My Mystery Girl

By loveSHM

271K 4.7K 457

An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no s... More

My Mystery Girl
Who's That Girl
Getting to Know
Getting to Know Pt.2
Our Connection
Smile
That One Night
One Big Revelation
Save Me
Chapter 10 - Her Views
Not Just An Ordinary Day
Getting Closer
She's Not Perfect
Zac's Advice
His Story
DEAL!
Will You Be My Everything? - Eid
Obvious
Charm Appeal
Chapter 20 - Game of Love
DESTINY?!
Thank You Day
New Girl?
New Girl (2)
New Girl (3) Plus Hanging Out with S-A-D
Ulzzsshhhang issshhh DRUNK ^^
Am I Falling For Him?
Dongsaeng's View
A Day with the Jung's (1)
Chapter 30 - A Day with the Jung's (2)
Chapter 31
Heart to Heart Talk
CARA? HANA?
Mistaken Identity
He's Here
Granny
Looking for Adventure?
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
The Truth
Chapter 43
I Would
Chapter 45
My Angel
BFF to BF
Go Get Him
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Yesterday, right now, from now on, Forever
Chapter 53
Endearment Fuss
Christmas and New Year with HIM
New Year with HIM pt.2
Come Back Home?
The Search
The One Who Got Away
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
#MedyoWeird
Dati
Day before Prom
A Day Before Prom Pt.2
The Prom
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80 - Finale (Part 1)
MYSTERY SOLVED! (Finale Part 2)

Chapter 77

1.5K 32 2
By loveSHM

KAREESHMA'S POV


"Zac!" I called his attention as soon as I saw him walking pass the MVH soccer field.


Huminto naman sya sa paglalakad at hinintay ako. I rushed to him. Hindi kasi ako mapakali simula pa kagabing nakatanggap ako ng phone call mula sa kanya at tinatanong nya kung pinuntahan ako ni Tin. Kahit anong kulit ko sa kanya, ayaw naman nyang sabihin ang dahilan.


Sinubukan kong tawagan si best pero parang sinadya nyang patayin ang cellphone nya, maging direct line sa kwarto nya hindi ko macontact. Clueless din ang boyfriend ko at mga kagrupo nila sa kung anong nangyayari. Hindi pa din daw kasi umuwi si Zac sa dorm. SI Stan naman, natulog sa bahay nila.


I really have a bad feeling. Pakiramdam ko parang may bombang biglang sasabog or baka nga sumabog na.


"What's up?" bati nya sa akin. "Nasaan si bugoy? Bakit hindi mo kasama?"


"Bakit hindi ka umuwi sa dorm nyo kagabi?" Di ko pagpansin sa tanong nya.


Nagkibit-balikat lamang sya.


"Zac..."


He heaved a sigh. "Alam na nya."


Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi nya.


"How did it happened?" I managed to ask.


"Inihatid ko si Tanya (Anja) sa bahay nila where Tita Annie and Tito Marcus were waiting. I didn't know Yam was coming as well. I believe she heard Tanya calling them Mom and Dad....."


"Wait, bakit ikaw ang naghatid kay Anja? Don't tell me... you and her...."


"Yeah, sya ang kasama ko in the past 4 days na umalis ako."


"WHAT?!"


"Don't get me wrong, ginawa ko yun para makatulong, to get Tanya back to her senses."





STANLEY'S POV


Time check. 7:45 a.m. 15 minutes na lang simula na ng rehearsals for graduation pero ni anino ni Tin hindi ko pa nakikita.


Dumaan ako sa bahay nila pero maaga daw itong pumasok kaya dumiretso na din ako sa MVH. Nilibot ko na ang buong campus, maging sa chapel nakarating na ako, hindi ko pa din sya nakita. Hindi din nya sinasagot ang mga tawag ko.


Nakadagdag pa sa pagaalala ko ang sinabi ni Tita Kathy na masaya daw itong umalis. Nakangiti pa daw na nagpaalam sa kanila ni Tito Marcus. Parang walang nangyaring hindi maganda sa kanya kahapon.


"Argh! Kristen Yang where are you?" bulong ko habang patuloy sa pag-dial sa number nya.


"Good morning!" bati nya sabay tapat sa mukha ko ng isa sa mga hawak nyang frappe. "Dumaan ako sa coffee shop, nag-crave kasi ako eh."


Saglit akong napatitig sa mukha nya, nakangiti sya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin sya.


"I thought something happened to you.."


"Akala mo nagsuicide na ako?" pagbibiro nya.


"Don't say that." saway ko sa kanya at inilayo ko sya nang bahagya sa akin.


"Na magsusuicide ako?"


"TIN!"


"Don't worry, hindi SILA ang magiging dahilan para gustuhin kong wakasan ang buhay ko." Sinadya nyang bigyan ng emphasis ang salitang 'sila'.


Sandaling nabasa ko sa mga mata nya ang pagkamuhi pero nawala din kaagad ito. I wonder how she does that. Isang masayahing Tin ang nakikita ko nga yun. How was she able to fake her feelings, naitanong ko sa sarili ko.


Sabay na kaming pumunta sa University auditorium para sa graduation rehearsal. Sinalubong kami nina bugoy Alex, Dave at Eid. Sinenyasan ko silang wag na munang mag-uusisa o magtanong kay Tin o sa akin habang kaharap pa namin si Tin. Parang blessing in disguise naman sa mga usisero kong kagrupo na tinawag si Tin ng mga teachers namin para umakyat sa stage.


"Bugoy, galit na galit si manager kagabi. Hindi ka umuwi sa dorm" panimula ni Dave.


"What the hell happened?" tanong ni Eid na may konting inis sa tono. "Tinatawagan kami ni Zac hinahanap ka pati si Tin."


"Pucha pare! Wag mong sabihing tinalo mo si bugoy." reaksyon ni Alex.


"Kung pwede nga lang eh, baka nga ginawa ko na." wala sa sariling nasabi ko.


Sa tuwing naaalala ko ang nangyari kahapon, yung pagbaba ni Anja mula sa kotse ni Zac at pagyayakapan nila sa tabi ng kalsada. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis kay bugoy.


Pinagtakpan namin ang 4 na araw na pagkawala nya, may importante daw syang gagawin na makakatulong kay Tin pero wala sa usapan na kasama nya si Anja.


Hindi ba nya naisip na kahit gaano kaganda ang intensyon nya, kapag nalaman ni Tin na sila lamang dalawa ni Anja ang magkasama sa loob ng ilang araw na hindi nya pagpaparamdam dito, may mabubuong pagdududa at paghihinala sa isip ni Tin lalo pa't dati silang magkarelasyon ni Anja.


Nakadagdag pa na nalaman na din ni Tin na magkapatid sila sa ama ni Anja. No wonder she was feeling betrayed.


"WHAT THE!"


"Bugoy pigilan mo yan."


"Umiwas ka na ngayon pa lang. Madami pa namang iba jan eh."


Paano ko naman sya iiwasan ngayong mas kailangan nya ng masasandalan. Gustohin ko man na layuan sya, hindi ko pa pwedeng gawin, hindi pa sa ngayon. Kailangan nya ng balikat na iiyakan at handa akong ipahiram yun sa kanya. Sa ganito man lang na paraan maiparamdam ko sa kanya na mahal ko sya, kahit walang kapalit, kahit habambuhay kaibigan lang ang maaari nyang ituring sa akin.


"Ano ba talagang nangyari kahapon sa inyo ni bugoy?" muling tanong ni Eid.


Syang pagdating naman nina Reesh at Zac. Hindi ko naiwasang tapunan si bugoy ng masamang tingin.


"Bugoy mali ang iniisip mo. Si Tanya at ako, hindi kami..."


"Hindi na mahalaga kung anuman ang iniisip ko. Hindi ako ang nangangailangan ng paliwanag mo."


Sandali kong sinulyapan si Tin na nakatayo sa stage kausap ang mga teachers namin. Tumingin din si Zac sa kanya.


"Paano ako magpapaliwanag kung hindi naman nya ako gustong pakinggan? Kung ni anino ko ay ayaw nyang makita."


Hindi ko napigilan ang galit ko nang marinig ko mula sa kanya ang tila pagsuko na lamang. I grabbed him on his collar.


"Pero hindi naman sya tumigil na mahalin ka di ba? Hindi pa ba sapat na dahilan yun para magpursige kang mapatawad nya? Bugoy, nasasaktan sya ngayon. Wasak na wasak sya at aminin mo man o hindi, isa ka sa mga dahilan kung bakit. Tapos ano? Susuko ka na lang? Eh mas gago ka naman pala talaga kaysa sa akin."


"Mga bugoy tama na. Pinagtitinginan na tayo." awat nina Dave at Alex.


Naghiwalay naman kami kaagad. Naupo na lamang ako malapit sa stage. Eksakto namang may tumawag sa cellphone ni bugoy at kinailangan nyang lumabas sa auditorium.


Hours passed, lunch break na.


"Where do you want to eat?" tanong sa akin ni Tin. "My treat."


"Yun libre! Sama kami!" sabi naman ni Alex.


"Sure. Best, Lei, Dave, let's go?"


She headed to the exit door.


"Hindi ba natin hihintayin si Zac?" tanong sa kanya ni Reesh.


"Do we have to? It seems like may makakasama na naman syang kumain."


Sinundan namin ang tinitingnan nya. It was Anja standing few meters from us. She has her phone on her ear, Zac came rushing to her. Sa kabilang exit door sya dumaan kaya hindi namin sya nakasabay.


I looked at Tin, a smirk formed on her lips. AT nagsimula syang maglakad papalapit kina Zac na nakatalikod sa direksyon namin.


"Tin." I called her back pero nagpatuloy sya.


"Oh God! This is trouble." Reesh hopelessly exclaimed.






KAREESHMA'S POV


We immediately followed best nang makita namin na papalapit sya kina Zac at Anja.


We were all surprised when she wrapped her right arm on Zac's waist. She was even smiling sweetly as she ask him.


"Are you ready yet?"


I'm sure Zac's a little taken aback. Hindi sya kaagad nakapagsalita at halata sa mukha nya ang pagkalito dahil sa inaasal ni Tin.


"Oh, you're here pala." she said referring to Anja. "I didn't notice you. Maybe you should put your make up on para magmukha ka namang tao. I mean, para makilala ka ng mga tao."



Our jaws literally dropped from what we heard from Tin. Parang hindi sya ang nagsasalita, hindi namin ineexpect na maririnig namin mula sa kanya ang mga salitang yun.



She get her wallet from her bag and pull out her black card. Kinuha nya ang kamay ni Anja at ipinatong dito ang card.


"Dad gave that to me but you can have it. With that, you can shop anytime, buy everything you like, go to any place your feet takes you. Makukuha mo lahat ng gugustuhin mo like the way you want it." paliwanag ni Tin. "Ooops! May limitations pala yan, may mga bagay ka pa din palang hindi makukuha. Alam mo yun, yung mga may NAGMAMAY-ARI na."


Tin held Zac's hand and intertwined her fingers with his.


"Mas mabuti ba siguro kung mauuna na ako sa inyo." paalam ni Anja.


"Oh! Aalis ka na. Why so soon? Bakit hindi ka muna sumama sa amin mag-lunch?"


"Yam, tama na please." pakiusap ni Zac kay best.


Kahit kami gusto na namin syang awatin. Parang ibang Tin ang kaharap namin ngayon. Matapang, palaban, at hindi na maingat sa pananalita, di tulad ng dati. Mahinahon ang pananalita ngunit bawat salitang binibigkas nya ay may diin, may mas malalim na ibig sabihin. Para syang mayuming hangin bago sumapit ang bagyo.


Tila nagkapalit sila ng katauhan ni Anja.


"I bet Yam would like it. He LOVES having you around SIS."


"Tin, STOP IT!" saway sa kanya ni Zac. This time mas mataas na din ang tono nya.


"Zac, guys, I'll go ahead." paalam muli ni Anja at nakatungo nang naglakad palayo pero hinabol sya ni Tin.


"I'm not done with you." she snatched her arm. "Stay away from my boyfriend. Stay away from my family. GET OUT OF MY LIFE!"


"YAM!/TIN!/BEST!" saway namin sa kanya at binitawan na nya ang braso ni Anja. Nagmamadali itong tumakbo papalayo.


Hinarap naman ni best si Zac pagkatapos.


"Ano? Gusto mo syang sundan?"


"Yam please..."


"No relationship is over unless I say so. And unfortunately, I have no intentions of breaking up with you. Hindi kita pakakawalan Zac, hindi kita ipapaubaya sa kanya kaya sorry na lang kayo. You can't and you won't be together habang nandito ako."


"I won't break up with you either, you know how much I love you."


"BULLSHIT! Give it a rest Zac."


Tinulak nya palayo sa kanya si Zac and then walk away. Susundan sana sya ni Stan pero pinigilan ko sya.


"Ako na."


Hindi naman ako nahirapang hanapin sya. Just like before sa tuwing masama ang loob nya, sa rooftop pa din sya nagpupunta. Naabutan ko sya na nakasubsob ang ulo sa lap nya.


"Hey." bati ko sa kanya tsaka lamang sya tumunghay. "Mind if I join you?"


Tinulungan ko syang alisin ang buhok nya na sumasangga sa mukha nya at ayusin ito. She fired me a weak smile.


"I know, I messed up." sabi nya di pa man ako muling nagtatanong. "I should have handled it properly.... But I was so mad, really really really mad. Parang bulkang sasabog ang dibdib ko sa galit. Gusto kong manakit, gusto kong manigaw. Gusto ko silang sumbatan. Gusto kong maramdaman nila ang sakit na nararamdaman ko."


"The do it." napalingon sya sa akin dahil sa payo ko. "Gawin mo kung anong magpapaluwag sa dibdib mo. Ilabas mo lahat ng galit. At kapag wala nang natitira, buksan mo naman ang isipan mo. Kasi baka may mga hindi ka pa nalalaman, baka may dahilan kaya nangyari ang lahat. Parang sa school lang, kailangan nating makinig para may matutunan tayo di ba."







KRISTEN'S POV


Lumipas ang maghapon nang napakabilis. Parang kakagising ko lang, ngayon papauwi na ulit ako sa bahay. Buong maghapong iniiwasan ko si Zac, hindi ko sana sya kakausapin kung hindi ko lamang nakitang magkausap na naman sila ni Anja. Pigil na pigil akong hilahin ang buhok nya pero sa isipan ko, isnusubsob ko na sya sa sahig. Ang lakas ng loob nilang magpakita sa akin nang magkasama.


Laking gulat ko nang pagdating ko sa bahay naabutan ko sa garden si Anja. Nasa mga mata na naman nya ang mapanlinlang na emosyon na tila humihingi ng tawad sa akin, katulad ng kay Zac sa tuwing tititigan ko sya. Aaminin ko, napapalambot nito ang puso ko. Pero ang isipan ko ayaw nang magpaloko.



"Tin can we talk?"


"I have nothing to say to you." pag-iwas ko sa kanya.


Papasok na sana ako sa loob ng bahay pero hinila nya ako sa braso ko tulad ng ginawa ko sa kanya kanina sa university.


"Ako, meron. Marami. So whether you like or not, makikinig ka." this time, her voice's firmer.


"You're sick! Bakit ako makikinig sa taong mang-aagaw at sinungaling?!" sigaw ko sa kanya.


"Stop acting like a child please!" pakiusap nya.


"Eh di ikaw na ang matured, anong gusto mo tawagin pa kitang ate?"


"OO! Kung pwede lang, please tawagin mo ako ULIT na ate. Bumalik tayo sa dati. Ituring mo ulit akong kapatid."


It took me awhile bago nakabawi sa sinabi nya at muling makapagtanong.


"What.. what are you talking about? Anong dati?"


"Tin nakalimutan mo ako. Hindi ka tumupad sa usapan. Hindi mo naalala ang ate Thalia mo."


"I don't understand."


"Tin we grew up together. Ikaw at ako, pinalaki tayong magkapatid sa iisang bahay. We shared the same room, same toys, same clothes, same everything. We are the best of friends before. We are partners. We always got each others back. We laugh and cry together. We share the same dreams noong mga bata pa tayo. Bakit hindi mo maalala yun? Bakit mo kinalimutan lahat? Bakit mo ako kinalimutan? Bakit?"


"What are you saying? God. You're trying to fool me again. I'm out of here."


I tried to escape dahil ayaw ko syang paniwalaan although isang parte ng utak ko ang nagsasabi na makinig ako sa kanya. Dahil parte ito ng katotohanang hinahanap ko.


"You don't believe me? Go ask your bestfriends, sina Kayzer at Kareeshma. I'm sure they can't lie to you now."


"How did it happened? Papaano kitang nakalimutan tulad ng sinasabi mo?"


"We came into a childish fight when we were younger. Nahulog ka sa swimming pool at na-comatose. Pinaalis ako ng mommy mo, iniuwi ako ni daddy sa bahay ng lola ko. Hindi na ulit kita nakita until after few years nasalubong ko kayo ng mommy mo sa corridors ng WAVE building. Nagbago ka, hindi mo ako nakikilala. Ipinakilala mo ang sarili mo na nag-iisang anak ng daddy natin, si Kareeshma na ang itinuturing mong bestfriend at si Kayzer ang dance/acting partner mo. Hindi na ako parte ng buhay mo which is taliwas sa kasunduan natin. Sabi mo sa akin noon, habangbuhay ako ang ate mo. Na hindi nila tayo pwedeng paghiwalayin kahit magkaiba tayo ng mommy. Pero kasabay ng pagkawala ng memories mo, ang pagkawala ko din sa buhay mo. Aaminin ko, nagalit ako sa'yo. At ginusto kong gantihan ka sa paglimot mo sa akin. Ginawa ko ang lahat para pasakitan ka, inaagaw ko sa'yo ang lahat kasi baka sakali maalala mo ako. Kasi sa pag-aagawan naman natin sa iisang laruan dati nag-ugat ang lahat ng gulong 'to eh. Pero iba ang nangyari. Hindi lang pala ikaw ang nakalimot, ako din pala. Nakalimutan ko ang pangako ko sa'yo na poprotektahan kita at walang sinuman ang maaaring manakit sa'yo. Nakalimutan ko na maging ate mo. At kung hindi pa dahil kay Zac, baka hanggang ngayon nakakadagdag pa din ako sa sakit na dinadala mo."


"Anong kinalaman ni Zac dito?"


"Umalis kami ni Zac hindi dahil pinagtataksilan ka nya. Dinala nya ako sa bahay na kinalakihan natin. Ipinaalala nya sa akin ang lahat ng nakalimutan ko. Nagmatigas pa ako sa simula, na parang balewala sa akin lahat ng bagay sa bahay na yun at wala itong napupukaw na emosyon sa akin. Pinilit kong labanan ang mga alaala mo kasi sabi ko wala namang silbi ang mga yun, dahil kahit itulak kita sa ilang daang swimming pool, hindi na tayo babalik sa dati. Permanent kasi ang amnesia mo eh. Wala nang lunas. Kung ano lang ang mga pangyayari matapos ng aksidente, yun lamang ang nareretain ng memorya mo. Pero noong pumasok ako sa kwarto natin, nakita ko itong drawing mo."


Iniabot nya sa akin ang isang nakatuping papel.


"Stick figures nating dalawang magkasama, doon namiss kita nang sobra sobra. Narealize ko na sana, hinayaan ko na lang na hindi mo maaalala ang nakaraan natin. Sana pala gumawa na lang tayo ng mga bagong masasayang memories na magkasama. Hindi na sana kita nasaktan pa. I'm so sorry Tin. Patawarin mo si ate."


Yumakap sya sa akin, hindi ko alam kung dapat ko ba syang yakapin pabalik. Patuloy pa din ang paghingi nya ng tawad. Unti unti naramdaman ko ang paglambot ng puso. Parang nagkaroon din ng sariling pag-iisip ang mga braso ko at kusang yumakap kay Anja. Isa isang naglaglagan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Continue Reading

You'll Also Like

249K 11K 38
He is a jerk, a brat, and a headache. He is Aidan Josh Guirero Zamora.
21K 625 31
"ang pagibig nating dalawa ay hindi kukupas parang kanta itoy masusulat muli hanggang sa wakas ikay mamahalin magpakailanman at ikay sasamahan hangga...
258K 6.5K 33
♡Highest ranking #3 in paranormal | 6/12/18 Highest ranking #92 in romance | 03/27/18 Naniniwala kaba sa ghostly love?, paano kaya kung may boyfriend...
9.5K 904 35
Wade and Warren is an identical twin. Sinubukang kumbinsihin ni Wade ang kambal niyang si Warren na magpanggap bilang siya. Kahit hindi alam ni Warre...