Never to Fall In love with a...

By suri14808

41.4K 1.4K 109

(formely MY PRINCE CHARMING IS A GANGSTER?!) She is Marié Shanelle Fortalejo. She is a perfect example of bra... More

Prologue
CHAPTER 1 - THE CLICHé LATE COMER
CHAPTER 2 - THE RIVALRY
CHAPTER 3 - EAST KNIGHTS
CHAPTER 4 - SHE'S NOT AFRAID, OKAY!!!
CHAPTER 5 - START OF INTRAMS
CHAPTER 6 - BOOOOGSH!
CHAPTER 7 - AT THE CLINIC
CHAPTER 8 - COMFORTER
CHAPTER 9 - HIS IDOL
CHAPTER 10 - MAIN BLDG.
CHAPTER 11 - XANDDIE
Chapter 12 - DO I STILL HAVE A CHOICE?
CHAPTER 13 - THEY'RE WHAT?!!
CHAPTER 14 - THE BITCHY MUSE
CHAPTER 15 - THE PAGEANT (Part I)
CHAPTER 16 - THE PAGEANT (Part II)
CHAPTER 17 - THE PAGEANT (Part III)
CHAPTER 18 - NOT SO SCARY GANGSTERS
CHAPTER 20 - GINGERBREAD HOUSE
CHAPTER 21 - Group Date
CHAPTER 22 - SHE'S KIND OF DISAPPOINTED OR HURT?
CHAPTER 23 - THE PAST
CHAPTER 24 - Dé javu?
Chapter 25 - YOU STILL HAVE....
CHAPTER 26 - HIS SIDE
CHAPTER 27 - KNOWING THE WHOLE GANG (PART I)

CHAPTER 19 - THE GAME

1K 36 1
By suri14808


CHAPTER 19


SHANELLE FORTALEJO


AT THE GYM...


PRRRRRRRRRT!!!!!


Lahat ng banners ay naka-ready na. Go signal na lang din ang hinihintay ng mga cheering squad. Puno na ng tao ang gym. Sa right side ang East Knight's supporters sa kabila naman ay ang West Wolves' fans. Nandito kame sa pinaka-unahan katabi ko si Cheska at...si Xanddie. Yeah, tumabi siya samen nung nakita niya kame. Nahihiya ako dahil sa isip-isip ko kanina ay naiinis din ako sa kanya. Nagi-guilty ako!


"They're here. And they will do whatever it takes to be called, 'The Champions.' Let us welcome, WEST WOLVES!!!!" came the voice of the commentator.


A minute or so, performance mula sa Wellington Academy Cheering Squad bago lumabas isa-isa ang players nila. Nag-form sila ng circle, yumuko, at nagdasal.


"Roaring for champion..."


"WEST WOLVES!!"


Pumunta sila sa left side court ring at nag-shooting.


"And now, for the reigning king. The defending team, EAST KNIGHT!!!"


Drum roll......


"What team?!"


"EAST KNIGHT!!"


"Who's king?!"


"EAST KNIGHTS!!


Then, konting sigaw pa at hagis ng cheerleader sa ere bago lumabas ang unang player mula sa Bradfort. Actually, ito ang unang beses na mapapanood kong maglaro ang bagong basketball team namen. Psh! Wala akong pakielam sa mga bago. Si Dylan lang ang pakay ko.


Anino pa lang ang nakita nila sa unang player grabe na agad ang sigawan. Ito ba ang tinatawag nila na school spirit? Hindi kaya OA na sila?


Naunang lumabas ang tatlong Seniors. Gier in jersey #47, Lacamasa wearing jersey #43 and, Park wearing jersey #21. Sila na lang ang natitirang original members ng East Knight bukod kay Dylan. Nakipag-apir sila sa mga coaching staffs na nakapila bago dumiretso sa ring para mag-shooting.


Hanggang sa maaninagan uli nila ang anino ng ika-apat na player. And...can I just answer my own question just a while ago? School spirit nga ang tawag sa sigawan kanina para sa tatlong players na nauna sa court dahil ngayon ko pa lang masasabi ang OVER na REACTION ng crowd. Mabuti at matibay ang pagkakagawa dito sa gym dahil feeling ko mayayanig ito anytime dahil sa sigawan. Nagulat ako sa napaka-laking banner na biglang nag-roll down mula sa upper box section ng gym. Nakalagay dun ang 'GO EAST KNIGHTS!' at...(for real?!) ang picture ng walong transferees na nasa loob ng mga heart na borders. Malala na sila.


"Omigosh!" isama na nila si Cheska. Napa-iling na lang ako.


The fourth player is wearing jersey #07. A sweet smile was plastered on his face nang lumabas siya. Kumaway siya sa mga audience na sumisigaw ng "Zach!", must be his real name. Nang maglakad siya papunta sa mga Seniors, nabasa ko ang nasa likod ng uniform niya. HOURLEY.


"RAAAYNER BABE!!!!" sigaw ng isang babaeng hindi kalayuan sa pwesto namen. Winagayway niya ang kamay niya, baka mapansin ka, ateng? Ang dami niyo kayang sumusigaw. Number one fan siguro siya ni....SMITH?!!


Pinikit ko ng mariin ang mata ko bago ko muling tignan yung kalalabas pa lang na player. Siya nga!! Si Rayner Smith, ang number one rule breaker sa school. Paanong nasali siya sa basketball team? Dapat, maintain ang grades ng mga sumasali sa ganun. Madaya!! Sikat siya sa school dahil suki siya ng Guidance Room pero mas lalo siyang sumikat (lalo na sa mga girls) dahil cool daw siya at gwapo. (-_-)


Bago siya mag-shooting may sinaluduhan muna siyang babae at kumindat pa. Para saken hindi siya cool kundi pa-cool. Pati number niya pa-cool din, #00. Ano ba yun? Psh!


Kilala ko rin ang player na sumunod kay Smith dahil part siya ng Student Commitee. Si Allen Martinez o mas kilala sa accolade na Vice PRINCE-sident. Hindi ko pa talaga siya nami-meet at wala akong balak. Hanggang dun lang ang alam ko tungkol sa kanya. Hindi ko nga alam na member pala siya ng East Knight.


"I'M WEARING HIS SHIRT!!!" papansin naman tong nasa likod ko. Kailangan talaga sumigaw? Naglingunan sa kanya ang mga tao. Nawala ang mayabang na ngiti sa mukha niya nang buksan ng iba ang zipper ng jacket nila. Naka-suot din sila ng t-shirt na may pirma ni Allen, kagaya ng sa kanya. Pahiya onti.


Nagulat naman ang lahat sa pang-pitong player. Patakbo kasi itong lumabas ng court at may hawak-hawak na video cam. Nakasunod sa kanya ang lahat ng tingin at parang papalapit siya dito. Dahil dun ay kinilig yung mga hintad sa pwesto namen.


"Saken ba siya palapit?" naglagay ng ilang strand ng buhok sa kanang tenga si Feelingera #1.


"Hindi girl. Saken papunta si Jace!!" parang may bulate sa pwet kung kiligin si Feelingera #2.


At sabi ko nga, mga feelingera sila dahil hindi naman sila ang nilapitan ni...East Knight #04. Nagtaka na ako nang konti na lang ay nasa harapan na namen siya. Dito talaga siya papunta? Nagkatinginan kame ni Cheska, nagtatanong ang mga mata.


"Xan, favor naman," sapilitan niyang inabot kay Xanddie yung video cam, "video-han mo yung buong game namen. Don't miss any single detail, okay?" hindi na rin nakasagot si Xanddie dahil umalis agad si 'ROLANN', nabasa ko ang last name niya nang tumakbo siya pabalik sa mga ka-grupo niya.


"Makulit talaga si Kuya Jace," sabi ni Xanddie nang mapatingin kame ni Cheska sa kanya. Actually, lahat ay nakatingin sa kanya. May inggit sa mga mata ng karamihan. Nakalimutan ko rin na kasama nga pala namen ang kapatid ng isa sa mga miyembro ng East Knight.


"Ah...Xan, close ka ba sa kanilang lahat?" nagtwi-twinkle ang mga mata ni Cheska.


"Oo, matagal na silang kaibigan ni Kuya."


"Pwede bang ma—ohemge...." nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa may court. Sinundan ko ng tingin yung mata ni Cheska.


"Is he going to play too?" siniko niya si Xanddie.


"Yup, tahimik lang yan pero magaling sa three points si Kuya Itachi." 


Ang pinag-uusapan nilang dalawa ay yung player #08 na napaka-creepy maglakad. Hindi siya nakikipag-apir. Hindi rin siya nag-shooting. Umupo lang siya sa may bench, he spread his arms on the back rest and he stayed still. Parang wala siyang naririnig na nakakabinging mga hiyawan. Emotionless face.


"For real?!" said Cheska in widening eyes, "that explains the crowd. Mas type ng mga gurls ang mysterious kind of guy," sinuyod ko ng tingin ang buong gym, nagtatalunan ang mga babae dahil sa kilig.


"Ganyan lagi ang natatanggap nilang supports mula sa mga fangirls nila. But—," tumingin siya samen ni Cheska. In-on niya ang video cam at tinutok ito sa entrance way ng mga players, "—wait 'til the last three guys come out."


(>.>) (<,<) nagkatinginan kame ni Cheska. May mas lalakas pa ba sa sigawan ng mga tao bukod dito??


"WAAAAAAH!!!! KYLEE!!!!" nagtakip ako ng tenga. I gave this another girl beside me a very sharp stare. Mga walang pakundangan kung tumili! At ayun na nga, nagsimula na silang lahaaaat!!!!


"OUCHY!!" sigaw ni Cheska na nakatakip na rin ang kamay sa tenga. "What's the fuss ba?! I hate that man kaya," hindi ko masyadong naririnig ang mga sinasabi niya pero mukha siyang iritado. Lumabas na si Mr. Walang paki, he's East Knight's #03.


Then, came the campus playboy, wearing jersey number #02, na nagpahulog sa panty ng babaeng binigyan niya ng flying kiss. Siguro yung girl na yun ang latest niya. Pero bukod sa latest girl niya, sinalo din ng iba pang babae ang flying kiss niya. Shunga lang mga te? (-_-)


"KUYA KO YAN!!" may narinig akong sumigaw. I thought it was Xanddie pero busy na siya sa pagvi-video. "GO KUYA!!" came that voice again. Tumayo ako para hanapin kung sino siya, pamilyar kasi saken ang boses. At...si Danika!!


Mabilis kong binalik yung tingin ko sa court. Sakto para makita kong palabas, kasunod ni Lenard, ang Prince charming ko. Si Dylan, wearing the warmest smile of all! Siya lang ang nakakagawa ng ganung ngiti para saken. Sa kanya lang nababagay yun. Sa kanya lang at wala ng iba. Sa kanya lang....dahil sa kanya lang naman ako na-in love ng ganito... (>///<)


I sighed while smiling.


"What's with the sigh?" never mind my best friend, nakatulala lang ako kay Dylan. "Oh, I know na. It's your Dylan," before rolling her eyes.


"O.M.G!!!!! SHANEEEENG!!!," niyugyog niya ang balikat ko at hindi ko na siya ma-deadma this time dahil nahihilo na ako! "SI KAIZEEER!!!!" and so? I don't care. Pero dahil sa ingay ng lahat, napilitan akong tumingin sa entrance way.


Oo nga pala meron pang isang player ang East Knight. (-_-) Akala ko kasi nakulong na siya sa dressing room kanina.


Last but certainly not the least because I think he got the loudest cheers from the crowd, ang arroganteng transferee, ang kinamumuhian kong lalaki, ang taong naglagay saken sa sitwasyon na kinaiinisan ko, ang partner ko at ang...kumuha sa first kiss ko.


Sa lahat ng pumasok, siya ang may pinakamayabang na lakad.


"He's so cool!" comment ng mga babae. (-_-)


Sa kanilang lahat, siya ang may pinaka nakakatakot na expression sa mukha. Masyadong seryoso.


"YOU'RE SO HOOOT!!!" sigaw ng mga babae. (-_-)


At siya ang pinaka-nakakainis sa lahat! No doubt!!!


" I LOOOOOVE YOU, KAIZEER!!!!"


Nagmumukha akong sinungaling. Kabaliktaran ng mga sinasabi ko ang sinisigaw nila. Pero pramis, saken yung totoo!!


Pumwesto si Lenard sa ibaba ng ring, siya ang sumasalo ng bola na shinu-shoot ng mga team mates niya exept kay Itachi na naka-upo lang sa bench. Si Kaizer naman, ewan ko kung bakit ko pa siya napansin, nag-i-stretching sa gilid ng court. Mas lalong namimilog ang mga muscles niya. Ini-stretch niya rin ang mga paa niya, bine-bend niya ito patalikod. Ang hahaba ng legs niya.


"Akala ko si Dylan ang matutunaw, hindi pala," parinig saken ni Cheska.



***



The game was as if unending.


First five sila Kaizer (Psh!), Lenard, Gier, Itachi, at Dylan (my loves). Syempre nag-start ito sa jump ball na nakuha ng East Knight center #47. Pinasa niya agad kay Lenard, at dahil may nag-bantay agad kay Lenard, he threw the ball to #08. Totoo nga ang sinabi ni Xanddie dahil naka-three point shot agad yung Itachi. Hindi naman nagpatalo ang Wellington at naka-shoot din sila ng 2 points.


Salitan ang nagagawang shoot sa magkabilang side ng court. Salitan lang din ang cheer ng mga tao sa gym. Nakaka-excite, parehong magaling ang dalawang school.


Natapos ang first quarter sa score na 14-12. Lamang kame.


Nasa Wellington ang bola para sa pasimula ng 2nd quarter na nagpaulan agad ng three points. Bumawi naman ang Bradfort dahil na-foul counted si Kaizer. Nadagdagan ang puntos namen dahil na-shoot niya ang bola sa free throw line. Pansin ko lang masyado yatang nagkaka-pisikalan ang mga players.


"BRADFORT FADES AWAY!!!" mamaya-maya lang "WELLINGTON GETS FOR 3!!!" na ang sinisigaw ng commentator.


Hindi nagkakalayo ang score, hindi pumapayag ang taga-Wellington na kame lang ang makakapuntos sa isang run. Lagi ring natitigil ang oras dahil sa mga foul.  Sa 2nd quarter, mas lamang sila ng 3 points, 31-34.


Pawisan na silang lahat. Pero mas grabe ang pawis ni Kaizer dahil siya ang player sa loob. Gets niyo ba? Siya kasi yung player na nasa loob ng parang key hole na marking. Hindi naman ganun kapagod yung Itachi dahil nasa labas naman siya para isagawa ang mga 3 point shot niya. But I bet, masakit ang ilang parts ng katawan nila dahil sa mga physical interaction na nangyayari sa game. Masakit kaya ang masiko at matuhod. Tumayo ang coach ng Bradfort at lumabas. Nagsunuran sila papunta sa locker room para sa half-time break.


"Excuse me, girls," tumayo si Xanddie sa upuan niya, "I'll just bring this to Kuya," pinakita niya samen ang isang paperbag. Energy drink for sure ang laman nun. At naalala ko, may dala nga rin pala ako para kay Dylan!!


"Ah Xanddie sasama ako sayo," she nods.


"Sige iwan niyo ako dito," naka-pout na maktol ni Cheska.


"Sumama ka na. I have another energy drink here, ibigay mo sa kahit na sinong gusto mong bigyan," Xanddie said na nagpa-glow sa mukha ni Cheska. 



***



"First time kong dumaan dito," I mentally rolled my eyes to Cheska. First time, of course, ngayon lang naman kame pupunta sa locker room ng East Knights. 


"Are we allowed here?" tanong ko kay Xanddie. Nasa hallway na kame.


"Kung isa ka lang sa mga babaeng nagkakandarapa sa Ace then, you're not. Pero kung isa kang kakilala, you are," paliwanag ni Xanndie. But one word caught my attention.


"What's the Ace?" Xanddie suddenly stopped as though a lightning strucked her. Pati ako napatigil. 


"Ow! What's the matter?" nang mapansin ni Cheska na wala nang sumusunod sa kanya.


"....nothing," Xanddie turned to me and forcefully smiled, "Wala naman akong nabanggit na Ace. Or baka naman ace player ang ibig kong sabihin."


"Yeah baka nga mali lang ako ng rinig," pilit ko sa sarili ko and off we went again.


May lalaking naka-suot na pang-coaching staff ang nasa tapat ng pinto ng locker room. Nakatalikod ito sa direksyon namen at may kausap.


"Ma'am hindi pa po sila pwedeng istorbohin. Mine-meeting pa po sila ni coach," he sound pleadingly.


"Ang kulit mo ha," isang nakakabwisit na boses ang sumagot. "Tell him that Annika is waiting for him dito mismo sa labas," pinanlakihan niya ng mata yung staff.


"Pero hindi nga—"


"Pumasok ka na ulit sa loob, Kuya Rudy," si Xanddie in her full of authority voice. "Sa susunod, Annika, wag mong iistorbohin ang mga coaching staff sa oras ng game. Marami silang importanteng ginagawa and you're distracting them," nang makapasok na yung lalaki sa loob.


"Sabi mo nga, sa oras ng game and break nila ngayon," Annika did this bitch pose of crossing her arms. Gumaya pa ang Chu Twins sa master nila.


"Still, in their game."


"Fine, sabi mo eh. Hindi ko na iistorbohin pa ang mga staff, ako na mismo ang mag-e-excuse sa kanya," she reached for the knob when the door sprung open.


"Oh, nandito ka na naman Annika?" 


"Si Kaizer?"


"Nagpupunas pa siya eh," lumingon siya sa loob at sumigaw, "Kai! May naghahanap!"


"Ako dapat ang gumagawa nun sa kanya," Annika pouted. Yuck, hindi kaya bagay!


"A drink will do for him," then, Lennard turned to his sister. "Kanina pa kita hinihintay," sabay abot niya sa paper bag.


"Kanina pa rin kame nandito sa labas. May kinausap lang akong hindi makaintindi," she is pertaining to Annika.


"Ganun ba. At kayo?" tumingin siya sa hawak kong paper bag at kay Cheska na may hawak ding energy-drink-in-can. "Para saken din ba yan?"


I rolled my eyes on his statement. Conceited jerk! "Rest assured yourself, hindi para sayo to."


"No! This is mine kaya! You talaga so very assuming," tutol din ni Cheska.


"E yang sayo, Shanelle, who's the lucky guy?" 


"It's for..." geez! Ngayon ko lang naisip na nakakahiya pala kung ibibigay ko to kay Dylan. Waaaah!!!! Pero para sa kanya to! Sayang naman. Alam ko na! Tinaas ko ang hawak kong paper bag para iabot kay Lenard. Ipapabigay ko na lang sa kanya.


"Pabigay kay Dylan."


"Sinong naghahanap?"


Nalunod ang boses ko dahil may nakasabay akong magsalita. Isang malamig at iritadong boses mula sa lalaking naka-kunot ang noo. Gasp! Wrong timing talaga to kahit kelan. Grrr!! Napatingin siya saken. Parang nagulat siya kasi naunat yung noo niya. Ano multo lang ako ganun? Nakakagulat ba ang presence ko?


"Siya ba?" rinig kong tanong niya kay Lenard. Hindi na nakasagot pa si Lenard dahil... 


"Kaizer! Kanina pa kita pinapa-excuse dun sa lalaking makulit," nag-pout ito at sa tono ng boses niya para siyang nagsusumbong. (-_-)


"Ikaw?"


"Yes! Ito oh dinalhan pa nga kita," inabot niya kay Kaizer ang dala niyang energy drink at towel. "Bakit ka naman nagpunas agad," kinuha niya ulit yung towel kay Kaizer tsaka pinunasan ang noo nito, "dapat ako ang gagawa nun sayo."


Iniwas niya ang mukha niya kay Annika at mahinang tinabig ang kamay nitong may hawak ng towel. Bumalik na ang gusot sa noo niya. 


"Okay, sige, ikaw na lang ang magpunas sa sarili mo. Masyado na nga naman tayong PDA sa harap nila," naka-ngiti paring sabi ni Annika bago tumingin sameng tatlo nila Xanddie.


Lenard cleared his throat. Napansin ang ginawang pang-iinis samen ni Annika, "Ah, Shanelle, para kanino nga ulit yan?"


"Ah! K-kay Dylan R-ramirez. Do me a favor Lenard, paabot na lang sa kanya," I extend once again my arm to Lenard.


"Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay? Teka, tatawagin ko lang," papasok na siya sa loob ng may pumigil na malakas na pwersa sa braso niya. Nakatingin saken si Kaizer nang magsalita ito, "Si Ramirez ba?" came the coldest voice that I've ever heard.


Hindi ko pinahalata ang panginginig ng katawan ko dahil sa lamig ng boses niya. Para na naman akong sinasaksak ng tingin niya, tumatagos sa pagkatao ko. Wala atang balak na lumabas ng boses ko kaya tumango na lang ako sa tanong niya. Then, I saw his adam's apple moved and his jaw clenched.


"Sige, tawagin mo na si Ramirez," utos niya kay Lenard tapos ay humarap siya kay Annika na naka-kapit na sa braso niya. "Let's meet after the game."


"Oh sure!" mas lalong lumaki ang ngiti ni Annika. Hindi naman siya halatang excited.


Ewan ko pero parang gusto ko ng umalis sa lugar na to, right now. May pakiramdam ako na gustong tumakbo ng mga paa ko palayo dito sa locker room. Binalik niya ang matalim na tingin niya saken. Hindi ko maintindihan bakit parang....parang.....naiinis ako. At bakit parang may nangyayaring kung ano sa dibdib ko? Ang sakit... Ayoko ng pakiramdam na to...Ano ba to? Arrrgh!!! What's happening to me?!! (>.<)



—————

A/n: Let me know what you think about this chappy. 

COMMENT. VOTE. BE A FAN.

Iniisip ko pa kung puro ba ulzzhang boys na lang ang magiging cast ko para sa East Knight. Gwapo naman silang lahat diba? Any suggestions?? comment niyo na lang po saken :)) At ipo-post ko rin ang complete list ng East Knights para hindi kayo malito sa kanilang walo.

Matatagalan ang next ud ko kasi magiging busy po ako. :))

suri14808 x

Continue Reading

You'll Also Like

708K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
86K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
606K 15.4K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
1.1M 84.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...