Prologue

186 5 7
                                    

Zef's Pov

"Nakakainis! Ayoko talaga dito" inis kong singhal sa hangin. Nandito kasi ako ngayon sa province ng nanay ko. 

Life here is not easy, kahit simpleng pagsakay mahirap na. They don't have a lot of public vehicles like cities does. 

Nasa tabing daan ako ngayon, nag-aabang ng masasakyang bus patungong eskwelahan.I've been waiting here since 3am and its already 4:30 pero wala pa ring dumarating na bus.  

"Parang uulan pa ata." Bagsak balikat kong saad nang bigla na lang kumulog at nagsimulang umambon. Ang aga mangbwesit ng panahon buti sana kung di ako naka all white na uniform.

Kinuha ko kaagad yung plastics sa bag ko para balutin ang sapatos ko atsaka isinuot ang kapote na kasama nito. Sakto namang dumating ang bus ko nang matapos ako sa pag-aayos.

Habang nasa byahe, bigla na lamang tumunog yung phone ko that echoed inside the bus.

I gain a lot if attention because of that and some of them pinagtatawanan pa ko.

 Sanay na rin naman ako, kahit mga kaibigan ko humahagalpak sa tawa pag naririnig ringtone ko.

Pinaikutan ko na lamang ng mata yung mga tumitingin sakin at saka sinagot ang tawag.

"oh?" bati ko sa kabilang linya.

"Di man lang ako miss?"

"hindi, so ano nga?" kala mo naman, natawag lang to pag may kailangan.

"Alam mo yang ugali mo minsan nakaka bwesit na, di ko nga alam kung bakit naging kaibigan kita, gosh!" Daldal pa niya

"Di ko rin alam kung bakit nang gugulo ka ngayon ng sobrang aga"

"Bahala ka talaga sa buhay mo te! Nakakainis ka na. Buti nga tinawagan pa kita"

"Just spill the tea, Mariela" naiinip kong singhal rito

"Nakalimutan mo atang birthday ngayon ni Moline, pinapaalala ko lang." medyo pabalang nitong sagot.

Moline is Mariela's older sister and my-well-nevermind.

"Thanks for reminding me tatawag na lang ako later." I heard her grunt before ending the call.

Maya-maya pa ay natanaw ko na yung street papasok sa school namin, kaya't pumara na ako. saktong 7:00 am nakapasok na ko sa loob and my class starts at 7:30.

Takbo lakad na ang ginagawa ko habang nililibot ang buong eskwelahan mahanap lang ang klase ko kanina ko pa kasi to hinahanap kaso di ko naman inexpect na matatagalan ako sa sobrang laki ng RMC

Busy ako sa pagtingin sa phone ko nang may biglang bumangga sa akin.

"Fuck!" 

Everything went so slow like I'm in a movie or something waiting for my ass to hit the floor but instead a strong grasp of arm held my waist and supported my weight. 

Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nag angat ng tingin sa kanya at-Hallelujah! Luluhod na po!

Everything about this woman screams power, money, elegance-lahat na ata. Mula sa on flick nitong mga kilay that gives you the vibes na 'don't. fck.with.me', mahahabang pilik at kulay berdeng mga mata, matangos na ilong, and deadly lips na baka paghinalikan ka ikamatay mo sa sobrang saya. Megan Fox ang datingan nito ni Miss pero cold version.

She smells like Versace Bright light-really expensive. I know this scent because my cousin has tons of collections ng perfumes, I have one at home pero di ko ginagamit dahil masyadong pang babae ang amoy but it suits her. 

Agape LoveWhere stories live. Discover now