Forever You (JeongMi Fanfic)...

By LolaJoStory

2.8K 61 7

JeongMi Fanfic Story More

CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Notebook
CHAPTER 3: Blackmail
CHAPTER 4: My Boyfriend
CHAPTER 5: Confession
CHAPTER 6: Bonding
CHAPTER 7: Dilemma
CHAPTER 8: Almost
CHAPTER 9: Promises
CHAPTER 10: History
CHAPTER 11: Family Acceptance
CHAPTER 12: Sibling in law
CHAPTER 13: Love Me Now
CHAPTER 14: Me and Her?
CHAPTER 15: Secret Girlfriend
CHAPTER 16: In Danger
CHAPTER 17: A life without my life
CHAPTER 18: Secret Love
CHAPTER 19: The Truth of Past
CHAPTER 20: Third Party
CHAPTER 21: Lia Barge In
CHAPTER 22: Unknown
CHAPTER 23: Reunion
CHAPTER 24: Unexpected
CHAPTER 25: New Beginning
CHAPTER 26: Enjoy
CHAPTER 27: Comeback
CHAPTER 28: We As One
CHAPTER 29: Accident
CHAPTER 30: Finding Mina
CHAPTER 31: Sitio Maibigin
CHAPTER 32: Becca
CHAPTER 33: Confusion
CHAPTER 34: Who am I?
CHAPTER 35: Blurry Images
CHAPTER 36: Comeback
CHAPTER 38: Love Interest
CHAPTER 39: New Plans
CHAPTER 40: Meet Up
CHAPTER 41: Oplan JeongMi's Break Up
CHAPTER 42: Mourning
CHAPTER 43: New Threat
CHAPTER 44: Surprise!!
CHAPTER 45: Kidnapped
CHAPTER 45: Kidnapped
CHAPTER 46: Sacrifice
CHAPTER 47: Heart Aches
CHAPTER 48: Possibilities
EPILOGUE: The Last Chapter
Author's Note

CHAPTER 37: Welcome Back

23 1 0
By LolaJoStory

Forever You
[JeongMi Fanfic Story]

CHAPTER 37: Welcome Back

MINA'S POV

Nakauwi ako ngayon sa Unit ko. Kasama ko pa rin si Bambam at sinabi niya sa akin na tinawagan niya raw ang mga kaibigan namin para pumunta doon. Wala pa silang mga alam.

Nandito kami ngayon sa Sala nanonood nang TV nang biglang may kumatok. Agad naman itong pinagbuksan ni Bambam.

"Mukhang mambubulabog na naman tayo nito buong magdamag. Ano? May party ba?" Saad ni Nayeon pagkapasok pa lang.

"Puro ka naman party." Angal ni Jihyo.

"Gusto mo naman." Aniya naman ni Nayeon.

Tumayo naman agad ako nang makalapit na sila dito sa pwesto ko.

"Buti naman nakarating kayo. Na-miss ko kasi kayo eh." Panimula ko.

"Ahhh.... Kita naman. Mukhang nabitin ka ata sa usapan natin nung isang araw." Banat naman ni Nayeon.

"Tama ka. Sige, upo muna kayo. At saka nasaan na pala yung tatlong lalaki?" Tanong ko sa kanila dahil mukhang hindi nila kasama.

"Yung mga jowa namin, susunod na lang daw sila. Si Jeongyeon naman, hindi namin sure kung makakapunta siya rito. Busy kasi sa Company." Sagot ni Jihyo.

Hanggang sa may sumunod namang kumatok. Ako na ang nagbukas kasi nasa kusina pa si Bambam. Nagpresinta kasi siyang gumawa ng meryenda nitong mga bisita namin.

"Ikaw lang ba nakatira dito? Parang hindi ako naniniwala. Pero hindi naman ako magtataka kung kayo na ng pinsan namin." Aniya ni Dahyun nang makaupo dito sa Sala.

Grabe! Kararating pa lang, Dumaldal agad. Bagay talaga sila ng kaibigan ko. Pero mukhang may kaunting pinagbago lang. Hindi na gaanong nagsasalita si Jihyo pero yung boses niya dati pa rin. Si Nayeon naman na ngayon ang sobrang daldal. Dinaig pa si Marites, ang dakilang chismosa. Well, dati na siyang ganyan, lumala lang.

"So? Anong ganap?" Tanong ni Dahyun.

"Pinapunta ko kasi kayo dito para sa importanteng bagay. Nalaman ko na kasi kung sino talaga ako. At gusto kong kayo ang unang makaalam." Panimula ko.

"Owss.. di nga. So? Sino ka ba talaga?" Tanong naman ngayon ni Nayeon. Halata sa mukha niya ang pagka-curious.

"Bago yun, magmeryenda muna kayo. Alam kong nakakapagod ang pagbiyahe." Alok ko sa kanila  nang dumating na si Bambam dala ang mga pagkain na ginawa niya. Agad naman nila itong kinain.

"Si Jeongyeon? Hindi ba talaga siya makakapunta rito?" Tanong ko.

May pagtataka na tiningnan ako ng apat.

"Baka hindi yun makarating. Busy pa yun sa Secretary niya." Agarang sagot naman ni Dahyun sa akin. Hindi ko pa nalalaman kung bakit pero nakaramdam na agad ako ng sakit. Mukhang may nahanap na siyang iba.

Natahimik na lang ako matapos marinig yun na napansin naman nila.

"Bakit mo ba siya hinahanap?" Tanong ni Jihyo.

"Oo nga. Napapansin ko kasing may iba pang dahilan eh." Segunda naman ni Dahyun.

"Gusto ko sanang nandito siya habang sinasabi ko ang magandang balita na dala ko. Miss ko na siya." Malungkot ko namang sabi.

"Anong--?" -Jin

"Maiwan ko muna kayo diyan, Mga Besh. Bahala na sa inyo si Bambam. Mag-party kayo kung gusto niyo." Walang gana kong sabi saka ay tinungo ang kwarto ko.

Hindi ko na sila pinakinggan pa at pumasok na lang sa kwarto ko. Akala ko pa naman makakasama ko na siya. Mukhang nahanap na pala siya ng iba.

Siguro napagod na siyang mahalin ako. Siguro nakapag-move on na siya. Pitong buwan na rin kasi ang nagdaan. Napakatagal na rin nun.

Nabigla naman ako nang kumalampag itong sinasandalan ko. Hindi pa kasi ako nakakaalis dito sa may pintuan. Ngayon ay kinakatok na ako ng mga kaibigan ko.

"Besh! Nandito naman kami eh. Papasukin mo nga kami. We miss you na."

At pinapasok ko nga sila. Agad ko silang niyakap pagkakita ko palang sa kanila.

~~

Ilang minuto na ang lumipas,  tumigil na rin ako sa pagdadrama ko. Hindi ko lang napigilan kanina kasi miss ko na talaga sila. At masaya akong ganun pa rin sila. Ngayon ay masaya na kaming nagkukwentuhan tulad nang dati. Iniisip na rin namin kung kailan ba ang tamang oras para ilantad ko ang sarili ko. Mas lalo na sa pamilya ko.

Pero sa huli, napagdesisyunan naming wag na muna ngayon. Naikwento ko rin kasi sa kanila ang nangyari sa akin noon. Pati na rin ang ginawa sa akin ni Lia. At siguradong sa nagluluksa pa rin ang pamilya ko. Hindi pa isang taon nang mawalay ako sa kanila.

"Tutulong kami sa paghahanap sa babaeng yun, Besh. Sa ngayon, ipagpatuloy mo muna ang pagiging Becca mo." Aniya ni Nayeon.

"Tama! Di ba dapat ngayong araw ang simula mo sa Studio nitong si Bambam?" Dugtong naman ni Jihyo.

"Oo. Pero pinagpabukas ko na lang para makausap ko lang kayo ngayon." Sagot ko.

"Kapag hindi kami gaanong busy, pupuntahan ka namin dun para magpaturo ng sayaw. Slash exercise na rin namin." Dagdag pa ni Nayeon na ikinasimangot naman ni Jihyo. Mahina kasi siya sa mga sayaw-sayaw na yan. Pero nakakasayaw naman siya. What I mean is, matagal pa niya itong natutunan. Pero kung pakantahin mo yan, paniguradong mapapanganga ka naman sa pagkamangha dahil dun naman siya magaling. Actually, lahat naman kami. Yun kasi palagi naming pine-perform sa school kapag may talent show.

"Pop ba ulit?" Tanong ko.

"Meron pa bang iba?" Tanong naman ni Jihyo.

"Ehh? Gusto mo bang ballet? May ballroom din kami kung gusto mo, pero hindi ako magtuturo." Sagot ko.

"Sino naman?" Tanong niya.

"Isa sa mga kaibigan ni Bambam at teacher din dun sa Studio. Pero marami ka pa namang mapagpipilian na iba pang genre. Wag na yun, baka pagselosan pa ni Dahyun ang magtuturo sayo. Balita ko kasi ang gwapo nun."

"Ay, sayang!" Usal niya.

"Alin ang sayang? Yung lalaki? Tumigil ka nga diyan. May Dahyun ka na oh." Sambit ni Nayeon sabay turo kay Dahyun na nasa kusina ngayon kasama ang dalawa pang lalaki.

"Baliw! Hindi yun. Yung sayaw ang ibig kong sabihin. Pero pwede na rin yung Pop saakin. Para si Mina mismo ang magtuturo sa atin." Sagot naman ni Jihyo kasabay ang paghampas sa braso ni Nayeon.

"Sige. Ihahanda ko na lang yung form niyo bukas. Punta na lang kayo doon kahit anong araw niyo gusto."

~~

THIRD PERSON'S POV

"Julia? Wala na ba tayong sunod na meeting ngayon?"

Sinipat naman ng babae ang tablet niya at nakitang wala na nga.

"Wala na po, Mr. Yoo. Ang sunod niyo pong meeting ay bukas na tanghalian na po." Sagot naman ng babae.

"Oh! Okay." Tangi niya na lamang naging sagot.

"Bakit po, Sir?"

"Wala naman. Pwede bang Jeongyeon na lang ang itawag mo sa akin kapag wala tayo sa office. I want you to treat as your friend and not your boss, okay."

Tumango naman ang babae bago sumagot.

"Sige, Jeongyeon. So? Saan na po tayo ngayon? Uwian na po ba?" Tanong niya.

"No! Maaga pa naman. Sumama ka muna sa akin. Ililibre kita ng dinner. Ako na rin ang maghahatid sayo pauwi."

"Sige ba. Salamat in advance, Si-- Jeongyeon." Masayang sambit naman ng babae.

Pagkatapos ng kanilang maganang dinner ay inihatid na nga niya ito. Naging malaman ang usapan nila habang kumakain. Hindi maubusan ng kwento ang dalaga habang nakikinig lang si Jeongyeon dito.

Palihim rin siyang napapangiti habang nakatitig lang rito. He found this girl so attractive in the way she acts so active at work, and also an honest employee to him.

Pagkarating sa bahay ng babae, pinagbuksan naman sila ng kapatid nito.

"Ate! Nagdinner ka na po ba?" Tanong nito na hindi pa rin napapansin ang lalaking kasama nito.

"Hi, Yuna." Bati naman ni Jeongyeon sa dalaga.

"Oh! Ikaw pala Kuya Jeongyeon."

"Oum. Hinatid ko kasi itong Ate mo. Saka nagdinner na din kami." Saad niya rito.

"Uhm Ate? Inabangan ko talaga kita ngayon kasi kailangan ko po ng tulong. May presentation po kasi ako ng gagawin. Kailangan ko pong magperform ng sayaw para sa event namin."

"Ikaw lang?" Tanong ni Julia sa kapatid.

"Opo. School Event po siya, Ate. Lahat naman po dapat may sasalihan. Para na rin po sa grades namin. Yun na rin po kasi ang final output namin. At kanya-kanya po ang practice." Dugtong ng dalaga.

"Wait! Maybe I can help. May kakilala akong may dance studio. Ako na ang bahala na magpasok sayo. Ang alam ko may mga program rin sila doon para sa aspiring dancers. Malay mo, May tinatago kang talento sa pagsayaw at makuha ka nila." Presinta naman ni Jeongyeon dito.

"Talaga po?" Masayang tanong naman ni Yuna sa kanya.

Sinagot naman ito ng lalaki ng pagtango.

"Nakakahiya naman po, Sir." Aniya ni Julia.

"Wag kang mahiya. Kaibigan kita di ba? Tulong ko na yun sa kapatid mo."

"Kailan ka ba magsisimulang mag-practice? Gusto mo bukas agad ay ipasok na kita?" Tanong niya sa dalaga.

"Talaga po? Maraming Salamat po, Kuya." Maganang tugon naman nito saka ay niyakap siya.

Ilang minuto pa ay nagpaalam na siya sa dalawa. Sumilay naman muli ang ngiti sa labi ng binata nang makitang napakasaya ng magkapatid mas lalo na ang kanyang Sekretarya. Umuwi tuloy siya na parang mapupunit na ang labi dahil sa hindi maalis na ngiti sa labi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 38.7K 91
๐—Ÿ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐˜„๐—ฎ๐˜€ ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—ณ๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ, ๐—น๐˜‚๐—ฐ๐—ธ๐—ถ๐—น๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ต๐—ฒ๐—ฟ, ๐—”๐—ป๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€ ๐—น๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ ๐—ฝ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ถ๐—ป๐—ด ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๏ฟฝ...
79.5K 2.9K 25
So, here's president Bae and Volleyball captain Kang for you. Enjoy :))))
9.8K 480 13
NO LONGER BEING UPDATED Evangeline Silver, an american pure blood, moves to england in 2021 (she's 15). when she discovers that Tom Riddle never rea...
5.3K 177 11
Exes, that's what they are. where in Kim Minju and Ahn Yujin have a very different lifestyle, from the moment they were born and raised. Two people...