Forever You (JeongMi Fanfic)...

By LolaJoStory

2.8K 61 7

JeongMi Fanfic Story More

CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Notebook
CHAPTER 3: Blackmail
CHAPTER 4: My Boyfriend
CHAPTER 5: Confession
CHAPTER 6: Bonding
CHAPTER 7: Dilemma
CHAPTER 8: Almost
CHAPTER 9: Promises
CHAPTER 10: History
CHAPTER 11: Family Acceptance
CHAPTER 12: Sibling in law
CHAPTER 13: Love Me Now
CHAPTER 14: Me and Her?
CHAPTER 15: Secret Girlfriend
CHAPTER 16: In Danger
CHAPTER 17: A life without my life
CHAPTER 18: Secret Love
CHAPTER 19: The Truth of Past
CHAPTER 20: Third Party
CHAPTER 21: Lia Barge In
CHAPTER 22: Unknown
CHAPTER 23: Reunion
CHAPTER 24: Unexpected
CHAPTER 25: New Beginning
CHAPTER 26: Enjoy
CHAPTER 27: Comeback
CHAPTER 28: We As One
CHAPTER 29: Accident
CHAPTER 30: Finding Mina
CHAPTER 31: Sitio Maibigin
CHAPTER 32: Becca
CHAPTER 33: Confusion
CHAPTER 34: Who am I?
CHAPTER 36: Comeback
CHAPTER 37: Welcome Back
CHAPTER 38: Love Interest
CHAPTER 39: New Plans
CHAPTER 40: Meet Up
CHAPTER 41: Oplan JeongMi's Break Up
CHAPTER 42: Mourning
CHAPTER 43: New Threat
CHAPTER 44: Surprise!!
CHAPTER 45: Kidnapped
CHAPTER 45: Kidnapped
CHAPTER 46: Sacrifice
CHAPTER 47: Heart Aches
CHAPTER 48: Possibilities
EPILOGUE: The Last Chapter
Author's Note

CHAPTER 35: Blurry Images

18 1 0
By LolaJoStory

Forever You
[JeongMi Fanfic Story]

CHAPTER 35: Blurry Images

BlECCA'S POV

Nandito kami sa Condo Unit na magiging tirahan ko dito sa Maynila. Inihatid ako dito ni Bambam. Dito rin naman siya nakatira para daw madali niya lang daw akong mapupuntahan. Na pabor din naman sa akin dahil siya lang naman ang kakilala ko rito.

"Alam kong pagod ka. Magpahinga ka na muna. Mamaya, kakain tayo sa labas. Ipapasyal na rin kita." Sambit ni Bambam sa akin pagpasok ko dito sa Unit ko.

"Sige. Mamaya na lang ulit. Excited na akong makapaglibot dito." Sagot ko naman.

"Okay. Rest well. Mauna na ako." Paalam niya.

Matapos niyang umalis ay siya namang paghilata ko sa kama. Sobrang pagod talaga ako sa biyahe.

TIME SKIPPED

Kasalukuyan ako ngayong nagbibihis para sa pamamasyal namin ni Bambam. Slash dinner na rin daw.

"Becca? Handa ka na ba?" Tanong niya sa akin. Nasa labas pa rin siya ng pinto. Hindi ko pa siya pinapasok kasi nagbibihis pa lang ako.

Matapos kong mag-ayos ay lumabas na rin ako. Napansin kong natulala naman ang kaibigan ko.

"Oh! Bakit ka naman ganyan makatitig saakin? Nasobrahan ba ang makeup ko? Pasensya na. Hindi naman kasi ako sanay eh. Gusto mo bang burahin ko na lang."

Hindi pa rin siya sumasagot. Hindi ko alam kung may problema ba sa mukha ko o may iba pa siyang dahilan.

Minsan nga lang ako mag-ayos eh. Pagkatapos, ganun pang klaseng reaksyon ang makukuha ko sa kanya.

Naisip ko lang kasi, nasa syudad kami, karamihan sa mga babae dito mga palaayos. Ayaw ko namang magmukhang kakaiba.

"Hindi naman. Okay na yan. Nasanay lang kasi ako sa normal mong hitsura sa probinsya. Nakakapanibago lang. Wag mo nang.... burahin." Sagot niya.

"Ahhh akala ko kung ano na eh."

"Alam mo, Becca? Ang ganda mo ngayon." Diretsahan niyang sabi.

"Ta-talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Pakiramdam ko ay umiinit ang pisngi ko sa kilig. Napatakip na lang ako ng mukha gamit ang dalawa kong kamay.

"Ano? Tara na? Baka gabihin pa tayo. Ipapasyal pa kita di ba?" Alok niya. Tumango naman ako at sumunod sa kanya sa paglakad.

Hindi pa kami nakakalayo sa dati naming pwesto ay tumigil naman siya sa paglalakad at muling humarap sa akin.

"Dito ka nga sa tabi ko. Hindi kita bodyguard para bumuntot saakin." Sambit niya saka ay hinila ako sa tabi niya.

"Dito ka lang sa tabi ko." Dugtong niya.

"Ehh? Baka pagkamalan tayong magnobyo't magnobya niyan eh." Saad ko naman.

"Ayaw mo nun? Para walang manggugulo sa'yong ibang lalaki habang namamasyal tayo." Sagot niya.

Napatango na lang ako. Wala naman sigurong malisya. Magkaibigan lang naman kami.

FAST FORWARD

"Maaga pa naman. Dumaan muna tayo sa Manila Bay. Magandang manood doon ng sunset." Alok niya habang nagmamaneho.

"Sige ba." Sagot ko.

At narito na nga kami. Maraming mga tao ang nandito para mamasyal. Naupo kami sa may tabi. Inilabas ni Bambam ang cellphone niya at nagsimulang kumuha ng mga litrato. Nag-selfie kami at minsa'y parang photoshoot na nga.

"Nagsisimula nang lumubog ang araw." Saad niya habang nakatingin dito.

Nilingon ko naman ito at napakaganda ngang panoorin dito. Sa probinsya kasi'y natatakpan ng mga kahoy ang paglubog ng araw.

"Ang ganda." Sambit ko habang nakatingin dito.

THIRD PERSON'S POV

"Ang ganda nga." Segunda naman ni Bambam habang nakatingin sa namamanghang dalaga.

Napangiti naman siya habang nakatingin dito. Hindi niya alam kung kailan niya ito simulang naramdaman. Basta ang alam niya ay masaya siya na kasama ang babae. Mas lalo na ngayon.

"Uhm Becca? Padilim na. Tara na." Alok niya rito.

Tumango naman siya at nagsimulang tumayo.

"May malapit ditong Amusement park. Mamasyal muna tayo bago kumain." Saad niya.

Pagkarating sa lugar, agad naman na binayaran ng lalaki ang entrance fee para makapasok na sila.

Nang makapasok na, inalok niya agad ang babae sa isang rides. Nag-enjoy sila pareho doon hanggang sa subukan naman nila ang roller coaster doon.

Panay sigaw ng babae na parang nagwi-whistle.

"Grabe, ang lakas mong makatili kanina. Halos yun na nga lang ang narinig ko."

"Nakakatakot kasi. Pakiramdam ko ay mahuhulog ako."

"Sige. Pahinga muna tayo sa sigawan ah. May tindahan doon ng pagkain. Meryenda muna tayo." Alok naman ng lalaki.

Pagkatapos ay sinunod naman nila ang bumper car rides, Vikings, at ferris wheel. Puro tili na naman ng dalaga ang maririnig. Isabay mo pa ang sigawan ng iba pa.

Pagdating naman sa ferris wheel. Nasa kalagitnaan ng sila ng rides ay panay naman ang pagdungaw ni Becca sa tanawin na nakikita niya roon. Sobra siyang namamangha sa nakikita. Ibang-iba talaga ang syudad sa probinsya.

"Nag-enjoy ka ba?" Tanong ni Bambam sa kanya.

"Oum, ang saya ko. Ito ang first time ko. Ang saya!!" Magana namang sagot ng dalaga

"Pagkatapos dito, diretso na tayo sa resto para sa dinner natin. Medyo gabi na rin." Dugtong ng lalaki.

"Oum." Tanging sagot naman ng dalaga habang nakatingin pa rin sa tanawin sa labas.

~~

Nang biglang....

"Nag-enjoy ka ba ngayon?"

"Syempre naman. Mas lalo na at kasama kita ngayon. Sana ganito na lang palagi."

"Wag kang mag-alala. Kapag may libreng oras ako, sayo ko lang ilalaan ang mga yun. Sa ngayon, let's make it a secret. Ayokong maulit pa ang nangyari. Ayokong mawala ka ulit sa akin."

~~

"Ahh!!!" Sambit ni Becca habang nakahawak sa kanyang ulo.

Nag-alala naman ang lalaki sa kung ano ang nangyari sa kanya.

"O-okay ka lang ba? Anong masakit?" Tanong niya rito.

"Y-yung ulo ko. Parang nabibiyak sa sakit." Sagot naman ng dalaga.

"Gusto mo bang dalhin na kita sa Hospital? Malapit na rin tayong bumaba." Aniya nito.

"W-wag na. Baka pahinga lang ang kailangan ko." Sagot naman ng dalaga hanggang sa naramdaman niyang unti-unti na ring nawawala ang sakit.

"Baka gutom ka na rin. Dumiretso na tayo sa resto pagkatapos nating bumaba dito."

Tumango nalang si Becca dahil medyo nanghihina pa rin siya. Iniisip niya, baka gutom nga lang.

Pero ang ipinagtataka niya ang mga boses na narinig niya sa isipan niya. May isang lalaki rin siyang nakita na kausap niya pero hindi niya maaninag ang hitsura nito dahil malabo. At ang boses na yun ay sobrang pamilyar sa kanya.

Ngayon ay pumasok na sila sa isang malapit na resto. Gutom na sila kaya dito na nila napiling kumain.

"Here's the Menu, Ma'am and Sir." Sambit ng waiter sa kanila.

"Thank You." Sagot ni Bambam rito.

"Pili ka na. Nang makakain na tayo." Alok ng lalaki.

"Kung ano na lang ang sayo, yun na rin ang order ko." Walang ganang sagot ni Becca sa lalaki saka ngumiti nang pilit.

TIME SKIPPED

Kasalukuyan na silang kumakain nang biglang sumakit muli ang ulo ng babae. Sa pagkakataong ito, hindi niya na talaga kinaya pa at nawalan na siya ng malay.

Dali-dali naman siyang binuhat ng binata palabas ng resto at isinakay sa sasakyan niya. Itinakbo niya agad ito sa malapit na Hospital.

Sa ER.....

"Kumusta po ang kaibigan ko, Doc?" Tanong ng binata sa doktor na tumingin sa kaibigan.

"Maayos naman siya. Wala naman kaming nakitang mali sa mga test na ginawa namin sa kanya. Kailangan niya lang munang magpahinga. Kapag nagising na siya, maari na siyang i-discharge." Sagot naman ng doktor.

"Salamat po."

~~~

"Mina!!"

"Besh!!"

"Namumuro na ang lalaking yan ah! Hayaan mo, bibigyan ko ng leksyon ang lalaking yan."

"Mahal na mahal kita, Mina. Ipaglalaban kita kahit na anong mangyari."

"Sorry, Besh. Hindi ko naman gustong sirain ang relasyon ninyong dalawa. Hindi ko intensyon na gawin yun."

"Tita, dito ka po sa tabi ni Tito."

"A months after this, tayo naman ang ikakasal."

"Kami dapat na dalawa."

"Dapat ka nang mamatay!!"

~~~

Humahangos namang nagising si Becca. Para siyang tumakbo sa marathon.

Agad naman siyang napansin ng kaibigan na nakaupo sa tabi niya. Nakaidlip ito.

"Gising ka na. Okay ka na ba?" Tanong nito.

"Kailangan ko nang bumalik. Nag-aalala na sila sa akin. Kailangan nilang malaman ang tunay na nangyari saakin." Sagot ng babae.

"Ano bang ibig mong sabihin, Becca? Pinag-alala mo ako kanina. Akala ko kung ano nang nangyari saiyo." Nag-aalalang tanong naman sa kanya ng lalaki.

"Hindi ako si Becca. Ako si.... Mina. Mina Montealegre."

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 98 10
Incorrect Quotes of Jeongmi + other members (sometimes). Not mine, I just changed the names and sometimes changed them a little.
79.5K 2.9K 25
So, here's president Bae and Volleyball captain Kang for you. Enjoy :))))
1.2M 52.1K 98
Maddison Sloan starts her residency at Seattle Grace Hospital and runs into old faces and new friends. "Ugh, men are idiots." OC x OC
9.1K 67 28
something i am doing in honor of pride month because I'm gay and so it tweek and craig. it a sign from God. They will be in 9th grade for this (14-15...