Save The Last Song For Me

By invisiblerin

8.9K 606 309

ON-GOING | SAVE SERIES 1 Kourtney Gomez, a second-year architecture student, is well-known for her charming p... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32

Chapter 1

1.9K 73 54
By invisiblerin

This novel is work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

***

Crush

"Hello?"

"Ate! Ako ito 'yung kapatid mo!"

Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Ate? Kapatid? Nakakapagtaka. Pero agad din naman iyong nawala nang marinig ko ang hikbi niya sa kabilang linya.

"Ate.. kailangan ko kasi ng pera.. pwede mo ba akong padalhan?"

Tumango ako kahit hindi naman niya ako nakikita. Nai-text niya ang number niya sa gcash. Mabilis akong nagpadala sa kanya ng pera. Shit. Baon ko pa ang pinadala ko. Pero ayos lang, natulungan ko naman siya. Iyon ang mahalaga.


Maliit na halaga lang 'yon pero sana naman ay nakatulong ako sa kapatid ko.. kapatid.. Kapatid? Teka, may kapatid ba ako?!

That's when I realized, only child nga pala ako! Gusto kong maiyak dahil pang-ilang beses na itong na-scam ako. Bakit ba kasi ganito ako? Bakit ba kasi ang bilis kong maniwala?


Hindi naman ako tanga. Talagang feeling ko lang lahat ng tao ay tapat. Mabilis akong maniwala, gano'n. Wala kasi akong trust issue, well, slight. Pero hindi siya literally good thing para sa akin. Lagi na lang akong victim of scam. Katulad ngayon! Sabihin na lang nating.. mabuti ang puso ko? Huy! Tama ka na. Kaya ka nai-scam, e.


"Ma!" Sigaw ko habang hawak ko ang laylayan ng damit ni Mama. "Look oh, umiiyak ako." Tinuro ko ang mukha kong naka-nguso.


"Ay nako, Kourtney. Kaka-cellphone mo 'yan!" sigaw niya sabay kurot sa tagiliran ko. Napa 'aray' ako pero hindi niya 'yon pinansin at nagpatuloy sa ginagawa niya.

Kada na lang may sasabihin ako sa kaniya, laging damay ang cellphone. Kahit masakit ang ngipin ko kasalanan pa rin 'yon ng cellphone. College na ako, okay? Cellphone pa rin ang dahilan.


Umakto akong umiiyak. "Ganyan ka na ba sa akin, Ma? Parang hindi na kita kilala, Ma. Nag-bago ka na. It feels like you're brand new now."


Kay Papa naman ako lumapit na nasa sofa habang nanonood ng balita. Kapag ganitong oras ay ganito na ang gawain niya. Pag-tapos kumain, uupo sa sofa at manonood ng balita. I don't actually find news as boring, mahilig din ako manood ng balita. Mas marami kayang nalalaman kapag nanonood ng balita.


"Isang bata ang muntik nang masagasaan dahil hindi tumitingin sa dinadaanan!" rinig kong sabi ng broadcaster sa TV. Thank God at safe siya. That's why we should always be careful.


Tumingin agad sa akin si Papa. "Mga kabataan talaga ngayon ano. Kaya ikaw Kourtney, tumingin ka lagi sa dinadaanan mo!" sigaw niya sa akin na ikinagulat ko.


"Bakit parang kasalanan ko, Pa?" Tanong ko bago umupo ako sa lapit niya.


Tinaasan niya ako ng kilay. "Anong kailangan mo?" Bungad na tanong niya sa akin. Kilalang kilala niya talaga ako.

Ngumiti ako ng napakalaki. "Wala akong baon sa school.. may pera pa naman ako dahil sa mga pa-commission sa akin pero, iniipon ko kasi 'yun, Pa," totoo 'yan ha. Naipadala ko kasi ro'n sa tumawag sa akin na kapatid ko raw. Baon ko pa naman 'yon for a week. And, take note! Pera ko talaga 'yon, 'no! Nakakaipon kasi ako sa pa-drawing ng mga estudyante. Mapa-elementary, highschool, at kung ano pa man sila ay tinatanggap ko. As long as kaya ko! 


"Ilan ba gusto mo?" tanong ni Papa. Lumaki ang ngiti ko. 'Yan, 'yan ang gusto ko. Yes naman talaga.


"500 sana.." Sagot ko. Kukuha na sana siya sa wallet niya pero biglang dumating si Mama. Nakataas ka agad ang kilay niya habang nakatingin sa akin. This is not good. I repeat, this is not good. Bad news ito.


"Alam mo ba noong bata kami ang baon lang namin sa school ay sampung piso? Ang laki naman yata ng 500."


Napairap ako sa sinabi niya. Ayan na naman tayo.. I mean, noon okay pa ang 10 pesos na baon, dahil mura pa naman ang mga bilihin noon. Pero, ngayon? Saan aabot ang 10 pesos? Candy nga ngayon limang piso dalawa. Stick-o na dati ay piso isa, ngayon! Hay! Kasalanan ito ng gobyerno. Pero, char lang.


"400 nga mahirap kitain, 300 pa kaya? Oh eto 200," sabay abot niya sa akin ng 200. Ngumiti na lang ako dahil baka maging 100 pa ang baon ko. Don't get me wrong, malaking halaga na ang 100 pesos. But as a college student, kulang na kulang 'yon. Pamasahe pa lang ubos na ang 100. P'wede ko namang lakarin pero magugutom ako.


Sumakay ako sa tricycle papunta sa university na pinapasukan ko. I am on second year college—Bachelor of Science in Architecture. Dumeretso ako sa cafeteria para bumili ng sandwich na may palamang itlog, which is 18 pesos. Hay!

"Kourtney!" Tawag sa akin ng isa kong kaibigan. Nagbayad muna ako sa binili ko bago lumapit sa kanila.


"Egg sandwich na naman?" tanong ni Elysia.


"Ay hindi teh," sagot ko naman. Obvious naman na tinatanong pa. Ito talaga si Elay. Umupo ako sa kalapit niya. Tinignan ko ang lalakeng nakabusangot sa lapit niya.


Ano na namang problema nito?


"Anong nangyari diyan?" tanong ko. Kinagatan ko na agad ang binili kong egg sandwich. Sarap. Favorite ko talaga ito. Masarap pa ang luto sa itlog, 'yung medyo malasado ba. Gano'n ang gusto kong luto sa itlog. Ayako ng lutong-luto. Kapag kasi ganito ang luto sa itlog na malasado, kumakalat ang lasa ng egg yolk sa buong tinapay. Yummy!

Elysia sighed bago niya binatukan niya si Axel.

"Aray! Natutuwa ba talaga kayo kapag nasasaktan ako?!" sigaw ni Axel.


Napairap ako sa sinabi niya. Pang asar talaga itong lalake na 'to. Ano ba naman itong tao na 'to.

Tumingin ako sa relo ko. May kaunting time pa bago magsimula ang klase ko. Magkakaiba kasi kami ng department. Ako architecture, si Elay naman ay pharmacist, habang si Axel naman ay engineering. APA babies.

Pare-parehas kasi kami ng strand noong senior high, kaya naging magkakaibigan kami. Well, si Axel at Elysia ay close na bago ko pa sila makilala. Childhood friend ang atake nila, ako naman ay sumingit lang. Senior high ko lang sila naging kaibigan at inabot na hanggang college.


"Bakit ka ba nakabusangot, Axel?" tanong ko. Hindi na naka intay sa kaniya.


He let out a small sigh.

"Ano pa ba lagi kong problema? Of course my Mom, again," he answered my question, with a low voice.


"Pero.. sanay naman na ako sa kanya," tumayo siya at nag inat. "Puro numbers na lang pumapasok sa isip ko! Sana soon, jowa naman!" sigaw niya, bago pasimpleng tumingin kay Elysia. Huy!


Binato ko siya ng plastic. "May magkakagusto kaya sayo?" natatawang tanong ko. Panira sa moment niya.

"Eh, bakit sa'yo ba meron?"


I rolled my eyes. Hindi ko inasahan 'yon ah! Pero hindi ako papayag! Hindi! 'Wag! No! Never! None of the above!


"Share mo lang!" hinawakan ko si Elysia na nanonood lang sa aming dalawa. Tatawa-tawa lang siya sa gedli. Ayaw madamay sa kaingayan namin ni Axel.


"Tara na nga! Iwan na natin 'yang lalakeng 'yan."

Humabol agad sa amin si Axel at umakbay pa siya kay Elysia.


"Hindi ako iiwan ng bebe Elay ko."


"Mandiri ka nga," iritang sabi ni Elysia.


Pinigilan kong matawa sa mukha ni Axel. Para siyang bata na pinagalitan ni Elay. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi lumabas ang hagikgik ko.


Aminado akong may pagkatanga ako minsan, pero hindi naman ako ganoon katanga para hindi mapansin na may gusto si Axel kay Elysia. Actually, noong senior high pa lang kami ay pansin ko na. Hindi ko lang alam kung kailan siya nagsimulang magkagusto kay Elay, since mas matagal nilang kilala ang isa't-isa. Buong buhay na yata nila ay magkasama na sila.


"Bye! Sabay tayo uuwi mamaya ha?!" sigaw ko. Kumaway sila parehas sa akin bago nagpatuloy sa paglalakad. "Hintayin n'yo ako ha?! Kapag hindi, ay naku naman talaga. Matitikman ninyo ang ganti ng isang api!"


Pumasok ako sa room namin at pumunta sa seat ko. Binaba ko ang bag ko. Wala pa namang teacher kaya, uubosin ko na muna ang egg sandwich ko. Hindi ko kasi naubos kanina dahil sa pambubulabog nina Axel.

Napatingin ako sa likod dahil may kumakalabit sa akin. "Ano ba? Kumakain ako. Shoo."


Minsan na lang maka-relax sa room, eh. Many mang gagambala pa. Ano ba namang buhay ito.

"P'wede pahiram ng lapis mo?"

Tinitigan ko ng masama si Zach na nakaharap pa rin sa akin, habang naka sahod ang dalawang kamay. Bumuntong hininga ako bago binaba ang pagkain ko. Hindi ko na naubos-ubos!


"Magdala ka na bukas ha? Hindi na kita pahihiramin. Ikaw na pumupudpod ng lapis ko," sagot ko sabay abot sa kan'ya ng lapis ko. My pencil! My precious!


He smiled at me. "Thank you."

Pinagpatuloy ko na ang pagkain habang may nakasuot na earphones. "I want you to.. take me home I'm fallin~" pagsabay ko sa kanta habang nakapikit. Feel na feel, iniisip ko kasi nasa music video ako habang sinasayaw ni Mr. Right ko.

Sarap kaya makinig ng music, lalo na kapag malawak imagination mo. 'Yung feeling na kapag sad song pinapakinggan mo, makakaiisip ka na ng scenarios na masasakit. Na kahit imagination mo lang ay nasasaktan ka pa rin. Pero kapag nakakakilig naman 'yung kanta ay, umaabot na sa kasalan ang imagination. Daydreaming is the best at its finest.


Napamulat na lamang ako dahil kinalabit na naman ako ni Zach. Inis kong tinanggal ang earphones ko bago humarap sa kanya.

"Ano ba 'yon?! Please nasa exciting part na ako, e!"

He chuckled. May tinuro siya sa harapan kaya tumungin ako ro'n. Nabitawan ko ang hawak na egg sandwich at mabilis na nagpunas ng bibig. Inayos ko rin ang upo ko at ang buhok ko bago muling tumingin sa harapan.


"Good morning, I am Hunter Davis. Professor Santos can't attend his class right now, so he asked me to be his substitute, for today," he smiled.


"Huwag na sanang gumaling si Sir Santos," natatawang bulong sa akin ni Nami. Pero kumatok din naman siya ng tatlong beses pagtapos niyon.


Pinanlakihan ko siya ng mata at baka marinig iyon ni Davis. S'yempre 'no, surname muna. Nakakahiya naman yatang tawagin siya agad sa name niya. Ano 'yon? First name basis agad? Huy!


Wala yata akong natandaan sa mga tinuturo niya. Ang tanging natandaan ko lang ay ang mukha niya. Boring ang history, pero hindi boring kung siya ang magtuturo araw-araw.


Bukas na bukas ang tainga at mata ko para sa kaniya.


Ang ganda-ganda ng mata niya. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. Ang labi niya kulay pink. Shocks, ang ganda ng katawan niya. Kitang-kita iyon sa suot niya na polo shirt. Sobrang manly. Ay talaga nga naman oh. Ang perpekto ng pagkakagawa sa kanya.


Unfair talaga ang mundo! I repeat, unfair!


Hanggang sa matapos siya mag-discuss ay nakatitig lang ako sa mukha niya. Baka akalain niya baliw ako. Pero totoo naman, baliw naman talaga ako. Baliw sa kan'ya. Si beh naman talaga, oh.


But.. well, it's literally been a year since naging crush ko siya. Pero hindi niya ako pinapansin. Hindi ko alam kung bakit. Lagi naman ako nagpapapansin sa kan'ya, pero wala talaga. Waepek.


Noong nalaman kong, he draw and he likes art, todo story talaga ako noon ng artworks ko. I even added him sa close friends ko sa stories pero hindi niya man lang yata 'yon napansin!


Noong nalaman ko naman na kumakanta siya ay talagang nag-story ako ng sarili ko habang kumakanta. Pero ayaw niya talaga ako pansinin. Hindi man lang siya nag-view sa stories ko.


Oh... well, hindi naman niya kasi ako nai-follow back.


Nilabas ko ang cellphone ko para mag-chat sa group chat namin.

APA Babies☆゚⁠.⁠*⁠・⁠。゚

Me:
Pogi talaga ni crushiecakes ko (⁠ ⁠ꈍ⁠ᴗ⁠ꈍ⁠)

Elay:
Si Davis mo?

Axel:
hindi ka naman crush XD

Continue Reading

You'll Also Like

687K 52.8K 35
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
203K 7.8K 40
"π—§π—›π—˜ 𝗖𝗛𝗨𝗕 π—œπ—¦ π—§π—›π—˜ π—•π—˜π—¦π—§ 𝗣𝗔π—₯𝗧; 𝗗𝗒𝗑𝗧 π—›π—œπ——π—˜ π—œπ—§ 𝗙π—₯𝗒𝗠 π— π—˜." A book in which a loud mouthed metal worker finds a new test s...
3.8M 159K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.6M 57.2K 39
MALHOTRA SERIES #BOOK 1 Anika Ahuja has everything but Family's love , support and a love intrest. Working at Malhotra Industries as the Head of the...