ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

120K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 45

1K 16 0
By iirxsh

Kabanata 45

HINDI matansta ni Kelly kung ilang minuto o oras na ba ang nakalipas simula noong makaalis si Alex na siyang inutusan ni Adam. Kanina pa siya nakaupo sa harapan ni Adam habang paminsan minsan niyang sinusulyapan, dahil hindi niya maintindihan kung anong dahilan na nasa loob siya ng opisina ni Adam pero wala naman siyang ginagawa o pinag-uutos sa kanya.

Kanina pa siya nakaupo lang, pinaglalaruan ang kanyang kamay. Kung hindi pa siguro siya tatayo, posibleng malapit na siyang makabutas ng upuan.

"S-Sir," Lakas loob niyang agaw atensyon kay Adam. Hindi naman siya nabigo dahil nakuha niya agad ang atensyon nito. Nakataas ang kilay nito nang harapin siya. Busy kasi iyon na pumirma ng mga papeles.

"Yes?"

Tumikhim si Kelly bago muling sumagot. "Hindi pa po ba ako lalabas? Wala naman akong ginagawa dito, sir." Gusto niyang ngumiwi sa ideyang iyon, pero tutok sa kanya si Adam. Parang sinasaulo ang bawat sasabihin niya.

Kumunot naman ang noo ni Adam. "Are you bored?"

"M-Medyo, sir." Nakangiwi niyang tugon.

"Okay, stand up." Siya naman ang pinangunutan ng noo dahil sa sinabi ni Adam. Hindi niya maiwasan na arkuhan iyon ng kilay. "H-Huh?" Hindi niya maitago ang kanyang kaba. "Bakit? Ano pong gagawin ko, sir?"

"I want you to massage me. I'm kind of tired of signing those papers." Pagtukoy ni Adam sa sandamakmak na pinipirmahan niya. Hindi agad nakakilos si Kelly dahil sa sinabi ni Adam. Hindi niya alam ang kanyang gagawin lalo na noong tumalikod na sa kanyang gawi si Adam, medyo inadjust pa niya ang kanyang swivel chair.

Hindi niya rin maiwasan na tanungin ang kanyang sarili.

Professional pala, ha? Kailan pa naging taga-masahe ang pinasukan kong trabaho?

"Oh, come on, Miss Tolentino. Start it now! Don't think of someone else."

Aligaga siyang umikot papunta sa pwesto ni Adam. Ilang beses siyang napalunok. Hindi niya alam kung hahawakan na ba niya ang balikat ni Adam o hindi pa.

Halos bukas sara ang nangyayari sa kanyang kamay, nakatingin lamang siya doon.

"Give me your hand, please." Natigilan si Kelly, hindi dahil sa sinabi ni Adam. Kung hindi dahil sa paraan ng pagkasabi ni Adam, sobrang gaan. Malayong malayo sa kung paano siya kausapin noong mga nakaraang araw.

Kahit wala siyang kasiguraduhan sa gagawin ni Adam, nagawa niyang i-abot ang dalawang kamay niya rito.

Napaigtad siya sa pagdampi pa lang ang kanilang kamay.

"Your hands are cold," Puna ni Adam. Dinala ni Adam ang kamay ni Kelly sa kanyang balikat. "Your hand will be hot, once you start massaging me." Gustong ikutan ng mata iyon ni Kelly dahil ramdam niya sa tono ni Adam na nang-aasar iyon.

Iniisip ba niyang marupok ako? Ginagawa ko lang naman ito, dahil ayaw kong mawalan ng trabaho! Kung may iba pa sanang pagpipilian, hindi ko naman hahayaan ang sarili kong makita na kasama siya sa isang opisina lang.

Ngunit hindi na pinagtuunan pa ng pansin iyon ni Kelly. Sa mga oras na iyon, nangingibabaw ang kagustuhan niyang matapos na ang pinapagawa sa kanya ng magaling niyang Boss.

Inayos niya ang pagkakalapat ng kanyang kamay sa balikat nito. Dahan-dahan niyang ginagalaw ang kanyang kamay. Nakapikit pa si Adam, na siyang ipi-nagpapasalamat niya dahil medyo nakahiga ang upuan nito dahil nga inadjust ni Adam kanina.

"Do you really have to do that?"

Mabilis na inalis ni Kelly ang kanyang kamay. "Ay, sorry sir. Nasaktan po ba kayo?" Medyo taranta ang kanyang tinig. Hindi naman kasi siya nakatingin sa balikat ni Adam. Iniwas talaga niya ang kanyang tingin at hinahayaan lang na igalaw ang kanyang kamay.

"Leave me and live with him."

Noong una, hindi pa niya nakuha ang sinasabi ni Adam. Hanggang sa mapagtanto niyang iba na ang tinutukoy nito. Napa-atras si Kelly, sa mga oras na iyon gustong gusto na niyang lisanin ang opisina dahil iyon na ang kinakatakutan niyang mangyari.

Doon sa mismong tanong na iyon magsisimula lahat, kapag hinayaan niya ang sarili na sagutin ang mga tanong ni Adam.

Hindi na napigilan ni Adam na magdilat ng mata nang wala siyang narinig na sagot man lang. Bago niya lakas loob na harapin si Kelly.

Kita niya ang takot sa mata ni Kelly. Akmang hahakbang si Adam nang humakbang naman si Kelly, paatras na naman sa kanya.

"I won't force you to answer it, but I want you to prepare yourself. I am just starting." Napalunok si Kelly nang marinig iyon, alam niyang hindi lang normal na paalala ang katagang sinabi ni Adam, isa iyong banta. "You can leave now... again."

Hindi na inintindi pa ni Kelly ang huling sinabi ni Adam, basta't pagkarinig niya ng salitang leave. Agaran na siyang tumalikod at tinungo ang labas ng opisina ni Adam. Habol man ang kanyang hininga pagkalabas, nagawa pa rin niya makabalik sa kanyang lamesa.

TINUTOK na lang ni Kelly ang sarili sa mga pending pa niyang trabaho, kahit hindi niya maintindihan sa sarili kung tama ba ang mga pinaggagawa niya. Hindi niya malaman kung nasa maayos pa ba siya pag iisip o wala na.

Ang daming nangyari sa kanya, hindi na niya alam kung anong uunahin o kung dapat pa ba niyang idagdag sa kanyang iisipin ang mga bagay na iyon.

Sa tutok niya sa trabaho, hindi man lang niya napansin na nakarating na pala si Alex dala-dala ang pinabili ng kanyang Boss.

Napa-angat ang tingin niya nang maglapag si Alex sa kanyang lamesa ng spaghetti, burger, fries, coke and sundae na galing sa Jollibee.

"Bakit 'yan?" Taka niyang tanong.

"'Yan ang pinabili sa akin ni Boss, merienda raw." Tugon ni Alex, na kasalukuyan nang ngumunguya ng burger.

Hindi maiwasan ni Kelly na tanungin ang kanyang sarili. Kung kailan pa nawili si Adam sa pagkain mula sa mga Fast Food Restaurants? Tulad kasi noong isang araw, nag Greenwich sila. Tapos ngayon naman, Jollibee. Ano pa kaya ang isusunod niya sa susunod na araw?

Nilibot naman ni Kelly ang kanyang tingin sa ibang ka-trabaho at lahat naman sila ay abala na kumakain. Itinabi na muna niya ang ginagawa niya na trabaho at inabala na rin ang kanyang sarili sa pagkain ng kanyang fries, sundae at coke.

"Bakit mo itinabi 'yan?" Pagtukoy ni Alex sa spaghetti at burger niya. Akala niya tuluyan ng umalis si Alex, nanatili pa rin pala sa kanyang tabi. "Ayaw mo ba?"

Umiling naman si Kelly. "I-uuwi ko..." Iyon lang ang tanging sabi ni Kelly, na siyang nakuha naman ni Alex ang kanyang punto. Tumango lang ito at bumalik na sa kanyang upuan.

NANGUNOT ang noo ni Adam nang makitang magkausap si Alex at Kelly, halatang seryoso ang pinag-uusapan nila. Nakita pa niya kung paano itinabi ni Kelly iyong spaghetti at burger.

Does she not like spaghetti and burgers?

Hindi naman mapakali si Adam sa kanyang upuan, dahil ang nakikita lang niyang kinakain ni Kelly ay iyong fries, sundae at coke.

That's why I ask someone to buy food and then she won't eat it!

Hindi na nagdalawang-isip pa si Adam na lumabas ng kanyang opisina at tinungo ang pwesto ni Kelly, diretso lang ang naging lakad niya papalapit sa lamesa nito. Tutok lang ang kanyang tingin kay Kelly, hindi niya man lang binigyan ng pansin iyong mga empleyado niya.

"Don't you like the food?" Agaw atensyon niya kay Kelly. Nang mag-angat ng tingin si Kelly, halos hindi naman niya malunok ang kagat-kagat niyang fries. Natigilan pa siya, bago umiling-iling.

"You don't like it?!" Nagulat siya sa pag sigaw ni Adam.

Iwinaksi naman niya ang kanyang kamay senyales na hindi siya sang-ayon sa sinabi ni Adam. "G-Gusto ko, sir. Kinakain ko nga, eh." Ipinakita pa niya iyong hawak niyang fries at kumagat doon. Matamis siyang ngumiti sa kanyang Boss, pero nauwi lang sa ngiwi dahil masama ang tingin ni Adam sa kanya.

"You're lying." Puna ni Adam. Halatang hindi kuntento sa kanyang sinabi. "You are only eating the fries."

Doon lang naman nakuha ni Kelly kung bakit iyon nasabi ni Adam. "Ah, may pagbibigyan kasi ako, sir." Ang tinutukoy niya ay iyong itinabi niyang spaghetti at burger.

Bigla namang lumamlam ang reaksyon ni Adam at biglaan na lang umalis. Wala siyang iniwan na kahit anong salita, basta na lang siyang tinalikuran.

Nagbubulungan pa ang mga ka-trabaho niya, pero sinuway lang sila ni Alex.

"Kumain na nga lang kayo, ang dami ninyo pang segway diyan."

Nagsibalikan naman sa kinakain nila ang mga ka-trabaho niya ngunit halos manlaki ang kanyang mata nang makita na may dalang tatlong spaghetti at tatlong burger si Adam.

Maingat niyang inilapag iyon sa lamesa ni Kelly. Nagtataka naman na tumingin si Kelly kay Adam. "Para saan po 'yan?"

"Give these to the one you're referring to, to give your food."

Napaawang ang labi ni Kelly, hindi siya makapaniwala sa nakikita. "Ang dami naman niyan, sir. Tsaka ayos lang naman na ibigay ko na lang 'tong pagkain ko." Pagpipilit pa niya, hindi naman magiging kaso iyon sa kanya dahil anak naman niya ang kanyang pagbibigyan. Pero mali yatang sumagot pa siya kasi nandilim lang ang paningin sa kanya ni Adam.

"Just get it and eat that!" Turo niya sa tinabing pagkain ni Kelly. "It's yours!"

Akmang magsasalita pa si Kelly ngunit naunahan na naman siya ni Adam.

"Don't try to complain again, or else... you want me to feed you." Makahulugang sambit ni Adam. Tumango na lang si Kelly at pinili na lang manahimik.

Mukha naman kasing wala na naman siyang laban.

Nang tuluyan nang makapasok si Adam sa kanyang opisina, doon naman nag-ingay na naman ang mga ka-trabaho nila Kelly at Alex. May ibang tumitili, may iba naman ang dami na agad nasabing tanong.

"Ano 'yon?" May pang-aasar sa tono ni Alex.

Inirapan naman ni Kelly si Alex na humalakhak lang. "Kumain ka na lang, dami mong segway diyan!" Pag gaya niya sa sinabi ni Alex kanina.

Pero hindi pa rin talaga nagpatinag si Alex, mukhang nakukulangan pa. "Sus!" Tudyo pa rin ni Alex. Hahayaan na sana ni Kelly si Alex dahil alam niyang kusa naman iyon titigil kapag hindi niya pinansin. Ngunit halos matigilan siya sa sumunod na sinabi ni Alex.

"Muli na bang ibabalik?"

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

9.1K 320 67
Vincent Apollo Camerson man who doesn't know and doesn't believe in love because the woman he loves left him. Will he change if he meets a simple an...
401K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...