Lake (Gxg) (Completed)

By Kryzl_Cassandra

152K 6.8K 847

This is the story of Lawa and Freya. (Pleae unahin nyo muna story ni Zeph (Zephyr)) Deleted it but re-upload... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Epilogue

Part 22

2.5K 127 11
By Kryzl_Cassandra

CHAPTER 22

LAKE

"Finley..."

Wala sa sariling bulong ko habang nakikipag titigan sa babaeng nanay pala ng batang nabunggo ko kanina. She looked shocked, yet parang may kung anong emosyon ang meron sa kanyang mata habang nakatingin sakin. Shocked? Happy? And sad? But not angry. Taliwas sa naiimagine kong muling pag kikita namin na baka galit na galit pa rin sya at halos isumpa ako dahil sa nagawa ko sa kanya at sa asawa nya.

Maganda pa rin sya hanggang ngayon. Pero parang tumanda ang itsura nya dahil siguro sa stressed? Pansin ko rin, ang payat nya lalo. Dati kasi sexy ang kanyang katawan, pero ngayon, parang napabayaan yata nya ang kanyang sarili. Kelan pa ba sya umuwi ng Pinas?

And how about me? How do I feel now that she's here,  three years after that incident.

"Lake?" She smiled at parang hindi makapaniwala na nandito na nga ako ngayon sa kanyang harap. Ako tuloy ang nalilito, nakalimutan na ba nyang monster ako at inabuso ko sya? Na dapat ay galit sya sakin?

Napalingon ako sa babaeng katabi ko na humawak sa aking braso. Nag aalala ang magandang mukha ni Freya na may halong pagtataka dahil marahil sa titigan namin ni Finley.

I smiled at Freya, saka ko sya inakbayan at mas lalong hinila para idikit sa katawan ko.

"Nathalia." Banggit ko sa pangalan nya. Halos mawalan din ako ng boses, dahil seryoso, sana hindi ko nalang ulit sya nakita. May mga tao talagang parte ng ating nakaraan na hindi na natin gugustuhin pang makita. Pero sadyang mapag laro ang tadhana, nagkita pa rin kame at nasaksihan pa talaga ni Freya.

"K-kamusta ka na Lake? Y-you look--" Sinipat nya ako mula ulo hanggang paa at yung mga tingin nya, may halong pag hanga. "...good."

Freya cleared her throat. "Ehem." Her way of getting my attention.

"Uhm, yeah." Hinawakan ko ang kamay ni Freya ng mahigpit, hindi ko alam kung bakit.

"This is Cassidy, my daughter." Pakilala nya sa bata na ngayon ay hindi na umiiyak dahil kasama na nya ang mommy nya. Hawak din nya ito sa kanyang kamay.

"Sorry, nabunggo ko sya kanina. Nasaktan ko yata." I told her. For some reasons, gusto ko nang umalis sa lugar. Ayoko nang makausap, let alone makita pa sya. Pero bakit ganito? Bakit ang bait nya? Bakit parang di na sya galit sakin? Dahil ba taon na ang nakalipas?

"It's okay. Di naman sya nasaktan. By the way Lake--"

"This is Freya." Putol ko sa sasabihin nya kaya napatingin sya sa babaeng katabi ko.

"Hi." Freya said nicely.

Pero binigyan nya ng tipid na ngiti si Freya at mabilis na bumalik ang tingin sakin like she's not interested. At hindi ko yun nagustuhan. For me, that's so rude of her. Siguro kung ibang babae lang ang kasama ko ngayon, pwede nyang dedmahin like she always did before. But no, this girl beside me, is my baby.

"Lake, can I invite you? I want to talk to you. Please..we need to talk." Sa halip ay sabi nya.

Now, si Freya naman ang napahawak ng mahigpit sa aking kamay saka sya lumingon sakin na parang tinatanong kung ano ang isasagot ko sa imbitasyon ni Finley, ang nag iisang babaeng minahal ko pero sumira at dumurog sa puso ko.

"Finley-- I mean...ano na nga ang surname mo? Sorry I forgot-" I told her kasi kasal nga pala sya kay Arthur at hindi ako interesadong malaman ang apelyido nila.

"Still Finley Lake. Arthur and I are annuled already, almost 2 years ago." Proud pang sabi nya like tingin naman nya ay matutuwa ako sa inpormasyon na iyon? Wala na akong pakealam girl.

"Okay Finley, Freya and I have a special date." Saka ko ulit inakbayan si Freya na naninigas na ang katawan dahil hindi sya komportable sa sitwasyon. "And I dont think there's a need for us to talk. So if you'll excuse us, may importante pa kasi kaming gagawin." I told her.

Hurt and sadness was written on Finley's eyes nung muli nyang tignan si Freya na kanina lang ay halos hindi manlang nya pagtuunan ng pansin nung ipakilala ko sila sa isat isa.

"Ganon ba. Can you atleast give me your number nalang? So we can schedule--"

"Nathalia, please contact my secretary kung gusto mo ng appointment. Abala akong tao so please, excuse us." I sound so rude right now pero hindi na rin kasi ako komportable. I dont want her to penetrate my system again.

No, I dont want her in my life.

Not again.

Not anymore.

"Let's go, baby." Sabi ko sa katabi ko at hinalikan ko pa talaga ang kanyang sentido. Saka kami naglakad palayo sa mag-ina na alam kong nakatanaw pa rin samin ni Freya.

Ngayon, nandito na kami sa grocery. Ako ang may hawak ng cart, si Freya ang lagay ng lagay ng kung ano ano. Para namang sya ang magbabayad.

"Lawa, anong gusto mong pagkain natin mamaya? Ipagluluto kita." Masaya nyang sabi. Actually, napansin kong hindi manlang sya nagtanong tungkol sa eksena kanina. Mas lalo nga syang naging sweet sakin.

Pag nagkakalakad kame, naka sabit ang kamay nya sa braso ko. Para tuloy kaming totoong mag jowa o daig pa yata namin ang mag asawa.

I smiled while staring at her. Nakangiti sya habang binabasa ang mga label ng mga inilalagay nya sa cart namin. It's as if alam na alam at kabisado nya ang lahat ng mga laman ng groceries, kung ano ang okay at kung ano ang hindi. Something na hindi ko yata matututunan dahil mas pipiliin ko nalang mag order nalang sa resto o magpaluto sa chef ko.

"Yung niluto mo para kag Blaze dati, ano na tawag don?" I asked her.

"Ah kare-kare." Saad nya. "Sure, tara dito, may bibilin tayong mga rekado."

Naglakad na sya palayo at napailing nalang akong nag tulak ng cart para sundan sya. Napapagod ako at nahihilo sa totoo lang kasi ikot lang kami ng ikot. Hindi lang kasi gamit sa kusina ang binili nya kundi kung ano ano pang gamit sa condo ko tulad ng panlinis ng bahay at battery ng remote na ubos na rin pala.

Sometimes I wonder, ang sarap nya sigurong maging asawa? Yung hindi ko na sya papapasukin sa office, at wala na syang ibang poproblemahin kundi alagaan at ibigay ang pangangailangan ko. In return, I'll do the same to her too.

"Freya, doblehin mo na yung mga binibili natin. Para meron na rin kayong stocks ni Alice sa bahay nyo." Sabi ko sa kanya.

"Di na, keri na namin yan. May budget naman kami para samin." Tanggi nito sakin.

Actually, dati ko pa nga ito gustong gawin, yung ipag dala ko sya ng mga groceries sa bahay lalo nung wala pa syang trabaho. Kaso hindi naman kasi ako marunong pumili ng mga bibilhin saka isa pa, nahihiya ako kasi baka kung ano ang isipin nya.

"Sige na Freya. Kesa mamili pa kayo ng bukod, tapos mag tataxi pa kayo? Ang hassle pa non. Bilhin mo na ngayon ang mga kaylangan nyo total nandito na tayo at may sasakyan naman tayo." Pagpipilit ko ba.

"Sige, pero yung importante lang kuhanin ko." Sabi nya. Napangiti nalang ako, ang cute ni Freya lalo pag nahihiya. Hindi talaga sya tulad ng ibang babae na pasimpleng mapanamantala pag dating sa pinansyal na bagay at magpapabili ng kung ano ano. Mapagbigay sya pero nahihiya sya pag binibigyan sya ng pabor. Eh napaka simple nga lang nito.

Kaya ang ginawa ko, sinundan ko sya at kung ano ang inilalagay nya sa cart na gamit sa apartment nila, dinodoble ko nalang.

Umiirap sya pero kinikindatan ko lang ito dahilan para mas lalong mamula ang pisngi nya. Freya's so adorable. Yung gusto ko nalang syang ilagay sa pocket ko para palagi ko syang dala dala kahit san ako pumunta.

Confusion because of Finley's come back and happiness because of Freya's presence is troubling my mind. Pero mas matimbang ang natutuwa ako at masaya dahil kay Freya. Alam nyo yun? Yung happy ka lang. At wala kang ibang hinihiling kundi, sana palagi nalang ganito. Ganon ang pakiramdam ko twing magkasama kami ni Freya.

"Mommy please, I want this." Narinig kong sabi ng bata sa kabilang side ng mga estante habang si Freya ay pumipili pa rin ng mga ilalagay sa cart.

"No baby, wag muna okay?"

At napakunot ang noo ko nung marinig ang boses na iyon, boses yun ni Nathalia.

"But mommy, you said we'll buy lots of chocolates!" Halos umiyak na ang bata.

"Cassy, di ba binilhan naman kita ng isang bar? Tama na yung isa ha." Kahit medyo napapalayo na si Freya ay pinakinggan ko pa rin ang usapan ng mag ina at hindi ako umalis sa pwesto ko.

"You promised me mommy. You said lots of chocolates and toys too." Umiiyak na sabi ni Cassidy. Bakit hindi nalang nya pagbigyan ang gusyo ng anak para hindi na ito umiyak di ba?

"Cassy, walang budget si mommy okay? We need to prioritize important items first? Don't cry baby. Pag nagka pera na si mommy, bibilhan kita ng maraming sweets and toys."

Parang may bumara sa lalamunan ko buhat sa narinig. I dont know kung bakit pero napapikit ako at aamining naaepktuhan sa pag uusap nilang dalawa.

Seriously Nathalia? Chocolates lang, hindi mo mabilhan ang bata? For Pete's sake! What happened to you? Naghihirap ka na ba? Hindi manlang ba nag sustento si Arthur? Kahit pa sabihing annuled na kayo?

"You always promised but you never do mommy.." Malungkot na sabi ng bata.

I sighed. Nawala na si Freya sa paningin ko pero hindi pa rin ako umalis para pakinggan sila.

"Pag nagkatrabaho na si mommy, bibili tayo ng chocolates okay? Sorry baby. Wala pang pera si mommy eh. Let's go, bibili pa tayo ng milk mo. Mas importante yon kesa chocolates." Saad ni Finley.

Pumunta ako sa kabila para silipin sila pero nakaalis na ang mag ina. Nakita ko pa ang gulo gulong salansan ng mga chocolates na tingin ko ay ang pinapabili ng kawawang bata. Tsk, naawa ako. Chocolates lang eh.

Kaya kumuha ako ng mga chocolates at inilagay sa isang sulok ng cart namin ni Freya. Agad ko rin syang hinanap pagkatapos at pumila na kami sa counter.

Ang haba ng mga pila, kaya naghanap kami ng pinaka konti ang tao.

"Napagod ka?" Freya sweetly cupped my face habang nakangiti ito.

I returned the smile. "No. This is actually fun pala, I just never thought that not until now." I told her.

"Fun kasi kasama mo ako." Saka sya kumindat sakin. Minsan, ang galing din bumanat ng isang ito. Pinisil ko nalang ang kanyang ilong.

Ilang saglit pa, ay nakita ko sina Finley, saka si Cassidy na nakasakay pa sa cart na tulak ni Nathalia. Hawak pa ni Cassy ang isang maliit na chocolate na parang isang kayamanan na yakap yakap nya. Iyon lang kasi ang binili ng mommy nya sa kanya. Poor kid.

Konti lang din ang mga pinamili nila at halos puro basic needs lang tulad ng pagkain at gatas ng bata. Kumpara sa pinamili namin ni Freya na parang magtatayo ng kami ng tindahan sa dami.

Naalala ko tuloy yung narinig ko kanina.

Parang gusto nyang umatras at pumila nalang sa iba nung nakita nya kami ni Freya pero pinigil ko sya.

"Finley, dito na kayo. Dito pinaka maiksi ang pila." Bahagya pa syang nagulat sa sinabi ko.

Sinuklian lang nya ako ng tipid na ngiti at inayos ang cart kasunod namin ni Freya. Sakto, para na rin maiabot ko sa bata ang chocolates na kinuha ko.

"S-sige.."

Muli ko namang inakbayan si Freya na wala na namang kibo. "Napagod ka?"

She smiled saka umiling. "Hindi. Ang sarap kayang mag grocery." Sagot nya sakin.

"Gusto mong magswimming mamaya?" Tanong ko dito.

"Sige." Sagot din nya. Muli ko syang inakbayan at aaminin kong mas sweet at touchy na kami kesa dati. Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit kusang kumikilos ang aking katawan na dumikit sa kanya.

Nagsimula nang mag compute ng kahera habang isa isa naming inilalagay sa counter ang mga pinamili.

I saw discomfort in Nathalia's eyes. Para bang nahihiya sya? Or hanggat maaari ayaw nyang tignan ang ginagawa namin kaya nakatingin lang sya sa sahig.

And then nung inilapag ko na sa counter ang mga chocolates kanina, I heard Cassidy shouts at her mom.

"Mommy that's my chocola--"

Pero mabilis natakpan ni Finley ang bibig ng bata. Mayroon din itong binulong kaya malungkot nalang na yumuko si Cassy at hindi na muling tumingin sa mga chocolates ko. Tumingin nalang sya sa maliit at nag iisang chocolate na hawak nya. Napailing nalang ako.

Tumingin ako sa kahera. "Pabukod ng plastic itong mga chocolates."

Freya has her own chocolates and pretzels too kasi mahilig din sya sa sweets. Magkaiba nga lang sila ng brand kasi dark chocolates ang gusto ng baby ko, pero assorted naman ang gusto ng baby ni Finley.

"I'll give this to Cassidy." Bulong ko kay Freya bago pa sya mag tanong.

Nakakaintindi naman itong ngumiti at tumango kaya natuwa rin ako na hindi makitid ang utak nya hindi tulad sa ibang babae.

"Cassidy, this is for you." Nagliwanag ang mukha ng bata at tumingin sa mommy nya. Tila nagpapaalam ito kung tatanggapin ba nya o hindi ang iniaabot kong isang plastic ng chocolates.

Pati si Finley ay nagulat, pero pagkuway napasmile at tumango sa anak.

Matamis ang ngiti na kinuha iyon ni Cassidy gamit ang kanyang maliliit na kamay.

"What would you say to tita Lake, Cassy?" Finley asked the kid.

"Thank you, tita Lake."

Napangiti nalang ako. Magka edad sila ni Erin at parehong cute. Hindi ko lang talaga matitiis na hindi manlang nya maibigay ang simpleng kagustuhan ng bata.

"Welcome Cassy." Saka ako tumingin kay Finley na parang nahihiya pa rin. "Nathalia, una na kami." Paalam ko dito.

Malungkot itong tumango at pilit na ngumiti. "Thank you, Lake." Bakas sa boses nya ang pangungulila? Pero no...hindi...hindi ako pwedeng paapekto sa kanya.

Sinaktan na nya ako before.

Pinili nya si Arthur.

Pinag sabay nya kame.

Niloko nya ako.

Dinurog ang puso ko.

At masaya na ako ngayon. Tahimik ang buhay ko at kuntento kung ano ang meron kami ni Freya.

"Let's go baby..." Muli kong inakbayan si Freya dahil ang pinamili namin ay tulak ngayon ng isang grocery boy.

"Are you okay? Hindi mo ba itatanong kung sino sya?" I asked her pag sakay namin ng kotse.

She smiled at me saka sumandal sa aking balikat na paborito nyang ginagawa.

"Kaylangan pa ba? Eh hindi mo naman ako pinabayaan sa harap nya. Para sakin, hindi na importante kung past mo sya Lawa. Ang importante, yung ngayon." She answered that made me smile.

And my heart is happy again. I have my own baby na. Hindi na ako maiinggit sa love life ni Zep. I noted myself.

Continue Reading

You'll Also Like

3M 130K 21
(Yours Series # 2) Julienne Salvacion definitely didn't think that she'd reach the age of 32 and still be unmarried. She was sure that she'd, at leas...
3.5M 150K 16
(Yours Series # 1) Nileen Riviera thought that after getting her degree in medicine, she'd easily check off the next thing on her list-to have a boyf...
65.8K 2.1K 44
Meet Nicole, a beautiful, kind, and intelligent woman. She has an almost-perfect life, looked up to and admired by everyone. She looks like a real Pr...
51.2K 1.1K 36
Venice Castillio, is already happy and contented with Shaun, the man of her life. But everything changed, when she got kidnapped and got pregnant by...