Hurt Me To Death

Oleh YawningPotato

164K 2.7K 255

Lahat tayo ay may dahilan para mabuhay. Pero pa'no kung ang dahilan mo para mabuhay ay siya ring dahilan para... Lebih Banyak

Hurt Me To Death
1st DROP : THE LIVING HELL
2nd DROP: DEVIL IN THE HELL
3rd DROP: PHOTOGRAPH
5th DROP: IT'S TOO LATE
6th DROP: NO, I'M STILL ALIVE!
7th DROP: MY CHANCE
8th DROP: DREAM?!
9th DROP: WELCOME BACK
10th DROP:PRETEND
11th Drop: DEATH BED
12th Drop: MEMORIES
13th Drop: BEGIN AGAIN
14th Drop: PROMISE BREAKER
15th drop- I Forgot AGAIN
16th Drop: Love you
17th Drop: Unconditional Love
18th Drop: Hugs
19th Drop: The Things I've Done
20th Drop: The Story Behind
21st Drop: Flash Back
22nd Drop: Hesitation
23rd Drop: Storm Within Me
24th Drop: The Day that was Forgotten
25th Drop: The Decision
EPILOGUE + BONUS CHAPTER OF MY NEW STORY

4th DROP: HE FORGOT

6.6K 128 21
Oleh YawningPotato

CHAPTER 4

ALLIANAH

I have died everyday waiting for you
darling don't be afraid I have loved you
for a thousand years, I love you for a thousand more~

11:30 PM

Anong oras na pero 'Di pa rin dumadating si Drake. Nasa'n na kaya 'yun? Nag overtime ba siya ulit?

Kanina pa ko nag hihintay sa kanya. Wala ba syang balak umuwi?

11:32 PM

May 28 Minutes pa naman bago matapos ang araw na 'to.. sana makaabot s'ya.

Sabi ko naman sa kaniya na agahan niya umuwi.

Pero isipin mo nga, hindi nga pala siya nakinig sa'kin kanina. Instead, nagalit pa siya at tinanong kung bakit kailangan niyang umuwi nang maaga.

Anniversary kasi namin ngayon. 3 years na kaming kasal pero mukhang hindi niya naalala 'yon.

At halata namang hindi n'ya naalala.

Pero umaasa ako na kahit hindi n'ya iyon naaalala at least, maka uwi lang s'ya ng maaga.

I'm so dumb for preparing foods for the two of us. Umasa pa 'kong maaalala nya. 'Di ko naisip na hindi nga naman mahalaga ang araw na to sa kanya.

Ito din kasi ang eksaktong araw kung kailan sya natali sakin. Ang araw kung kailan nalayo s'ya sa babaeng mahal n'ya at kinasal sa babaeng hindi n'ya kilala.

The memories last two years are still fresh in my mind. The day of our wedding.. Ramdam ko ang pait sa bawat tingin at sulyap nya sa'kin while I'm walking down the aisle.

Parang sinasabi niya na "huwag kang tumuloy hanggang dito sa dulo, hindi ikaw ang gusto kong mapangasawa."

Yung mga mata na walang ibang ibig iparating kundi ang galit at poot. Hindi sya masaya at alam ko iyon.

Naaawa ako sa kanya, alam naming pareho na hindi namin mahal ang isa't isa but we stuck in this damn situation and there's no way out.

Sa harap ng Pari at sa harap ng maraming tao ay nag sabi kami ng 'I do' sa isa't isa. We made our vows and promises, but those are just lie.

Yes, that day we made people to believe on us.. but not ourselves and of course, God.

Alam namin sa sarili namin ang totoo. Lahat ng iyon ay kasinungalingan lang..

God knows, kung gaano kahirap sa pakiramdam ko ang magpanggap sa harap ng mga tao na masaya ako, na ayos lang ako.

Ito ba ang deserve kong happy ending? Ni hindi manlang nga happy eh.

11:45..

15 minutes nalang.. tapos na ang araw na 'to.

Pero sa loob ng 2 years na pag sasama namin ni Drake, akala ko hindi mag babago ang nararamdaman ko. Akala ko hanggang sa dulo ay mapapanatili ko ang sarili kong 'di s'ya mahalin.

at akala ko lang iyon.. Si Drake.. Hindi n'ya 'ko minahal pero bakit ganun? Nahulog ako sa kan'ya.. Ganoon na ba ako katanga?

Mula ng araw na iyon, ipinangako ko sa sarili kong hindi ko s'ya mamahalin dahil ako lang ang masasaktan sa huli. Pero hindi ko kayang mapasunod ang puso ko at nauna parin ang isip ko.. minahal ko sya, at heto ako ngayon.. ako ang talo, ako ang kawawa.


Lumapit ako sa lamesa. Malamig na ang lahat ng pagkaing niluto ko.

Umupo ako sa dinning table.

"Happy anniversary Drake. I hope that someday you'll love me too.. because, I love you so much Drake." Naluluha kong sabi.

*tok..tok..*

S-si Drake na ba 'yun?

Dali-dali kong binukasan yung pinto. Bumungad sa'kin sa Drake..

He's drunk and completely wasted.

"Drake?!!" Bumagsak siya sa balikat ko.

"H-hoy! Ikaw pala yan, Alliah. *hiks* Mali ata yung bahay na *hiks* pinasukan ko." umayos siya ng tayo at akmang lalakad na palayo nang bigla kong hilahin ang braso niya.

"H-huh? A-anong mali?" Tanong ko sa kaniya na may pagtataka.

Mukhang alam ko na ang sagot n'ya dito.

"Hahaha! *hiks* hindi ito ang bahay ko. Sige, *hiks* uuwi na ko sa asawa ko. *hiks* baka nag aalala na 'yun sa'kin."

"P-pero ako yung asawa mo." nanlalabo na ang mata ko at nanlalambot na ang tuhod ko.

"Hahahaha!! Ikaw Alliah?! Hahaha! *hiks* hindi kita asawa! *hiks* si Ritz ang asawa ko, s'ya ang mahal ko!" sabi nya sabay higit ng braso nya mula sa pagkakahawak ko.

Si Ritz yung Ex n'ya..

At doon na umagos ang sandamakmak na luha mula sa mata ko at para sila walang katapusang bumababa sa pisngi ko.. halos mapaluhod ako sa sobrang hina ng katawan ko at hinang hina na ako.

Pilit kong kumapit sa kan'ya upang 'di tuluyang bumagsak nguni't sumandal s'ya sa'kin sa sobrang kalasingan kaya parehas kaming napa upo.

Kumuha ako ng lakas at Diniretso ko na siya sa kwarto ko. Nai-lock ko kasi kanina yung kwarto niya at hindi ko alam kung nasa'n ba yung susi no'n. Dito ko nalang siya patutulugin, sa sofa nalang ako matutulog.

Lalabas na sana 'ko ng kwarto when he grabbed my hand.

"Sa'n ka pupunta?" Sabi niya habang may mapaglarong ngiti.

"Sa labas?"

"No, dito ka muna." namumungay ang kanyang mga mata..

Then he pulled me. Nakapatong ako sa kanya.

He rolled so we change our position. Now, he's above me.

I can feel his breath.

"I love you.."

I blinked.

H-huh? mahal nya ko? M-mahal ako ni D-Drake?

"W-What did you just say?" para akong nabingi..

He leaned forward and whispered .. "I said I love you.."

"Y-You love me?" hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

Iginapang nya ang kanyang kamay sa aking pisngi at pinunasan ang luha na umagos mula saking mata.

He looked at me, straight from the eyes..

"Yes, Ritz. I do."

ARAY!!!

Hanggang ngayon bakit si Ritz parin? Hindi ba pwedeng ako naman?

Tutal araw naman natin 'to. Hinintay kita nang matagal tas babanggitin mo lang 'yung pangalan ng taong pinamumukha mo sa'king mahal mo.

With that, parang biglang kumawala ang kaluluwa ko at humiwalay sa katawan ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Tinulak ko siya na naging dahilan ng paghiga niya.

Pagkatulak ko nakatulog na rin naman siya.

Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig at bimpo pamunas sa kaniya.

Iniisip ko tuloy kung nag kita na kaya ulit sila ni Ritz. 2 years na rin naman ang nakakalipas at masyadong maliit ang mundo para hindi sila magkita.

Tulad nga ng sabi ko, hindi ko kilala personally si Ritz pero kilala ko si Drake kahit papaano. Alam kong hahanapin niya siya at hindi susukong makita siya.

Tingin mo, lalo kayang lalayo ang loob sa'kin ni Drake?

Nakakatawa naman 'yung tanong ko. May mas lalayo pa ba sa lagay namin na 'to ni Drake?

I've got nothing to lose.

Pagbalik ko sa kwarto, pinunasan ko na siya agad at pinalitan 'yung polo niya.

Hindi ko na pinalitan 'yung pants niya kasi baka magising siya at bulyawan ako.

Nag-iwan din ako ng gamot sa bedside table at tubig saka biscuit para kapag gising niya iinumin nalang niya.

Kinuha ko yung unan sa kama at lumabas na sa kwarto, sa sofa ako matutulog.

Umiiyak akong bumaba sa sala habang walang tigil ang pag bagsak ng luha sa mga mata ko.. hindi sila tumitigil..

Bigo ako palagi na pigilan ang luha ko at maging kalmado. Hindi ko kayang pakalmahin ang sarili ko lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

Hindi pa siguro ako matured nang lubusan.

Bago tuluyang mahiga sa sofa, napansin kong di 'ko pa pala naiiligpit 'yung mga pagkaing inihanda ko.

Lumapit ako sa dinning table. 'Di ko mapigilang tumulo ang luha ko habang nililigpit ang mga 'yon.

Isang taon nanaman ba ang hihintayin ko Drake? Kung yun lang.. sige, maghihintay ulit ako..

*Kinabukasan*

I woke up early in the morning to cook for him. Ayoko na ulit masigawan.

Sa totoo lang ininit ko lang naman 'yung mga pagkain na niluto ko kagabi.

Nakarinig ako ng yabag mula sa hagdan. Si Drake na ata yun.

Nagmadali akong naglagay ng pagkain sa pinggan at inilagay sa ibabaw ng counter malapit sa sink. Dun kasi kami kumakain kaysa sa dinning table.

"Buti gising ka na, may pasok ka ba ngayon?" Tanong ko habang nakatalikod. Tinuon ko nalang yung pansin ko sa hinuhugasan kong pinggan. "Masyado ka kasing lasing kagabi," dagdag ko.

"Oo, may pasok ako ngayon." Sagot niya at lumapit sa counter kung sa'n ko nilagay yung pagkain niya.

"Kumain ka na muna bago pumasok," alok ko.

"Wait, san galing 'tong Carbonara at cake?" Nakakunot yung noo n'ya.

"Niluto ko yan kagabi," mahina kong sagot.

"Cake and Carbonara? You cooked it last night? Hindi ka naman nag luluto ng ganitong pagkain pag ordinaryong dinner lang ahh." Sabi n'ya sabay subo ng carbonara.

So, kilala rin pala niya ako.

Nakaugalian ko kasi na magluto kaysa mag order sa labas kapag halimbawa may mga espesyal na araw tulad kapag pasko o birthday.

"Uhhh, actually, hindi naman ordinaryong dinner lang ang niluto ko kagabi. It's special." Medyo awkward kong tugon habang nalilinis ng pinaglutuan ko. Pinipigilan ko kasi ang maaga kong pag-iyak.

"Wait. Ano bang date kahapon?"

"April 17,"

"Shit! Im sorry, Alliah. Hindi ko naalala. I'm sorry."

Tingin ko na gets na niya.

I can't help my tears. Its running down my face.

"You don't have to apologize, Drake. Its okay." Mahina kong sabi habang nakatalikod parin.

Naramdaman kong tumayo siya sa upuan at lumapit sa'kin.

"But, I forgot our anniversary. I'm sorry."

"Okay lang nga 'yon, 'wag mong isipin." Sagot ko. Pero parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi kayang mag respond ng katawan ko.

Wala na rin namang magagawa ang sorry niya para sa effort na nasayang ko. Tapos na ang araw ng kahapon kaya wala naman na siyang dapat balikan.

Humarap ako sa kaniya, "okay lang ako," mahina at ngarag kong sabi.

Pinunasan niya ang luha ko at niyakap ako.

Doon mabilis na tumibok ang puso ko at hinayaan ko lang na maging gano'n kami ng ilan pang sandali.

"Sorry," bulong niya habang nakayakap parin sa'kin.

"Di ba ayaw mo naman sakin? 'Diba wala ka namang pake alam sakin?" Pabulong kong sabi. "So ngayon, bakit ka nag sosorry hah? 'Di na kailangan. Besides, 'di naman na mababawi ng sorry mo yung sakit! 'Yung sakit na malaman ko yung totoo na kahit 2 years na tayong mag asawa eh mas mahal mo parin yung Ex mo! Ang sakit Drake! Ang sakit sakit!!!"

Patuloy lang na tumulo yung luha sa mga mata ko.

"Sabihin mo lang lahat, Alliah." Sabi niya.

Patuloy parin siyang nakayakap sa'kin at kunulong ang mukha ko sa dibdib niya.

Ngayon, punong puno na ng luha at sipon ang dibdib niya.

Pero wala siyang pake, hinayaan lang niyang gano'n kami.

"Kagabi, alam mo ba kung ano yung mga sinabi mo nung lasing ka?" Mahina at walang buhay kong sabi. "Drake, pinamukha mo sa'king 'di mo ko mahal! Na si Ritz parin ang nand'yan." Sabi ko sabay suntok sa dibdib niya.

Pero masyado 'yong mahina para masaktan siya. Ni hindi nga niya ininda.

"Oo nga pala no? Dapat sanay na ko" pagpapatuloy ko. "Sorry din ahh. Kasi sa dalawang taon, nagtiyaga ka sa'kin. Sorry kung sinira ko 'yung buhay mo na sana masaya kasama siya. Pasens'ya ka na kung wala akong kwenta, tulad ng palagi mong sinasabi at pinamumukha sa'kin"

Mula sa pwesto naming 'yon rinig ko ang tibok ng puso niya, mabilis 'yon at parang kinakabahan.

Lalo niyang hinigpitan ang yakap sa'kin na parang ayaw niyang kumawala.

Maganda rin 'to, at least hindi niya nakikita ang mukha ko. Hindi mahirap para sa'kin ang maglabas ng sama ng loob.

Buti nagkaroon ako ng pagkakataon na sabihin ito sa kaniya lahat.

Pagkatapos pa ng ilang sandali, medyo gumalaw na ako para umalis sa yakap niya.

This time nararamdaman kong may tumutulo na tubig sa balikat ko.

Umiiyak si Drake.

" Please, hayaan mo munang ganito tayo kahit ilang sandali lang," mahina niyang bulong sa akin.

Ramdam ko ang init mula sa katawan ni Drake.

This time ako naman ang yumakap sa kaniya.

"Shhh.. tumahan ka na," bulong ko.

Pero hindi ko alam kung narinig ba niya 'yon.

*To Be Continued*

Author's note:

Have you heard about Ritz' point of view? Please don't judge too early and check her own story!

"Her Untold Story"

Take time to read to understand clearly

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

17K 652 53
"In the place where it all started, where I met him, and where it also end, should I go back and stay?" that was what Mira asked to herself. What wou...
167K 4.6K 80
[ AVAILABLE ON DREAME ] Kareene Adriel Sabramonte is an ordinary and happy-go-lucky secretary of Wallace "Wave" Everette Cortez. The President of Co...
54.2K 1.3K 57
This is the usual story of a public student who transferred to private school together with her relatives. Your usual story where they see each other...
24.9K 857 46
Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl everyone envies and wants to be, she remain...