I'm A Motherfckng Woman [TRAN...

By biisool

78.4K 5.6K 1.6K

Waking up and realizing that you are trapped in a wrong body living in a wrong society is a scary thing. Araw... More

IAMW
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13

8

3.2K 289 87
By biisool

Kiara Valentina Paladin

"Mommy, mayaman ba 'yong si manong? Ay!" Napatakip ng bibig si Stela nang ma-realize ang sinabi niya. "Tito pala hehe." 

Napatawa din ako sa pagkakamali niya. Seems like Alejandro hated that word. Kahit ano namang itawag sa kanya gwapo pa rin siya. "Mayaman? Hm. Siguro. Bakit mo naman natanong?" 

"Kasi pinahintay niya tayo kasi kukunin daw niya 'yong sasakyan niya. 'Di ba mga mayayaman lang 'yong may gan'on?" 

Kinurot ko ang pisnge niya at niyakap papalapit sa akin. Ang taba talaga ng brain kahit kailan ano po? "Yes, ma'am, you're right. Kaya 'wag ka masyadong makulit kay sir kasi nakakahiya." 

"Hi, Stela!" Napalingon ako sa aking tabi nang may marinig na boses doon.

"Hello." Isang ngite ang ibinigay ko sa babaeng nakita ko. May batang babae sa kanyang tabi na mukhang anak niya yata. Niyuko ko si Stela at sinenyasan itong i-greet pabalik ang babae. Nagtaka ako nang makitang nakasimangot ito sa dalawa.

Oh my, what happened?

"Hello po." Kumaway ang maliit niyang kamay sa direksyon ng dalawa habang ang isang braso ay nakayakap sa hita ko. "Hello, Caryl."

"Ang gandang bata. Manang-mana doon sa papa niya, mare. Syempre sa'yo rin. Ba't di ko nakikita sa school iyong papa niya?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Papa? Sinong papa? Wala nam—bigla kong naalala si Alejandro. Muling bumaba ang tingin ko kay Stela at nakitang nginisihan nito ang kaklase niya yata. What's going on?

"Um, hi—"

"Busy po kasi ang daddy ko sa work po! 'Di ba, mommy?!" Medyo nagulat ako sa malakas na boses ni Stela habang nagtatanong sa akin. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng yakap niya sa hita ko.

Muli kong tiningnan ang dalawang tao sa harapan ko at nasulyapan ang ginawang pagtataas ng kilay ng batang si Carly sa baby girl ko. Wow! How dare she do that in front of me?

"Of course!" Sorry, Alejandro. Hindi pwedeng inaapi ang baby ko. Sana lang hindi niya ako maabutang nagsisinungaling. "Busy sa trabaho ang papa niya kaya hindi siya nasusundo nito sa school. He's been in and out of the country for work. May mga international clients kasi siya. Hopefully ngayong nakabalik na siya ng Pilipinas, magkakaroon na siya ng maraming oras para kay Stela."

"Kiara, Stela, what's going on?" Nanlamig ako nang marinig ang baritonong boses ni Alejandro sa aking likuran. Shit! Did he hear that? I hope he didn't.

"Daddy!" Mabilis na kumalas sa pagkakayakap sa binti ko si Stela at tumakbo kay Alejandro.

Kinarga niya si Stela at naglakad palapit sa akin. I was not prepared when he wrapped his muscular arms around my waist and pulled me closer. "Hi, I'm Stela's dad. It's my pleasure to meet her acquaintances."

Saglit na kumalas ang mga kamay ni Alejandro sa bewang ko para makipagkamay sa dalawa pero agad din niya iyong ibinalik.

"Ay, naku! Pauwi na pala ang asawa ko. Mauna na kami ha? Sige. Anak tayo na, magpaalam ka na sa kanila."

"Hmp!" Napataas ang kilay ko nang umingos ang batang babae. "Sabi niyo, mama, nakakadiri ang mga bakla. 'Di ba po bakla 'yang mama ni Stela?"

Mabilis na tinakpan ng babae ang bibig ng bata at alanganing ngumite sa amin. Oh no, girl, don't hide your filth. Show it to us. We'd love to see it.

"Pasensya na kayo. Alis na kami ha?" Nagmamadali nila kaming tinalikuran at naglakad palayo.

"Ano naman kung bakla ka, momny? Eh mas maganda ka pa nga doon sa mama niyang mataba at lubak-lubak ang mukha." My eyes widen when I heard what Stela blurted out. I snapped my head towards her direction pero sana hindi na lang pala.

My nose almost touch the side of his face when I looked up mabuti na lang at naka-atras ako kaagad. 

"Careful," ang paalala niya matapos higpitan ang pagkakayakap sa bewang ko. Because of how close we currently are langhap na langhap ko ang mabangong hininga niya. Wala bang kapintas-pintas sa lalaking 'to?

I can feel my cheeks burning from our sudden closeness. I had to initiate removing myself from his hold to stop myself from doing stupid things and thinking stupid thoughts. His arms are the most dangerous place for someone like me na nangakong magmo-move on. 

"B-Baba mo na si Stela. Baka nabibigatan ka na." Gusto kong tampalin ang sarili nang mautal ako. Compose yourself, Kiara! "Lika na, girl." 

Ngumite siya sa akin at umiling. "Not really. Gusto mo na bang bumaba?" Ang tanong niya kay Stela na prenteng-prenteng nakakapit sa leeg niya. Stela gave me a toothy grin and laid her head on Alejandro's. 

Alejandro's chuckle resonated on my ears like a sexy song. "Let's go?"

 Wala sa sarili akong napatango at sumunod sa kanila papunta sa itim na audi ni Alejandro. Something warm crept inside me while looking at Alejandro's back and Stela's small head on Alejandro's shoulder. I have never imagined myself being given an opportunity to see the people I care for in one frame. 

NAHIHIYA kong tinapunan ng tingin si Alejandro habang nilibot niya ang paningin sa maliit kong inuupahan. There was no division between my small kitchen slash dining area and my living room kaya kitang-kita ko siya habang naghahanda ng mga lulutuin ko. He's a tall man kaya halos maabot na rin ng ulo niya ang ilaw namin. 

"Pasensya ka na at maliit lang ang bahay," ang paghingi ko ng paumanhin sa kanya. 

Imagine a famous engineer in your small, sub-standard house. You don't know how much pressure I'm feeling right now. I have to cook for him on top of that. 

"Don't be. I actually like it. It's very welcoming and homey and it's... very you." I saw a genuine smile drawn on his handsome face when he looked at my direction. 

"Thanks." I shyly smiled back. I don't think I'll ever stop blushing today. Alejandro's sudden presence in my life is too much. 

"MOMMY! TAPOS NA AKO PO!" Nagpapasalamat ako't tuluyan ng dumating si Stela dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung mananatili akong nag-iisa kasama si Alejandro. I might die of heart attack. 

"You guys can watch a movie muna diyan while a cook. Wait magpapalit muna ako ng damit. Stela, babe, please watch muna itong karne sa lamesa baka nakawin na naman ni Hwa-Hwa." I was referring the male feral cat na palaging dumadalaw dito sa bahay. These past few days Hwa-Hwa's acting more on a house cat though at halos hindi na siya lumabas dito sa bahay. He's always sleeping on the cat bed I made out of my old clothes for him. 

After changing to a comfortable sweat pants and loose black shirt mabilis akong lumabas sa maliit kong kwarto at dumiretso sa kusina. Nadatnan ko ang dalawa na nagkukulitan sa may sala habang nanonood ng Harry Potter.

Stela's been obsessed with Harry Potter lately. I might do a Harry Potter themed party for her pagkatapos niyang makuha mga awards niya sa closing ng klase. That's something I want to talk to her later.

Nagsimula na rin akong maghiwa ng mga rekados. It's almost 5pm, I'm hoping I have enough time to prepare all of this kaagad.

"Manong, ay tito pala, sabi niyo po kanina engineer po kayo. Totoo ba 'yon or prank-prank lang po?" Mahina akong natawa sa tanong ni Stela. 'Tong batang 'to talaga.

Narinig ko ring tumawa si Alejandro sa tanong niya. "Yup, I'm engineer. Gusto mo rin bang maging engineer paglaki mo?"

"Um... yayaman ba ako diyan?"

"Well, it depends."

"Pero mayaman po kayo?"

"Not really. Sakto lang naman." Napataas ang kilay ko do'n. What does he mean with sakto lang? Sakto lang ba 'yong may black card? I don't think so.

"Gusto ko po maging mayaman para makabili ako ng magandang bahay para sa amin ng mommy ko. 'Yong di parang liliparin 'pag binabagyo."

Sabay kaming natawa ng malakas ni Alejandro sa sinabi ng bata. Jusko, Stela ha! Masyado mo ng in-expose ang ka-poorita ng mommy mo.

"I'm sure you will become rich someday. You're very smart and talended."

"Salamat po. 'Di ba matatalino sa math 'yong mga engineer po? Matalino ka po ba do'n."

"Matalino? Pwede na rin. Why?"

"Pwede niyo po ba akong turuan mag-study ng math? Marunong naman si mommy mag-solve pero di po siya marunong mag-explain. Nalilito ako eh. Kasali po kasi ako sa math quiz ball sa district level po. Gusto ko po manalo para maraming isabit si mommy na medal sa kwarto niya."

My heart melted at Stela's word. Everything she does I'm always part of it and I couldn't feel more happy and flustered. How could her real mom waste such beautiful gem? Stela's a sweetheart.

"That's cool. Ano bang gusto mong ituro ko sa'yo?"

"Nasa bag ko po. Kunin ko lang po. Ay saglit lang po pala magba-banyo lang ako."

I heard her padded across the room to our bedroom. Napailing na lang ako. I felt someone's presence beside me kaya napaangat ako ng tingin.

"Do you need any help?"

Umiling ako sa kanya at nagpatuloy sa ginagawang caprese pasta salad. "Naku 'wag na, magpahinga ka na lang doon. Nakakahiya na sa'yo. Ikaw na nagbayad lahat-lahat."

"It's nothing, makikikain din naman ako dito."

Saglit na katahimikan ang namutawi sa pagitan namin. Nailang naman ako dahil sa ginagawa niyang pagtitig sa ginagawa ko. 'Wag kang magkamali please!

"I think the potatoes are already cooked."

"Ay hala, wait." Lumingon-lingon ako sa paligid para hanapin ang basahin pero hindi ko makita.

"Nandito 'yong basahin. Ako na. What are you going to do with these? Mashed potatoes?"

Tumigil na lamang ako sa paghanap at pinanood siyang kinukuha ang mga patatas mula sa pinagkuluan dito. "Ako na ang magbabalat dito at magma-mash. Just do what you need to do."

"Thank you." Hindi na ako tumanggi sa offer niya para naman mapabilis itong ginagawa ko. "By the way, sorry nga pala kanina. Um, you know, 'yong pinakilala kitang daddy ni Stela."

"Don't be. No'ng bumalik ka sa mga aisle nakita namin iyong dalawa. Stela informed me the kid used to bully her for not having a father. Kung hindi mo napansin kanina, nasa kabila sila nakapila. "

I sighed. "I don't want Stela to experience being bullied. I've been bullied by others back then and it did not feel good. I think you know naman na Stela isn't really my child. Her mother lived at another baranggay. Nakilala ko si Stela when I was looking for a place to stay. She's a really good kid, you know? She helped me coped up with my life. She's my little sunshine.

Kaya I want the best for Stela. If opportunity arise, I wanted to legally adopt her one day. Her mother sold all of her siblings away. Siya lang ang hindi dahil palagi siyang naririto sa akin."

Everytime I think of Stela's situation I feel... depressed. Ilan pang bata ang nakaka-experience ng ganitong uri ng abuse at environment? How many kids are sold, abused and killed because of their irresponsible parents and extreme poverty?

Kung sino pa 'yong mga hindi handa at walang kakayanang maging magulang sila pa 'yong binibigyan. Habang 'yong mga naghihintay at capable maging magulang hindi biniyayaan. It feels so unfair and cruel.

"You're very admirable, you know that?" Napatigil ako at napalingon kay Alejandro na ngayon ay nakaupo na sa harap mg hapag.

He did not spare me a glance at patuloy lang sa ginagawang pagbabalat. I bit my lip to stop myself from smiling.

"You're not only beautiful physically, you also have a beautiful soul. Stela's lucky to have you also."

I gasped when I heard him call me beautiful. I'm so sorry, everyone, but I think I'm winning today. My crush just called me beautiful! BEAU. TI. FREAKIN. FUL!

Lord, ang heart ko please lang!

"T-Thank you. You're handsome din naman. Nang-libre ka pa sa amin." I don't know what to say anymore. How do you keep the conversation at situations like this?

I heard him laugh. "Thanks."

"YIEEEE! NAGKAKAMABUTIHAN NA SILA. MAGIGING DADDY NA PO BA KITA TITO?"

"Stela!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ni Stela. Nilingon ko ang gawi niya at pinalakihan siya ng mata. Isang malakas na tawa lang naman ang natanggap ko.

"Joke lang po! Love at world peace lang po." Nag-peace sign pa siya sa harap ni Alejandro bago naupo sa upuan katapat ng huli.

"You're very funny, you know that?" Ang narinig kong natatawang sabi ni Alejandro.

"Mana lang po sa nanay," ang sagot pabalik dito ni Stela na nagpatawa ng malakas kay Alejandro. Napatawi na lang din ako. She's really something. "Maganda na nga, nakakatawa pa. Oh di ba?"

"Absolutely."







Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...