Sunshine in the Rain

By namethepricexxx

407 86 5

Vianca grow up as a shadow of her sister, as what she believes. No one sees nor even noticed her, until she g... More

Sunshine in the Rain
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 (End)
Author's Note

Chapter 9

12 3 0
By namethepricexxx


"I told you so!" nasabi ni Selene matapos kong ikwento yung napag-usapan namin ni Jake nung isang araw. "So, kayo na ba? Or nanliligaw pa lang?" excited na tanong nito, bahagya pa akong niyuyogyog.

"Kumalma ka nga muna," pigil ko dito. Tumigil naman ito agad, para siyang tuta na nakatingin lang sa akin habang naghihintay ng makakain.

"I think he's courting me. I'm not sure I kinda reject him," Nasabi ko dito.

"What?! I thought you like him," sabi nito.

"And I also thought that he won't like me." Dagdag ko.

"Who wouldn't like you, Ian? Kung lalaki lang ako baga niligawan na kita." Pahayag nito. Napatungo ako.

"I can't like someone if I don't even like myself." Nasabi ko. Napabuntong hininga naman siya.

"I pity myself to have this kind of mindset. It's my fault to be born this way." Patuloy ko. I don't want to hurt someone just because I need to be love, or to feel like I am needed. Because that will be unfair to that someone. I can't be selfish.

I knew that, but I can't help but to be happy when Jake like me.

"It's not your fault. Let's be honest here, it's your parent's fault for pressuring you, your relative's fault for comparing you to your sister, and those people who keeps degrading you. They are trash for not knowing every single damn thing of your effort!" galit na sabi nito.

"My parents just want the best for me."

"It's not that I'm questioning them for being a parent. But family is the basic unit of society, they are our first in everything. The validity you are looking for, for yourself should come from your parents. The compliments, they are the first step. Kahit nga yung theory ni Sigmund Freud, significant ang magulang e, na kapag nagkulang sobrang laki ng trauma natin." Argumento nito.

"Ian, you need to be honest. Talk to your parents," Dagdag nito.

"You'll be a good psychiatrist." Nasabi ko na lang. I'll take note of what she said, it makes sense. Ano nga bang gagawin ko kung wala ang babaeng ito?

"Ang haba ng sinabi ko, yan lang sagot mo? My ghad!" dumbfoundedly, she said. Natawa na lang ako dito. Nagpatuloy naman siyang dumada hanggang matapos ang break namin sa araw na iyon.



Jake calling

"Mmm?" bungad ko dito nang sinagot ang tawag.

"Where are you?" tanong niya.

"I'm going to study," Sagot ko habang naglalakad papasok sa café. It's weekend.

"Okay, see you!" napakunot ang noo ko. See you? Wala naman kaming usapan. Naguguluhan akong pinasok ang cellphone ko sa bag, bago bumaling sa may cashier.

Doon ko nakita si Jake, nakangiti habang kinakawayan ako. Saka ko lang naintindihan ang sinabi niya kanina. Nilapitan ko ito.

"Anong...?"

"I want to study with you, I already order our drinks. You can find a seat." Paliwanag nito. Hindi na ako nakipagtalo pa at naghanap na lang ng mauupuan.

I find a two-seater table beside the window. Nilabas ko na rin ang mga gamit na aaralin habang naghihintay.

"Strawberry frappe and a waffle," saad nito habang nilalapag sa harap ko ang binili.

"How do you know that I'll be here?" tanong ko dito.

"You always study on weekdays plus you really like this place."

Simple akong napangiti. He remembers all the things I said to him. For the whole week he's been expressing his feelings, I realize that this is real, he is real. He's been doing everything to make sure that I feel him. Sa pagsama sa akin papasok at pagpunta sa mga lugar na kailangan kong puntahan. Kapag minsan kailangan ko ng tulong sa isang subject ay natutulungan niya ako kahit magkaiba naman kami ng kurso.

He also remembers my favorite. And its mystery that he can read my mood, or I'm just easy to read. I never demand or ask but he give.

He's good to be true. He respects my decision that I can't give an answer yet, though he said he's willing to wait.

We started to study quietly since yun naman talaga ang pinunta namin dito. I need to double the time in studying for lessons since mahihirap ang subject every second sem. Next school year ay huli na, makakagraduate na rin ako konting tiyaga na lang. I hope I'll be a good psychologist.

After hours of studying, we decided to order for snacks. Sumasakit na rin ang ulo ko sa kaka-aral. Tapos nakita ko pa ang inaaral ni Jake. Mas sumakit ang ulo ko rito. Maliban sa mga numero, nakakalito rin yung mga drawings.

"Isn't it hard? Ang daming numbers, how do you understand them?" kuryoso kong tanong, nakakunot pa ang noo.

"It is complicated, pero may technique naman para mas maintindihan yung mga lessons. You just need to break down every piece of information little by little to understand it." Paliwanag niya. Sadyang matatalino lang ang makakagawa no'n.

"You must really like that." Pagtukoy ko sa ginagawa niya. I'll never like numbers.

"Mmm, I just really like my course. Nahihirapan din naman ako kasi ang daming terminologies and theories na kailangan alalahanin, lalo na siguro nung first year ako. Magugulat ka na lang kasi ibang iba siya sa mga napag-aaralan sa high school."

Napangiwi ako sa sinabi nito. High school pa lang ay nahihirapan na ako sa mga subject na 'yan tapos mayroon pa palang mas ihihigit pa roon?

"Thank God I never took that. I'm in a right path." Natawa kaming dalawa sa sinabi ko.

Nagpatuloy kami sa pag-aaral pagkatapos ang pahinga. Maya't maya rin ang pag-uusap naming sa mga bagay.

"I think I need to go home," nasabi ko nang makitang papalubog na ang araw. Hahanapin na rin kasi ako sa bahay niyan dahil malapit na ang hapunan.

I am about to text my driver when Jake stops me. Tinignan ko ito, nagtatanong.

"Can I take you home?" paalam nito.

Ngayon lang siya nagvolunteer na ihatid ako. The past few days kasi ay sinasamahan niya lang akong maghintay ng susundo sa akin.

Sa huli ay pumayag na lang din akong magpahatid. Masaya naman niya akong pinag-drive papa-uwi. Pagdating ay agad siyang bumaba para pagbuksan ako.

"Thank you," nasabi ko dito, ngiti lang ang sagot niya.

Nasa harap na ako ng gate ng hinarap ko ito para magpaalam.

"Ian?" napalingon ako nang marinig ko ang boses ng tumawag sa akin.

"Mom!" pagkilala ko dito. Nasa entrada ng bahay si Mommy. Mukhang lumabas siya nung narinig ang pagkatigil ng sasakyan.

"Who's that?" lumapit siya sa amin.

"Mom, this is Jake po. Then Jake, si Mom." pagpapakilala ko sa kanila.

"The guy friend, nice to meet you Mr. Barrientos." Bati ni Mom.

"The pleasure is mine," sabay halik sa kamay na nakalahad.

"Get in, dito ka na maghapunan," Yaya ni Mommy, hindi na nagtanong ng kung ano pa.

"Mom! Baka may gagawin pa siya." Nasabi ko dito.

"What? He has the time to take you, for sure he also has the time to spend the dinner with us, right iho?" sagot lang nito. Tumango lang si Jake, bumaling naman ako dito para magsorry. Umiling naman siya.

"It's fine. Besides I can spend more time with you." Bulong nito sabay kindat pa.

"I'll park my car lang po." Sabi nito kay Mommy. Tumango lang ang huli at hinila na ako papasok ng bahay.

Dali akong umakayat ng kwarto para magpalit at lumabas din agad para puntahan si Jake na ngayon ay naka-upo sa sofa ng sala.

"Mukhang matatagalan pa ang pagkain, nagluluto pa si Manang tapos on the way pa lang si Daddy." Bungad ko dito "Gusto mo ba munang maglibot?" yaya ko.

"Sige," pagpayag nito.

Dumiretso kami sa terrace ng second floor para ipakita sa kanya ang garden. Mas masisilayan kasi ang kabuoan at kagandahan nito mula sa taas.

"Mahilig si Mommy mag-alaga ng mga halaman kaya maluwag ang garden pinagawa. Ito yung libangan niya maliban sa pakikipag-usap sa mga kaibigan niya." Pagkuwento ko kay Jake habang sinisilayan na ang hardin, sa baba rin mismo ng terrace ay ang pool.

"Ang ganda, lao na kapag andito sa taas." Komento nito. "Hindi kasi mahilig si Mama sa mga halaman. Mas gusto niyang kumokulekta ng mga sapatos at bags. Well, mahilig din siyang mag-alaga ng mga aso kagaya ko."

"Yeah, I remember Layla. Can I see her again?" tanong ko dito.

"Sure, we have different breeds of dog. They are fun to take care of."

Nagsawa kaming nagtingin ay pumunta kami sa library. Ito ang pinakamalaking kwarto sa buong second floor.

"Kasama na ang office ni Daddy dito sa library since homeschooled kami nung elementary. While Dad, works from home, siya ang nagbabantay sa amin." Pagkwento ko.

"How do you become friends with Selene?" tanong nito.

"Ngayong college lang din. I'm an outcast in high school so I have no friends since then. Selene is hyper and talkative that's how we became friends. How 'bout you? Lima kayong magkakaibigan 'no?"

"Yeah, we are all friends since high school. Some of them are my childhood friends like Bane and East." Kwento rin nito.

"The strict looking guy is your best friend, right? East." Pagsigurado ko. Yun yung obserbasyon ko nung makasama ko silang magkakaibigan. Kapag may sasabihin si Jake, ang unang lalapitan niya ay si East.

Sumangayon din si Jake. "He lives up with being strict, he's taking BS Education." Natatawang sabi nito.

Lumabas kaming Library, tinuro ko sa kanya mga guest room at master bedroom.

"Wait, nagmukha na akong house agent nito." Nasabi ko ng marealize ang ginagawa. Tinawanan ako nito. Ngumuso ako at hinila siya papunta sa kwarto.

"And this is my room."

"You collect...stuffed toys," kumento nito matapos makita ang cabinet na naglalaman ng mga binili kong stuffed toys.

"They are fluffy and cute, I love them," masaya kong pahayag.

"Wow, nakakainggit naman." Nagbibirong sabi nito.

"You won't enter?" tanong ko nang makitang nakatayo lang siya sa hamba ng pinto. Dali siyang umiling bilang sagot. Nagtataka man ay hindi na ako nagtanong. Hinila ko na lang ulit siya sa ibaba.

"This room here, obviously is Gym." Pagturo ko sa tabi ng sala. Transparent glass ang divider na ginamit kaya kita ang mga exercising equipments.

"Sa tabi naman ay mini hall, ginagamit 'yan kapag may gatherings or reunion. And the other side of the first floor is the kitchen, gitna 'tong sala." Paglalarawan ko. "That ends our tour!" masayang sabi ko. Sabay din kaming natawa dahil doon.

Eksakto naman ang pagbukas ng pinto, bumungad si Daddy na kadarating lang. Lumapit ako sa kanya at nagmano, napansin niya naman ang kasama ko.

"Who do we have here?" pagattanong niya.

"Dad, this is Jake a friend." Pagpapakilala ko, doon naman gumalaw si Jake para magmano rin.

"Kalixter Jake Barrientos po," he said.

"Oh, the one with chains of hotels." Pagkilala ni Dad. Tumango lang ang huli.

"C'mon, let's eat na." pagsingit ni Mommy na kalalabas lang ng kusina. Eksakto rin ang pagbaba ni Ate na kasunod ng kasambahay.

We gather on the dining table. Both my parents keep asking about Jakes business. They are asking about its course and if he will take over his family's business. Magiliw naman itong sinasagot ni Jake.

"How do you meet, Ian pala? She's not the type of girl to socialize." Kuryosong tanong ni Mommy. Kuryoso ring bumaling si Ate para marinig ang sagot.

"Ah, she helped me on a minor accident. And we keep on meeting after that, then we became friends." He answered honestly. Tumango tango naman ang pamilya ko.

"It's nice to know that Vianca has another friend aside Selene. Anyway, Ian, Selene rarely visits here nowadays." Si Mommy ulit.

"She's busy with work Mom. And we're always hanging out in the café." Sagot ko dito.

Pagkatapos nun ay nag-iba ulit ang usapan. Diskusyon sa business ang kila Dad and Jake samantalang si Ate at Mommy ay tungkol naman sa offer ng kaibigan ni Mommy kay Ate. Malapit na kasing grumaduate si Ate, and they are expecting na siya ang te-take over sa company namin. But before that, she needs a training. Plano niyang pumasok sa iba't ibang kumpanya to gain experience, at para na rin hindi raw maging favor sa kanya ang mga employees.

Hanggang matapos ang dinner patuloy ang usapan ng dalawang lalaki. Habang hinihintay silang matapos ay tumulong na lang ako kay Manang sa pagligpit ng pinagkainan. Ang dalawa ay nasa sala. Si Mommy ay pumasok na sa kwarto para magpahinga, si Ate ay may gagawin pa raw na paper works.

Isang oras din ang lumipas nang matapos ang usapan nila.

"Ian, you should send your friend out." Baling ni Daddy.

"Opo," sagot ko.

"I'll go to bed now. It's nice talking to you Mr. Barrientos." Paalam nito.

"It is nice talking to you, too, sir." Balik nito.

Kaming dalawa na lang ang natira nang kausapin ko ito.

"Pasensya na a, umabot ka na ng gabi dito." Paghingi ko ng pasensya.

"It's fine. Your father is fun to talk to," nakangiting sabi nito. Hindi ba sya nagsasawang ngumiti? It's always like that, smiling whatever, whenever and whoever.

"You're the first person to say that. Lahat kami dito ay takot kay Daddy, he's strict lalo na kapag tungkol sa business." Sagot ko dito.

"Well, maybe he like me." Pagyayabang nito. Tinawanan ko lang siya.

"Next time, I want to introduce myself to your parents as a suitor." Seyosong saad nito nang makalabas kami ng bahay.

"When I am ready. I'm sorry." Malungkot kong saad dito.

"No, don't be." Umiling ito. "I've got to go."

"Yeah, take care." Paalam ko, sumakay na ito sa sasakyan at ready ng umalis nang bigla nitong binuksan ang bintana ng kotse.

"I love you, good night." Pahayag nito bago tuluyang umalis.

Naiwan naman ako sa gilid ng daan, namumula at hindi alam kung anong aksyon ang gagawin. Hinawakan ko ang dibdib para pakalmahin.



Nang makahanap ako ng lakas para maglakad ay nagtungo na ako sa aking kwarto. Pero bago ako pumasok ay bumaling sa paningin ko si Ate, bahagya kasing nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto. Tahimik itong nagbabasa ng mga papeles at nag-e-encode.

Naalala ko ang away namin nung huli kaming nag-usap. Hindi na kami nagkaroon ng tyansang pag-usapan yun ulit.

I took the courage to knock at her door after thinking. Nang bumaling ito sa akin ay matagal pa kaming nagtitigan bago ako nagsalita.

"I'm sorry." Tipid na sabi ko dito. "Last time, I said something really mean. I'm sorry."

Mahabang katahimikan ang namayani. Nang mukhang wala siyang sasabihin ay kusa na akong umalis para magpahinga.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil doon.

I was really hurt that time; it converts into anger that really needs to take out. It is wrong for me to blame my sister for that.

Anger drives people to do evil things without minding the consequences. But it is valid because it means we are badly hurt. It's complicated.

Life is complicated, my life is.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 436 5
(UNDER REVISION) Hater to Lover? Pasong-paso na ang kataga na 'yan sa mundo ng Wattpad, subalit pilit pa ring binabalikan ng mga mambabasa dahil sa h...
29.1K 1.1K 105
•COMPLETED• Magenta Lizares is a writer in their school publication. She is close to reaching her goal, which is to be an editor-in-chief. Akala niya...
17.7K 531 33
𝙎𝙤𝙤𝙣 𝙩𝙤 𝙗𝙚 𝙥𝙪𝙗𝙡𝙞𝙨𝙝𝙚𝙙 CHAT SERIES #2 ---- "Segundo at minu-minuto kitang minahal at seryoso ako ngunit bakit ilang oras mo lang ako...
68.3K 1.1K 41
☾ t h o u g h t s t o p o e m s ☽︎