Hunting Bobby O.? [COMPLETED]

By tagalog

37.4K 760 85

(Inspired by Bob Ong's unknown identity) Si Marie Claire Baguio, isang ordinaryong babae na panlaban lang sa... More

Hunting Bobby O.?
Prince Charming vs. Bobby O.
When your hearts go BOOM!
Search for My DJ Princess - Hansel
Let me be the ONE
Spam?! Who you?! Siyete!
Prince meets Xander
Trapped...
That?
This is for Claire...
Baguio!!
Unexpected Trio
Beauty and the Beast... and the other Beast
Just so you know... I'm Bobby O.
A beautiful day to DECIDE
The Bow

Last one kick before END

1.1K 25 1
By tagalog

For goodness sake...

Ang phrase na di mawala-wala sa utak ko. Ang mga huling salita ni Prince bago niya ako iwan sa aming bahay.

Sinagot ko ang tanong niya. Kung sasabihin ko ba ang totoo para makamit ang milyones at kasakikatan na gusto ko daw makuha.

What the...

Mukha ba akong pera? Fame-whore? o ano sa paningin niya? Aaminin ko, nasaktan ako sa sinabi niyang iyon. Para bang sinasabi niya na hinahabol ko sila dahil lang sa kayamanan at kasikatan na makukuha ko pag-binuking ko kung sino talaga si Bobby O. Peste!

Di ako nakasagot sa kanya ng oras na iyon. Pinagmasdan ko lang ang kanyang mga mata. Gusto kong isigaw sa kanya. Petchay naman oh! Ganoon na pala ako kababaw sa iyo? Pagkatapos kung iwan ang trabaho ko di lang ako malayo sa iyo... ganyan pa pala ang makukuha ko? 

Pero, di ko masabi ang mga salitang iyon. Sinabi ko na lang...

"Prince, di ko naman habol yung mga iyon eh. Masaya na ako na nakilala ko ang mga tao sa likod ni Bobby O. At saka mas maganda kung nakatago pa rin ang tunay na katauhan ni Bobby O., di ba?"

Akala ko ngingiti siya. Akala ko sasang-ayon siya at yayakapin ako. Akala ko...

"What? Marie, you've done your part. Xander and I agreed with the consequences we will encounter if you tell the press the truth. We wanted to give you the biggest opportunity your life," reaksyon niya sabay tingin sa akin ng 'i-can't-believe'you' face.

Napasinghap ako ng hangin. Di ko inaasahan iyon. So, fame-whore talaga ang expectation nila sa akin. Namula bigla ang mukha ko. Di makapaniwala na iyon pala ang tingin nila sa akin. Masakit. Kalukuhan! PESTE!

"Umalis ka na..." mahina kong utos.

Tinignan niya ako ng may pagkagulat. Di maintindihan ang bigla kong pag-iba ng kilos. Manhid siya pag ganun.

"Huh? Why? I don't understand..." sagot niya sabay balak na hawakan ako pero humakbang ako palikod.

"There are things that you better don't understand," sagot ko, nakatingin sa kanya na 'PESTE-KA-ALAM-MO-BA?'

Wait lang... dumugo yung ilong ko doon sa statement kung iyon... *nosebleed*

"For goodness sake..." sabi niya at saka umalis na rin sa wakas.

Ang mga salitang iyon, umuulit na nag-ple-play sa utak ko. Di ko alam kung masasaktan ako ng bonggang-bongga o ano. Nang makitang humarurot ang kanyang sasakyan palayo, doon na tumulo ang aking luha. Masakit malaman na iyon pala ang tingin sa iyo. Pera? Kasikatan? Aanhin ko iyon? Gusto ko lang naman maranasan ang excitement ng buhay kahit minsan lang. Hay...

"Pasok na tayo," narinig ko ang boses ni Papa sa aking likuran. Tinapik niya ang aking balikat, parang nagbibigay ng suporta.

Nakita ko sa tabi niya, umiiyak din si Mama. Ang OA naman niya! Drama ko ito tas sasali siya. Pinupunasan niya ang kanyang namamasang mata gamit ang puting panyo na regalo ni Papa noong anniversary nila. Naalala ko, galit na galit si Mama noon dahil iyon lang ang binigay ni Papa. Tas isa lang ang naging logical na rason ni Papa bakit iyon ang kanyang binigay. Sabi niya, "Balang araw, magagamit mo rin iyan. Isang araw, tutulo ang luha mo at pupunasan mo ang namamasang mga mata mo."

So, ngayon pala ang araw na iyon.

***


"Ang tagal na natin di nagkita ah," ang mga binitiwang salita ni Xander paglapit sa akin.

Nasa isang department store ako at nag-wi-window shopping mag-isa. Nga-nga. Walang pera eh, walang trabaho. Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagbati. Ngumisi lang siya.

"Baka gusto mong kumain, may alam akong masarap na inihahain sa isang stall sa may food court," muli siyang nagsalita.

"Huwag na, busog ako," sagot ko, parang walang ganang makipag-usap.

Medyo sumeryoso ang kaniyang mukha, pero nakakapit pa rin ang kanyang ngiti, "Naikwento sa akin ni Prince."

Tumango na lang ako. Expected ko na rin iyon eh. Katahimikan. Katahimikan sa aming dalawa ang biglang nagparamdam. Without anything to say (English! Yes naman... pinag-i-english mo ba ako awtor kasi ending na? Anyways...) may hinatak akong liham mula sa aking maliit na sling bag. Inabot ko iyon kay Xander.

"Oh ano ito? Gagawin mo na akong postman?" sabi niya ng kinuha sa akin ang liham na inabot ko. Scented paper iyon, wag ka.

"Para sa inyo iyan ni Prince," wika ko sabay lakad palayo. Ayaw ko ng makipag-usap pa. Wala na akong gana. Wala na.

Di ko alam kung alam ba ni Xander ang salitang respecto dahil di niya na ako sinundan o pinigilan lumayo. Maraming Salamat.

***


Nakatingin lang sa akin si Mama. Ziniper ko na ang malaki kung travelling bag at saka agad na binuhat sa aking likuran. Nasa kwarto ko kami. Bumuntong hininga lang si Mama.

"Sigurado ka na ba, Marie Claire Baguio?" tanong niya sa akin sabay lapit para titigan ako ng masama.

"Oo nga, Ma. Nakuha naman akong call center agent doon, kaya ayos lang," sagot ko sabay kindat sa kanya.

"Marie!" sigaw niya sa akin na kinagulat ko, "Bakit ka ba babalik ng Baguio eh hindi naman atin iyon, at saka maraming trabaho dito sa Maynila."

"Ma," maumanhin kong tugon, "Di ko na makita ang rason ko dito. At saka, ang puso ko, tinatawag ng Baguio. Hindi ko alam, pero nakita ko doon ang buhay na nais ko. Ma," hinawakan ko ang kaniyang kamay, "Kahit ngayon lang, pakawalan niyo na ako."

Tinignan lang ako ni Mama sabay yakap sa aking ng mahigpit.

"Marie Claire Baguio," bulong niya, "Masaya ako at nahanapan mo na kahit papaano ang nais mo, pero lagi mong tandaan, Mahal na mahal ka namin ng Papa mo."

Napangiti ako.

***


Malakas na sigaw ni Charlotte ang gumising sa natutulog kong kaluluwa. Nakasakay na ako ng bus papuntang Baguio. Excited na ako at inaantok. Pero katulad ng sinabi ko, ginising ni Charlotte ang natutulog kong kaluluwa. Kausap ko ngayon sa cellphone. Ayaw kong sabihin sa kanya ng personal ang pag-alis ko ng Maynila dahil sigurado akong pipigilan niya ako.

"Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo?" bulyaw ni Charlotte. Salamat na lang at di ko ini-speaker mode ang tawag kung hindi magigising lahat ng natutulog na pasahero. Gabi na rin iyon kaya di maipagkakaila na karamihan sa amin tulog.

"Medyo, ngayon mo lang alam?" natatawa kong sagot.

"Paano na iyong Hunting Bobby O. natin? Ako na ang tatapos?" wika ni Charlotte.

Natigilan ako. Pinangako ko sa sarili ko na di ko na babalikan kahit anong related kay Bobby O. Ayaw ko na.

"Kaya mo na iyan," tanging nai-sagot ko.

Di na sumagot si Charlotte at binababa na ang kanyang cellphone. Medyo nagulat ako. Di man lang siyang nag-paalam. Anong magagawa ko? Ako rin naman, di nagpaalam at saka umalis na lang bigla. Ininsert ko ang ear phones ko sa cellphone ko at plinay ang isang play list ko bago matulog. Ilang segundo lang, nasa dream world na ako.

***


Ilang linggo na ako sa Baguio. Masarap talaga yung feeling na di mo kailangan ng electric fan o aircon para lang makatulog ng mahimbing. Yung tipong nasusulit mo iyong comforter na sobrang maka-sale sa baba. Maswerte ako at nakahanap ako kaagad ng mauupahan dito sa Baguio. Isa siyang condo unit. Medyo nabutas nga lang ang bulsa ko para sa downpayment at yung first month payment... whatever. Buti na lang supportado ako nina Mama kaya nagdeposit sila ng medyo kalakihan na pera sa bank account ko. Ngayon ko lang na-realize na sobrang stress maging call center agent. Yung tipong titigyawatin ka, mag-ka-ka-eye-bags ka, in short pumapangit ka. Pero, masaya siya in fact. Na-i-enjoy kung makipag-usap sa mga taong nangangailangan ng tulong, foreigner man sila. Medyo nakakairita nga lang minsan kasi minumura ka nila o kaya naman minamaliit. Pero sanayan lang.

"Marie," tawag sa akin ng boss ko.

Agad ko naman siyang linapitan, "Bakit po?"

"May isa tayong client na gusto kong ipakilala sa iyo," sagot niya.

"Ha? Bakit naman po sa akin?" medyo kinikilabutan akong nagtanong.

Napapaisip ako ng isang matandang... cge DOM...

Ngumisi lang siya, "Di ko alam, type ka ata."

Oh my...

***


Mag-isa ko sa conference room pagkatapos akong iwan doon ni Boss. Napapalunok lang ako. Gusto kong tanggihan si Boss pero pinaalala niya sa akin na malaki itong kliyente at isa sa pinakamalaking shareholder ng kompanya. Di mo gets? Huwag mo ng intindihin. So going back, nagdadasal na lang ako na hindi DOM ang kliyente na pinagsasabi ni Boss. Biglang bumukas ang pinto. Napatayo ako at agad na napatingin sa taong pumasok. No way!



Matandang lalaki with all grey hair. Pero, kaysa mandiri ako or anything, agad kong naramdaman ang formality sa kanya, yung tipong siya ang presidente ng amerika feeling.

"He-hello po," bati ko pagkatingin niya sa akin.

Nakangiti ito. Wait.... Yung ngiting iyon.... familiar ah...

"So ikaw pala si Marie?" sabi niya sabay nakipag-kamay sa akin na para bang formal meeting ang pinasukan niya.

Inabot ko naman, napakagaspang ng kamay niya na tila nakalimutan niya ng mag-hand lotion, "Opo." At binitawan na namin ang kanya-kanyang kamay.

"Ako pala si Reneo Cruz, baka pamilyar ka sa last name ko?" sabi niya.

Cruz? Cruz... parang narinig ko na iyon... Wait lang. WAIT LANG... Prince Harry Cruz?!!! Don't tell me...

"Mukha ka atang gulat hija, sigurado na akong kilala mo na ako?" sabi ng matanda sabay tawa ng mahina.

"Ka-kayo po ang Papa ni Prince?" tanging salitang lumabas sa aking bunganga.

________


Obvious na ho ata na sa next chapter ay ENDING na. So anyways... MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA AT PAGSUPPORTA. Leave any comments or show your support with a vote. THANK YOU!

_tagalog_

Continue Reading

You'll Also Like

1M 48.7K 107
Hiding their identity is a must for a gangster. She has a mission. Her mission is to find the one who killed her fiance and best friend and that's t...
7.1M 248K 50
Emerald Prescott thought that her life was just normal. Not until her 18th birthday when a group of scary men took her parents and tried to kill her...
56.6K 4.6K 42
"Sorry po, strict ang parents ko" epistolary pd101 season 2 #1 lee woojin + ongniel ( strict parents ) 170427 - 170430 170501: #41 IN HUMOR ...
1.2M 24K 53
Isang babaeng magiging personal maid ng anak ng billionaryong pamilya. Mabibihag ng dalaga ang puso ng kaniyang boss at hinding hindi na siya pakakaw...