Helaina

Bởi peritwinklexx

6.5K 195 19

Hindi naging maganda ang unang pagkikita ni Helaina at Valentine. One is committed, and the other is kinda pl... Xem Thêm

Helaina
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30

Kabanata 15

163 5 0
Bởi peritwinklexx

Nawala ang antok ko dahil sa walang kwentang tawag ni Valentine. Naligo na lang ako at nagbreakfast. Kasabay ko si manang. Pinapangaralan na naman niya ako tungkol sa pag iwas ko kay Mommy.

Ilang linggo ko na rin kasing iniiwasan si mommy. Sinisigurado ko talaga na hindi kami magkikita kahit na nasa iisang bahay lang naman kami nakatira. Maaga akong umaalis ng bahay tuwing may pasok. Tapos sinisigurado ko na nasa kwarto na ako bago siya umuwi galing sa botique niya. Di rin naman nakikialam si Tito Samuel sa amin.

Ewan ko ba, naiinis kasi ako sa tuwing nakikita ko siya. Nakakawala ng gana, nakaka-badtrip at nakakasira ng araw.

"Bakit hindi mo kasi kausapin ang Mommy mo?" Ani manang.

Napangiwi ako sa sinabi niya. "Para saan pa po?"

"Para magkaayos kayo." Mahinahong sagot ni manang.

Magkaayos? Tss! Magkakaayos pa kaya kami? Hindi ko alam. Sa laki ng kasalanan niya sa akin? Hindi ko talaga alam kung may maaayos pa ba.

Lumaki akong sabik na sabik sa pagmamahal at atensyon ng mga magulang ko. Pero kahit minsan, hindi ko naramdaman ang mga iyon.

I ended up begging for someone's attention. Kaya noong ipinaramdam sa akin ni Gael 'yon ay hindi ko na pinalampas.

Oo, hindi ako nakuntento sa ibinigay nila Lolo at Lola. Alam kong pakunswelo na lang iyong mga materyal na bagay na ibinibigay nila sa akin, para kahit papaano ay mapunan nila iyong mga pagkukulang ng mga magulang ko.

Pero hindi, eh.

Hindi ko na lang pinansin iyong sinabi ni manang. Ipinagpatuloy ko na lang iyong pagkain ko. Buti na lang maagang umalis sina Mommy at Tito Samuel ngayon.

"Ate, will you celebrate your birthday with us?" Tanong ni Sean. Nanonood kami ng Into the woods ngayon dito sa sala.

Isinubo ko muna sa bibig ko iyong caramel popcorn na inihanda ni manang bago ko sinagot ang tanong ni Sean.

"I don't know, Sean. Maybe I'll treat you and Simon na lang." Sabi ko habang ngumunguya.

"How about Mom and Dad?"

"They're too old for birthdays Sean." Singit ni Simon. Hanggang ngayon nasa kanya parin ang laptop ko. Mamaya kukunin ko iyon dahil magbababad ako sa internet para makatulog.

Hindi na umimik si Sean. Ayaw niya kasing makipagtalo sa kakambal niya dahil alam niyang matatalo lamang siya. Bilib nga ako dito kay Simon kasi parang matanda na kung makapagsalita.

Nang natapos na ang pinapanood namin ay ibinalik ni Simon ang laptop ko. Kaya ni-charge ko iyon para magamit ko mamaya. Ipagpapatuloy ko na lang iyong na udlot kong pagtulog. Ipinansak ko sa aking tainga ang earphones ko and drifted of to sleep.

Past 5 na nang magising ako. Agad kong tiningnan kung na-fully charge na ba ang laptop ko. In-on ko ito at nag-log in agad sa Facebook.

Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ko. Si Gael, tumatawag. May mensahe rin akong nakita pero inuna kong sagutin ang tawag ni Gael.

"Yes, babe?" bungad ko. Humihikab pa ako habang nagtatype ng username at password sa Facebook.

"I'm worried. Hindi ka kasi nagparamdam simula pa kanina."

Napatampal ako sa aking noo. Ang dami ko kasing iniisip. Nakalimutan kong magtext kay Gael.

"Sorry, babe. Sorry talaga. Ang dami ko kasing iniisip. Sorry."

Bumuntong hininga si Gael sa kabilang linya. "It's okay. May problema ka na naman ba? Nag-away na naman kayo ni tita?"

Nakaka-guilty. Kasi hindi naman iyong tungkol sa amin ni Mommy ang iniisip ko kundi iyong si Valentine. Hanggang ngayon kasi hindi parin kami nagpapansinan. Tapos bigla pa siyang napatawag kanina para sabihin lang na ''wrong number'' iyong tinawagan niya.

"Medyo. Pinagsabihan kasi ako ni manang kanina nung nagbreakfast kami." I lied. I'm sorry, babe. Ayaw kong sabihin na iyong taong pinagseselosan niya ang gumugulo sa utak ko.

"Hmmm, ganun ba. Labas tayo later? Sama tayo kina Josh. Gusto mo?" yaya niya sa akin.

At dahil nagi-guilty ako, pumayag ako. Sinabi ko sa kanyang sunduin niya ako pagkatapos niyang mag-dinner. Ayaw ko kasing sumabak sa inuman na walang laman ang tiyan.

May iilang mensahe akong nakita sa Facebook ko. Tiningnan ko iyon at nakita kong nasa group chat namin nila Nes si Valentine. Kailan pa nila ito isinali?

Nagbackread ako sa chat nila. Ini-invite sila ni Valentine na gumimik. Kaya ba siya tumawag kanina para i-invite sana ako? Ha! Assumera mo, Helaina! Wrong number nga daw.

Charmaine Incenso: Sa Hybrid na lang tayo magkikita?

Nes Canada: Ok.

Cyril Paul: Sunduin mo ako, Nes. Hahaha! I know you'll bring your car. ;)

Nes Canada: Tss! User!

Valentine Fernandez: Susunduin na lang kita Charmaine.

Cyril Paul: Ehem!

Charmaine Incenso: Talaga? Sure! :D

Valentine Fernandez: Sige.

Alam kong alam nila na online ako. Lumalabas kasi sa ilalim ng messages nila na 'seen by Helaina'.

I bit my lower lip habang tumitipa para makisali sa kanila.

Helaina Grandesa: Am I invited? :D

Kinakabahan ako pagkatapos kong i-send iyon. 'Seen by Cyril, Nes and Valentine'. Uh, okay. Naghintay ako saglit pero hindi sila nagreply.

Something's not right. Ba't sila ganun? Nakaka-offend ha. So I decided to leave the group chat. Ano pang silbi kung kasali ako doon tapos hindi nila ako papansinin. Tumipa ako para makapag-post sa aking wall.

Helaina Grandesa: Okay. :)

Then I logged out. Sana maramdaman ng mga taong iyon ang sarcasm sa ipinost ko. Tss.

Nagsimulang mag-iba ang pakikitungo ni Charmaine sa akin noong time na magkasama kami ni Valentine na kumakain ng fish ball. Noong time na nagtext siya sa akin na may sasabihin daw siya. Pero parang pinigilan siya ni Nes nun.

Tapos iyong kay Valentine naman ay noong gabing sumunod siya sa amin sa Doki. Noong gabing naghalikan ulit kami. Mabaho ba ang hininga ko nun kaya iniiwasan na niya ako? Hay! Sinabi pa niyang huwag daw akong bumitaw kapag hinahawakan niya ako. Ano kayang ibig sabihin niya dun? Nakakasama ng loob ang ginagawa nila.

Bumaba ako at nagtungo sa kusina para sumabay sa kambal na kumain ng dinner. Fried chicken at lumpia ang nakita kong ulam na niluto ni manang.

"O, Helaina, sumabay ka na dito sa mga kapatid mo." Ani manang.

Umupo ako sa tabi ni Simon. "Manang, aalis po kami ni Gael ngayon." Sabi ko habang naglalagay ako ng kanin sa plato ko.

Napatigil si manang sa kanyang ginagawa at lumingon sa akin. "Magpaalam ka sa mommy mo."

Nagkibit balikat na lang ako. Palagi na lang kasi niya iyong sinasabi sa tuwing nagpapaalam ako sa kanya. I'm turning 20 next week. Hindi na ako teenager na dapat mino-monitor ang bawat galaw. Alam ko ang mga ginagawa ko. May limitasyon din naman ako. At saka isa pa, ano bang pakialam ni mommy?

Narinig kong bumukas ang gate. Binilisan ko ang pagkain ko. Ang aga yata nila?

"Simon, baka gusto mong hiramin ang laptop ko. Kunin mo lang mamaya sa kwarto ko." sabi ko pagkatapos kong inumin iyong juice na nasa baso ko.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot si Simon. Agad akong tumalikod at nagmadaling naglakad pabalik sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang cellphone ko. May mensahe doon si Gael. In-update niya lang ako na magbibihis na daw siya tapos pupunta na siya dito para sunduin ako. Kaya binilisan ko ang pagligo ko.

Agad akong bumaba pagkatapos kong magbihis. Nasa labas na kasi si Gael, naghihintay sa akin. Nakita kong kumakain sina Mommy at Tito Samuel sa kusina. Iyong kambal naman ay nanonood ng tv. Lumapit ako sa kanila at nagpaalam.

"Hey, alis muna ako." Sabi ko.

"Okay."

Tumigil ako saglit para i-check ang mga gamit na nasa bag ko. Alam kong nakita ako ni Mommy. Buti naman hindi niya ako sinita. Narinig kong tinanong niya si Manang kung saan ako pupunta.

"Aalis daw sila ni Gael." Narinig kong sagot ni Manang.

Dumiretso na agad ako sa labas. And there, nakita ko ang gwapo kong boyfriend na na nakasandal sa kotse nila. He's wearing a black V-neck shirt and khaki pants. Ngumiti siya sa akin at agad na ngumiwi ng makita ang suot ko.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Gwapo mo po. Pwedeng manligaw?" Ngisi ko.

"Style mo bulok, Helaina." Ganyan siya, tinatawag niya ako sa pangalan ko kapag seryoso siya. Hinawakan niya ako sa beywang. "You're showing too much skin, babe. Para kang walang boyfriend."

Pinasadahan ko ng tingin ang damit ko. Hindi naman, ah. Isang mini white dress na backless ang suot ko. Then I paired it with a skin-tone gladiator sandals. Sigurado akong magagalit ito kapag nakita niya ang likod ko. Nagpa-fish tail braid pa ako kay manang kanina para bumagay dito sa suot ko.

"Ano ka ba, kasama naman kita eh. Siyempre malalaman nilang may boyfriend na ako." ngiti ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at inalalayang maglakad para makapasok na sa kanyang kotse.

"At kita pa talaga ang likod mo ha." Iritado niyang sinabi. Hindi ko na lang siya pinansin.

Nakasimangot siya pagpasok niya sa sasakyan. Pinaandar niya ang makina ng kotse at maingat na nagmaneho.

Sinusulyupan ko siya ng makarating na kami sa highway. Nakasimangot parin ang mukha niya.

"Babe," kuha ko sa atensyon niya. Nagtagis ang mga bagang niya. "I promise I'll be good tonight." Saglit niya akong sinulyapan kaya napabuntong hininga ako.

Napapitlag siya ng himasin ko ang hita niya. "Sorry na. Hindi na ulit ako magsusuot ng ganito. Promise." Sabi ko.

Napabuga siya ng hangin. "Huwag na huwag kang umalis sa tabi ko, okay?" aniya.

Napangiti ako. "Okay po, promise. San nga pala tayo pupunta?"

Hawak na ni Gael ngayon ang isang kamay ko habang nagmamaneho siya. Napangiti ako lalo kasi naalala ko iyong mga nakita kong picture sa Facebook na relationship goals. Isa dun itong ginagawa namin ni Gael ngayon, holding hands while driving.

"Sa Hybrid tayo." Unti unting napawi ang mga ngiti ko.

"Bakit dun?"

Kumunot ang noo ni Gael ng sumulyap siya sa akin. "Bakit? May problema?"

Oo meron. Dun lang naman din pupunta sina Valentine. At hindi imposibleng nandun din ang pinsan ko at sina Shane. Saturday ngayon, siguradong gigimik ang mga 'yon.

"Wala naman." Tikhim ko. Mali 'to. Madalas na akong nagsisinungaling kay Gael.

Ilang sandali ay nasa Hybrid na kami. Agad na nakapag-park si Gael ng sasakyan niya. Pagkatapos niyang ma-i-park iyon ay pinatay na niya ang makina. Bubuksan ko na sana iyong pintuan ng sasakyan niya pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at iniharap sa kanya.

Mapupungay ang mga mata niya ng ngumiti siya sa akin. He gently cupped my face and kissed my lips. I thought it was just a smack but when he licked my lower lip, I know he wanted more. So I let his tongue invade my mouth.

Naramdaman ko na lang na bumaba ang mga halik niya sa panga ko, pababa sa leeg ko. Kaya ikiniling ko ang ulo ko to give him more access on my neck.

Napahawak ako sa balikat niya when he gently sucked my skin. Naramdaman kong ngumisi siya at ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Hinihimas himas pa niya ang likod ko. Naipikit ko ang aking mga mata dahil sa ginagawa ni Gael. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa mga balikat niya dahil bumaba ang mga halik niya sa cleavage ko.

Pero naitulak ko siya nang may isang sasakyan na pumarada sa tabi ng sasakyan ni Gael.

"May tao." Sabi ko. Iritado niyang nilingon ang sasakyan na nasa may gilid niya.

"Tss! Tinted naman 'to." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ko ng bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniluwa doon si Charmaine. Tumatawa pa siya habang isinarado ang pinto. Umikot pa si Valentine para salubungin siya.

"Istorbo. Sila lang naman pala. Tara na nga!" iritado parin siya. Hinayaan ko na lang.

Pinagbuksan ako ni Gael. Nakita ko pa ngang nalaglag ang panga ni Charmaine nung bumaba si Gael. Inalalayan niya ako sa pagbaba. Siniil niya ako ng halik pagkatapos niyang i-lock ang pintuan ng sasakyan niya.

Hinawi niya ang buntot ng fishtail braid ko. "Stick with me, okay?" Napangisi siya ng tiningnan niya ang leeg ko kaya napatingin na rin ako doon.

Ugh, shit! Hickey!

Sinimangutan ko siya at hinampas sa braso. "Naman eh! Pano ko 'to matatakpan?"

"Ba't mo pa tatakpan?" halakhak niya.


Napailing ako. Tsk! Gael and his naughtiness.

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

866K 23.7K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...