The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 3 (ThePunishment)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 20

135 11 2
By AteLunax

*MAVI's POV*
_____

Nakaupo kameng lahat dito sa sofa habang hinihintay si sue dahil nag patawag nanaman ito hindi namin alam kong anong balak nya.

"Nasan naba si sue?" Tanong ni ayame

"Malay ko bigla bigla nalang nag papatawag" Nababagot ng sagot ni max.

"Pwede namang itext nalang hindi yong biglaang nagpapatawag may date pa kame ng chix na nakilala ko" Inis na inis na pag rereklamo ni steven.

"Buti naman nandito kayong lahat" Seryosong sabi ni sue na biglang lumitaw sa haparan namin.

"Ano bang kailangan mo sue?" Tanong ni kiva ako nanatiling tahimik lang dahil nangagalaiti pa ako sa galit.

Alam kong oras na mag salita ako dito mag aaway nanaman kameng dalawa na hindi naman bago samin yon parang normal nalang yon kumbaga naging routine na namin.

"Wag kayong titigil hangang hindi nyo nahahanap si kys kailangang bago kame ikasal ni rosemary ay nahanap nyo na sya ayukong magulo ang kasal ko" Seryosong sabi nito napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi nyang yon.

"Sa tingin mo gugulohin ni kys ang kasal mo? Hindi kasing kitid ng utak mo ang utak nya para ganyan sya mag isip" Malamig kong sagot sakanya tsaka ko sya tinignan ng masama.

"Wala din kameng pakialam kahit ikasal ka ng maraming besis sa rosemary na yan walang pumipigil sayo sue" Dagdag ko nakatingin lang sya ng masama sakin.

"Ano? For sure kapag buhay si tito at ganito ang ginawa mo nakatikim kana ng sampal sakanya baka hindi sampal baka iumpog payang ulo ng matauhan ka!!" Mas pinalamig na sabi ko sakanya kapag ayuko sa isa bampira ayuko talaga hindi ko kailangang makipag plastikan sakanya kong alam kong nasa loob ng kolo ng sinasabi nilang nasa propesiya.

"I'm sorry i'm late" Sabi ni rosemary na kakapasok lang ng tambayan namin hindi kame nag tangkang tignan sya.

"It's okay hon nasabi ko naman na sakanila" Sabi ni sue tsaka nya hinapit sa bewang yong babae napairap nalang ako habang nakatingin sakanila.

"Si adelisa pala patay na" Seryosong sabi ni kiva kita ko ang pagkagulat nong rosemary napatingin naman si sue kay kiva.

"Paano? Saan mo nalaman? Sunong pumatay sakanya?" Sunod sunod na tanong ni sue.

"Si kys" Tipid nyang sagot ako naman ang napatingin sakanya anong binabalak ng babaeng to bakit nya sinabi!.

"Sinugod daw ni adelisa si kys kase may nag uutos kay adelisa na patayin si kys kong hindi daw nya mapatay si kys sya ang papatayin sinundan ko sya isang besis may nakita akong babae ng kausap nya" Seryosong kwento nya muli akong napatingin kay rosemary sumingkit yong mata ko.

"Nakita mo ba kong sinong kasama nya?" Tanong ko sakanya habang nakatingin parin kay rosemary.

"Hindi hindi ko maintindihan ang usapan nila kase malayo ako sakanila" Sagot nya.

"Yan ang sinasabi ko sainyo dapat nyo ng mahanap si kys mamatay tayong lahat!" Malamig na sabi ni sue.

"Hon natatakot ako baka patayin nya din kase ako yong nasa propesiya" Mangiyak ngiyak nyang sabi "Akala ko mabait ang sinasabi nyong kys bakit pinatay nya ang kaibigan nya" Dagdag nito na lalong nakapag painit ng ulo ko susugorin kona sana sya kaso hinawakan ni ayame ang kamay ko.

Napatingin naman ako sakanya umiling iling sya tinignan ko sya ng masama.

"Hanapin nyo si kys wag kayong titigil!" Utos nya samin bago sila nawalang dalawa.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni ford.

"Tuloy ang plano kailangan nating gawin to para sa mag-ina!" Seryosong sabi ni kiva.

"Gusto kong makausap si rosalva para sa naiisip kong plano kailangang gumawa tayo ng paraan para lumabas ang totoong ugali ng rosemary nayan" Sabi ko sakanila kailangan ko ang kalandian mo ngayon rosalva

"Bakit parang ang bilis naman ng pagpapakasal nila? Mag reredmoon ba ulit?" Tanong ni ford.

"Pwede ng magpakasal si sue kahit anong oras dahil bampira naman ang babaeng yon" Sagot ni steven.

"Pupunta ba kayo sa kasal nya?" Tanong ni kiko nag kibit balikat ako ganun din sila.

"Kailangan parin mag ingat sa rosemary na yan hindi natin alam ang tunay na kulay nya kong ako noon nagdududa pa kay kys iba ang pakiramdam ko sa babaeng yan" Seryosong sabi ko sakanila.

"Kailangan ko ng umuwi" Paalam ni ayame.

"Wag mo syang pababayaan ayame kapag may masamang mangyayari tawagan mo agad kame" Seryosong sabi ni ford tumango naman sya at agad nawala.

"Aalis na ako may kailangan pa akong kausapin" Paalam ko sakanila hindi kona sila hinintay na magsalita pa agad akong nawala sa harapan nila.

Nakatingin lang ako sa bahay kong saan nakatira si rosalva ang bampirang patay na patay kay sue kailangan kong makausap tong babaeng to.

Napangisi ako ng bumukas yong pintuan nila halatang nagulat sya ng makita ako.

"Rosalva kailangan nating mag usap" Seryoso kong sabi sakanya napataas naman sya ng kilay.

"Mukhang importante ang sasabihin mo at ikaw pa mismo ang pumunta dito" Mataray nyang sabi sakin inirapan ko lang sya.

"Tungkol ito kay sue" Kita ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha nya psh bakit ba patay na patay kayo don napakapanget naman.

"Pumasok ka" Sabi nya sakin pero umiling ako.

"Hindi ako mag tatagal gusto ko lang sabihin sayo na may iba ng kinahuhumalingan ang sue mo hindi na si kys kundi ang babaeng sinasabi nilang nasa propesiya kaya kong ako sayo gawin mo ang lahat para mapaghiwalay ang dalawa kung hindi tuluyan nang mawawala sayo si sue" Seryoso kong sabi sakanya alam kong hindi ka papayag rosalva alam ko ang kahibangan mo sa pinsan kong gonggong na yon.

"Paano? Inalis nya na ako sa trabaho" Problemadang sabi nya sakin.

"Pumasok ka bilang katulong sa bahay nya akong bahala sayo doon ako titira ikaw ang maninilbihan sakin kung gusto mo lang" Taas kilay kong sabi sakanya.

"Pag isipan mong mabuti" Pagkasabi ko yon ay umalis na ako.

__________

WOFL~

*FILTIARN's POV*
______

Tahimik akong nakatingin sa mga kasama ko habang hinihintay ang pag babalik ni botolf  ang inutosan kong hanapin ang nawawalang anak kong matagal ng panahong nawawala.

Umaasa parin akong buhay sya kahit malabo na dahil sunog na sunog lahat ang bahay kong saan nakatira ang asawa ko wala akong nagawa upang iligtas ang mag-ina ko.

"Ilang taon na tayong naghihintay sa wala filtiarn" Seryosong sabi sakin ni Rollin isa sa mga ginagalang dito sa mundo namin.

"Buhay ang anak ko rollin ramdam ko ang kapangyarihan nya noong nakaraang araw sisiguradohin ko yan sayo" Malamig kong sagot sakanya bumuntong hininga ito tsaka sumandal sa upoan.

"Panginoon nandito na po si botolf" Magalang na sabi ni Rieka ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko dito.

Napatingin kameng lahat ng bumukas ang pintuan ng silid kong saan kame nag hihintay sa pagbabalik nya seryoso ang mukha nitong nakatingin samin.

Umaasa akong maganda ang balita nya sakin ngayon noong nakaraang linggo sinabi nya saakin na may minamanman syang isang dalaga na kamukha ng aking asawa kaya inutosan ko syang bantayan lahat ng kilos nya.

"Maligayang pag babalik botolf" Serysong bati ko sakanya yumuko ito sa harapan namin.

"Anong balita botolf?" Tanong ni Ernouf ang isa sa pinakamalakas na lobo.

"Nahanap muna ang nawawalang anak ni filtiarn kong hindi ay ihinto muna yan" Malamig na sabi ni rollin.

"Pwede bang tumahimik ka rollin wala kang naitutulong!" Sita naman sakanya ni Fenris ang halimaw na lobo na kinakatakotan ng karamihan.

Suminyas ako kay botolf na mag salita na nanatili syang nakatayo sa harapan namin inilapag nya ang mga dala nya sa lamesa.

May kinuha ito sa brown envelop nyang hawak para akong nanigas sa nakita kong larawang inilapag nya.

May inilapag ulit sya mga picture ng mga babae at lalaki sino naman tong mga to napako ang tingin ko sa huling inilapag nya.

"Jeon sue!" Malamig kong tawag sa pangalan nya "Ang hari ng mga bampira" Dagdag ko.

Napatingin ulit ako sa inilapag nyang isa pang picture.

"Sya ang babaeng sinasabi nilang nasa propesiya sya si Rosemary ang kinakasama ngayon ni sue sya ang anak ni rosalinda ang mata at utak ng mga bampira" Paliwanag nito.

"Akala kona nahanap na? Bakit iba namaman? Nagugulohang tanong ni fenris maski ako ay nagulohan narinig ko ang balitang yon noon.

"Masasagot ang iyong katanong maya maya prince fenris" Magalang na sabi ni botolf.

"Itong mga lalaking to ay mga mga kaibigan ni sue na naging kaibigan din ng anak mo panginoon at itong mga babaeng ito sya ngayon ang kasama ng anak mo sa bahay ni ayame itong babaeng ito" Seryosong sabi nya sabay pakita samin ang larawan ng nagngangalang ayame.

"Ayon sa pagmamanman ko sakanila may hindi magandang nangyari buntis ang iyong anak panginoon" Balita nya sakin pero seryoso parin sya nakaramdam ako ng tuwa dahil sa nalaman ko mag kaaapo na ako.

"Gumawa ng dahilan si sue para lumayo ang anak nyo kanya may ginamit syang babae para masira silang dalawa ng anak mo dahil natatakot ito sa pwedeng mangyari dahil sa nakita ni adelisa (pinakita nya ang larawan ng isang babae) ang bampirang ito ay nakikita ang future nakita nya sa palad ni kys na hindi sya ang tunay na nasa propesiya (pinakita nya samin ang unang larawang inilapag nya kanina) sya daw ang uubos sakanila at ang batang nasa tyan ng iyong anak ay ang papatay kau sue kaya ngayon ay pinaghahanap na ang anak nyo upang patayin sila ng magiging apo mo" Mahabang paliwanag nya samin.

"Kailangan natin iligtas ang anak nyo panginoon" Seryosong sabi ni ernouf.

"Wala dapat kayong ikabahala nasa mabuting kamay si Kys Euna Sebastian itinatago sya ng mga kaibigan nya" Agad nyang sagot.

"Paano ka nakakasigurong sya ang anak ni filtiarn?" Tanong ni rollin.

Ngumisi sya bago ulit may kinuha sa envelop at inilapag sa lamesa.

Nagulat ako sa nakita ko walang dudang sya ang anak ko dahil parihas na parihas sila ng kanyang ina hindi lang sa magkamukha kundi nakuha nya ang kapangyarihang meron ang aking asawa.

Anong dahilan bakit nila tinatago ang anak ko alam naba nilang lobo sya pero imposible pwede ding maaraming alam nila kase naipakita nya na ang isang kapangyarihan ng kanyang ina.

"Si queen ulrica lamang ang may kapangyarihan na ganyan rollin at namamana ito ng magiging anak nya sa ngayon pinaghahanap parin ni sue si kys sa nakikita ko sa inyong anak ay labis itong nasaktan dahil sa nangyari sakanila ni sue sa tingin ko ay mahal na mahal nya ang bampirang yon" Seryosong sabi nya.

"Aalamin ko pa kong sino ang nasa likod ng pagsisinungaling ng adelisa na yon" Dagdag nya nakatingin lang sya sakin alam kong may sasabihin ito.

Hindi ako nag salita sumandal ako sa upoan ko isa lang ang masasabi ko sa mga nalaman ko ngayon kailangan kong unahin si sue na kunin ang anak ko kong hindi ay mamatay sya pati narin ang magiging apo ko hindi ako makakapayag na mangyari yon.

Oras na ginawa nya yon hindi ako magdadalawang isip na sugorin silang mga bampira buhay ang kinuha nila sakin buhay din dapat ang kapalit nito.

Ang kapal ng mukha nyang saktan ang anak ko hindi muna ulit makukuha ang anak ko kahit na anong mangyari sisiguraduhin kong mag sisisi ka sue darating ang araw na ikaw mismo ang lalapit sa anak ko hindi pa sa ngayon hindi mopa alam ang mga susunod na mangyayari.

"Wag kang tumugil sa pagbabantay sa anak ko botolf" Seryosong sabi ko sakanya ayuko ng mawalan ng mahalaga sakin hindi ko man naprotektahan ang asawa ko kailangan kong protektahan ang anak ko.

"Ipapatawag ko ulit kayo ernouf at fenris kapag may hindi magandang nangyari makakaalis na kayo botofl maiwan ka" Nagsitayoan na sila nanatiling nakatayo si botolf hinintay ko na munamg makalabas ang lahat bago ako nagsalita.

"Nahanap kona po ang isang mata ng mga bampirang si zarahi hinihintay na po kayo sainyong silid" Magalang nyang sabi sakin.

Ipinahanap ko talaga ang isa pang mata ng mga bampira para malaman ang totoo dahil nagugulohan na ako sa nangyayari.

"Sige mag pahinga kana at sasamahan mo ako bukas sakin anak" Utos ko sakanya nag bow na ito sakin at lumakad palabas tumayo na din ako sa pagkakaupo at lumakad na ding palabas.

Tumingin muna ako sa paligid bago ako pumasok sakin silid.

Pagkapasok ko palang ay may nakita na akong dalaga na nakaupo sa isang sofa.

"Nagagalak akong makita ka muli panginoong filtiarn alam ko kung bakit nyo ako pinahahanap" Magalang nyang sabi sakin habang nakangiti.

"Sino ang totoong nasa propesiya?"

Continue Reading

You'll Also Like

33.8K 1K 61
Stephanie crisel drieloc A cold girl and expressionless but not a heartless girl.
31.8K 2.1K 50
Anastasia Marie Del rio /Ana Marie Cruz. Simple, mabaet, matalino at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang. Dalagang masayahin at kuntento na sa...
13.4M 642K 49
"She's my best friend, and she's the thirteenth victim." Nangako si Althea Denise Limerick at ang best friend nitong si Elyse na hindi sila magiging...
4.8K 194 23
Angeli Musèi fell from heaven when a devil saw her--- Elijah, who gave her a name which is Shaina. Elijah joined Angeli in finding the way back to he...