The Last Blood [COMPLETE]

By AteLunax

145K 3.9K 197

____ Ang akala ni Kys Euna Sebastian ay magiging maayos na ang lahat sakanila ni Jeon Sue Parker kong kailan... More

PROLOGUE
KABANATA 1 (His Back)
KABANATA 2 (PROPESIYA)
KABANATA 4 (THEPLANFORKYS)
KABANATA 5 (PAGSUGOD)
KABANATA 6 (THE WEDDING)
KABANATA 7 (SHE's VAMPIRE)
KABANATA 8 (Kys Vs Rosalva)
KABANATA 9 (BadDream)
KABANATA 10 (HeavenByYourSideSue)
KABANATA 11 (Surprisedate)
KABANATA 12 (FirstDate)
CHAPTER 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24 [WELCOMETOWOLFWORLD]
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27 [Zarahi's Died]
KABANATA 28
KABANATA 29 [Seduction]
KABANATA 30 [Rosemarry's Wedding]
KABANATA 31
KABANATA 32[MulingPagkabuhay]
KABANATA 33 [Babala]
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47[ Proposal]
[Wedding Day 2nd Chance]

KABANATA 3 (ThePunishment)

251 13 0
By AteLunax

*KYS EUNA Point Of View*

___________

Nakatingin lang ako sa pictures namin ni mama hindi ko nanaman maiwasang hindi umiyak bakit lahat ng nawawala sakin.

Si mama nalang ang meron ako pero kinuha parin.

"Mama patawarin mo ako kung naging mahina na naman ako hindi ko na po kasi kaya" Mahina kong sabi habang hinahaplos ang larawan ni mama.

"Alam kung masaya na po kayo kung nasaan kayo ngayon sana po lagi niyo pa rin akong gabayan"

"Mama miss na miss na po kita mama" Napahagulgol na ako ng iyak napakahirap tanggapin.

"Dapat hinayaan niyo nalang po ako dapat ako yong namatay hindi kayo mama"

"Hindi pa nga ako nakakabawi sa inyo diba napakadaya mo mama napakadaya mo"

Napapikit na ako habang umiiyak hindi kona din maiwasang hindi lumakas ang iyak ko basta ang alam ko ngayon sobrang bigat ng pakiramdam ko.

Hindi ko na kayang ipakitang masaya ako na laging binibilin sakin ni mama na Wag mong hahayaang lamunin ka ng lungkot kys labanan mo pilitin mong maging masaya kahit nahihirapan kana.

Pero ngayon hindi ko na kaya "Patawarin niyo ako mama" Mahinang sabi ko sapat lang na marinig ko.

Napatawa ako ng malasahan ko yung sipon ko.

"Bakit napaka alat naman nito?" Tanong ko sa sarili ko hahahaha langya kys.

"Mama" Muling iyak ko wala akong pakialam kahit nag mukha akong batang hindi binilhan ng gustong laruan.

"Kung pwede ko lang ibalik yung araw na yon ginawa ko na gusto kitang iligtas noon mama kaso inilayo nila ako sayo" 

"Mama hintayin niyo po ako magkakasama ulit tayo babawi po ako sa inyo mama"

"Ma----"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng may biglang kumatok sa pintuan kaya napatigil ako agad kong kinuha yong kumot at pinunas sa luha ko at sipon ko.

"Ms kys nakahanda na po ang dinner" Magalang na sabi ng isang katulong mula sa labas.

"Wala akong gana!" Sagot ko sa kanya panira kayo ng moment nakakabwesit.

"Pero ms kys hinihintay na po kayo" Pangungulit niya padabog akong tumayo sa kama at naglalakad papunta sa pintuan.

Nakabusangot kung binuksan ang pintuan napayuko naman siyang makita ako.

Lumabas na ako ng kwarto ni sue lumakad na ako sumunod lang siya sakin.

Habang pababa ako hagdan ay iginala ko yong paningin ko walang katao ay mali hindi naman sila tao walang mga bampirang pakalat kalat.

Habang papalapit ako sa dinning are ay nakakarinig ako ng ingay.

Pagpasok ko ay napatingin silang lahat sa akin napalunok naman ako ng sarili kong laway.

"Hi ms kys" Nakangiting bati nila sakin ngumiti naman ako ng pilit sa kanila.

Himala ata nandito sila parang ang saya-saya nila.

Lumakad na ako papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni sue.

Agad naman akong pinag-hila ni jacob.

"Salamat" Nakangiti kong sabi sabi sa kanya nag bow lang siya tsaka bumalik na sa likod ni mokong.

"Umiyak ka ba kys?" Tanong sa akin ni ayame na nakatingin parin sakin.

"Ah hahaha nakakaiyak kase yong pinapanood kong drama" Pagsisinungaling ko.

"Anong drama yan at ipapaalis ko?" Malamig namang tanong ni mokong kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ko sasabihin edi wala na akong iiyakan" Nakanguso kong sagot sa kanya.

"Kaya nga gusto kong malaman para tumigil ka kakaiyak" Sabi niya sakin pero napakalamig parin.

"Alam mo kumain ka na lang baka malipasan kapa ng gutom baka lumala yang sakit mo sa utak" Sagot ko sakanya tsaka ako sumandok ng pagkain ko.

Napansin ko namang bakit parang puro pagkain naming mga tao ang nakahanda.

Kumakain pala sila nito akala ko puro laman ng tao at dugo lang kinakain nila.

Kinuha ko ang paborito kong adobo kaso nang hawakan ko yong mangkok ay napaka-init.

"Aray napakainit naman niyan!" Sabi ko sabay bawi sa kamay ko pero nagkamali ako nasagi ko yong baso dahilan para malaglag at nabasag.

"Sorry sorry sorry" Agad kong paghingi ng tawag dali dali kong pinulot ang baso.

Dahil sa kakamadali ko nasugatan ako.

"Ouch!" Mahina kong sabi habang nakatingin sa dumudugo kong daliri.

"Fuck!!" Rinig kong mura ni mokong kaya napaangat ako ng tingin.

Para akong nanigas sa kinauupuan ko ng makita ko ang mga kasama niyang pula na ang mga mata nila at nakatingin silang lahat sa akin.

Nagulat ako ng kinuha ni sue yong kamay ko at sinipsip agad yong dugo.

"AAAAAAAHHHHHHHHH" Sigaw ko ng bigla kong napagtantong puro bampira pala silang lahat dito.

Bigla niya akong hinila palapit sa kanya at inilagay sa likuran niya.

Napatingin ako sa mga kasama niya alam kong maling galaw ko lang lalamunin na nila ako.

"Umalis na kayo!!" Malamig na utos ni sue sa kanila pero tila wala silang naririnig.

Napakapit ako sa braso ni sue ng biglang sumugod si steven.

Nagulat ako ng bigla itong umangat sa iri at tumilapon sa may bintana.

"ANO BA SA TINGIN NIYO ANG GINAGAWA NIYO!!" Galit na sigaw ni sue dahilan para matauhan sila.

"Fuck fuck fuck!!" Sunod sunod na mura nila takot na takot naman akong nakatingin sa kanila.

"Umalis na kayo hanggat hindi ko kayo pinapapunta dito wag kayong pupunta!" Malamig na niyang sabi tsaka niya ako hinila palabas ng dining.

"Aray sandali naman bitawan mo yan kamay ko nasasaktan ako" Sabi ko sa kanya habang hinihila pabalik yong kamay ko.

"Talagang masasaktan ka sakin!" Seryosong nyang sagot sakin ng makapasok na kame sa kwarto niya ay agad niyang isinara yong pintuan at tinulak ako don pasandal.

Napadaing naman ako dahil ang sakit feeling ko nabali na yong boto ko sa likod.

"Hindi kaba nag iisip! Wag kang padalos dalos sa ginagawa mo!!" Madiin niyang sabi sakin.

"Bakit sinadya ko ba? Alam ko bang masusugatan ako!" Mataray kong sagot sa kanya.

"Paano kung hindi na nila makontrol ang sarili nila sana sa susunod mag ingat kana!!"

"Paano kung wala ako edi wala na mag-isip ka nga!" Umigting ang panga ko dahil sa mga sinabi niya bakit parang kasalanan ko hindi ko naman ginusto na nasugatan ako.

"Hinayaan mo nalang sana ako!!" Sagot ko sa kanya tsaka ko siya tinulak at lumakad papunta sa kama.

Humiga na ako at nag talokbong ng kumot.

Rinig ko siyang bumuntong hininga napairap nalang ako tsaka ako pumikit.

________________

Nakasunod lang ako kay mokong habang naglalakad dito sa hallway ng pina pasokan naming paaralan.

As Usual pagtitinginan na naman kame ng mga marites na nag aaral din dito umagang-umaga buhay ng ibang tao agad ang nakikita.

"Hi kys" Bati sakin ng mga kasamahan ni mokong agad akong nag tago sa likod niya.

Nawala yong mga ngiti nila sa labi dahil sa ginawa ko.

"Takot na siya satin" Rinig kong sabi ni ayame.

"Kailangan pa natin mag ensayo para makontrol na talaga natin" Seryosong sabi nong mavi.

"Uy kys wag ka namang matakot samin" Sabi ni ford.

"Hindi naman namin sinasadya eh alam mo naman diba weakness namin yang dugo nyo" Paliwanag naman ni kiva.

Hindi ako sumagot nanatili lang ako sa likuran ni mokong.

Wait wait bakit ako nagtatago dito eh isa ding tong bampira.

Hindi hindi dapat lang na mag tago ako dito dahil oras na namatay ako wala na siyang mapapangasawa.

Hah? Erase erase wag dapat ganun hindi ako handa para sa pag aasawa na yan.

Tsaka duh ayukong makasal sa isang bampira.

Baka mamaya bigla niya na akong patayin kapag nakuha niya na ang gusto niya sakin.

"Kys patawarin muna kame" Natauhan ako ng sabay sabay silang nag salita.

Napatingin ako sakanila nakaluhod sila sa harapan ni mokong.

"Pwede ba tigilan niyo yang kadramahan niyo umalis kayo sa harapan ko!" Masungit namang sabi ni mokong jusko bakit ba napakasungit ng lalaking to.

"Tumabi ka kasi  diyan sue" Utos ni mavi sakanya napatingin ako kay mokong umigting ang panga nito.

"Kys ano ba dapat naming gawin para mapatawad mo kame?" Tanong ni sunny.

Napa-isip naman ako ano nga ba?.

Kinalabit ko si mokong napatingin naman siya sakin.

"Mokong anong magandang ipagawa sa mga yan wala akong maisip eh" Mahinang sabi ko sa kanya napakunot naman siya ng noo.

"Mag suggest ka naman" Dagdag ko ng wala akong mahintay na sasabihin niya tinignan niya lang ako ng masama.

Napairap nalang ako dahil wala din naman pala akong mapapala sa kanya.

"Bahala utosan mo sila kung gusto mo!" Masungit niyang sabi sakin tsaka nag lakad.

Napatingin naman ako sa kanila sampo na nakaluhod parin.

"Gagawin niyo ba?" Nagaalangang tanong ko habang nakatingin sa kanila.

Sabay sabay silang tumango napangisi naman ako.

Kita ko ang pag lunok nila ng sarili nilang laway.

"Be my utosan for one week" Nakangiting sabi ko sa kanila.

"WHAT?!" Sabay-sabay nilang sabi napataas ako ng kilay.

"Ayaw niyo okay!" Masungit kung sabi lalakad na sana ako ng magsalita si zarahi.

"Fine fine pumapayag na kame basta wag ka lang matakot samin" Nakanguso niyang sabi.

"Okay sumunod kayo sakin may ipapagawa ako sa inyo ngayon din" Sabi ko sa kanila bago ako naglakad.

Tumayo na sila sa pag kakaluhod nila ramdam kong na kasunod sila sakin.

"Sunny hindi talaga kita mapapatawad kapag hindi ko nagustuhan ang iuutos satin!" Narinig ko ng pagbabanta ni steven sakanya.

"Kahit kailan pahamak ka sunny!!" Sisi naman ni max sa kanya.

"Oh bakit parang sakin lahat ang sisi? Magpasalamat nalang kayo at mapapatawad na tayo ni kys" Masungit namang sabi ni sunny sa kanila.

"Ang dami mong pwedeng sabihin yon pa mamaya kung ano ang iuutos niya satin" Pagrereklamo naman ni kiko.

Sige lang magsisihan kayo dyan for sure matutuwa kayo sa ipapagawa ko sainyo.

Nang nasa tapat na kame ng tambayan nila ay agad akong pumasok asual madumi na naman kailan ba naging malinis to.

Tumingin ako sa kanila gusto kong matawa dahil sa mga mukha nilang problemadong problemado.

"Okay ito ang unang araw niyo bilang utosan ko" Seryosong sabi ko pero gustong gusto kong matawa promise.

Ngayon ko lang to gagawin kaya susulitin kona bossy bossy muna tayo ngayon.

"Steven, Kiko and max kayo ang mag linis dahil narinig kong sinisisi niyo si sunny" Sabi ko sa kanila hindi naman maipinta yong mukha nilang tatlo prrft--.

Gusto nilang mag react pero hindi nila magawa tinaasan ko sila ng kilay.

"Ayaw niyo?" Tanong ko hindi sila sumagot "Isusumbong ko kayo kay sue" Pananakot ko sa kanila.

"Fine mag lilinis na!" Napilitang sabi ni kiko.

"Gawin niyo na marunong kayong gumamit hindi kayo marunong maglinis!" Sermon ko sa kanila.

Next group Ford, ayame at zarahi kayo ang bahala sa kusina yong mga plato don hindi ko alam kong ilang araw na yon gagamit gamit kayo hindi niyo alam hugasan!" Sermon ko din sa kanila napanguso na lang sila para silang lantang gulay na naglalakad papunta sa kusina.

Rinig ko ang pag sigaw nila steven mula sa banyo gustong gusto ko ng matawa.

"Ikaw naman mavi at sunny kayo dito sa sala mga pinag kainan at pinag inuman niyo nag kalat parin ang lapit lapit ng basurahan sa labas hindi niyo magawang itapon!" Nakapamewang kong sabi para na akong si mama kapag sinisermonan na ako sa bahay.

"Ikaw naman Kiva at Adelisa kayo sa bawat kwarto palitan nyo ang mga punda ng kama na akala mo ilang taon ng hindi nilalabhan" Utos ko naman sa kanila.

Nakatayo lang ako habang nakatingin sa kanilang busy sa mga kanilang gawain.

"Panatilihing malinis ang bawat pwesto niyo kung ayaw niyong madagdagan ng isa pang linggo bilang utosan ko" Seryosong sabi ko sa kanila bago ako pumasok sa silid ni sue.

"HAHAHAHAHA" Malakas kong tawa na kanina kopa pinipigilan halos mapahawak na ako sa tyan ko.

"Happy huh!" Napatigil ako sa pag tawa ng mag salita si mokong bwisit nandito pala to hindi ko man lang napansin.

"Syempre alam mo ba inutusan ko silang maglinis dito ayon busy silang lahat" Natatawa Na sabi ko sa kanya na pataas naman siya ng kilay.

Tumayo ito sa pagkakaupo sa may sofa at naglakad malapit sakin binuksan niya ang pintuan at tumingin sa labas.

Napatingin siya sakin na may ngisi sa labi.

"Hanggang kailan sila sunod-sunuran saiyo?" Tanong niya sakin napataas naman ako ng kilay.

"Hanggang isang linggo lang pero kapag hindi nila mapanatiling malinis ang bawat area nila madadagdagan" Sagot ko sa kanya.

"Utosan mo din silang linisin yong kwarto nila sa bahay" Sabi nito napatango naman ako.

"Tignan ko nga ang galing nila" Nakangisi nitong sabi habang pabalik sa kama niya kinuha niya ang libro sa lamesa at nahiga sa kama.

Napasingkit naman ako ng mata ko bakit parang siya pa tong nag-eenjoy may binabalak ba tong mokong to

_______

Continue Reading

You'll Also Like

18K 392 33
"Never in the million times that I will leave you, kahit anong iwas o layo mo sa akin ay hahabulin kita, I swear to death" Ako si Annika Zayn Fuentab...
33.8K 1K 61
Stephanie crisel drieloc A cold girl and expressionless but not a heartless girl.
31.8K 2.1K 50
Anastasia Marie Del rio /Ana Marie Cruz. Simple, mabaet, matalino at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang. Dalagang masayahin at kuntento na sa...
22.2K 847 29
He forget and She remember Bad Girl Series 01 C.G