The Last Virgin in Town [An E...

By MirahPatricia

57.7K 2K 477

Paano kung mapadpad ka sa isang lugar kung saan WALA nang ni isa mang VIRGIN na natitira? At paano kung 12 GU... More

Preview
Prologue
01 - The Virgin Meets The Devirginizers
03 - EKSO
04 - Virgin Mountain
05 - Invitations
06 - A Dozen of Dates
07 - Saved Or In Dangered?
08 - Lifesaver
09 - New Home
10 - Emergency Numbers

02 - Ang Kalbaryo ng Pagiging Virgin

4.8K 199 66
By MirahPatricia

"Sino ang bumutas sayo?"

Naguluhan ako sa tanong niya. "Huh? Bumutas sakin?"

"Oo. Sino sa EKSO?"

Umiling ako. "Hindi kita maintindihan, ginoo. Hindi ako butas. Buong-buo pa ako." Nginitian ko siya saka tumingala sa langit. Thank you Lord dahil hindi pa ako butas. Buhay pa ako.

"Hala. Mukhang timang to oh." Sumingit ang isang lalaki habang tinuturo ako.

"Teka, teka, tabi nga muna kayo." Napatingin ang lahat sa lalaking nagmula sa likuran. Nakangiti siya habang papalapit sa akin. May hawak siyang tuwalya.

Nang makalapit ay bahagya siyang yumuko at inilahad ang kamay sa harapan ko. Napatingala ako. Medyo nakabuka pa ang bibig ko. Nakadapa pa rin ako sa sahig dahil nga nagtatago ako sa kanila.

Napakaganda ng mata niya! Ang lakas ng dating. Medyo singkit pero kakaiba. Parang nanghihigop ng kaluluwa.

"S-San Pedro? Ikaw na ba yan?" sambit ko. Hindi maalis ang tingin ko sa mata niya.

"Huh?"

"Bubuksan mo na ba ang pinto ng langit para sa akin?" Ang tindi talaga ng mata niya. Nararamdaman ko na ang paglipad ng kaluluwa ko. Kakaiba sa pakiramdam.

Nagsquat siya para makalapit ang mukha niya sa akin na nakadapa pa rin sa sahig ng pool at nakatalukbong ng parachute. "Tumayo ka na. Kakabagin ka na kakadapa mo diyan sa semento eh."

Oo nga pala. Baka sumakit na ang tyan ko. Naalala ko nung nagkakabag ako doon sa orphanage. Ilang push ups na ang ginawa ko sa harap ng altar pero ayaw pa rin mawala. Ayoko na maulit yun.

Nang makatayo ako ay tinanong niya ako.

"Langit? Gusto mo dalhin kita sa langit? Sige pero may tanong muna ako." Ang sigla-sigla ng boses niya, halatang masiyahin.

"Sige po. Ano yun?"

"Kapag ba lumindol sa MARS, EARTHQUAKE pa rin ang tawag?"

Tik

Tok

Tik

Tok

Tsaka parang may uwak na nagliparan sa taas.

"H-Huh?"

"BWAHAHAHAHAHA!" Bigla nalang siyang tumawa ng napakalakas. Hawak-hawak pa niya ang tiyan niya habang gumugulong-gulong. "BWAHAHAHAHA. NAKAKATAWA YUNG JOKE KO DIBA? WAHAHAH!"

Eh?

"WAHAHAHAHAHA! ANG SAYA-SAYA!"

Bigla siyang sinipa nung lalaking nagtanong sakin kanina kung sinong bumutas sa akin. "KAHIT KELAN WALA KA TALAGANG KWENTA, XIUMIN! MAGLASLAS KA NA NGA! GAGO!"

Xiumin? Bakit Xiumin ang tinawag sa kanya nung lalaki? Yun ba ang nickname ni San Pedro dito sa lupa?

Tawa pa rin siya ng tawa. Ang sama na rin ng tingin sa kanya ng iba pero hindi pa rin siya makamove on dun sa joke niya kuno. "BWAHAHA! Wag ka ngang mainggit sakin, Kai. Magjoke ka rin! WAHAHAHA!"

"TANGINA KAYO NG JOKE MO! ULUL!"

Ayun medyo bumalik na siya sa normal. Hinarap na ako. "Gusto mo diba makapunta sa langit?"

Sunud-sunod akong tumango. Ang lalapit ng mukha niya sa akin. Hindi ko akalaing ganito pala mag-aya si San Pedro. "Opo. Malaking karangalan po sa akin kapag napunta ako sa langit."

"Huta! Langit daw mga tol! Sino bang tumira sa babaeng to at parang nabitin yata?" Bigla na namang nagreact yung lalaking Kai yata ang pangalan.

"Tumahimik ka nga, Kai!"

"Tsk. Ikaw ba ang nangbitin dito sa babaeng to? Ha Xiumin? Dapat binigyan mo kasi ng round 2." sabi pa nung Kai. Nagsmirk siya bigla sa akin. "Hey babe! You want round two?"

Round 2? Hindi naman ako makarelate sa usapan nila. Baka bibigyan niya ako ng pangalawang pagkakataon na manatili dito sa Earth?

"Yes. Round two please." sagot ko.

Natahimik silang lahat. Lahat ng mata nila ay nakatingin sa akin. Hala bakit?

Tiningnan ko ang sarili ko. Saka ko lang napansin na basang-basa nga pala ako. Napayakap ako sa sarili ko. Basa nga pala ang damit ko kaya medyo bumakat ang katawan ko dito. Puti pa man din. Hallelujah.

"Umm, pwede mahiram ang tuwalya mo?" sabi ko kay San Pedro na tinawag nilang Xiumin.

At siyempre pinilit kong umiwas ng tingin sa mga katawan nila. Wala kasing damit pantaas ang ilan sa kanila eh. Baka kasi pagsubok lang ito ni San Pedro na kapag tumingin ako sa katawan ng lalaki ay idederetso niya ako sa impyerno. Hallelujah.

"Sige sige." Binigay niya naman yun sakin. Pinantakip ko iyon sa katawan ko. "May tanong ulit ako-Aray ko Tao!"

Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay binato na sa kanya nung isang lalaki ang mesa. "WAG KA NANG MAGSALITA!" Saka ito nagpose ng kungfu.

Isa sa mga lalaki ang lumapit sa akin. Hihilahin na sana niya sa katawan ko yung tuwalya pero buti nahawakan ko ng maigi.

Nagcrossed arms siya. "Conservative? Pabebe amputs! Chix ka ba ha? Matapos kang tirahin ng isa sa mga EKSO pavirgin pa ang akto mo! Lul! Anyway, ang gwapo ko talaga. Tsk tsk." Saka siya tumingin sa salamin.

"Jajaja. HardZx Luhan dUdEz! WaLAnG tItiBaG! Jejeje." Tinapik pa nung isa na biniyayaaan ng maraming-este mahabang baba ang balikat niya habang tumatawa. Bakit kakaiba yata siya magsalita. Pati yung kilos akala mo nagsasagwan eh.

"Nah Sehun! Hard talaga to no!"

At nagtawanan sila ma may kasama pang apir.

Bakit ba wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila?

"Teka! Makinig kayong lahat!"

Natahimik ang lahat sa sigaw nung lalaking matangkad at malaki ang mata.

"Ano yun Chanyeol?"

Nilagay niya sa ilalim ng baba niya ang hintuturo niya na tila ba nag-iisip. "It's not me! Hindi ako ang nagpasuko sa bataan niya!"

Nagkatinginan ang lahat. Confused.

"Hindi ako."

"Hindi rin ako."

"Lalong hindi ako."

"Ako? Hindi rin."

"Ako rin."

"Hindi ako."

"HiNdiXz rInH aQuoH."

"Not me."

"Me too."

"Same here."

"Hindi rin ako."

Lahat sila ay pare-pareho ng reaksyon. Lahat ay tumatanggi. Hanggang sa maya-maya ay sabay-sabay na nabaling sa akin ang mga tingin nila.

Napaatras ako. Anong meron? "B-Bakit?"

"VIRGIN KA PA?!" sabay-sabay nilang sigaw. Halos mabingi ako.

Nawala bigla ang kaba ko. Akala ko naman kung ano na. Binigyan ko sila ng matamis na ngiti at tumango. "Ito ang dapat na pinangangalagaan ng mga babae. Ako, wala akong ibang pag-aalayan nito kundi ang Panginoon. Buong-puso ko itong ipagkakaloob sa Kanya."

Katahimikan ang bumalot sa paligid. Nagtaka ako. May nasabi ba akong mali?

Kumilos ang mga paa nila. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bigla nalang silang humilera na para bang may marathon na magaganap.

"ANG TIE BREAKER!"

Bumaba ang mga katawan nila sa sahig. Nakaposisyon sila ng para talagang sasabak sa karera. Mga representative ba sila sa Olympics?

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Muli akong napaatras dahil sa matinding kaba. Parang mga pana ang tingin nila. Nakakatakot. Nakakapangilabot. Para silang mga toro na nakakita ng kulay pulang tela. Ano bang nangyayari?

"READY!" Kitang-kita ko ang pagkatense ng katawan nila. Nakakatakot talaga.

"SET!" Ewan ko kung imagination ko lang ba pero parang nakikita ko na umaalulong sila. Parang kakain ng tao.

Hindi na maganda ang kutob ko. Kapahamakan ang nararamdaman ko. Kaya naman...

"GO!"

"WAAAAAAHH!"

Kumaripas ako ng takbo palabas doon. Para silang mga asong-ulol-ay sorry po. Hallelujah. Nang lingunin ko sila, hindi nga ako nagkamali. Hinahabol nila ako. Para silang mga aso na pinainom ng milk tea.

"WAAAAAHHH! BAKIT NIYO AKO HINAHABOL?" Hindi ko alam kung naririnig ba nila ako o hindi. Basta't tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo habang sila ay nasa likuran ko.

Nakalabas na kami sa gate ng resort na yun. Hindi ako tumigil. Ganun din sila. Buti nalang talaga at mabilis akong tumakbo. Ako kaya ang pambato pag may marathon.

Nilingon ko sila sa likuran. Hinahabol ba talaga ako ng mga to? Bakit parang nagshoshooting yata sila ng isang commercial? Pagandahan sila ng pose sa pagtakbo eh.

"HOY VIRGIN! BUMALIK KA RITO!"

Huminto na sila sa pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit.

"BINIBIGYAN KA NAMIN NG PAGKAKATAON NA SUMUKO! OR ELSE WAWARAKIN KA NAMIN!"

Napahawak ako sa dibdib ko. Wawarakin nila ako? Kung ganun mga kriminal sila! Hallelujah! Kaya sa halip na sundin ang sinabi nila ay lalo kong binilisan ang pagtakbo.

"MATIGAS KA AH? PWES MAS MATIGAS ANG ANO NAMIN!"

"SUGOD!"

WAAAAAAAHH! Ano bang ginawa ko sa kanila?

Lumiko ako sa isang kanto. San ba ako magtatago?

"Dito!" Biglang may humila sa braso ko.

"WAAA-MMPH!" Bago pa man ako makasigaw ay tinakpan na niya ang bibig ko. Saka niya ako kinaladkad papasok sa isang eskinita.

Nagpupumiglas ako. Ano bang meron sa lugar na to? Bakit ang daming gustong manakit?

"Wag kang malikot."

Jusko po. Nakakatakot ang boses niya. Hindi ko nagawang tingnan kung sino siya dahil nasa likuran ko siya at hawak-hawak ako.

Pumasok kami sa isang bahay. Pagkadating doon ay hinagis niya ako paupo sa itim na sofa. Saka niya nilock ang pintuan.

Nagtaasan ang mga balahibo ko pagkakita ko sa lugar na kinaroroonan namin. Anong klaseng lugar to?

Madilim. Ang tanging nagbibigay lang ng ilaw ay ang mga kandila na may iba't ibang sizes. May maliit, katamtaman, at malaki. Karamihan ng mga gamit ay kulay itim. May mga bungo. May mata na nakalagay sa bote. May pustiso na nakakagat sa apple. May mga sapot ng gagamba.

At nang tingnan ko ang dumukot sa akin, napalunok ako. Mahaba ang kasuotan niya na kulay itim na may hood at cape pa. Hindi mo makikita ang kahit na ingrown niya sa kuko. Nakakakilabot. Goth.

"S-Sino ka?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.7K 66
[Highest Rank Achieved #15 in Humor as of October 8 2018; #24 in adventure, #3 in Babysitter] Volume 2 of The Badass Babysitter is now completed.
1.2M 46.4K 95
Meet "The Heartthrob Gangsters": The Bad Boy, the Genius and the Playboy. They are all impressively handsome, rich and famous. Despite having a not-s...
45M 758K 69
│PUBLISHED│ Nothing hurts more than realizing he meant everything to you, but you meant nothing to him. MPMMN 2: Still In Love Original Story by...
11.4M 482K 32
Hanapan ng girlpren si bitter bestfriend na friendzoned since birth? Game!