Maybe In Another Year (COMPLE...

By soll4ris

3.6K 1K 934

What if you wake up one day and find out that you are in a different year? What will you do if you have no ch... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue
Special Chapter

24

64 26 8
By soll4ris

"Pero paano nangyari 'yun? Isang teleserye ba 'tong buhay ko kaya nangyayari sakin 'to? Bakit si manong Jojo pa ang naging body guard ni Jazmig? BAKIT?!" Sigaw ko habang nakahiga ako sa kama ko.

Napakaliit ng mundo, akalain mo na si manong Jojo na naging kaibigan ko noong napunta ako sa year 2002 ay nakita ko ulit ngayon 2016? 14 years na ang nakalipas at nagkita ulit kami, hindi ko alam kung matutuwa ba ako or magtataka. Mabait kasi si manong Jojo, naalala ko dati na siya ang nagpasok sakin ng trabaho sa isang hotel at tuwing may nagagawa akong mali sa trabaho ay palagi niya akong pinagtatanggol, kamusta na kaya ang kalagayan niya ngayon? Siguro may mga apo na siya.

Pero bakit nagtatrabaho na siya kay Jazmig ngayon?

Ah siguro napaalis siya sa hotel kaya nag-apply siya ng ibang trabaho kaya bumagsak siya kay Jazmig. Grabe! Small world talaga.

Hay! Bahala na nga, hindi dapat si manong Jojo ang pinoproblema ko, dapat maghanap na ako ng trabaho kung hindi ay mamamatay ako sa gutom dito.

Nabulabog ako sa malalim kong pag-iisip nang may kumatok sa pinto. "SANDALI!" Sigaw ko habang tumatayo ako mula sa pagkakahiga.

"Sino---" Natigilan ako nang mabuksan ko ang pinto at makita kung sinong kumakatok.

Bakit nandito si manong Jojo? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira?!

"Aub---"

"Hindi ako si Aubrey! Naliligaw lang kayo, ako si... Clarrise, sinong Aubrey ang pinagsasabi mo?!" Pagputol ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero sinaraduan ko na siya ng pinto.

Anong gagawin ko? Bakit nandito si mang Jojo? Dahil ba sa ginawa kong pagtrespassing sa bahay ni Jazmiv kaya hinahunting na nila ako? Paano kung may mga kasama na siyang police?

Nilibot ko ang paningin ko sa apartment ko at napatitig ako sa binatan. "Oo tama, sa bintana na lang ako lalabas tutal naman ay nasa first floor lang ako." Tumakbo ako papunta sa bintana at saka sumilip sa labas.

Teka, bakit may mga police police sa labas?

Napatakip na lang ako sa bibig ko. Ipapahuli na ba talaga ako ni Jazmig? Walang hiya siya, pagkatapos niya akong tulungang takasan ang mga police dati tapos ngayon siya ang magpapahuli sakin? Grabe siya!

Huminga ako ng malalim sak ko tinakpan ang mukha ko ng panyo bago ako tumalon sa bintana para makalabas. Maraming mga police ang naghahanap sakin ngayon, halatang mayaman si Jazmig kaya nagpatawag siya ng napakaraming police!

“Aubrey, sandali lang!” Napatingin ako kay manong Jojo na ngayo’y tumatakbo palapit sakin.

Naku! Bakit ba ayaw niya akong tantanan? “HINDI NGA HO AKO SI AUBREY?” Inis kong sabi at saka ako tumakbo.

Bahala na! Basta hindi ako si Aubrey ngayon, hindi ako pwedeng makulong ulit.

“Ano ka ba! Hindi naman kita sasaktan, sandali lang!” Sigaw niya pa habang hinahabol niya ako. Aba loko ‘to ah! Bakit ang bilis niyang tumakbo?

“Aubrey, sandali lang!”

“HINDI NGA SABI AKO SI AUBREY! AKO SI CLARRISE, OKAY! CLARRISE ANG PANGALAN KO!” Sagot ko rin habang patuloy na tumatakbo, tumawid ako sa highway kahit nakared light pa at maraming kotse ang nasa gitna.

"HOY TUMABI KA NGA SA HIGHWAY! MAGPAPAKAMATAY KA BA?!" Sigaw sakin ng isang driver pero hindi ko lang siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagtawid. Mas okay ng mamatay sa pagtawid kaysa mamatay sa loob ng kulungan!

"AUBREY BAKA MAMATAY KA SA PAGTAWID!"

Nang makalagpas ako sa highway ay huminga muna ako ng malalim. "Muntikan na ako dun ah!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa hingal, bakit ba kasi nila ako ipapakulong? Wala naman akong ninakaw, nakakapagod tumakbo! Pwede bang timeout muna.

"Aubrey, may itatanong lang ako," sigaw niya habang hingal na hingal tumatakbo palapit sakin

"Hay, buysit!" Tumakbo ulit ako ng pagkabilis-bilis para hindi niya ako maabutan. Bakit ba hindi siya napapagod, nakainom ba siya ng energy drink!

May nakita akong overpass kaya dali-dali akong umakyat doon. Sigurado akong mahihirapan siyang umakyat ng hagdan dahil matanda na siya.

"Sandali!" Nilingon ko si manong sa likod ko. Huh? Bakit ang bilis niyang umakyat?!

Hindi 'to pwede! Hindi niya ako pwedeng maabutan, kailangan ko pang mas bilisan.











"PWEDE b-bang magpahinga muna tayo saglit?" Tanong sakin ni manong Jojo habang nakahiga na siya sa sahig dahil sa hingal. "Timeout muna tayo! Pahinga muna."

Napaupo na lang din ako sa sahig dahil sa sobrang hingal, halos ilang oras din kasi kaming naghabulan. Grabe! Ang lakas ng stamina niya, ang tanda niya na pero hindi siya sumuko kakahabol sakin! Kung saan-saan na ako tumakbo para lang matakasan siya, tumawid ako sa ilog, lumusot ako sa kanal, umakyat sa puno, sumabit sa jeep, nagnakaw ng bike at kung ano-ano pa pero nahabol niya pa rin ako.

Hindi ko na kayang tumakbo, wala na akong lakas na mailalabas pa, feeling ko ay mamamatay na ako. "Sige timeout muna tayo."

Humiga ako sa sahig. "Parang mamamatay na ako, sobrang bilis ng heartbeat ko at parang kakapusin na ako ng hininga," reklamo ko.

"Ako rin, parang aatakihin na ako sa puso. Ang sakit ng balakang at tuhod ko." Napatingin ako kay manong Jojo saka tumayo sa pagkakahiga.

"Bakit niyo ba kasi ako hinahabol? Utos ba 'to ni Jazmig huh? Gusto niya ba akong ipakulong kaya may mga kasama kayong police?" Galit kong tanong.

Hay! Para akong aatakihin sa puso dahil sa galit at hingal.

"Ano bang sinasabi mong police? Wala naman akong kasamang police ah!"

Natigilan ako bigla sa sinabi niya. "Eh bakit maraming police sa labas ng apartment ko?"

"Aba'y hindi ko alam, sa pagkakarinig ko noong dumaan ako kanina ay may nagsuicide raw sa building na 'yun kaya nandoon ang mga police para mag-imbestiga."

"Huh? Ibig-sabihin hindi nila ako huhuliin?" Napahampas ako sa ulo ko. Bobo ka talaga Aubrey! Sinayang mo lang ang pagod mo kakatakbo para sa wala.

Tumingin ako sa buong paligid. Nasaan na ba kami? Parang nakarating na yata kami sa Sultan Kudarat dahil sa pagtakbo ko.

"Bakit ka naman nila huhuliin?" Kunot-noo niyang tanong.

"Kasi akala ko inutusan ka ni Jazmig na hanapin ako para mapakulong dahil nagtrespassing ako sa bahay niya noong isang araw."

"Tsk tsk, hindi magsasayang ng oras si sir Jazmig para lang ipahanap ka," sagot niya sakin habang tinitignan niya ako na para bamg naaawa siya sakin, parehas lang naman kaming nakakaawa ngayon.

"Eh kung ganon, bakit niyo po ba ako sinusundan?"

Kung hindi si Jazmig ang nag-utos sa kanya, eh sino?

"Alam kong ikaw si Aubrey at alam kong naaalala mo ako. Hinabol lang kita dahil gusto kong malaman kung bakit ka natakot sakin noong araw na nagkita tayo sa bahay ni Jazmig? At saka bakit nasa bahay ka nila sir Jazmig?" Tanong niya sakin.

Iyon lang ang dahilan kung bakit niya ako hinabol at kung bakit kami umabot hanggang dito?! Kalma Aubrey, kumalma ka! Ikaw rin naman ang may kasalanan.

"Hindi naman ako natakot sa inyo noong araw na 'yun, nagulat lang po ako dahil nagkita ulit tayo, sa nilaki-laki ng mundo ay nagkita ulit tayo haha, parang ang weird po kasi at saka tumatakbo ako noong araw na 'yun dahil napagkamalan akong magnanakaw ni Jazmig pero ang totoo ay may naiwan lang ako sa bahay niya," patawa-tawa kong sabi. "Iyon lang po ba ang itatanong niyo? Uuwi na po kasi ako." Tatayo na sana ako para umalis pero hinawakan niya ang braso ko.

"Sandali lang, gusto ko ring malaman kung bakit hindi ka tumanda." Napatitig ako sa kanya ng masama.

"Mahigit sampung taon na ang nakalipas pero walang nagbago sa hitsura mo, hindi ka man lang tumaba o kumulubot." Naging seryoso ang mukha niya at tinitigan niya ang bawat parte ng mukha ko na para bang naghihinala siya sakin.

Alam niya kaya na time traveler ako kaya niya ako sinundan? Kaya ba siya nagtrabaho kay Jazmig dahil alam niya rin na mahal--- este kilala ko si Jazmig?

"Nagparetoke ka ba? Anong skin care ang ginagamit mo at hindi ka tumatanda? Anong sikreto mo? 36 ka na hindi ba? Pambihira! Ni hindi ka man lang tumanda."

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko talaga mabubuking niya na ako eh! 36? Nakakatawa, 22 years old pa lang namana ko. Tsk tsk!

"Hay, kayo naman po, paano niyo nalamang nagparetoke ako? At saka opo, 36 na ako haha!" Patawa-tawa kong sabi at saka ako nagbeautiful eyes. Ganon ba talaga ako kaganda para mapagkamalamg nagparetoke?

"Ah, tama nga ako. Nagparetoke ka kaya hindi tumanda ang hitsura mo. Akala ko talaga isa kang bampira na hindi tumatanda." Tumayo siya mula sa pagkakaupo. "Oh siya sige umuwi ka na, sigurado akong napagod ka. Kailangan ko na ring pumunta kila sir Jazmig dahil walang tao sa bahay niya. Natutuwa akong nagkita ulit tayo."

Napangiti ako bigla sa sinabi niya, wala si Jazmig sa bahay niya. Chance ko na 'to para mahanap ang relo ko.

"Sandali po." Hinila ko ang braso niya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. "Pwede po bang tulungan niyo akong makapasok sa loob ng bahay ni Jazmig?" Tanong ko at saka ako nagpuppy eye ulit.















"MANONG Jojo nahanap ko na po ang relo ko!" Excited kong sabi matapos kong makita ang relo ko sa ilalim ng kama na pinagtulugan ko rito noong nakaraang araw. Mabuti na lang talaga at mabait 'tong si mang Jojo at hinayaan niya aking halungkatin itong bahay ni Jazmig.

"Ano ka ba! Huwag mo ngang lakasan 'yang boses mo," mahina niyang sabi na animo'y ayaw niyang may makarinig sakin.

"Okay lang po, sabi mo wala naman ibang tao rito dahil umalis si Jazmig at si nanay Telma."

Naalala ko tuloy ang sinabi sakin ni Jazmig dati, ulila na siya sa magulang niya at mag-isa lang siyang lumaki, masaya ako dahil kahit papaano ay may kasama pala siya. Naikwento sakin kanina ni manong Jojo na matapos niya raw matanggal sa trabaho niya sa hotel ay nag-apply siya bilang body guard ni Jazmig. Napamahal na raw siya kay Jazmig dahil simula pagkabata nito ay siya na ang nag-alaga kay Jazmig kaya hindi niya na rin nagawang maghanap ng asawa. Napakaloyal ni manong Jojo, I salute him.

"Salamat po sa inyo sir Jojo." Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya, naaawa ako sa kanya at kay Jazmig dahil parehas silang pinapahirapan ng mundo, parehas silang nag-iisa at walang kasama.

"MARAMING SALAMAT PO!" Maluha-luha kong sabi.

Ilang araw ko rin kasing inisip kung anong naging buhay ni Jazmig gayong parehas na namatay ang magulang niya sa bata niyang edad, ako ang nalulungkot para sa kanya pero noong kinwento sakin ni mang Jojo na silang dalawa raw ni nanay Telma ang naging magulang ni Jazmig simula dati ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Alam kong masaya ka dahil hinayaan kitang makapasok sa bahay ni sir Jazmig para mahanap mo na 'yang relo mo pero kailangan mo ng umuwi bago ka pa makita ni Jazmig." Napabitaw ako bigla sa pagyakap sa kanya.

"Akala ko po ba bukas pa siya uuwi?"

"Tinext niya ako at sabi niya ay uuwi na raw siya ngayong hapon dahil nagkaroon ng problema. Kaya sige na, umalis ka na!" Sabi niya saka niya hinila ang braso ko para makatakbo palabas.

"TATAY?" Napatigil kami bigla ni mang Jojo nang marinig namin ang sigaw ni Jazmig mula sa first floor.

Patay! Nandito na siya. Kailangan kong magtago, hindi ako pwedeng makita rito ni Jazmig, baka this time mapakulong niya na talaga ako.

"M-magtago ka," mahinang bulong sakin ni mang Jojo.

"Pero saan po?"

"TATAY, NANDITO NA PO KAMI!" Sigaw ulit ni Jazmig dahilan para matulak niya ako. Aba! Parehas sila ni Jazmig na mahilig manulak.

"Kahit saan, ikaw na ang bahala sa sarili mo. Basta hindi ka pwedeng makita ni sir Jazmig kundi parehas tayong malalagot," kinakabahan niyang sabi at saka siya umubo-ubo. "NANDITO PO AKO SIR!"

HAY! LAGOT NA TALAGA AKO.

"Sige na, magtago ka na!" pabulong na sigaw sakin ni manong.

Dali-dali akong tumakbo at pumasok sa pinakamalapit na kwarto na pwede kong pagtaguan. Pagpasok ko sa loob ay grabe! Kuminang ang mata ko dahil sa linis, parang nazonrox ang buong kwarto.

Safe ako rito kasi mukhang guest room lang naman 'to dahil walang kagamit-gamit, kama at wall cabinet lang ang nandito. Keri na sigurong magtago rito.

Nilock ko ang pinto at saka binato ko ang sarili ko sa kama, wow! May aircon din pala dito sa kwarto. Ang sarap naman sa feeling dahil malamig at malambot ang kama pero ang sakit ng mga paa ko.

"Kung hindi sana ako nagtatakbo edi sana'y baka makatulog pa ako rito." Napatingin na lang ako sa buong paligid, walang kagamit-gamit pero bakit nakabukas ang aircon?

Bigla akong napatayo nang marealize kong bukas ang aircon, kung guest room 'to ay dapat nakasara ang aircon.

Ah... Baka may nagmamay-ari ng kwartong 'to, baka si nanay Telma ang nagamit nitong kwarto.

"Sir, sigurado po ba kayong matutulog na kayo kaagad?" Narinig kong tanong ni mang Jojo kay Jazmig sa labas ng pinto ng kwartong 'to

T-teka, papasok sila rito?! Nalintikan na!

Gumalaw bigla ang door knob dahilan para wala sa oras akong mapatayo dahil sa panic.

"Yeah, I had a long day. Mamaya na rin po ako kakain ng gabihan," Narinig kong sagot ni Jazmig.

Hala! Saan ako magtatago?

Para akong isang kitikiti na paikot-ikot dito sa loob ng kwarto dahil natataranta na ako. Narinig kong kumuha si Jazmig ng susi para buksan ang pinto kaya no choice na ako.

Binuksan ko ang wall cabinet at saka roon ako nagsumuksik para makapagtago, sinarado ko iyon ng maigi para hindi mahalata na nandito ako.

Narinig kong bumukas na ang pinto ng kwarto at nakita kong umupo si Jazmig sa kama kung saan nakaharap siya sakin.

Sa tapat ko pa talaga siya umupo, feeling ko tuloy nakikita niya ako. Hay! Ano ba naman ito, para akong nasa isang horror movie na nagtatago sa cabinet dahil hinahanap ako ng killer. Tapos mamaya mapapalingon siya sakin at makikita niya ako tapos ichochop niya ang buong katawan ko hanggang sa maging giniling ang hitsura ng laman loob ko.

Napahampas na lang ako sa ulo ko. Hoy, ano ba 'yan Aubrey! Tumigil ka nga!

Pero teka sandali, bakit ang daming damit dito sa loob ng cabinet? Akala ko ba guest room ito pero bakit sobrang daming damit na panlalaki rito?

"Hindi kaya ito ang kwarto ni Jazmig? Pero bakit kama at cabinet lang ang nandito? Nakakapagtaka---" Napatigil ako sa pag-iisip dahil biglang bumukas ang pinto ng cabinet at bumungad sakin si Jazmig.

Oh no! Mukhang galit na naman siya. Nanlilisk ang mga mata niya.

"H-hello J-jazmig, long rime no see." Iyon na lang ang nasabi ko at saka ako ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"You're right, this is my room," sabi ni Jazmig ng walang halong pagkagulat sa kanya. Alam niya ba na nandito ako?

Hay, masyado yata akong busy sa pag-iisip kaya't hindi ko napansing naririnig niya na ako.

Nagulat ako nang hinawakan niya ang braso ko at saka marahas niya akong hinila palabas ng cabinet niya. Lord ito na ba 'yun? Makukulong na naman ba ako?

"ARAY!" Reklamo ko dahil masyado na yatang malakas ang paghawak niya sakin.

"TATAY?" Halos mabingi ako sa sigaw niya.

Hinila pa ako lalo ni Jazmig palabas ng kwarto at doon ay nasalubong namin si mang Jojo at si nanay Telma na hingal na hingal dahil sa pagmamadali.

"Call the police right now, may nakapasok na magnanakaw," sabi niya at saka niya ako tinitigan ng masama dahilan para mag-iwas ako ng tingin.

Nagkatitigan kami bigla ni manong Jojo, sa titig niya pa lang ay pinapagalitan niya na ako kaya wala akong nagawa kundi yumuko na lang.

Ang malas ko namn kasi eh! Sa lahat ng kwartong mapapasukan ko ay 'yung kay Jazmig pa!

"Hindi na po natin kailangang tumawag ng police sir." Napatingin kaming lahat kay manong Jojo. "Ako po ang nagpapasok sa kanya."

Parang nalaglag yata ang panga ko dahil sa sinabi niya. Baliw na ba siya? Bakit niya inamin na pinapasok niya ako? Baka mamaya ay mafired siya dahil sakin.

Binitiwan ni jasmig ang kamay ko. "Why?"

"Kasi po... Inalok ko po siya ng trabaho rito," sagot ni mang Jojo dahilan para manlaki ang mga mata naming tatlo.

"Kasi po aalis na si Telma kaya't naisipan naming dalawa na maghanap ng papalit sa kanya," sabi ni mang Jojo saka niya siniko-siko si nanay Telma na animo'y sinasabi niyang makisakay na lang. "Si Telma pa nga ho ang nagrekomenda kay Aubrey kaya hindi na po natin kailangan ng police."

Nakita kong napapikit si nanay Telma sa inis bago magsalita. "Oo mig-mig, naisip ko rin kasi na kailangan kong maturuan ang bago mong magiging alalay kaya habang hindi pa ako pumupuntang Madrid ay kailangan kong matrain ang magiging kapalit ko." Tumingin sakin si nanay Telma at saka niya ako binigyan ng I-got-you-look. "At si Aubrey ang pinakaqualified na empleyado," dagdag niya pa dahilan para sumigaw ang puso ko dahil sa tuwa.

Yes! Hindi ako makukulong. Niligtas ako nila manong at nanay, ang babait naman nila. Gusto ko silang ikiss ngayon.

"If that's true then why is she hiding in my closet?"

Napakamot na lang ako sa batok ko. Kailangan kong mag-isip ng palusot.

"Oo nga hija, bakit ka ba kasi nagtatago?" Tanong sakin ni manong Jojo na parang minamadali na pa akong sagutin sila.

Wait lang guys, sandali lang, nag-iisip pa ako!

"Ah kasi ano... Uhm... Nawawala 'yung hikaw ko. Oo nawawala 'yung hikaw ko kaya hinanap ko sa mga kwarto tapos bigla ?a lang pumasok si Jazmig kaya natakot ako at nagtago sa cabinet."

Nice one Aubrey! Ang galing ko roon ah, paniguradong maniniwala siya sakin.

"Ah, ganon ba." Naglipat-lipat ang tingin ni Jazmig saming tatlo, halata namang hindi siya naniniwala samin. "If that's the case, I want you to cook for me."

OMG! Tama ba ang narinig ko? Gusto niyang paglutuan ko siya. Ibig-sabihin ba nito ay hired na ako? Woah, may trabaho na ba ako! Yes, sa wakas, may pambayad na ako sa apartment ko!

"Naku syempre po paglulutuan ko kayo, ito naman ang trabaho na inoffer sakin eh, ang maglinis, magluto, maglaba at bantayan ka hehe," nakangiti kong sagot habang nahihiya-hiya pa, syempre dapat kunyare humble lang ako noh.

"Right now!"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "H-huh?"

"Ipagluto mo ako ngayon, gusto kong malaman kung magaling ka ba magluto."

Tumingin ako sa labas, gabi na tapos gusto niya pa akong paglutuin. Lagot ako dahil hindi pa naman ako magaling magluto.

"Dahil ikaw ang magiging personal chef ko kailangang makuha mo ang panlasa ko." Lumapit siya sakin ng konti dahilan para mapaatras ako. Kung makatingin siya ay parang tinatakot niya ako.

"Hindi ka uuwi hangga't hindi ko nagugustuhan ang luto mo."

Continue Reading

You'll Also Like

19.4K 193 7
Pure male to male smut Date released: 03/07/24 | 3:00 pm
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
83.4K 2.1K 30
I'm just a mere human with an ordinary life. A woman with full of hopes. A woman with no special powers. A human doesn't know to control it's own emo...
6.8K 323 26
"Late night I was researching about my presentation in History subject,and then I fall asleep. Sunddenly, I woke up because of the noises, with a wid...