The Night We Met in Intramuros

By Savestron

1K 186 42

What would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met befor... More

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
EPILOGUE
WRITER'S NOTE

32

20 3 0
By Savestron

Twelve days later...

NAKATITIG lang ako sa kisame ng aking kuwarto. Tinatamad pa akong bumangon dahil halos kasisikat lang ng araw. Iniisip ko rin ang napanaginipan ko kagabi. May mga kasama akong mga tao, at sila ang mga kasama ng mga magulang ko na nasawi sa aksidente. Hanggang ngayon ay dinadalaw nila ako maging hanggang sa aking panaginip. Minsan nga ay naguguluhan ako kung bakit parang tuwing nagiging laman sila ng aking panaginip ay tila kilalang-kilala ko sila, na para bang nakasama ko sila, kahit hindi naman talaga.

Ikinalma ko na lang ang aking sarili dahil umagang-umaga ay malalim na agad ang iniisip ko. Bumangon na lang ako at dumeretso sa banyo. Pagkababa ko ay nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng kape.

Tahimik akong nakaupo sa garden area nang bigla kong marinig ang boses ni Railey. Agad kong ibinaba ang tasang hawak ko saka ako tumayo para tanawin sila.

"Papasukin mo kami, Kiel! Maawa ka sa amin!" Umiral na naman ang kabaliwan ni Railey. "Kiel! Lumabas ka riyan!"

Napatakbo ako papuntang gate dahil nakatanaw na ang mga kapitbahay rito, akala siguro'y nag-eeskandalo itong si Railey.

"Ipahihiya mo ba ako? Alam mo naman na uso ngayon ang fake news, 'di ba?" Sumenyas ako sa kanila na tumuloy na sila. "Pasok, bilis."

"Aarte pa ba? Dinala ko na nga 'yang si Blythe para masaya naman ang Saturday mo," nakapamaywang niyang sabi. "At dinala ko na rin itong libro mo. Walang damage 'yan." Iniabot niya sa akin ang libro.

"Kape? Breakfast? Meron dito sa kusina, basta self-service," sabi ko.

"Ay!" Napahampas si Railey sa kitchen counter namin. "Wala na, four-star na lang sa akin 'tong bahay niyo," sabi niya habang namimili ng tasang gagamitin. "Alam ko na pala." Umikot-ikot siya at umarteng tila isang prinsesa. "This is the moment," sabi niya habang nakatingin sa ref.

"Oh, ano'ng meron sa ref?"

"Pagkain. 'Di ba obvious?" sagot niya, saka iyon binuksan.

"Mag-picnic tayo sa park, do'n sa sentro," suhestiyon ni Blythe, kaya sabay kaming napatingin ni Railey sa kaniya.

Bahagya akong napangiti bago ako humigop ng kape. "Seems like a nice idea," sabi ko sa kaniya sabay kindat.

"Wow." Isinara ni Railey ang ref. "Kapag ako ang nagsa-suggest, palagi kang nagrereklamo, ha!" Itinuro niya ako saka siya napatakip ng bibig.

"Bakit?" sabay naming tanong ni Blythe sa kaniya.

"Aminin... Kayo na, 'no?" Napatakip na naman siya ng bibig. "Mag-boyfriend, girlfriend na kayo?" hindi makapaniwalang sabi niya at agad lumapit kay Blythe para yakapin siya.

"Huh? We're not yet dating. 'Di ba... Blythe?" Napatingin ako sa kaniya.

Marahan lang siyang tumango at napangiti na lang. Samantalang si Railey, may halong malisya pa rin ang tingin sa amin. Tuwing titingnan kami ay naniningkit ang kaniyang mga mata.

"SO, kailan magiging kayo? Can't wait!" pangungulit ni Railey habang naglalakad kami. Bitbit niya ang ecobag na may lamang potato chips.

Yakap-yakap ni Blythe ang picnic mat na nahalungkat nila sa kuwarto ko. Ako naman, dala-dala ko ang tumbler na may lamang kape, hindi ko pa kasi nauubos nang magkayayaan na mag-picnic. Sayang naman ito kung itatapon ko na lang kaya dinala ko na lang.

"Kailan nga? Kapag naubos mo na 'yang kape mo?" Kapwa sila natawa ni Blythe sa kaniyang biro. "Ang torpe kasi, halata naman na patay na patay ka kay Blythe. 'Di ba, Blythe?" Binangga pa niya si Blythe at kumindat-kindat. "At isa pa, ang sabi mo kanina, 'not yet,' kaya ibig sabihin, nililigawan mo na siya. Oh, my God," dagdag niya, saka nagtakip ng bibig kaya bumagsak sa kalsada ang mga dala naming mga pagkain at gumulong-gulong ang mga bottled coffee.

Agad tumakbo si Blythe para pulutin ang mga bottled coffee at si Railey naman ay tatawa-tawa habang pinupulot ang mga sitsiryang nahulog.

"May patakip-takip pa kasi ng bibig, 'yan tuloy," pabirong sisi ko sa kaniya nang magpatuloy na kami sa paglalakad. Malapit na rin naman ang park na tatambayan namin.

Nang makarating kami sa magandang puwesto rito sa bermuda grass, inilatag na ni Blythe ang picnic mat. Sakto naman naubos ko ang kape ko kaya tinulungan ko na siya.

"Tulungan na kita." Kinuha ko ang kabilang dulo ng picnic mat para tulungan siya.

Nang mailatag namin ito, naramdaman ko na lang na tumama sa ulo ko ang isang bag ng potato chips. "Aray!" Napalingon ako kay Railey.

"Nakakakilig kaya! Nilalanggam na ako rito sa ka-sweet-an niyong dalawa. I can't with you, guys. So much kilig." Kahit kailan talaga.

Nagkatinginan na lang kami ni Blythe saka nginitian ang isa't isa dahil alam naman naming dalawa na parehas kaming may nararamdaman para sa isa't isa. 'Yun nga lang, hindi pa namin nakukuha ang tamang tiyempo.

***

PAUBOS na namin ang mga dala naming pagkain kaya naisipan ni Railey na maglaro ng Truth or Dare para hindi raw boring. Napapayag naman niya kaming dalawa ni Blythe. Masyado naman kaming KJ kung hindi namin siya pagbibigyan.

"Saglit lang, ah? Uuwi na rin tayo at maya-maya lang ay iinit na rito sa puwesto natin," paalala ko bago magsimula.

"Sure! Basta, kailangan malaro natin 'to, hindi puwedeng hindi." Tinungga niya ang bottled coffee. "Ganito ang mechanics natin, kung kanino tatapat ang takip ng bote, siya ang tatanungin kung truth ba o dare. At kung kanino naman nakatapat ang ilalim ng bote, malamang, siya ang magtatanong o magde-dare. Ano, ayos lang ba?"

Tinanguan na lang namin siya.

"Sige, 'eto na..." Bahagya niyang inihagis sa ere ang bote dahil hindi nga naman 'yon iikot sa picnic mat na dala namin. Nang bumagsak iyon, sa kaniya tumapat ang takip ng bote at kay Blythe naman ang ilalim.

"Oh, bokya ka ngayon," biro ko.

"Okay..." panimula ni Blythe. "Railey, truth or dare?"

"Nothing but the truth!" masiglang sagot ni Railey, at tinaasan pa ako ng kilay.

"Naniniwala ka ba sa love at first sight?" tanong ni Blythe sa kaniya kaya naman naningkit bigla ang kaniyang mga mata.

"Yes. Naniniwala ako sa love at first sight, because..." Napahawak pa siya sa kaniyang baba habang nag-iisip. "Because love is unpredictable. Hindi mo naman kasi mahuhulaan kung kailan mo mararamdaman 'yon. Basta para sa iyo, wala ka nang iba pang hahanapin pa dahil nandiyan na siya—kuntento ka na." Napatingin siya sa aming dalawa ni Blythe saka siya ngumiti. "Parang kayo lang."

"Kami?" sabay na tanong namin ni Blythe. Kumunot ang noo ko at napatingin naman sa akin si Blythe.

Tiningnan lang kami ni Railey nang masama. "Yes. Kayo nga, walang iba. May gusto kayo sa isa't isa."

She's not wrong. It's just that, we're not ready... yet?

"Okay," biglang sabi ni Blythe at kinuha na ang bote saka ito inihagis nang mahina sa ere.

Napatingin na lang kami sa kaniya dahil sa kaniya tumapat ang takip nito at sa akin naman ang ilalim. Bigla na lang akong nakaramdam ng kaba. Para bang kumakawala ang puso ko sa aking dibdib. Napalunok ako at saka bumuntonghininga.

"Truth... or dare?"

"Truth," mabilis niyang sagot habang pinaiikot-ikot ang bote.

"Hoy, magtanong na," sabi ni Railey dahil bigla akong natulala habang nakatingin kay Blythe.

Napapitlag naman ako at umayos ng upo. "Do you... really like me?"

Napatakip ng bibig si Railey nang marinig ang tanong ko. Si Blythe naman ay napaawang ang mga labi habang nakatingin lang sa akin.

Napatingin siya kay Railey saka ibinalik ang tingin sa akin bago ngumiti at muling umiwas ng tingin. Dahil do'n, bigla na namang nabuhay ang mga paruparo sa aking tiyan, tila nagliliparan na naman ang mga ito. Halos hindi ko na maibuka ang aking bibig at para bang hindi ako makagalaw.

"Rulebreaker." Inagaw ni Railey ang bote kay Blythe saka iyon itinuro sa akin. "Kielvinson Ybañez, truth or dare?"

"Dare."

"Okay, Kiel," panimula ni Railey. "I dare you to point a finger at someone you like."

I felt like my heart suddenly sank inside my stomach. I don't know what to do, though I really like Blythe... a lot. Then after that, I found myself pointing a finger at her.

Continue Reading

You'll Also Like

406 91 8
In her young age, naranasan na ni Cass ang makakita ng mga di ordinaryong bagay. Ang mga multo... Mga multong pabalik-balik at nakakasalamuha niya. N...
2.1K 449 20
For Ezekiel, life has always been hard and he had long stopped believing that miracles could happen, or that his life will be as colorful and lively...
679K 19.2K 57
St. Cloud State University: Tiara Louisse Tyson
30.8K 1.5K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...