Costiño Series 13: Till the L...

By Alexxtott

35.8K 1.1K 106

Leyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na... More

TTLE
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
Notes

Kabanata 3

1.1K 57 2
By Alexxtott

Kabanata 3

Damn

Hindi ko maitatangging nagustuhan ko ang ginagawa namin ni Yandro. Bagama't baguhan at hindi sanay, sa araw-araw na pagkikita at paghahalikan, nasanay na rin. Pero hindi 'yon ang narealize ko sa kanya. Marami akong nakita sa kanya. Mga katangian na ngayon ko lang nakita sa isang lalaki.

Leyandrius is very different. That is true! Sa paglipas ng ilang linggo, sa tuwing lumalabas kami at nagpapalipas ng oras magkasama, ramdam na ramdam ko ang senseridad niya sa ako. Ramdam ko na tunay siya. Na walang bahid ng kahit anong intensyon sa akin.

Hindi ko sinabi kay Papa ang tungkol sa pangliligaw ni Yandro. At wala akong balak na sabihin dahil alam kong magagalit siya at magiging hadlang sa amin. Galit siya sa mga Costiño. Galit siya sa pamilyang iyon dahil siguro sa negosyo. Kapag malaman ni Papa na may koneksyon kaming dalawa, siguradong gagawa 'yon ng paraan upang masira kami.

"Let's have a vacation?" si Yandro habang nasa library kami.

Nagtaka ako, hindi pa naman bakasyon. Bakit gusto niyang gawin namin 'yon?

"Saan naman? Teka, hindi pa naman natin bakasyon diba?" tugon ko.

He sighed. Alam kong birthday niya sa linggo. At gusto niyang umalis kami sa linggo, sa mismong kaarawan niya. Kung matutuloy kami sa pag-alis, plano ko rin na sagutin na siya sa kaarawan niya. Plano kong ibigay sa kanya ang matagal na niyang hinihintay sa akin. It has been month since we talk and courting me, it's time to give him a chance.

Wala naman sigurong mawawala sa akin? Wala naman sigurong mangyayaring masama? Hindi niya naman siguro ako sasaktan diba? I trust Yandro. I trust his words. Kaya kung anuman ang mangyari sa gagawin ko, at pagbibigay ko sa kanya ng chance, I hope it will be worth it.

"Palawan? Manila? Saan mo gusto?" he said using his soft deep voice.

I swallowed. Saan ko ba gustong pumunta? Saan ko ba gustong magbakasyon? Saan ko ba gustong ibigay ang chance sa kanya? Naisip ko ang Surigao. Matagal ko ng gustong pumunta doon. Matagal ko ng gustong makita ang kagandahan ng lugar na iyon. Pero siguradong magtatanong si Papa kung sino ang kasama ko kapag magpaalam ako sa kanya.

Siguro dito nalang sa lugar namin. Mas mabuting malapit lang dahil hindi magdududa si Papa. Ang alam ko, may mga resort naman dito sa amin. Mga sikat na palaging pinupuntahan ng mga turista dito. Sa Haiyan Hotel and Resort? Pwede rin sa Oriental Hotel? Mga malapit na bakasyunan iyon.

"Dito nalang sa atin, Yandro. Sa Oriental Hotel, malapit lang at maganda naman doon." sagot ko.

His lips protruded while staring at me. Alam kong hindi siya tatanggi dahil kapag gusto ko, sinusunod niya.

"It's fine with me. Doon nalang tayo. It's gonna be two days vacation. Uuwi tayo sa linggo ng gabi. Is that okay with you?" aniya habang nakatingin sa mga mata ko.

Tumango ako at napahinga ng malalim. Walang problema sa akin kung dalawang araw lang. Hindi rin naman kami pwedeng magtagal. Baka maghanap sa akin si Papa.

Iyon ang pag-uusap namin para sa umagang 'yon. Pagdating ng hapon, seryoso ang klase namin. Discussion and recitation ang ginagawa ng Professor. Mabuti nalang at nakakasagot ako. Nung natapos kami sa dalawang subject, nagkaroon muna kami inspection sa laboratory.

Medyo mahirap dahil hindi nga madali ang nursing pero challenging. Sa bawat laboratory namin, nari-realize kong dapat kapag pumasok ka sa kursong ito, dapat gusto mo talaga at ito talaga ang course choice mo. Kasi kung napilitan ka lang, siguradong mahihirapan ka talaga. Nursing is survival. You really have to earn motivation and encouragement.

After the laboratory session, uwian na. Nanginig ang cellphone ko sa loob ng bulsa, kinuha ko 'yon at tinignan ang mensaheng pumasok. It was Yandro.

Yandro:

Nasa labas ako ng campus, sa bandang gate.

Napangiti ako. Sobrang responsible talaga siya. Kahit sa ganitong tagpo, alam niya ang gagawin. Hindi niya ako iiwan na mag-isa. Talagang sasamahan niya ako kahit matagal ang labasan.

Mabilis akong naglakad palabas ng university. Bitbit ang ngiti habang hindi mawala ang sayang nararamdaman. Nang makalabas sa gate, agad ko siyang nakita ngunit nawala ang ngiti dahil sa nakikita ko. Masayang nag-uusap si Yandro at Merl, ang muse ng Education Department.

Napatigil ako at mabilis na naramdaman ang sakit sa puso. Goodness sake, Doreen! Wala naman kayo ah! Isiping mabuti na wala naman kaming label pa! Kaya hindi dapat makaramdam ng ganito. Pero mapipigilan ba? Mapipigilan ko bang hindi magselos? Na kahit walang label, masakit na makitang masaya siya habang kausap ang babaeng posibleng magustuhan niya.

Merl is beautiful and kind. Maraming lalaki ang nagkakagusto sa kanya. Kahit yung mga senior namin, gusto rin siya. Kaya paanong hindi ako magseselos at mangangamba gayong silang dalawa ay sikat sa university. Napalunok ako at maiging pinagmasdan ang masaya nilang kwentuhan. Nakikita ko ang saya sa mga mata ni Yandro gayundin sa babaeng kausap niya.

Umatras ako at bumuntonghininga. Pilit pinapakalma ang kirot na nararamdaman sa puso. Jusko, Doreen! I need to calm down! Siguro sasabihin ko sa kanya na mauuna nalang akong umuwi. Tutal mukhang hindi pa sila matatapos sa pag-uusap. Kinuha ko ang cellphone at nag-type ng reply sa kanya.

Ako:

Mauuna akong uuwi. Mukhang hindi pa kayo matatapos sa pag-uusap ni Merl.

God! Pati sa text ko, bitter! Hindi ko maitago ang tunay na nararamdaman dahil baguhan ako sa lahat ng ito. Hindi ko naman alam kung paano pipigilan ang pagseselos! Hindi ko alam kung paano itatago ang pait na nararamdaman. Agad na dumating ang reply ni Yandro.

Yandro:

No. Sabay tayong uuwi.

After I read it, tinignan ko sila. Kinabahan ako ng makita ang kaseryosohan sa mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pero mas nagulat ako ng walang paalam siyang tumayo at iwan si Merl sa kinauupuan nila. He walk firm and serious. Huminto siya malapit sa akin, walang pagbabago ang mga mata.

"Kapag sinabi kong sabay tayo, sabay tayo. Hindi ka aalis at hindi ka mauuna." he said seriously.

Napalunok ako at yumuko. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin e! Hindi ko alam kung paano itatago o pipigilan ang nararamdamang pait sa puso. Truthfully, when I saw them talking, my insecurities eating me again. Maraming tagpo ang pumasok sa isip ko. Paano kung magustuhan niya si Merl? Paano kung marealize niyang hindi naman pala ako worth it sa paghihintay ng sagot? Paano kung karapat-dapat pala silang dalawa? Anong gagawin ko? Paano ako magsisimula? Babalik ba ako sa dating buhay na walang iniisip kundi ang pag-aaral lang?

Iyon siguro ang gagawin ko. Babalikan ang dating sarili upang hindi na masaktan pa ng husto sa kanya. Kasi kung hindi ko aayusin ang nararamdaman, babagsak ako at baka mahulog pa sa kurso.

"H-hindi...pwede naman kayong mag-usap muna ni M-merl." nautal kong sabi, hindi mapigilan ang pait sa boses.

Hindi ko siya kayang tignan sa mga mata. Baka makapagsalita ako ng masasama laban sa kanya. Baka masabi ko ang nararamdaman ngayon. Baka mag-away lang kami.

"Bakit ayaw mong tumingin sa mga mata ko?" he said hoarsely.

I shook my head. Ayoko at hindi ko gagawin 'yon kasi alam kong lalambot ako kapag makita ang mga mata niya.

"S-sige na, uuwi na ako." sagot ko.

Sinubukan kong dumaan sa gilid upang maunang umalis ngunit marahan niyang hinawakan ang palapulsuhan ko. I even heard his sexy chuckle.

"Let's go in my car." he said very deep.

Napalunok ako at balak pa sanang magprotesta ngunit nahila niya na ako sa loob ng kanilang sasakyan. Nauna siyang umupo at nagulat ako ng ipa-upo niya ako sa kanyang kandungan. He closed the door. Tinignan niya ang driver bago nagsalita.

"Labas ka muna, Kuya Dex." aniya sa kanyang driver.

Agad naman na sumunod ang driver at iniwan kami. Ngayon kaming dalawa nalang sa loob, tinted ang bintana, hiyang-hiya ako, parang nadarang na bulaklak at kailangan lang ng dilig upang mabuhay muli. Yumuko ako at hindi tumingin sa kanyang mga mata. Naramdaman ko ang kanyang kamay sa baba ko, pinantay ang mga mata namin.

"Are you jealous?" sa paos niyang boses.

I bit my lower lips. Mabilis akong umiling, nilalabanan ang tunay na nararamdaman. Ngumiti siya at kitang-kita ang kasiyahan sa kanyang mga mata.

"H-hindi..." sa utal kong boses.

He protruded his lips.

"Bakit pakiramdam ko'y nagseselos ka?" he said.

Mariin akong umiling, pilit tinatanggi ang tumpak niyang hinala.

"H-hindi nga. Ba't naman ako magseselos?" nakanguso kong sabi.

"Kasi kausap ko si Merl. Don't deny it, Doreen. Bakas na bakas sa mga mata mo. You want to kill me right now." aniya sabay sa mahinang tawa.

I scourge his shoulder lightly. I shook my head repeatedly.

"Hindi nga!" labas sa ilong kong sabi.

Humalakhak siya sa leeg ko. Hindi ko napigilan ang pang-iinit ng katawan lalo pa't pinagtatawanan niya pa ako! Is he happy playing with me?

"Really, baby?" he said while laughing sexily.

Hinampas kong muli ang kanyang balikat dahil talagang nahihiya na ako at umiinit na ng husto ang ulo ko.

"Stop calling me that!" I spat.

He laughed again.

"Why? You think it would be better if I call Merl using our endearment hmm?" sa pang-aasar niya sa akin.

Kinurot ko ang dibdib niya at sumiksik na talaga ako sa leeg niya.

"Subukan mo lang, talagang mararanasan niyo ang galit ko." pagbabanta ko sa kanya.

He kiss my ears while laughing sexily.

"Damn, my baby is mad and jealous."





---
© Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 44.6K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
150K 3.9K 25
Ariadna Arsola, ang babaeng reyna ng entablado. Kinababaliwan ng mga lalaki sa bar. Maganda siya, nahuhumaling ang sino mang tumingin sa kanya. Isang...
115K 3.3K 24
Status: Completed Start Posted: September 2, 2020 End: November 10, 2020 Crush is one word but million of feelings. Humanga ka sa kanya ng matagal, m...