siya nakabitch mode. Mag-isa lang din siya. Hinanap ko ang mga kaibigan niya at mukhang magkakasama sila pwera dito kay Aubrey. I guess may problema pa nga.

"Okay lang 'yan, Marga."

Tumango ako kay Aubrey at hinayaan siyang makiupo sa amin. Kawawa naman kung magpapakaloner siya tapos magkakasama ang "friends" niya.

"Bakit umuupo ka dito?" Naguguluhang tanong ni Marga at Rocco.

"Let her," depensa ko kay Aubrey.

"Nakausap mo?" I asked referring to her friends.

Tumango siya at uminom, "Wala e." Tinuro ko ang pagkain niya. Salad at water.

"Lunch mo? Hindi ba nakakagutom lang 'yan."

"Got used to it na rin."

"Teka nga lang," pagsingit ni Rocco. "Anong nangyayari?"

Tumingin ako kay Aubrey at saka nagkibit-balikat. It's not my story to tell. Kaya siya na ang bahala diyan.

Wala na rin namang nagawa si Aubrey dahil nakikiupo na siya sa amin at kami lang naman siguro ang papayag na paupuin siya kasi ang dami na niyang inokray okray na ibang estudyante. Kwinento niya ang nangyari at mukhang naintindihan naman nila 'yun.

Nakatahimik lang silang lima habang nagpatuloy ako sa pagkain.

"Alam mo 'to, Ash?" tanong ni Marga.

"Yeah. Kanina before class aksidente ko lang siyang nakita kaya nakwento na niya."

"Kahit ikaw ang favorite awayin nito okay lang sa 'yo na dito siya makiupo?" Humarap si Marga kay Aubrey, "No offense meant ha kaya lang totoo kasi."

"I don't mind. Kaysa naman guluhin pa ako ng konsensya ko at hayaan siyang magpakaloner."

Napatahimik ulit sila hanggang sa sabay na nagsalita si Jaydee at Phoenix.

"You're nice. I admire that," sabi ni Jaydee.

"You're so nice and that's what I like about you," sabi naman ni Phoenix.


***

Si Aubrey 'yung nasa multimedia. :)

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

3.3K 156 8
Hope finds a greater reason to be hopeful everyday when Paul and Leslie came into her life. This short story is about one's hope and faith that you'l...
7.8M 79K 10
Love. Foolishness. And the foolish.
1.1K 58 10
Louiscito Pedrico Borromeo III... Loui for cute. A one of a heck babaero. Abusado sa kagwapuhang taglay. But ironic as he is, hopeless romantic iyan...
3M 55.4K 26
(COMPLETED) I don't believe in DESTINY... I really don't... but along came this girl.