The Heirs (On-Going)

By MissCLuna

2.9K 120 2

Teen Fiction|Trigger Warning|RomCom Isang paaralan na punong puno ng taga pagmana at mayayamang estudyante ay... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 7

77 13 0
By MissCLuna

Chapter 7 : Syinara's POV

"Uy, angas!" Bulalas ni Zeik habang pinagmamasdan ang buggati na binigay sa akin ni Tito Jie.

Natawa ako at binuksan ang pinto ng driver seat. Ngayon ko pa lang gagamitin 'to. Kahapon kasi ay nagpahinga na agad ako. By the way, kung itatanong nyo kung marunong akong mag drive ng kotse? It's a yes. Dati pa. Dahil sa mga kakilala ko noon.

Sumakay na si Zeik sa shotgun seat. Sabi nya may mall daw dito sa loob ng University na ito. Nung una hindi ako naniwala pero bumalik sa isip ko kung gaano kalaki ang University na ito. Hindi imposible na makagawa pa ng isang mall kung sakali.

Instart ko na ang engine at nagmaneho. Itinuro naman sa akin ni Zeik ang daan. Agad ko naman natanaw ang Mall. Malaki ang mall na 'yon. Parang mall din sa labas ng University.

Balak kasi namin ni Zeik bumili ng mga damit, pagkain at kung ano ano pa. Mukhang hindi kasi sapat ang ipinadalang damit sa akin ni Tito Jie.

Nang makarating kami, bumaba na kami sa kotse ko- naks, kotse ko. Sarap isipin na may sarili na akong kotse. Parang dati lang nakikisakay ako kay– nevermind.

Pumasok na kami ni Zeik. Una naming pinuntahan ang bilihan ng damit. Mas magandang unahin ang damit bago sa supermarket.

"Bakit walang presyo na nakalagay?" Tanong ko sa sarili habang hawak ang isang over sized t-shirt na kulay black at red. Angas neto kaya gusto kong bilhin.

Biglang sumulpot si Zeik sa gilid ko. "Paanong magkakaroon ng presyo 'yan eh libre lahat dito." Sabi nya na ikinalaki ng mata ko.

"Ano?!" Sigaw ko na masyado yatang napalakas kaya madaming napatingin sa amin. Tinakpan naman ni Zeik ang bibig ko.

"Wag ka sumigaw," saad nya at binitawan ako. "Libre lahat dito. Kahit ano, libre. Kaya nga mahal yung tuition kasi pagkapasok mo dito, wala ka nang po-problemahin kasi libre na lahat." Dugtong nya kaya mas lalo akong napanganga.

"S-seryoso ka? Magkano ba tuition dito?" Tanong ko.

"Wag kang sisigaw, ha..." banta nya.

"Oo na." Irap ko naman.

"10 million."

"10 MILLION?!"

Nagsilingunan nanaman ang mga tao sa pwesto namin. Mas marami na ngayon dahil mas napalakas pa ang sigaw ko. Napahawak pa si Zeik sa dibdib nya dahil sa gulat. Nasa harap ko sya kaya talagang magugulat sya sa sigaw ko. Kaso... 10 million talaga?! As in?! G-grabe... kaya dapat talagang sa iba nalang ako nag aral eh, mag aaral lang naman bakit kailangan mo pang mag bayad ng 10 million diba?

"Sabi ko 'wag kang sisigaw, eh." Sita ni Zeik.

Napakamot ako sa ulo. "Nakakagulat kasi yung presyo." Saad ko at kinuha yung over sized t-shirt bago nagtingin tingin pa sa iba.

Natawa sya. "Yeah. Kaya nagulat ako nang malaman kong nakapasok ka dito." Sabi nya.

"Nakakagulat ba 'yun? Bawal ba mahirap dito? Kung alam ko lang na 10 million yung tuition sana nag scholar nalang ako."

Umiling sya. "Bawal din ang scholar. Walang nakakapasok dito ng walang tuition. Buti ka nga si Jie pa yung nagpasok sayo dito."

"Okay? So talagang mayayaman lang ang nakakapasok dito? Ako palang yung dukha na nakapasok dito?"

"Yup. Pero please lang, don't call yourself dukha."

"Whatever. By the way, bakit Jie or Jired lang tawag nyo kay Tito Jie?"

Nagkibit balikat sya. "Sabi nya hindi na kailangan syang tawagin na Tito or what. Ayos na sa kanya yung Jie at Jired."

Napatango tango ako. "Saan nga pala si Aniela? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ko.

"She's with Zero and Zon. They need to do something." Baliwala nyang sagot.

"Zero? Yung top 1 student?"

"Oo. Kilala mo sya? Sabi nya kilala ka daw nya."

Napataas kilay ko. "Hindi ko sya kilala."

Tumango nalang sya at tumingin sa ibang dress. Bibilhan nya siguro si Aniela. Napangiti nalang ako. My childhood friend is really inlove. Nung nalaman ko na may nililigawan na sya which is si aniela, nainis pa ako noon kasi feeling ko mawawala sa akin si Zeik. Feeling ko magbabago na. Mapupunta na lahat ng atensyon nya kay Aniela. Selfish, right? Immature pa ako nung time na 'yan.

Hindi ko pinansin ng 2 buwan si Zeik hanggang sa narealize ko yung mali ko. Kinausap din ako ni mama noon at sinabi sa akin na "Hindi sa lahat ng oras na sayo ang atensyon ng isang tao. Lalo na kung hindi mo sila pagmamay-ari. May sarili silang gampanin. May sarili silang gustong gawin. Sa tamang panahon maiintindihan mo rin ang ibig kong sabihin pag ikaw na mismo ang nakaranas. Gusto mo bang mawala sayo si Zeik ng tuluyan? Kausapin mo na sya."

And that's it. Kinausap ko si Zeik at nagkaayos naman kami. Doon ko talaga narealize ang mali ko at kung gaano ako ka immature. Lahat ng akala ko akala ko lang pala. Walang nagbago sa amin ni Zeik kahit may nililigawan na sya. Siguro kung may nagbago, ako 'yun. Dahil parang hindi ko nakilala sarili ko nung time na hindi ko kausapin si Zeik. Pero gumaan naman pakiramdam ko ng magkaayos kami. Walang nagbago sa bardagulan at asaran namin lalo na yung bonding naming magkaibigan.

Nang matapos kami ni Zeik mamili ng mga damit, pumunta na kami sa supermarket. Kailangan ko ng stocks sa dorm ko. Baka atakihin ako ng katamaran ko at bigla akong maguton nang walang stock sa dorm edi ang saya. Mamatay ako sa gutom.

Habang tulak tulak ni Zeik ang Cart namin, natanaw ko si Klea... na may kahalikan. Hindi nya ako nakikita dahil nakatalikod sya pero yung lalaki ay kita ko. Bitch and Asshole? Yeah. Bagay sa kanila.

Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa biglang pumasok sa isip ko. Shit. Kailangan kong umalis dito bago ko pa sila sugudin. Hinatak ko si Zeik bago pa ako makita ni Klea at nung lalaki 'yon.

"H-hoy teka, bakit ka nanghahatak?" Nakangusong tanong ni Zeik.

"S-sorry. May nakita lang akong something hehe." Sabi ko nalang at umiwas ng tingin.

"Anong something? Share mo! Dali!" Sabi nya habang nakangiti na.

Tinignan ko sya ng masama. "Ulol, bawal sa isip bata."

Pinanlakihan nya ako ng mata. "Isip bata? Ako? Ako? Ako?" Tanong nya at nilalapit lapit pa ang mukha sa akin na parang nanghahamon.

"Baka naman ako?" Turo ko sa sarili ko at inirapan sya.

"Tch. Nyenye." Dumila sya sa akin at bumalik na sa pagpili ng mga pagkain. Ngumiwi ako.

Natapos kaming pumili at pumunta na sa counter. Pinlastic lang nila 'yun at binigay na sa amin. Libre nga talaga lahat dito. Nice nice.

Naglibot kami saglit ni Zeik. Dalawang plastic lang ang dala ko at sa kanya ay lima. Gusto nya pa ngang kunin yung dalawang plastic sa akin para daw wala na akong dadalhin pero hindi ko hinayaan. Kahit madalas kami mag asaran, hindi mawawala ang pag turing nya sa akin na parang prinsesa. Gentleman sya pero hindi lang nahahalata dahil lagi nyang pinapairal pagiging isip bata nya.

Nasa kalagitnaan kami ng paglalakad at pag-uusap sa kung ano nang biglang huminto si Zeik.

"Oh, Zero!" Biglang tawag nya sa isang lalaki.

Zero?

Napatingin ako sa lalaking tinitignan nya. Kumunot ang noo ko nang makita kong nakatingin rin ito sa akin habang papalapit sya sa pwesto namin. Sya ba yung Zero? Gwapo sya. Parehas na gwapo si Zeik at Zero pero mas malakas ang karisma nung Zero.

"Saan si Aniela ko?" Tanong ni Zeik na nakangiti pa na parang tanga.

Inalis sa akin ni Zero ang tingin nya at ibinaling kay Zeik. "She's with Zon. I left them because i need to check something."

Something? Kanina pa 'yang something na 'yan, ah.

"Dito sa Mall?" Tanong ni Zeik.

Sumilip sa akin saglit si Zero. "Yeah..."

"Ah," tango ni Zeik. "Oo nga pala. Syan, this is Zer—"

"I-i need to go. Bye." Natatarantang putol ni Zero sa sasabihin ni Zeik at nagmamadaling umalis.

Kumamot sa ulo si Zeik. "Anyare do'n? Pupunta yata sa mga chikababes nya." Wala sa sariling sabi nya.

Nagkibit balikat nalang ako at nag umpisa nang maglakad. Gusto ko ng humiga sa kama. Nakakapagod.

Continue Reading

You'll Also Like

45.4K 3K 26
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
51.4K 1.4K 35
„You are the reason why I'm here today." _-_-_-_-_ After the truth about the relationship between Max Verstappen and Kelly Piquet came out, his world...
4.1M 88.2K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
166K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...