Agape Love

By fruityycat

1.3K 73 40

In this story we will uncover the real identity of Zeffiniah. Zeffiniah a nursing student and a scholar who... More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 6

61 5 1
By fruityycat

Zef's Pov

Nandito ako ngayon sa coffee shop at umiinom ng hot choco while waiting for Ms.Tuazon. Ang usapan kasi namin after lunch kami magkikita dito.

I was scrolling through my phone nang maalala ko si Mrs. Rossi at Aerin. May instagram kaya si ma'am? Mukha kasing di yun mahilig sa socmed yet I still decided to look for her account but mission failed, walang nalabas.

Gagamitin ko na pagiging stalker mode ko.

I went to Ms. Tuazon's account since we followed back each other naman, dun ko hinanap sa posts niya ang acc ni Mrs. Rossi, tama talaga ako ng account na pinuntahan kasi madali ko siyang nahanap doon. Kaya naman pala mahirap siyang hanapin kasi iba ang name

"poisonVy" basa ko rito.

Ini stalk ko siya at mukhang mas famous pa siya compare Ms. Tuazon. Lahat ng pictures niya umaabot ng 50k pataas ang likes, ganda kasi.

Lahat ng pose niya sa picture ay napaka intimidating pero meron isang picture doon that really catches my attention. She's wearing her usual long sleeve polo pero naka open buttons iyon, revealing her big mounts and sexy body na parang nagmomodel siya ng calvin klein underware

Napalunok naman ako ng matindi at nakaramdam ng biglang init nang makita ko iyon. I immediately let go of my phone at nilagok ang hot choco and accidentally burned my tongue

"Fuck!"

Nagmamdali kong pinulot yung tissue sa tray at pinunas iyon sa dila ko habang hawak ang dulo nito. Nilingon ko ang salamin na katabi ko to see my reflection.

My tongue is reddened at mahapdi sa pakiramdam. Hindi ko na talaga alam kung tama pa ba tong epekto ni Ma'am sa'kin ni ultimo simpleng pag inom ng hot choco napapaso pa.

Okay pa ba ko?

Dahil sa pagiging lutang ko, hindi ko na napansin na pinagtatawanan ako ng mga tao sa labas.

Agad kong tinigil ang ginagawa ko at umakto na parang walang nangyare pero alam kong useless. Tapos na. Nangyari na ang kahihiyan.

Damn!

Mariin kong pinikit ang mata ko sa sobrang inis bago binalingan ng tingin ang phone ko, nanlaking mga mata kong tinignan ito cause I accidentally liked Mrs. Rossi's photo a year ago yung naka Calvin Klein siya.

Mabilis kong tinggal yun at nag exit sa application. Kung may award siguro ng patangahan makakakuha na ko.

Pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa kaba. Baka isipin pa ni ma'am na stalker niya ko, gusto ko lang namn sila makita ni Aerin kasi na mimiss ko na sila agad pero bakit naman ganito??

Imbis na gusto ko siyang makita, parang mauudlot pa ata. Grabeng kahihiyan na'to! Sagad naaa!

Napahilamos ako sa mukha ko out of frustration ang tagal pa ni Ms. Tuazon, speaking of the Angel half monster, nakita ko na siyang pababa ng kotse niya which is Audi R8 na black with the touch of white bago sinuot ang black shades niya.

She's walking gracefully towards the coffee shop entrance, lahat ng taong nasasalubong niya ay napapalingon sa kanya, kulang na lang tumulo laway nila.

She's wearing her dark green overcoat, white turtle neck inside with matching white fitted pants and black heels. Napansin ko rin ang kwintas niyang rose gold na may pendant na small dolphin.

She's not Athena for nothing, a true goddess indeed..

Nang tuluyang makapasok ito tinanggal niya ang shades niya saka inilibot ang mga mata, ikinaway ko ang kamay ko para makita niya ko agad, di naman ako nabigo ang ganda kasi ng ngiti niya nang magtama ang mga mata namin.

"Hi" bati niya habang nakatitig parin sa mga mata ko at nakangiti ng napaka tamis

"You look gorgeous as always" compliment ko sa kanya kasi napaka ganda naman talaga niya pero di parin kasing ganda ni Mrs. Rossi tumango naman ako sa isip ko sa pag-sangayon sa sarili ko.

Ms. Tuazon or Athena rather looks like Olivia Rodrigo kaya di mo talaga matatanggi ang ganda na meron siya.

Sumusulat rin kaya to si ma'am ng kanta for her exe's? Well malas siguro ng magiging ex niya.

"I know right" mahangin niyang sang ayon that made us both laughed in unison.

"So where are we going?" tanong ko sa kanya ng makaupo na siya sa harapan ko.

"I told you its a secret right?" napairap naman ako sa sagot niya

"whatever, just make sure may pagkain" natawa naman ito sa pagiging patay gutom ko

"You're really fun to be with" iiling-iling niyang reaksyon

"ano ba athena? Ako lang to." pabebe kong saad sa kanya habang winawaksi ang kamay ko sa ere.

"ew" sabay kaming natawa sa ka pilyahan na meron kami.

Pagkatapos ng small greetings namin inaya niya na kong umalis ng coffee shop para makapagsimula na kami. I'd say na tinour lang ako nitong si Athena sa buong dipolog which is great kasi ang dami kong nalaman about our province, marami siya saking tinurong galaan even bars at clubs na ituro niya sakin

Nag-eenjoy naman ako sa ginagawa namin kaya nang mapagod kami sa boulevard kami tumambay at nag dinner.

Palubog na rin ang araw kaya di na mainit at ang ganda ng view, niyaya niya kong maglakad sa dalampasigan at nagsimulang ikwento ang buhay na meron siya.

"I have two moms, I grew up being responsible and open minded to all the things that is happening around me kaya naman I'm thankful to my parents dahil pinalaki nila ako ng tama."

"I'm sure they're proud of you" komento ko that made her smile

Marami pa siyang nakwento sa akin about sa journey niya kasama na ro'n ang experiences niya sa field ng trabaho niya to the point na punta na kami sa personal na bagay.

"so yun na nga my sister and I liked this one woman na pinag-agawan namin pero in the end walang pinili samin" natatawang kwento niya sakin

"Pareho kaming devastated nun. That was way back high school days, parehas pa naming first love yun kaya mahirap maka get over sa kanya but ate managed to fall in love to someone else pero ako hindi" dagdag niya pa bago lumingon sa akin "until-" magsasalita pa sana siya ng tumunog ang phone niya.

Kumunot ang nuo niya nang makita ang caller id at tumingin siya sakin, I just nod at her bago siya naglakad palayo at sinagot ang tawag.

Mabilis naman siyang bumalik na may pag-aalala sa mga mata.

"Its my sister, something came up" malungkot niyang pag i-inform sakin

"why? What happened?" nag-aalalang tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot at niyakap lang ako ng mahigpit.

"I'm sorry, Zef" saad niya bago ako hinalikan sa noo. Naguguluhan man pinili ko paring yakapin siya pabalik dahil mukhang mas kailangan niya yun.

"Its okay, Athena. You don't have to" pag aalo ko sa kanya, mukhang sobrang disappointed talaga kasi siya.

"Let's go" pag-aanyaya ko sa kanya bago siya iginaya papuntang sasakyan niya at bumyahe na pauwi.

Buong byahe tahimik lang kami ni Athena pero di naman awkward, pagod na rin ako kaya mas gusto ko na ang ganito. Nararamdamn ko namang bumibigat na ang talukap ng mata ko kaya I let it be.

Athena's Pov

I got irritated nang tumawag ang ex ko sa kalagitnaan ng date namin ni Zef informing nauuwi na siya ng Pilipinas in a few days. Fck her! Hanggang kelan niya ba ko guguluhin? Nakakainis pa dahil di ko masabi pa kay Zef ang totoo.

I'll be honest, I have feelings for this woman beside me na masarap na ang tulog but then when Jeane called I still feel the same way towards her. Naguguluhan na ako.

Pagpatak ng red light nilingon ko si Zef na mahimbing na ang tulog, hinawi ko ang straight at itim niyang buhok dahil natatakpan nito ang maganda niyang mukha bago tinitigan ang kabuohan nito.

She's more beautiful than a goddess that's all I can say. Mahahaba ang pilik mata niya that emphasizes the beauty of her dark brown eyes, katamtaman naman ang tangos ng ilong niya that gives her the real Filipina beauty, she also have this lustful lips that drives me crazy everytime I see it, ang sarap lang angkinin anytime.

I'm still not sure kung ano ba talaga ang real deal ng nararamdaman ko for Zef dahil nang tumawag si Jeane kanina hindi man lang nagbago ang nararamdaman ko towards her. I'm trying to avoid her but I can't, bukod sa ex ko siya kaibigan ko rin siya.

Is this what they call undying love?

Napasabunot na lang ako sa buhok sa sobrang inis sa sarili ko. Jeane helped me moved on from my first love, pinaramdam niya sakin lahat-lahat from being loved to being unwanted in the end ganun ka real quick that's why I hate her.

Gustong-gusto ko nang maka move on from her, I hope Zeffiniah is the key to that.

Naputol ang pag-iisip ko nang may bumusina ng napakalakas, green light na pala kaya agad kong pinaharurot ang sasakyan patungong bahay nila Zef, alam ko narin naman dito since nakita ko na ang address niya sa personal information niya galing school.

Nang marating namin ang bahay nila, nakita kong may matipunong lalaki ang nakaupo malapit sa gate nila, may edaran na rin ito at may hawig sa kasama ko. I guess that's her father.

Itinuon ko naman ang pansin sa kasama ko, I leaned a bit bago ko hinaplos ang mukha niya, not just to wake her up but also to feel her warmth between my hands. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mata at binigyan ako ng napakagandang ngiti that made my heart race, sa sobrang bilis nun parang tumakbo ko ng marathon.

Umatras ako ng bahagya dahil sa pagpula ng mukha ko at sa kaba na ibinibigay niya sakin saka tumungo sa manubela.

Pinagmamasdan ko siyang nagkukusot ng kanyang mga mata na parang bata pagkatapos nun ay humikab siya bago lumingon sa akin, sinalubong ko ng tingin ang mapupungay niyang mga mata at nakangusong labi.

Her cute actions makes me want to kiss her lips so bad but I need to suppress it for now baka mabigla siya.

Pinitik ko na lang ang ilong niya that made her brows frown. I laughed at her reaction dahil mukhang na aasar na siya sakin.

"Athena!" suway niya

"Yes?" natatawang sagot ko sa kanya

Kaya lalo pa siyang nairita. Akmang bubuksan niya na ang pinto nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya, sabay kaming napalingon sa isa't-isa at hindi ko na pansin na sobrang lapit na pala ng mukha namin.

I looked in her brown eyes that hypnotizes me to do such things na hindi pa ko handa, I just divert my gaze down to her lips but its a wrong move for me.

I feel heat rushes all over my body as my heart beats fast even more. I gulped so hard dahil sa temptation na meron ang labi niya.

I feel like I am Ava right now and Zef is the forbidden fruit that I wanted to taste since the first day I saw her.

As always, tempation wins..

Zef's Pov

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil sa mainit na titig ni Athena sakin. She's staring at my lips right now at hindi ko alam ang gagawin.

She started to close her eyes and gently getting closer kaya ipinikit ko na rin ang mga mata ko.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito, piste naman kasi bakit di pa ko nagsalita!? Bahala na si batman, sorry bebe Vaine, sorry Aerin patawarin mo si tita!

Naramdaman ko na ang tip ng labi ni Athena sa labi ko nang biglang may kumatok sa bintana na malapit sakin. Mabilis kaming naghiwalay at di malaman kung anong gagawin.

Shit muntikan na! Ano yon? Bakit may pa kiss???

Mag te-tenkyu talaga ako kay papa dahil sa ginawa niya, Jusmiyo! Mayayare ako nito kay ma'am at Aerin.

Binuksan ko naman ang bintana at sinalubong ako ng ngiti ni papa. Buti na lang talaga kumatok siya, baka mapatay ako ni Mrs. Rossi ng wala sa oras nito.

"Pa!" bati ko sa kanya sabay pilit na ngumiti

"Ikaw pala yan nak, akala ko kasi kung sino na kanina pa kasi nakaparada dito sa harap" paliwanag ni papa "Sino pala yang kasama mo?" tanong niya pa

"Ah! Si Athena po pala, pa. Kaibigan ko po at propesor ko rin po sa RMC" ngumiti naman si papa sa kanya at bumati

"G-Good evening, Sir." Nauutal na bati ni Athena gusto kong matawa sa reaksyon niya na sobrang kabado

"Nako, Ihja kumain na ba kayo? Zeffiniah, papasukin mo muna si Athena para makapag dinner kayo" utos sa akin ni papa

"Hindi na ho, Mr. Cohansen may emergency din po kasi ako hinatid ko lang talaga tong si Zef pagkatapos namin mag dinner kanina" tumango na lang si papa sa paliwanag ni Athena at di na pinilit pa.

"Sige, mauna na ko sa loob." Paalam ni papa bago kumaway paalis

Itinuon ko namn ang atensyon ko kay Athena na mukhang kabado parin at di maka tingin sa akin.

"Athena" tawag ko sa kanya

"hm?" sagot niya pero di ako nililingon

"look at me" utos ko rito pero di man lang gumalaw ang ulo niya

"isa, Athena ha? Marami ka nang utang sakin. Subukan mo lang wag lumingon at di na tayo mag-uusap pa" inis na wika ko na sa kanya kaya dali-dali siyang lumingon sa gawi ko at mukhang bata na naka busangot

"sorry"

"I won't accept your apology unless you explain everything"  kalmado kong wika rito

"Can you give me more time to figure this out?" malungkot niyang tanong, I just sigh in defeat dahil mukhang wala akong makukuhang sagot ngayon

I just nod at her bago siya niyakap ng napaka higpit at nagpaalam. She kissed my head first before humiwalay sa yakap pagkatapos nun bumaba na ako ng sasakyan and waved my hand for the last time.

I went inside the house nang di ko na matanaw ang sasakyan niya.

Pagpasok ko sinalubong ako ng nanay ko at inaya mag dinner pero tumanggi na ko dahil busog na rin naman ako at gusto ko na lang talagang matulog ngayon.

Nagshower lang ako saglit bago humiga at deretsong nakatulog na.













***

"Let us go, you retards!" Sigaw ng isang batang babae na may sun clip sa buhok at mukhang galit na galit.

"Shhh!" Pagpapatahimik ng isa ring batang babae sa katabi nito

"We're going to die" saad rin ng isang batang babae habang umiiyak at yakap ang tablet niya

"No, dad is going to save us" wika ng isang batang babae at mukhang kalmado lang ito, may clip rin ito sa ulo pero moon ang design

Biglang nagbago ang paligid ngayon naman ay may isang lalaki na nakatutok ang baril sa batang babaeng may sun clip sa buhok pero mukhang di man lang natinag ang batang babae at galit rin na naka tingin sa lalaking may hawak ng baril.

"Damn you, Atonio! Kung di dahil sayo di babagsak ang kompanya ko!" saad ng lalaking may hawak na baril habang nakatutok sa batang may sun clip

"Hindi ko kasalanan kung tanga ka Rodrigo, wag mo idamay ang mga bata kung may galit ka sakin! Ako ang harapin mo!" tumawa lang ang lalaking may hawak ng baril na parang nasisiraan ng bait

"Ikaw rin ang dahilan kung bakit di ako ang pinili ni Margarette. Lahat inagaw mo sakin, lahat-lahat. Gusto kong magdusa ka katulad ko KAYA PAPATAYIN KO ANG ANAK MO!" galit na wika ng lalaki bago itinutok sa ulo ng batang babae ang baril at walang awang kinalabit ang gatilyo.

*BANG!!

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa malaks na pagbukas ng pinto ko, agad akong gumulong pababa ng kama at kinuha dun ang 356 TSW na nakaipit sa baba ng nightstand ko at mabilis na tinutukan ang taong ngayon ay nakangiting tumakbo papunta sakin.

"Rain!" masayang bati nito

"Sa susunod mapapatay na talaga kita Lykxel!" naiinis ko itong niyakap kahit na gusto ko sanang magalit dahil sa ginawa niya.

"Nice gun!" bigyang pansin niya sa hawak kong baril.

This gun is my graduation gift galing kay papa nang matapos ang training ko sa kanya kasama ang favorite karambit knife ko.

"Please stop doing that, ayokong mapatay ni Lyxine" speaking of the devil. Lyxine Dark is already standing at my doorway habang nakasandal rito at naka cross-arms.

"Zeus, stop scaring Ares. I won't blame her pag nabaril ka niyan."

"Group hug!" sigaw ni Lykxel nang sumulpot si Aliyah sa likod ni Lyxine at di pinansin ang sinabi ng kapatid nito.

Hinila ako nito papunta sa dalawa naming kaibigan at nag group hug. Para naman akong batang naiiyak sa biglaang reunion namin.


***

After kong mag-ayos, sabay-sabay kaming nag breakfast sa kusina. Tuwang-tuwa si mama kasi finally daw kompleto na mga anak niya. Itinuturing niya kasing mga anak tong tatlo dahil kasabay ko na rin silang lumaki.

Pagkatapos naming kumain, umakyat na ulit ako para gawin ang morning routine ko bago pumasok.

Paglabas ko nasa iisang sasakyan si Aliyah at Lykxel at sa kabilang sasakyan namn si Lyxine.

"Bakit hiwalay si Lyxine?" tanong ko sa dalawa

"Home schooled yan si Lyxine dahil busy siya sa company at y'know. Siya na kasi namamahala, nag retire na si dad last month lang." Sagot ni Lykxel

"Lyx!" tawag ko rito atsaka tinungo ang sasakyan nito

"Hm?"

"uuwi ka na ba?" malungkot kong tanong

"no, I have to go to my office to fill up some papers."

"Umuwi ka nga busy ka naman" naka nguso kong saad rito. Tipid na ngumiti lang ito at ginulo ang buhok ko

"You can go to our house anytime you want" wika nito bago ako hinalikan sa noo at nagpaalam na umalis, sumakay na rin ako sa sasakyan ni Aliyah para maka alis na kami.

Pagdating namin sa parking lot agad kong pinuntahan yung baby ko, naiwan kasi to dito kahapon dahil hinatid nga ako pauwi ni Athena, dito niya kasi pinaiwan para daw safe.

"Nice bike" compliment ni Aliyah sa baby ko

"Woah! Rider pala tong si Rain, angas ah!" compliment rin ni Lykxel saka ako inakbayan at pinagmamasdan ang baby ko

"Regalo sakin ni Jane"

"Babae mo?" tanong ng mokong

"Gago, pinsan ko yun"

"Akala ko naman may sugar mommy ka na" nanghihinayang nitong wika. Kala mo talaga disappointed siya sa reaksyon niya

"Baka soon meron na." Wala sa sarili kong wika

"Oy! Narinig mo yun Ali? Soon daw hahahahaha"

"Ingay mo Lykxel, tara na." Saway ni Aliyah sa isa pero nakangiti parin ito na parang tanga.

Habang naglalakad kami patungo sa kanya-kanya naming klase ay kinukulit parin ako nito ni Lykxel tinatanong niya kung sino daw yung soon ko na sugar mommy, naiinis na ko sa kanya kasi di ko rin alam kung sino yung tinutukoy ko na soon. Out of nowhere ko lang naman nasabi yun.

Out of nowhere nga lang ba talaga? May naiisip ako kung sino pero di pwede, gagawin ko yung asawa di sugar mommy.

Napansin ko naman na pinagtitinginan kaming tatlo, nothing new masyadong maganda ang mga kasama ko kaya di na ko magtataka. Naririnig ko rin na nagbubulungan yung iba akala mo naman mga bingi kami sa sobrang lakas ng mga bulungan nila.

Maya-maya pa ay humiwalay na samin si Ali para pumunta sa building nila. Bachelor of Architecture kasi ang course niya samantalang kaming dalawa ni Lykxel ay parehas na med ang kinukuha. Mag s-surgeon kasi ang isang to di lang halata.

We are both the same, kinukuha ang course na kabaliktaran sa hobby namin at pag-uugali. Parang tanga lang tiba?

Nag take muna siya ng nursing ngayon kasi gusto niya daw ako kasama sa klase. Siraulo talaga, well align rin naman yun sa gusto niyang course soon.

"Tara na! Magugustuhan mo prof natin sa biochem"

"Pasok ba sa taste ko?"

"Aba, Syempre. Di ako napili ng babaeng di mo gusto noh" Nagmamadali naman ito nang marinig niya ang sagot ko at hinila ako papasok ng room.

Pagpasok namin di parin kami tinitiglan ng mga tingin ng classmate namin ganun din si Vanessa na parang gulat na gulat pa na makita ako

Dumeretso kami ni Lykxel sa upuan ko. Agad akong niyakap ni Vanessa at pina kilala ko si Lykxel sa kanya at vice versa. Ang bilis nilang nagkasundo dahil madaldal sila pareho.

Napagitnaan ako ngayon ng dalawa kaya sa harap ko sila nagchichikahan. Sarap lagyan ng busal mga bibig ang ingay buti na lang dumating na si Ms. Tuazon kaya natahimik sila.

Nang lingonin ko si Lykxel parang kulang na lang pasukan ng langaw bibig niya. Nakanganga ba naman na parang nakakita ng Anghel na dumaan, sabagay same reaction lang naman kami ng makita ko yan si Ms. Tuazon. Little did she know na may pagkahalimaw din yan si ma'am. Goodluck sa kanya.

Hindi ko alam kung anong irereact ko sa nangyare samin last night pero mas bet ko si ma'am for Lykxel. Hindi naman sa ayaw ko kay ma'am pero meron na kong ibang gusto na may gusto ring iba, ouch.

Nakinig na lang ako sa klase at itinuon ang tingin sa harapan, to be exact kay Ms. Tuazon na busy sa pag d-draw ng Plasma membrane sa board.

Iba rin trip nito ni ma'am may powerpoint naman nag drawing pa talaga siya. Di ko tuloy malaman yung itsura, pero sabi nila tiba walang panget sa art?

Tao parin talaga si ma'am, meron parin siyang hindi kayang gawin, which is mag drawing.

"Lykxel, mag offer ka ng art class kay ma'am"

"Baliw ka ba? mas malala pa nga yung akin diyan, tsaka naiintindihan ko naman." di makapaniwalang tinignan ko siya bago binaling kay Vanessa

"Bane, naiintindihan mo ba yung drawing ni ma'am?

"Oo" sinusubukan niya rin kasing i-draw yung nasa board sa notes niya pero mas malala pa yung pagmumukhang art nung kanya kesa kay ma'am.

"Yung totoo Alien ba kayo?" Napangiwi na lang ako sa mga katabi ko na walang silbi.

Kamot ulo na lang akong nagtake down notes, para naman may knowledge kahit papaano. Sakit lang sa mata nung drawing

Vaine's Pov

After the incident that happened in the cafeteria with Ms. Cohansen, lalong uminit ang dugo ko towards her. She's so careless from the first time we met ganun na siya, ang lakas pa ng loob niyang ngitian si Mr. Salazar at pagkatapos nun landiin ako. She's a big dumb and flirt.

Kinabukasan nun was another bullshit encounter with her, she even called me kabute with a twist! She's so impossible talaga pero di yun ang inaalala ko. I didn't let her in my class because I'm so mad to her classmates for making out inside the room, worst sa desk ko pa talaga! How disgusting.

I did not let her in kasi ayokong marinig niya pa ang galit ko, nakita ko rin na she's not okay dahil namumutla ito at putok ang right brow. I don't know what the hell did she do.

I was worried pero I think ang di siya pakelaman would be great, I don't want to make ties with her.

Pushing her a bit and not letting her in is the best thing that I can offer that time. Ayokong magalit sa kanya for no reason. I don't care if she misunderstood my actions, that would help not to further our relationship. Relationship? Business? I don't know

Also last Saturday was another encounter with her, at first I was bit annoyed kasi mukha pa siyang kabute kesa sakin, siya yung na sulpot kung saan-saan but that changed when she made my daughter happy on her birthday, malaki ang utang na loob ko sa kanya.

I won't lie nag-enjoy rin ako that night but her flirty attitude makes me feel annoyed then Sunday morning came, yung pagbato ko ng unan sa kanya ay di rin sadya. Nilipat ko kasi yung unan kagabi para makahiga siya ng ayos at ibabalik na sana yun sa kabilang sofa but suddenly the pillow at the top fell down, I was about to catch it but it bounced to my hands at tumama sakto sa mukha ni Zeffiniah.

Like I said I don't explain things to her baka isipin niya I care for her.

Back to reality, I decided to check her profile and I find out that she's a scholar of Mr. Jaime Reynold Rossi, my husband's father. I never knew that Mr. Jaime offers a scholarship, ang alam ko lang ay he's offering loans as his side business.

What's so special about this woman? Getting a scholarship from the owner of the school is a different level.

Does Zeffiniah knew Mr. Jaime that well? How? Hinihilot ko ang sintido ko, my migraine is starting again. I need to take meds.

"Should I ask her?"

"Ask who?" my husband Jacob asked. Nakalimutan kong narito pala siya ngayon sa office ko. Masyadong na o-occupied ng babaeng iyon ang utak ko kaya di ko na pansin na nandito pala ang asawa ko.

"Jacob, did tito Jaime offered a scholarship before?" kinagat namn nito ang ballpen niya na tila nag-iisip. His mannerism is so cute.

"I don't think so.. but one time I was having my breakfast in the kitchen when I heard him talking to a couple about the scholarship. Papalabasin daw nila na scholarship so no one would suspect." Seryosong saad nito na parang wala lang.

"What do you mean?"

"That's all I heard" kibit balikat nitong sagot

Isang malalim na buntong hininga na lang ang pinakawalan ko. Due to this sudden information mas lalo lang akong na curious sa babaeng iyon. I don't know what's wrong with me. Why would I stick my nose to her business anyway?

Zeffiniah Rain Cohansen, sino ka ba talaga?


***

Second period will start in a minute so I decided to go to my class.

I was about to leave my office nang pigilan ako ng asawa ko and he starts being flirty and touchy, and I'm not liking it.

"Jacob stop. I need to go to my class." I'm trying to push his face away from me pero hindi nagpapapigil.

"How about no?"

"I'm not gonna repeat myself, Jacob" pagbabanta ko rito.

"Why? Isa lang naman eh" pagpupumilit nito. Kaya tinignan ko ito ng masama "Fine! Basta makikisit in na lang ako para makita ko naman kung pano magturo ang sexy kong asawa." Dagdag pa nito that made me feel disgusted.

Since when did I feel disgusted to his words? I let go my thought baka wala lang talaga ako sa mood.

I started to walk towards my class and pumasok rito sakto namang nagtama ang mata namin ni Zeffiniah pero agad din niyang binawi nang makita nito ang kasama ko.

Jacob went to the back seat near Zeffiniah. Tinignan kong muli si Zeffiniah pero nakayuko na ito. Is she avoiding me? I just shrugged the thought and started my class.

Zef's Pov

Mrs. Rossi is with her husband and I don't like it.

Lakas pa maki sit in ng mokong na to sa klase namin kala mo naman may gagawin yan dito, he's just eye-fucking his wife. Batuhin ko kaya ng dagger mata nito. Ako lang pwedeng mag eye-fuck kay Ma'am!

"Lykxel can I kill someone, right now?" tanong ko rito ng hindi nililingon

"Sure babe, Ako na bahalang magligpit ng kalat."

"No, not this one. I want it to be clean kill."

"hmm.. sige just call me if something happened"

Hindi makapaniwalang tinignan kami ni Vanessa, I just smiled at her na parang wala lang.

"Are you guys serious!?" nagpapanic nitong sigaw kaya lahat ng atensyon ay nasa amin ngayon, nakita ko rin ang pagkunot ng mukha ni Mrs. Rossi.

Seriously? di ba mabiro tong si Vanessa? Gosh!

"The three of you at the back, what's the commotion all about? Share it to the class now." Seryosong wika ni Mrs. Rossi saka kami nilapitan.

Damn! May pagka chismosa rin pala to si ma'am? Share to the class daw eh.

Marites ka beh?

"Walang magsasalita? or the three of you will drop this subject." Hoy! Foul play yun ah.

We remain silent, pinapakiramdaman ko ang mga kasama ko, Lykxel looks relax beside me na parang wala man lang pake sa mundo, while me and Vanessa are suffering.

"Wala parin?" tanong nito habang nakataas pa ang kanang kilay niya at naka cross arms.

"I was talking about killing someone, Mrs Rossi." Nagulat naman ito sa biglang pag-amin ko while giving her my stern look.

Kung alam mo lang kung gano ko kagustong burahin ang existence ng asawa mo po.

Tahimik ang lahat gayundin si Mrs. Rossi na ngayo'y pinag-aaralan ang reaksyon ko.

"I was planning to kill someone with Ms. Lykxel Light Waltson, ma'am." Ngiting saad ko rito sabay lingon kay Lykxel na ngayo'y naka ngiti na rin.

We looked like psychos dahil sa mga ngiti na pinapakita namin sa kanila.

"Nice show Zeffiniah!" biglang sabat ni Mr. Rossi. Kilala pala ako ng legal husband, samantalang ako illegal sa buhay ni ma'am, ouch.

Tinapunan ko ito ng tingin ngunit blangko ang ekspresyon.

"I'm not a Cohansen for nothing, Sir." Tumango-tango naman ito at pumalakpak.

"You're really unbelievable, Ms. Cohansen" Wika ni Mrs. Rossi habang hinihilot ang sentido niya at marahang umiiling.

"Calm down, baby. Alam mo naman masama sayo ngayon ang mastress, nagbibiro lang yan si Zeffiniah" sabat nanaman ng unggoy niyang asawa. Bawal mastress? Is she?

"Come to my office after THIS" she's only pointing at me

"Ma'am ang unfai-"

"Save your complaints for later!" Putol at deretsong saad ni Mrs. Rossi sa mukha ko.

Di makapaniwalang na upo ako sa upuan ko nang tuluyang makatalikod siya samin at bumalik na sa kanyang lamesa bago kami binigyan ng gagawin.

Ano to favouritism!? pero in a negative way

Nagpaka busy na lang ako sa activity ko nang makita kong naglalakad si Mr. Rossi patungo sa asawa nito na busy sa pagtitipa ng laptop niya.

Nag-usap ang dalawa bago hinalikan ni Mr. Rossi si ma'am sa labi, sinubukan nitong umiwas pero huli na.

Sakit sa eyes ha? Di pa nga ako nakaka move on sa pagbubuntis niya meron nanaman.

Agad na nilibot ni ma'am ang mata niya checking kung may naka kita sa kaharutan na ginawa ng asawa niya, sadly meron at ako yun.

Nagkasalubong ang mga mata namin pero mabilis ko ring iniwas.

Nakaka bwesit! Sarap tapyasin ng itak bibig ng asawa niya

"Bakit ganyan mukha mo?" bulong ng katabi ko

"Sa harap ko ba naman naghalikan. Di naman to proper place para magkaharutan sila, may pa saway-saway pa siya sakin last time pero kahit siya mismo rule breaker ng school." Agaran kong reklamo sa katabi ko

"So what mag asawa naman sila" pero tama ba naman na dito sila maghalikan? Respeto naman sa nararamdaman ko tiba? Or kahit sa mga single na lang.

"Tss."

"Wait-You're jealous!?" pabulong nitong tili

"No way, lykxel" deny ko sa kanya

"Well di halata kung pano mo tignan si ma'am kanina" napataas ako ng kilay sa sinabi niya

"May asawa na yun lykxel, tigilan mo ko"

pero pinapantasya mo? Lah! Minsan talaga ang panget kapag may isip ka, parang gusto ko na lang mawalan ng isip

"That's why divorce exist tanga" pagpupumilit niya.

"Bakit divorce na naman topic niyo? Di ko talaga magets kayong dalawa" sabat pa ng isa kong katabi

"manahimik na nga kayong dalawa" bwesit na saway ko sa dalawa kong kaibigan

What are you doing to me, Mrs. Rossi?

Continue Reading

You'll Also Like

265K 15.6K 17
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...
744K 39.3K 21
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐€๐ง๐ข๐ค๐š ๐‘๐š๐ข ๐ฑ ๐Š๐š๐›๐ข๐ซ ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ...
1.3M 66.7K 59
๐’๐œ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐žใ€ข๐๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ใ€ˆ๐›๐จ๐จ๐ค 1ใ€‰ ๐‘ถ๐’‘๐’‘๐’๐’”๐’Š๐’•๐’†๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’‡๐’‚๐’•๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐’‚๐’•๐’•๐’“๐’‚๐’„๐’• โœฐ|| ๐‘บ๐’•๐’†๐’๐’๐’‚ ๐‘ด๏ฟฝ...
3M 95.6K 28
"Stop trying to act like my fiancรฉe because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...