My Hot Mommy (GXG)

بواسطة fruityyliciouss

218K 7.2K 1K

Avi is one of the smart student. She have looks that everyone admires. She gets everything she wants, but the... المزيد

Warning ::
SYPNOSIS
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30

CHAPTER 21

6.3K 232 39
بواسطة fruityyliciouss

Avi POV

"Avi, ikaw na maunang maligo. Maghahanap lang ako ng masusuot mo. Minsan kasi pumupunta dito si Ate kaya baka may naiwan siyang damit." sabi ni Johan.

"Sige, salamat." sagot ko. Narinig ko naman ang mga yabag nito paalis.

Nandito nako sa isang room, actually, kwarto to ni Johan dito sa condo. Dalawa kasi ang room dito.

Ang sabi niya, ako nalang daw muna ang gumamit ng kwarto niya dahil kumpleto na to. Lalaki parin daw kasi siya at nirerespeto niya ako.

Napabuntong hininga ako at tinignan ang kisame. Nakahiga kasi ako, sumasakit ang ulo ko.

Hindi kona alam kung ano ang mangyayari pagkatapos nito. Parang isang panaginip lang ito.

Kung panaginip lang ito, pwede bang gisingin niyo na ako?

"Avi?" napatingin ako sa pintuan ng may kumatok dito.

"Yes? Pasok." sagot ko. Narinig ko naman ang pag pihit ng doorknob.

Bumungad sakin si Johan na may dalang damit.

"Ito yung nahanap ko sa isang kwarto, isang pajama at isang t-shirt to. Tapos ano..." nagtaka naman ako dahil biglang namula ang tenga nito. Napakamot din siya sa tenga niya.

"Bakit?" tanong ko.

"Yung..." sabay nguso. Sinundan ko naman kung ano ang nginunguso niya.

Natawa naman ako.

"Ah, yung undies." natatawang ani ko. Sinamaan niya naman ako nang tingin.

"Wag ka ngang tumawa! Hindi ko alam kung kakasya to sayo, pero hayaan mona. Basta may maisuot. Tsaka yung ano b-bra, hays bwisit oh ayan!" sabay hagis sa mukha ko at mabilis na lumabas ng kwarto.

Napatawa naman ako nang malakas dahil dun.

"Naririnig ko ang tawa mo, Avi!" kinagat ko naman ang labi ko dahil sa sigaw na yon.

Patay!

---

"Kailan mo balak bumalik sa inyo?" tanong ni Johan. Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse niya, oo may kotse na siya. 20 na kasi si Johan, tumigil siya ng 3 years dahil sa family problem.

"Hindi ko alam, Johan. Basta ang gusto ko, lumayo muna sa kanya." sagot ko. Tumango naman ito.

"Okay then, dun parin ako sa condo uuwi. Delikado kasi kapag iniwan kita dun, baka may mangyaring masama sayo." sabi nito. Ngumiti naman ako tumango.

Nang makarating kami sa school, pinark niya muna ang kotse habang ako dumiretso kay Faith na nag aabang sa gate.

"May kasalanan ka sakin." taas kilay na saad nito. Ngumiti lang ako ng pilit at naunang maglakad sa kanya.

"Huy, anong problema?" tanong nito.

"Wag mo muna siyang tanungin Faith, pwede ba makiramdam ka naman!" May halong inis na saad ni Johan.

"Pakealam moba?! Best friend ko siya eh!" inis din na saad ni Faith.

"Kung best friend mo si Avi, dapat nararamdaman mo kung may problema siya o wala!" sabat pa ni Johan.

"Eh hindi niya nga sinasabi paano ko malalaman?!" sagot ni Faith.

"Bakit?! Kailangan niya bang sabihin sayo para malaman mo?!" natahimik si Faith sa sinabi ni Johan.

"Oh kita mo? Kaya matuto kang makiramdam, hindi sa lahat ng oras kailangan niyang sabihin sayo ang lahat." sabi pa ni Johan.

Pare-parehas kaming natahimik. Nauna na akong maglakad sa kanila.

Palihim kong pinunasan ang luha kong kanina kopa pinipigilan.

Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi kona alam.

Johan POV

"Anong nangyari kay Avi? Tinawag namin pero di kami pinansin." sabi ni Rence.

"Oo nga, hindi naman siya ganon." sabi ni France.

Nag iwas lang kami nang tingin ni Faith.

Sobrang stress na si Avi, alam ko yon. Kitang kita ko yon kahapon, tapos dinagdagan pa namin.

Nakakainis.

"Ohh, okay lang. Tara, pasok na tayo." aya ni Rence. Walang imik kaming sumunod sa kanya.

Buong klase ay walang nag imikan samin. Alam kong nararamdaman yon nila Rence kaya hindi na nila pinilit pa.

"Tara, cafeteria tayo." aya ni Rence.

"Hahanapin kopa si Avi." napatingin kami ni Faith sa isa't isa.

Hindi kasi pumasok si Avi, hindi namin alam kung saan siya nag punta. Baka mapano yon.

"Kung ako sa inyo, hayaan niyo munang mapag-isa si Avi." sabi ni Sammy. Natahimik naman kami.

Si Sammy yung tipong tahimik lang pero pag nagsalita, mag tatayuan ang lahat ng balahibo mo.

"Oo nga, kaya tara na sa cafeteria na tayo." wala na kaming nagawa kaya pumunta na kami sa cafeteria.

At sino palang makapagsasabi na magka-kaklase kaming lahat? Sadyang hindi lang namin napapansin ang isa't isa.

Nakarating kami sa cafeteria, agad na nag order si Rence at Sammy.

"Ano bang nangyari kay Avi?" tanong ni France. Nagkatinginan kami ni Faith at nag iwas din nang tingin.

"Hindi ko alam kung nasa posisyon ba ako para sabihin." kagat-labi kong saad.

"I trust you."

Bumalik sa ala-ala ko ang sinabi ni Avi kahapon.

"Hintayin nalang nating si Avi ang magsabi." sabi ni Sammy na kakarating lang.

Tumango kaming lahat kaya nag umpisa na kaming kumain.

Sana safe lang si Avi.

Beatrix POV

"Hey, stop it, Beatrix!" inis na saad ni Clea at kinuha ang baso kong may lamang alak.

Sinamaan ko siya nang tingin at binawi ang baso.

"You don't care!" inis kong saad at lumagok ng alak.

"Come on, Beatrix! Ilang araw ka ng ganyan, hindi na siya babalik!" nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi nito.

"And who are you to say that?!" ngumisi naman ito. Umupo ito sa lap ko.

"Me? Your future wife." nakangising saad nito. Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko.

"Nandito naman ako, Beatrix. Why can't you see me? I'm better than her." ngumisi naman ako at tinulak siya dahilan para masalampak siya sa sahig.

"Kahit ano pang sabihin mo, walang makakatalo sa kanya. Wag kang assumera, dahil sa totoo lang, kuto kalang niya." hinila ko ang buhok niya at pinatingala sa akin.

"Wag kang mag mataas kung alam mong wala kang ibubuga." atsaka siya binitawan.

Pinagpagan ko ang suot kong black backless atsaka nag lakad palayo sa kanya.

"Oh wait," muli akong bumalik. Saktong tumingala siya sakin kaya sinampal ko siya. "Ako na ang babawi para sa kanya, you deserved it bitch."

---

Akala ko pag uwi ko, may sasalubong sakin. Pero gaya ng mga nagdaang araw, wala parin.

Napabuntong hininga ako at pinigilan ang luha.

Alam ko kung nasaan siya, pero hindi ko siya pinupuntahan. Alam ko ang dahilan kung bakit siya lumalayo, at bibigyan ko siya ng oras para mag isip-isip.

Pero sa totoo lang, hindi kona kaya. Sobrang miss na miss kona siya, sobra akong nangungulila sa kanya.

Napaupo nalang ako sa sahig at napaiyak.

This is the second time na umiyak ako.

But it's alright, worth it naman kung siya ang iiyakan ko.

Pinunasan ko ang luha ko at tumikhim.

"I miss you, Sweetheart." bulong ko sa hangin.

Umakyat nalang ako at pumasok sa kwarto para mag half bath.

Habang nag ha-half bath ako, naalala ko ang mga memories naming dalawa.

Lalo na yung first night namin. Hindi kona napigilan ang sarili ko.

Siguro naman, hindi ako pinagmumura nila tito no? Hinintay ko naman mag 18 si Avi eh.

Hindi ko talaga hahayaang mawala sakin si Avi.

I already mark her, kaya wala ng mangaakin sa kanya kundi ako lang.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

This past few days, lagi kong hawak hawak ang cellphone ko. Umaasang tatawag siya pero wala.

Hindi parin naman ako nauubusan ng pag asa.

"Update?"

"None." sagot ko at uminom ng wine.

"Nahanap na namin."

Nabuga ko ang iniinom kong wine.

"Are you serious?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes, finally!"

Halos maiyak ako dahil sa ilang taong pag hahanap namin, nahanap na namin sila.

"Send me the details!" at agad na pinatay na tawag.

Dali-dali rin akong nag bihis at lumabas ng kwarto.

I didn't bother na naka tuwalya lang ako dahil first of all, ako lang naman mag isa.

But it would be better kung nandito siya.

Napangisi at napahagikgik naman ako dahil sa naisip.

Iba talaga ang tama ko sa kanya, sa kanya lang ako nagiging ganto.

Agad kong kinuha ang laptop ko at sakto rin na pagkakasend sakin.

Pinindot ko ito at napangisi.

Now, the real battle begin.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

6K 198 12
"I want you so badly, sweetheart. I want you to know that I might kill a person if they come close to you. I'll never let anyone touch you because yo...
Notice Me (GxG) 💍 بواسطة xeon

القصة القصيرة

41.8K 1.6K 12
The first time I saw her, my heart stop from beating and clichè as it may sound but whenever I'm with her, it seems like we're just the only people i...
5.7K 107 3
How did I end up here? -Castaliah Vallejo ~SOON~
1.1M 61.4K 38
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...