The Wicked Liar 2: The Lying...

By kathipuneraaa

2.8M 44.8K 4K

[Book 2 of 3] Tears shed, sacrifices has been made, complications hindered. After the long story of chase and... More

Prologue
Chapter 1: Not Real
Chapter 2: The One
Chapter 3: Together
Chapter 4: Without You
Chapter 5: Small World
Chapter 6: Kiss
Chapter 7: Tattoo
Chapter 8: Ring
Chapter 9: Unfair
Chapter 10: Bad News
Chapter 11: Later
Chapter 12: 182 ❤
Chapter 13: Reason
Chapter 14: Compensation
Chapter 15: Sanction
Chapter 16: Almost Perfect
Chapter 17: Adjust
Chapter 18: Favor
Chapter 19: Distract
Chapter 20: No One
Chapter 21: Crazy Inlove
Chapter 22: Future
Chapter 23: Cheater
Chapter 24: Heir
Chapter 25: His Light
Chapter 26: Proud
Chapter 27: Until The End
Chapter 28: Marry Me
Chapter 29: No Buts
Chapter 30: Like You Do
Chapter 31: Lied
Chapter 32: Please
Chapter 33: Cool Off
Chapter 34: Gap
Chapter 35: You Again
Chapter 36: Just Like That
Chapter 37: Awkwardness
Chapter 38: Beating Heart
Chapter 39: Shotgun Wedding
Chapter 40: Six Feet Below
Chapter 41: Be Brave
Chapter 42: Life And Lies
Chapter 43: Always
Chapter 44: The Queen
Chapter 45: Miss Education
Chapter 46: Special Girl
Chapter 47: Provoked
Chapter 48: Just Go
Chapter 50: Wake Up
Chapter 51: Nothing Left
BOOK THREE!
HTWL 1 SELF PUBLISHED BOOK DETAILS
HEARTLESS: THE WICKED LIAR TRILOGY
Pop Fiction Version
Publish Book by Pop Fiction
MIBF 2023

Chapter 49: Two Lines

38.9K 688 104
By kathipuneraaa

***

Author's Note:

This is a surprise update actually. Pasensya kung medyo maikli. Maawa kayo sakin ang hirap kasi isulat. Nalulungkot ako sa nangyayari and writing six to eight pages sad chapter will be the death of me. So please bear with me kung inuunti unti ko. Wag kayo mag alala mabilis naman na ang mga update til the end. Baka nga araw araw na eh cause ayoko na patagalin ang sakit. Tapos naman na sa utak ko to kaso medyo nahihirapan pa ako itype. Believe me, Im crying too.

Good News- malapit na matapos

Bad News- walang POV si Derick

Sa last chapter ko ipapaliwanag kung bakit

Naalala ko bigla yung sinabi sakin ni mama nung naging boyfriend ko si Robie pero mahal ko si Derick. Hindi daw laro ang pagmamahal. People cut their ears off over this stuff, may iba na tumatalon ng 100th floor building at mayroon din na nagpapakamatay dahil dito.

Hindi pa din lubusan na nagsi sink in sa utak ko ang mga pinagsasasabi ni Derick kanina. The whole thing doesn't just make any sense. Yung pagsasabi niya na hindi niya ako kilala, yung sila ni Cathy, yung basta niya na lang pambabalewala sakin: everything is just so senseless right now.

Sa kabila ng ingay nila Nico habang nag uusap, nagawa ko pa din na ipikit ang mga mata ko at isiping mabuti kung may nagawa ba ako sa kanya. What did I do para maging ganun siya? Have I done something wrong for him to just leave me like that na wala man lang sabi sabi?

Cause as I am thinking of it now, it's just absurd. Ayokong isipin na may affair na talaga sila ni Cathy noon pa man pero yun lang ang kaya ng isip ko na ma conclude. Yung date nila nun, totoo siguro yun. Idagdag pa na kaya din nagagalit si Derick kapag may sinasabi akong masama tungkol kay Cathy, grabe siya makapag react.

Kaya pala si Cathy malakas ang loob na maging bitch sakin. Dahil pala ganun sila ni Derick.. But then, mahal na mahal ko pa din siya at gagawin ko ang lahat bumalik lang siya. I dont know what went wrong pero sisiguraduhin kong mababawi ko siya.

Magmamakaawa ako hanggang sa ako na din ang sumuko.

"What do you think happened to Derick?" dinig kong tanong ni Annie pero hindi ko alam kung sino doon sa tatlo yung kausap niya dahil lahat sila nakabaling sa iba ang atensyon.

"Wala akong maisip na dahilan kung di isa lang: May relasyon na sila ng Cathy na yun noon pa man and he just planned to blow the whole thing with Erica sa harapan ng maraming makakakita. That fuck!" nanggagalaiting sabi ni Anden at nilingon si Annabeth at ako. Wala naman akong naging tugon doon

"I know Derick all my life at hindi siya ganun! Kung may relasyon man sila ng Cathy na yun malalaman ko dapat dahil ako ang una niyang pinagsasabihan pagdating sa ganyan.. Araw araw niyo halos kasama si Derick, so I suppose you know something" kontra ni Nico at pinglipat ang tingin kay Anden at Minho. Si Minho nakaupo lang at tulala. Ngayon ko lang naisip na simula nung umalis - pinaalis kami sa mansyon, hindi pa siya nagsasalita.

"He's normal. Kami ang palagi niyang kasama. Kilala ko din si Cathy.. You know she's capable of getting someone that's not hers" sabi na naman ni Anden

"Pero hindi si Derick yung klase ng nagpapa agaw!" Annabeth said angrily. I am actually surprise na ipinagtatanggol niya ngayon si Derick samantalang kanina grabe siya kung makamura doon. Siguro galit lang siya nun at ngayon na nawala na yun saka na siya nakakapag isip ng matino.

Hindi si Derick ang klase ng nagpapa agaw. Yes. Pero ano yung kanina?

"You sure about that? After what you have just witnessed you may want to change your perspective about him" Anden snapped back at tinignan ako. Nanatili pa din akong walang kibo

"Tama si Annabeth. Hindi ganun si Derick.. At kung sakaling naagaw na nga siya ni Cathy, there should be any signs. Makikipag break siya kay Erica noon pa man kung sakali pero nakita naman natin na iba ang nangyari kanina" si Nico na naman

Nanahimik na naman sila at malalim ang iniisip. Until my bestfriend broke the silence first

"What if may amnesia si Derick?" wala sa loob na tanong niya

"Are you serious?! Amnesia tapos si Erica lang ang nakalimutan?!" Nico said in a tone na para bang pinapalabas niya na nasisiraan na ng ulo ang kaibigan ko.

Oo nga naman. Nagka amnesia tapos ako lang ang nakalimutan? Ridiculous..

"Ilang linggo silang hindi nagkausap. Maybe naaksidente si Derick nung mga panahong yun kaya ganun.. And one thing, maraming klase ng amnesia, Valdez baka hindi mo alam!" depensa ni Annabeth at napatayo na to size up Nico

"Nonsense. At bakit siya maaksidente? Derick is a good driver. And I doubt kung nagda drive siya nung nandun sila dahil sa pagkakaalam ko may driver ang mga Lusterio kapag naga abroad. Nasagasaan? Hindi din naman siguro. And let's say na naaksidente nga siya, bakit wala man lang siyang injury kanina or what? He's perfectly okay! At kung ganun nga ang nangyari, we'll know it! Erica will be the first one to know it!"

"So are you saying na talagang sinadya ni Derick na sa ganun paraan makipagbreak kay Erica? Well if that's the case, I will kill him!" malakas na sabi ni Annabeth na sa tingin ko narinig din ng mga kapitbahay namin.

Mabuti pa sila nagagawang mag isip. Samantalang ako eto parang tanga lang na pinapanood sila sa pagtatalo nila. I can actually feel myself numb. Umaasa pa din akong panaginip lang talaga to at anytime magigising ako. O kaya naman nagbibiro lang si Derick and anytime he'll show up here..

"I will try to talk with him" sabi ni Nico and finalized the discussion and that's when I butted in

"Wag na" mariin na sabi ko at napatingin silang lahat sakin

"Erica, he just cant-"

"Ako na mismo ang kakausap sa kanya. Magkikita kami bukas" pilit ko

"Pupunta ba siya?"

Napahinto ako sa tanong na yun. Inalala ko yung reaksyon ni Derick kanina nung sinabi kong magkita kami. Nakatingin lang siya sakin. "Oo"

"At paano mo naman nasabi?"

"I just know it" I said dahil nararamdaman kong pupunta siya. Maybe he doesnt love me anymore pero kahit paano naman siguro may pakiilam pa din siya. He cant just throw everything we've been through.

"Nakita niyo ba si Mrs. Lusterio kanina?" tanong na naman ni Annabeth and this time parang may light bulb sa itaas ng ulo ko.

Why havent I noticed that?

"That's a good question" sabi ni Nico at umiling

"Sa tingin ko siya ang makakasagot ng mga nangyayari. Di ba magkasama sila dun?" follow up ni Annabeth but no one bother to answer her. The silence is enough as a 'yes'

"Erica, okay ka lang?" for the first time nagsalita si Minho. Nakatingin siya sakin na nag aalala

"Huh?" nagtatakang tanong ko

"Namumutla ka" he said and inched closer to me

"Okay lang ako" I reassured but I know those were just empty words. After nitong mga nangyayari samin ni Derick, walang dahilan para maging okay ako.

"Don't worry. We'll work something out" hinawakan ako ni Nico sa balikat and smiled me

Hinawakan ko siya and that's when I realize that I can't open my mouth dahil may mga nagbabadyang luha na tumulo "Thank you" I still said it anyway

"Wag mong iyakan yun!" pinunasan ni Annie ang mukha ko sabay yakap sakin. I am just so thankful na nandito sila. Dahil kung ako lang ang mag isa kanina dun, hindi ko ma imagine kung ano ang maaaring nangyari sakin.

"Anong nangyayari. Erica, anak bakit ka umiiyak?" nandyan na pala si papa. Umalis kasi siya kanina para mag deliver nung mga polboron na ginawa namin. Pinaglipat lipat niya ang tingin sa mga kasama ko na hindi naman masalubong ang mga mata niya.

Upon seeing him, mas lalo akong naiyak..

"Tito, mas maganda po siguro kung wag niyo na muna siya tanungin.." Nico suggested pero umiling si papa

"The pain will just prolong at mas lalo siyang masasaktan kung hindi niya ilalabas ang nararamdaman niya agad agad. Anak, sabihin mo sakin ano ang nangyari.." he said at lumapit sakin. Lumuhod siya sa harapan ko and cupped my face with his both hands.

Ikinwento ko sa kanya ang mga nangyari magsimula nung matagal kaming hindi nakapag usap ni Derick as he know at yung mga nangyari kanina sa mansyon. When I finished wala siyang reaksyon kung di tumingin lang sakin.

"Ginawa ni Derick yun?" he said above whisper at tumango lang ako.

Huminga siya ng malalim "Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin pero sa tingin ko pakawalan mo na lang siya"

Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya "Papa! Kasal kaming dalawa! I cant just do that! Isa pa, mahal na mahal ko siya!" sigaw ko

"Mahal mo siya pero ganun din ba siya sayo? Maging malinaw na ang lahat sayo Erica na hindi ka na niya mahal. Yung katotohanan pa lang na umuwi siya na may kasamang iba ay sapat ng dahilan para magising ka!" galit niyang sabi na ikinagulat din nila Nico. "Malaki ang naging epekto kay Derick ng kasikatan niya at siguro gusto niya pa lalong sumikat kaya siya nakipag relasyon sa babaeng yun!"

Natahimik na lang ako and cant find the right words to say. Hindi ko akalain na makikita kong ganito kagalit si papa. At hindi ko din akalain na masasabi niya ang bagay na yun kay Derick. I know him. This is not about fame! Ako ang priority niya at hindi ang carreer niya kaya malabo ang sinasabi ni papa. "I.. I cant.."

"Hindi ka namin pinalaki para saktan lang nung kung sinong Pontio Pilato dyan! Kung nabubuhay man ang mama mo ngayon, ganun din ang sasabihin niya sayo!"

"Mr. Dela Serna, tama na po" pigil na ni Anden at hinawakan pa si papa sa balikat

"Gusto ko lang maging totoo sayo, anak. Maybe after all hindi naman pala kayo para sa isa't isa ni Derick. Kung hindi ka na niya mahal, pakawalan mo na siya! Magtira ka ng pride para sa sarili mo! Relationship like yours will not work out lalo na kung isa na lang sa inyo ang may gusto!" dagdag niya pa at tumayo na. He just looked at me for a few seconds at pagtapos nun tumalikod na papuntang kusina.

Tahimik na naman kami habang patuloy lang akong umiiyak. Ang simple nung sinabi ni papa pero napakahirap gawin. How am I able to let go of the person I love the most? How am I able to give up my life?

"Pwede ko bang makausap si Erica na kaming dalawa lang?" tanong ni Minho sa tatlo. They just nodded at lumabas na

Hindi ko man alam kung bakit ako gusto kausapin ni Minho in private, hindi ko pa din magawang magtanong dahil wala akong lakas. He's just looking at me intently na para bang may hinihintay siyang mangyaring kakaiba sakin anytime.

"Erica, wala ka bang napapansin sa sarili mo?" tanong niya matapos ang ilang sandali

"Huh?"

"Kanina pa kita pinagmamasdan. And there's just something different about you.." he said pero hindi pa din ako kumibo

"May tita ako na nagtatrabaho sa Green Meadows Hospital. Kung yayayain kitang sumama sakin ngayon dun, sasama ka ba?"

"Hindi kita maintindihan, Minho. Wala akong sakit" I told him dahil hindi ko na talaga siya maintindihan. I've had enough of questions in my mind today at sana naman hindi na siya dumadag pa

"Wala kang sakit yes. But then.." he paused at parang nag aalangan pa kung magpapatuloy siya "Let me ask you this. Kailan ang huling dalaw mo?"

Hindi ko itinago ang pagkagulat sa sinabi niya but my mind automatically do mental calculations. Regular ang menstruation ko at kung tama ang pagkakaalala ko, hindi ako nagkaroon last month.. At hanggang ngayon wala pa when supposedly dapat dumating na..

Hindi ko siya sinagot pero alam kong yung expression ko ay sapat na para maintindihan niya ang gusto kong iparating

"That's what I am talking about. May palagay akong buntis ka"

"What?"

"Erica, uhm see, let's just say na may kakayahan akong maka sense ng buntis.. Usually dapat babae ang meron nitong kakayahan ko but anyway, yung mga pinagdudahan kong buntis nun like my cousin and some friends, turned out na totoo nga. And that's by looking at their bodies. Actually nung birthday ko pa gustong tanungin sayo yun pero nahihiya ako. But last time, sinabi ni Nico na kasal pala kayo ni Derick. And I suppose you already did it, right?"

Hindi ako komportableng pag usapan ang tungkol dun pero tumango ako. Anyway, what's the point of keeping it from him?

Like what he said, pumunta kami sa ospital na sinabi niya para ipa check up ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat maramdaman. My life's transition is just too fast.

The door bursted open at pumasok ang tita ni Minho. "Hey Min, you're here.." sabi nito at humalik kay Minho. She smiled at me which I returned "What brought you here?"

"Auntie, pwede bang paki check tong kaibigan ko. May palagay kasi akong buntis siya"

Napatingin sakin yun tita niya with an awe expression "Have you tried pregnancy tester?" tanong niya at umiling lang ako. Buong buhay ko nga hindi pa ako nakakakita nun.

Tinanong niya ako kung kailan ang huling dalaw ko at sinabi ko na last last month pa. Alam kong hindi pa siya kumbinsido. Kahit naman ako eh. Ayoko muna mag ilusyon na buntis nga ako. And then she asked me something..

"Tuwing umaga ba, feeling mo magkakasakit ka? Dinuduwal ka ba?" that question caught me off guard. Absentmindedly, napatango lang ako sa kanya.

Nagkatinginan siya at si Minho then to me again "Pumunta ka sa CR dalhin mo tong pregnancy tester" may inilabas siyang box at ipinakita sakin "There's a hole there and you just have to drop a tiny portion of your urine. Doon sa oblong lalabas ang resulta. One line, negative. Two lines positive" I took it tumayo na papunta ng CR

Hinintay ko na maihi ako until it happened. I used the cup na kasama nung tester para kumuha ng ihi ko at ipinatak yun doon sa bilog. Naghintay ako na may mangyari at may lumabas na doon. After a few minutes I can make out the result already.

Two lines.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 46.5K 40
Heartbreakers Series #4: Uriah Kylo Penalver Si Aryn Valerie "Areli" Lopez ay ang isa sa mga maraming taga-hanga ni Uriah Kylo Penalver, the Cold Hea...
3.5M 149K 17
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
61M 943K 65
(Formerly "The Playboy Billionaire's Queen") [WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED. This is the FIRST STORY I've ever writt...
1M 32.8K 56
Cyra Lim has been secretly in love with Eli Dasilva for as long as they've been best friends. One problem: Eli is a playboy, and Cyra has resigned he...