You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 4

192 2 0
By gytearah

CHAPTER 04 : SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Hindi natin napaghandaan 'to, bakit hindi natin naalala ang sinabi nila noon?" Tanong ni Drammy

"Mahal, matagal na 'yon, hindi naman natin inaasahang magkakatotoo 'to, sinabihan na natin sila na h'wag na idamay ang mga bata, na doon na lamang sila sa probinsya, h'wag na silang magpunta dito para tahimik ang buhay nila." Sabi ni Alpa, hindi sila makatulog kahit ala una na ng madaling araw.

"Ano'ng plano mo?" Tanong pa ni Alpa, limang buwan pa lang ang nakakaraan simula nung nalaman nilang mag-asawa ang tungkol sa kambal.

"Dito lang sa bahay ang nga pamangkin ko." Sagot ni Drammy at hinalikan sa noo si Alpa.

"Suportado kita d'yan Mahal. Matulog na tayo, maaga pa akong gigising para ipagluto ng agawan ang mga bisita natin."

"Nawawala ang kambal!" Sigaw ni Kaley pagbukas niya ng kwarto ni Arah, nabulabog ang buong bahay nagising ang lahat ng natutulog.

"Wala sa kwarto? Saan naman pupunta 'yon?" Tanong ni Vash

"Naku, mali sana ang iniisip ko." Sabi ni Kerby

"Kumalma nga mina ang lahat, ang aga aga stressed tayo." Sabi ni Lola Rose at uminom ng tubig.

"Mom, saan kaya nagpunta ang dalawang Arah?" Tanong ni Rainne

"Nalibot niyo na ba ang buong bahay? Baka naman nasa sala o sa kusina, baka nasa garden, sa paboritong tambayan ni Arah." Sabi ni Drammy, sa kusina sila unang nagpunta at tumambad sa kanila ang kambal na may suot na apron at may hawak na sandok.

"Good morning po, gising na po pala kayong lahat." Sabi ni Tyra

"Nandito lang pala sila e." Sabi ni Lolo Joey

"Pasensya na po kayo at nangialam kami, gusto lang po namin kayong ipaghanda ng agahan, pasasalamat na rin po at pinatuloy niyo kami." Sabi ni Tyra at inilapag sa mesa ang sinangag, itlog, hot dog at hot chocolate.

"Dapat hindi na kayo nag-abala, bisita namin kayo, kami dapat ang gumagawa n'yan, hindi lang ako nagising agad." Sabi ni Alpa at tinulungan si Gwy sa paglalagay ng mga plato. 

"Hindi lang kami nagising ng maaga, napuyat kagabi dahil may konting lagnat si Clarry." (Clarinet) Sabi ni Drammy

"Kung gano'n, kumain na tayo, may trabaho pa ako mamaya-maya." Sabi ni Pian

"Ako rin, may delivery ako ngayon." Sabi ni Kerby

"Kami rin, nag-leave lang kami ng isang araw para lang kay Tita Arah." Sabi ni Kaye

"Gusto ko pa rin sanang mag-stay dito kaso parating si Zack atsaka sasamahan ko pa si Kaley sa audition niya bukas, kailangan naming mag-prepare." Sabi naman ni Lyra

"Maiintindihan naman ng mga apo ko 'yon, gusto ko sana kayong isama sa bahay at doon na lang muna kayo kaso pupunta ako sa flower farm dahil malapit na ang Valentines, kailangang magaganda ang mga bulaklak, hindi ko kayo masasamahan sa bahay. Ang Lolo niyo naman ay lagi sa golf course, ang Tita Rainne niyo busy naman sa school."

"Ayos lang po 'yon, ayaw naman po naming maging pabigat sa inyo, masaya na po kami na nakilala po namin kayo, nakilala niyo po kami, sapat na po 'yon." Sabi ni Tyra habang naglalagay ng tubig sa mga baso.

"Mananatili lang po kami dito ng ilang araw, kung okay lang po kay Tito Drammy. Maghahanap po kami ng malilipatang boarding house, maghahanap na rin po kami ng trabaho kahit ano po basta kikita kami ng pera." Sabi ni Gwy at naupo na sa tabi ni Vash.

"Hindi. Dito na lang kayo, malaki naman itong bahay, sayang pa ang perang ibabayad niyo sa boarding house, pambili niyo na 'yon ng mga kailangan niyo, at tutulungan ko rin kayang humanap ng trabaho." Sabi ni Drammy

"Ang bait niyo Tito Drammy ah, ayaw niyo po bang dalawin kayo ni Tita Arah sa panaginip?" Biro ni Tiarra, nanahimik namang bigla si Kaley.

"Ikaw talaga Tiarra, kalimutan na natin ang ga panaginip panaginip na 'yan." Sabi ni Lyra, "Pupuntahan mo ba ang Ate mo?" Tanong pa ni Lyra

"Next week na lang po ate Lyra, ayaw ko siyang makita, nabalitaan kong gumawa na naman siya ng gulo sa kulungan, wala na talagang pag-asang makakalabas 'yon."

"May pag-asa pa Tiarra. Dalawin mo lagi ang Ate mo, pangaralan mo siya kahit ikaw ang bunso, ayusin niya na ang buhay niya at hindi pa huli ang lahat, magpatawad lang siya, tanggapin, pagdusahan ang pagkakamali at higit sa lahat kilalanin niya ang Diyos, papasukin niya ang Panginoon sa buhay niya." Nakangiting sambit ni Alpa

"Opo Tita Alpa, pupuntahan ko po siya mamayang tanghali." Sabi ni Tiarra at nagpatuloy na sa pagkain.

"Eh kumusta naman ang tulog niyong dalawa?" Tanong ni Rainne sa kambal

"Ayos naman po Tita, mahimbing at malamig po sa kwarto, parang naka-aircon." Sagot ni Tyra

"Malamig? Ang init kaya dun, hindi nga ako makatulog ng maayos nung isang beses akong natulog doon." Kunot-noong sambit ni Lyra at binalingan ng tingin ang tahimik na kapatid.

"Para nga pong may nakayakap sa amin e." Sabi ni Gwy, "Baka kasama po namin si Mama, kagabi lang po kami nakatulog ng gano'n kahimbing at hindi po kami nanaginip ng masama."

Nanatiling tahimik si Kaley, kapansin-pansin na bumalik na naman siya sa pagiging mapagmasid niya.

"Ikaw Kaley, bakit nagsisigaw ka kanina, oa mo ha." Tiningnan lang ni Kaley si Pia at ang kambal.

"Wala, akala ko umalis na sila."

"Kagabi lang tutol ka sa kanila tapos ngayon ayaw mo na silang umalis, bakit? HAHAHAHA gusto mong mag-kwento tungkol sa crush mo? Yie HAHAHAHA!" Tumatawang sambit ni Kaye at nakitawa rin si Pia ngunit hindi sila pinansin ni Kaley.

"Mukhang hindi ka nakatulog ng maayos anak." Sabi ni Rica kay Kaley, tulala ito at hindi ginagalaw ang pagkain.

"Hindi niya ako pinatulog Mom, hindi naman siya galit, naiintindihan raw niya tayo, ta masaya siya." Nakakunot-noo ang lahat lalo na ang kambal. "Masaya siya na kasama na natin ang mga anak nila." Agad na inabutan ni Tiarra ng tubig ang kaibigan.

"Kaya ka ba nananahimik anak? Nagpakita ulit ang Tita Arah mo? Nanaginip ka ulit?" Tanong ni Vash pero hindi nito sinagot ang tanong ng Daddy niya.

"Dad, uwi na po tayo, gusto ko pong matulog sa kwarto ko." Tumayo na si Kaley kahit hindi pa tapos kumain at nagtungo na sa sasakyan.

"Pasensya na kayo pero kailangan na naming umuwi, hindi na naman 'yon kikibo buong maghapon, babalik na lang kami sa susunod."

Umuwi na ang pamilya nila Vash, at umuwi na rin ang lahat pagkatapos mag-agahan.

Naiwan ang kambal sa bahay nila Drammy. "Pupunta lang ako sa manggahan, babalik din agad."

"Ingat ka Mahal, dumaan ka na rin sa palengke, bumili ka ng lulutuing ulam sa pananghalian."

Tumingin si Tyra kay Gwy.

"Tito, hindi po ba kami pwedeng sumama sa iyo?" Tanong ni Tyra

Tumingin si Drammy kay Alpa bago sumagot.

"Sa susunod na lang, ililibot ko kayo sa mango farm natin, samahan niyo na lang muna dito ang Tita Alpa niyo, may sakit si Clarry."

"Sige po Tito, mag-iingat po kayo."

"Balik ka agad Mahal."

Tumayo si Gwy at sumunod kay Drammy.

"Sasama lang po ako kay Tito hanggang kanto, maglo-load lang ako." Paalam ni Gwy

Pumasok si Alpa sa kwarto at paglabas nito'y may dala ng dalawang towel. "Maliligo ka na ba? Heto oh, itong isa ay ibigay mo sa kakambal mo." 

"Opo Tita, salamat po. Ahm, Tita.. may gagawin na po kayo? May itatanong lang po sana ako."

"Wala pa naman akong gagawin, mamaya pa ako maglalaba. Ano'ng itatanong mo?"

"Nakatakas po si Rumel hindi ba?"

Kahit nagulat si Alpa at hindi siya nagpahalata kay Tyra.

"Hindi sa farm pupunta si Tito, sa police station po 'di ba? Kakausapin niya yung pulis na pinagkakatiwalaan niya. Hindi nakatakas 'yon e, pinatakas." Sabi ni Gwy na kakapasok lang ng bahay.

"Teka, ano'ng sinasabi niyo?" Pagsisinungaling ni Alpa, hindi niya kasi alam kung ano ang isasagot niya, nagtaka rin siya kung bakit alam ng kambal ang tinatago nilang mag-asawa. 

"Tita, naiintindihan po namin kung bakit niyo tinatago, kung bakit ayaw niyong sabihin kila Tito Vash ang lahat, ayaw niyo lang na mag-alala sila, na baka bumalik ang takot na naramdaman nila ilang taon na ang nakakalipas, pero Tita–"

Umiling si Alpa. "Ayaw naming maranasan ng mga bata ang naranasan namin dati, hindi dapat."

"Kung patuloy lang po tayong tatakas at iiwas, hindi po ito matatapos. Hindi matatapos kung hindi haharapin." Sabi ni Gwy

"Hindi gano'n kadali."

"Tita, may alam po kami pero pinili naming manahimik, pero this time po kailangan niyo ng malaman ang totoo, isa po ito sa dahilan kaya gusto na namin kayong makilala." Sabi ni Tyra at tumingin kay Gwy

"A-Ano'ng sasabihin niyo?" Nagtatakang tanong ni Alpa sa dalawa.

Napabuntong hininga si Tyra. "Si Nay Shielo, kabet po siya ni Rumel." Seryosong sambit ni Gwy

"At siya ang tumulong kay Rumel para makatakas." Sabi ni Tyra

* End of Chapter 04 *

A/N : Heyiee Chubbabies 💜 enjoy reading! Don't forget to vote and comment. God bless everyone, iloveyou rockerzz! Keep rockin' 🤘

  >🎸

Continue Reading

You'll Also Like

103K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
208K 250 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
372K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
46.4K 799 89
Sabina Maliari is a woman with an outstanding beauty and a body of a beauty queen. Any man wouldn't have to think twice to fancy her. She's also smar...