What's Inside: Brain's Last C...

By rulerofthepen

773 334 79

What's Inside: Brain's Last Cells to Scenes [ One Shots ] by rulerofthepen This book is a compilation of on... More

What's Inside: Brain's Last Cells to Scenes
ID
ITTKMBFC
ITTKMBFC 2
PWMNTBB

ISHBMP

138 61 15
By rulerofthepen

I Should Have Broke My Promise
by rulerofthepen

[ Trigger Warning: Suicide ]

Pauline's POV

"Oh, huwag ka nang umiyak."

Napatitig ako sa ice cream na nakalahad sa tapat ng mukha ko. Mula sa kamay ay nag-angat ako ng tingin papunta sa mukha niya. Si Miguel o Migs, ang kababata ko.

Humahagulgol kong kinuha ang ibinibigay niya kaya tinawanan niya ako.

Tuwing nag-aaway ang mga magulang ko ay rito ako lagi sa parke umiiyak. Wala nang mga bata na nagpupunta rito para maglaro dahil tinanggal na lahat ng maaari nilang paglibangan; gagawin na kasing convenience store ang lugar na ito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo, Pau?" tanong ni Migs matapos kong magkwento at mapayuhan.

"Ayos naman na. Salamat, Migs."

"Basta ikaw! Oh paano, hatid na kita? Uuwi na rin siguro ako pagkatapos, baka tapos na rin kasi ang live-action sa bahay. May nagliliparan na namang gamit kanina eh." Tumawa siya at ginulo ang nananahimik kong buhok. Napangiti ako dahil doon, napagagaan kasi niyon ang loob ko.

Halos parehas lang ang sitwasyon naming dalawa dahil madalas din magtalo ang mga magulang niya; kaya siguro naiintindihan niya lagi ako.

Ngunit 'di tulad ko, parang wala lang sa kaniya ang mga ganitong problema na lagi kong iniiyakan. Natatakot kasi akong maghiwalay sila nanay, at maging isa ang pamilya namin sa tinatawag na 'broken family'.

"Oh, Miggy, rito ka na maghapunan," anyaya ni nanay na kasalukuyang naghahain ng pagkain.

Si tatay ay nakaupo na sa harap ng hapag-kainan. Sa ngiti at aura nilang dalawa ay natitiyak kong nagkaayos na sila. Nakahinga naman ako nang maluwag at tila nabunutan ng tinik sa dibdib.

"Sige po, tita. Salamat po." Nagmano siya kay nanay na siyang ikinalawak ng ngiti ko, ganoon din ang ginawa niya kay tatay.

Habang kumakain ay nagbibiruan silang tatlo. Siya talaga yata ang anak nila nanay at hindi ako.

Noon ko lang din napansin na nakapang-alis si Migs, minsan ko lang siyang makitang nakabihis nang magara ngunit ikinabusog iyon ng mga mata ko. Lumilitaw ang kagwapuhan niya lalo't nakaayos siya.

'Hays, Migs. May jowa ka na ba, p'wedeng ako na lang? Charot!'

"Tita, tito... tuwing nag-aaway po kayo huwag niyong ipakikita o ipahahalata sa batang 'to." Ginulo niyang muli ang buhok ko dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

Aba't tinrato pa akong bata, mas matanda lang naman siya ng isa't kalahating taon sa akin. Disi-otso na ako 'no!

"Nauubos po kasi 'yung pera ko kabibili ng ice cream para mapatahan siya," pabirong dugtong pa niya.

Napanguso ako nang tawanan nina nanay at tatay ang sinabi niyang iyon. Sino ba talaga ang anak niyo? Minsan na nga lang ako masali sa usapan; binubully pa ako. Nakakatampo kayo ha.

Hindi naman na iba sa amin si Migs, bata pa lang kami ay lagi na kaming magkasama at anak na rin ang turing sa kaniya nila nanay—kaya siguro kapatid lang din ang tingin niya sa akin. Hays.

Pagkatapos kumain ay nagyaya siyang magtambay sa may upuang gawa sa kahoy, sa tapat lang naman iyon ng bahay namin kaya pinayagan ako nila nanay kahit gabi na.

"Ang sarap sigurong maging parte ng pamilya niyo," nakangiting sabi niya habang nakatitig nang diretso sa mga mata ko.

Gusto kong mag-iwas ng tingin ngunit hindi ko magawa. Kumabog ang dibdib ko, kakaiba kaysa sa dati, mas malala. Sa pagkakataong iyon, napagtanto ko na hindi ko na mapipigilan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kaniya.

"Pau on earth. Hello?" Kumaway-kaway siya sa harap ng mukha ko.

Bahagya kong naiatras ang ulo ko dahil sa gulat. "A-ano 'yon?"

"Sabi ko, ang sarap sigurong maging parte ng pamilya niyo."

Humaba ang nguso ko. "Ayaw kitang maging kapatid 'no."

Humalakhak siya kasabay ng paggulo sa buhok ko. Nakangiti lamang akong napatitig sa kaniya. Pinag-aaralan ko bawat parte ng mukha niya at ipinipinta iyon nang mabuti sa utak ko. Iisipin ko pa kasi siya bago ako matulog. Hehe.

"Uwi na 'ko, Pau." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin.

Malugod ko naman iyong tinanggap. Sino ba naman ako para tumanggi? Marahan niya akong hinatak patayo, ngunit ganoon na lamang ang pagtataka ko nang ilang segundo na ay hindi pa rin niya binibitiwan ang kamay ko.

Nag-iinit na ang pisngi ko dahil na rin sa paraan ng pagkakatitig niya sa kamay ko, parang gusto niyang putulin iyon at itakbo. Charot.

"M-Migs," nahihiyang tawag ko at bahagyang iginalaw ang kamay ko.

Sa halip na bitiwan at itinihaya niya iyon at may inipit na papel sa palad ko.

"Ano 'to?"

"Sulat. Mangako ka sa 'kin..."

"Na?"

"Bukas mo 'to babasahin."

Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi ba p'wedeng ngayon?"

"Hindi ko ipababasa sa 'yo—"

"Promise! Bukas ko babasahin," bawi ko nang muntik niya nang kunin ulit sa palad ko ang papel.

"Good. Kapag nandaya ka, 'di na kita papansinin kahit na kailan," pananakot niya.

Nakaramdam ako ng munting lungkot sa dibdib nang maisip kung paano kapag ganoon ang mangyari, ngunit agad ko rin iyong binura sa isip ko. Sisiguraduhin kong hindi ko bubuksan 'to hangga't hindi dumarating ang bukas!

"Good night, Pauline," malambing na saad niya at marahang pinisil ang pisngi ko.

Kumaway siya sa akin bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo. Naibaba ko ang paningin sa papel na nasa palad ko, gustung-gusto ko nang buksan ngunit nangako ako sa kaniya kaya bukas na.

• • •

Tinanghali ako ng gising kinabukasan dahil hindi agad ako nakatulog kagabi. Inaantok pa ako ngunit bumangon na para mag-asikaso.

Hindi ko mahagilap sila nanay sa loob ng bahay at naninibago ako roon. Baka nag-aaway na naman sila at pinagtaguan nga talaga ako para hindi ko makita.

'Hays, sila nanay talaga, basta payo ni Migs sinusunod.'

Nang maalala si Migs ay naalala ko rin iyong sulat na ibinigay niya kagabi. Hindi kaya... confession 'yon?

'Asa pa!'

Bumalik ako sa kwarto para kunin ang sulat sa punda ng unan ko. Dali-dali ko iyong binuksan ngunit agad din akong nanlumo nang mabasa iyon. Nawalan ako ng lakas kung kaya't napaupo ako sa sahig.

Dear Pauline,

  Magandang umaga, Pau! Salamat at tinupad mo 'yung pangako mo. Habang binabasa mo 'to paniguradong wala na ako.

  Pasensya ka na at sa ganitong paraan pa ako nagpaalam sa 'yo, hindi ko kasi kayang sabihin sa 'yo nang harapan. Ayaw kong makita kang umiyak lalo na kung dahil sa akin.

"Migs," umiiyak na tawag ko sa kaniya.

Nakangiti siyang nakahiga sa kulay puting kahon. Kung tititigan ay mukha lamang siyang natutulog ngunit hindi ako pinanganak kahapon para hindi maintindihan na patay na siya.

  Alam kong umiiyak ka ngayon, pasensya ka na kung wala na ako para bilhan ka ng ice cream. Tahan na, mahal ko. Hindi mo kasalanan 'to dahil ginusto ko 'to at sa tingin ko, rito ako magiging tunay na masaya.

"Ate Pau, pinabibigay ni kuya," umiiyak na pagkausap sa akin ng bunsong kapatid ni Migs, si Mica. Sampung taong gulang pa lang siya.

Napaupo ako sa sahig nang tanggapin ang ice cream na iniabot sa akin ni Mica. Hindi ko na naisip kung pinagtitinginan ba ako o nage-eskandalo na ako sa sobrang lakas ng iyak ko. Sobrang sakit kasi. Tangina naman, Migs.

  Huwag mo sanang mamisunderstand. Masaya ako tuwing kasama kita, at sobrang tinetreasure ko ang bawat sandaling iyon. Madalas hinihiling ko na sana hindi na matapos ang araw tuwing kasama kita. Sayang. Hindi ko nasabi sa 'yo na mahal kita... pero ngayon, alam mo na.

"Aanhin ko pa 'yun, Migs? Wala ka na eh. Ang daya mo! Nakakainis ka!" Tinangka kong ibato 'yung ice cream na hawak ko ngunit agad ko ring nagbago ang isip ko, sa halip ay niyakap ko iyon, wala na akong pakialam kung madungisan no'n ang puting shirt na suot ko.

  Gawin ko man 'to o hindi, mawawala rin ako sa 'yo. Pinili ko 'to kasi gusto kong mawala sa 'yo nang malinis kahit na papaano. Ibinenta kasi ako ni papa sa foreigner na amo ng kaibigan niya... gagawin akong, alam mo na. Ayaw ko no'n. Sa 'yo ko lang balak ibigay ang sarili ko kung may pagkakataon. Isa pa, sawang-sawa na 'ko sa buhay na mayroon kami sa bahay. Nadadamay na rin kasi pati kami ng mga kapatid ko.

"Anak, tama na, kumalma ka," humihikbing pagpapatahan sa akin ni nanay. Lumuhod na rin si tatay sa tabi namin para yakapin kami.

"Nay... si Migs. Tatay... si Migs," paulit-ulit na hagulgol ko.

  Masyado nang mahaba, tatapusin ko na nga 'to. Sa susunod na buhay natin, hahanapin kita, at doon natin itutuloy kung anong hindi natin nasimulan sa buhay na ito. Mahal na mahal kita, Pauline. Pasensya ka na at iniwan kita. Ibinilin naman kita sa mga kapatid ko at mga magulang mo. Hinding-hindi ka iiyak nang mag-isa kahit na wala na ako. Hanggang sa muli, mahal ko. Alagaan mo lagi ang sarili mo ha?

Love,
Miguel

Sobrang dami kong gustong sabihin sa 'yo. Hindi mo man lang narinig na sabihin kong mahal din kita bago ka nawala. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa nangyari sa 'yo.

Kung sana nagtanong ako. Kung sana hindi ako nag-assume na parang wala lang sa 'yo 'yung mga problemang dumarating sa 'yo. Kung sana kinumusta kita.

At kung sana... hindi ako tumupad sa pangako ko sa 'yo. Baka sakali. Baka sakaling iba 'yung nangyayari ngayon.

Hindi ka nakahiga riyan. Hindi ka malamig at matigas na bangkay. Hindi ka patay.

'Migs... I'm sorry. Mahal din kita, balik ka na, please?'

• • •

Date and Time

Date: May 18, 2022
Time: 8:17pm

• • •

Author's Note

Grabe, ang sakit ng puso ko. Ako lang ba? Inuhog ako rito. Tae. Pahingi ako ng tissue. Wahh! Kaya kayo... huwag kayong mag-assume.

Hindi por que laging nakangiti at tumatawa eh totoong masaya. Matuto tayong mangumusta, alright? Labyu ol. Papatuyo lang ako ng sipon. Huhu.

Continue Reading

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
65.4K 1.7K 36
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
185K 3K 49
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...
337K 492 150
I don't own this story credits to the rightful owner ๐Ÿ”ž