Stazie's Resentment

By _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco More

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 3

0 0 0
By _cyriane_


Langit Calling...

"Tsk!" bungad ko.

"Sapakin kaya kita?" bungad niya din.

"Ano ba 'yon?" Kunwaring inis kong saad.

"Hatid mo 'ko."

"Uuwi ka na?" Medyo nalungkot naman ako dahil wala ng manlilibre sa'kin. Siya kasi nag-bayad nung entrance ko nung swimming namin. Pagalingan lang mang-uto, XD!

"Babalik ako tangeks, magbabakasyon lang ako sa Manila."

"E, nasa'n kaibigan mo? Ba't hindi ka niya ihatid?"

"Nauna na siya, e."

"Iniwan ka? Upakan ba natin 'yan?"

"'Wag na, masasayang lang mukha no'n," mataray nitong sabi.

"Wow... iba ka din, ah!" Nakangisi ngunit natatawang ani ko. "Porket gwapings 'yon!"

"Oo naman! Gwapings talaga 'yon kahit sunog," pang-asar niya pa sa kulay nito.

"Saan ba kita susunduin?" tanong ko na lang.

"Punta ako diyan."

"Sige sige. Hintayin na lang kita."

"Maligo ka, ha!" Pinatayan ko na agad ng tawag. Magpapasundo't hatid na lang nang-iinsulto pa, sabunutan ko siya diyan, e. Pumunta na lang ako sa sala at nakita si Mama'ng nakaupo at nagkakape.

"Ma, uuwi daw si Heaven sa Manila," pahayag ko.

"Oh, edi ihatid mo."

Sungit, ah.

"Ba't ba siya nandoon, Ma?" Ininuman ko rin yung kape ni Mama.

"Magbabakasyon siya sa bahay nung kaibigan niya."

"Yung babae?" Magkasalubong ang kilay ko.

"Lalaki."

"Pwede pala 'yon?" Napaisip tuloy ako. "Pwede ba 'kong magbakasyon rin kina Stay, Mama?" sabi ko habang malawak ang ngiti ko.

"Oo, basta dalhin mo na lahat ng gamit mo at 'wag ka nang babalik." Tumayo na siya bitbit ang kape at pumunta sa kusina.

Napanguso naman ako pero ngumiti rin ulit. Habang naiisip kong doon ako sa bahay nila Stazie matutulog tapos ka-close ko pa ang pamilya niya... hays! Sarap! Gusto ko no'n!

"Maaaaaaaaaaa!!!!!"

"Oh?!"

"Kinikilig ako!!!!"

"Anak ka talaga ng Tatay mo, oo," sinamaan niya ako ng tingin. "Mag-linis ka nga!" Binato niya sa'kin yung walis tambo habang ako ay tinatawanan siya. Galit na galit, e gustong manakit.

"Stazie mahal!!!" Malapad ang ngiti ko habang tumatakbo papunta sa kanila pero nakangiwi naman yung isa. Sino pa ba? Edi si Bea.

"Anong Stazie mahal ka diyan?" tanong niya hehehe.

"Syempre... e, mahal kita," biro ko. Napaiwas naman siya ng tingin na mas lalong ikinalapad ng katawan ko este ng ngiti ko.

"Sino 'yan?" Kunot noong tanong ni Bea na akala mo'y hindi talaga ako kilala. Nag-kibit-balikat si Stay.

"Ewan ko rin, tara na," pag-sakay niya sa kaibigan.

"Mahal namannnnnn, e!" Tinawanan na 'ko ni crush. Yieeee! 'Pag nasisilayan ko ang kaniyang ngiti, labi ko nama'y mapupunit sa sobrang pagkakangiti. Mas masaya pa ako sa kaniya pero sa kaniya rin ako masaya. Hays! Ewan ko sa'yo, Gabo! kung ano-ano na lang ang sinasabi mo diyan!

"Boss Gabo! Boss Gabo!" Tumatakbong tawag sa'kin ni Danilo.

"Oh? Baka madapa ka, dahan-dahan lang!" tumatawang ani ko.

"Aalis na yung crush ko?!"

"Sino?"

"Ayun! Yung magandang kasama natin sa swimming!"

"Napaka-ano mo talaga..." Bilis kumalat ng balita, ah. "Tigilan mo na 'yon! May boypren 'yon!"

"Wala, ah!" Pilit niya pa.

"Sige, paniwalain mo 'yang sarili mong wala." Kung kapatid ko lang 'to, binatukan ko na 'to.

"Ihhh!" — Itlog

"'Wag mo 'kong guluhin ngayon, doon ka na sa Nanay mo. Bilis." Pinalo ko ang pwet niya habang natatawa.

"Oo nga pala, maliligo nga pala ako! Mag-hihilod ako!" Parang bigla naman akong nahiya sa sariling advice ko nung swimming namin.

"O-Oo! Galingan mo! Payting!" Nag-sign pa 'ko ng fighting.

"Payting!" Tumakbo na siya nang mabilis dahil nawala rin agad sa paningin namin.

"Sino 'yon?" tanong ni Bea.

"Ah, ayun? Kasama namin sa swimming. Barkada ko 'yon," nagmamalaking sabi ko.

"Gusto kong makipag-laro sa kaniya," nakangiting sabi niya pa.

"Sabi ko naman sa'yo tigilan mo ang pag-aadik, e... tsk tsk tsk."

"Anong klaseng laro ba 'yan, ha?" natatawang tanong ni crush kay Bea pero hindi na rin nakasagot kasi dumating na yung pinsan ko. Nakangiting kumaway ako sa kaniya pero napatigil naman siya at napilitang ngumiti.

"Alis muna kami, ha? Napadaan lang kami. I-chat na lang kita mamaya," nakangiting sabi ni crush.

"Sige sige. Mananghalian na rin kayo, anong oras na, e." Tumango lang siya at hinila na si Bea na parang lutang.

"Bumalik na pala si kurikong," sabi niya.

"Ha?" nakangangang tanong ko.

"Bumalik na kako yung sunog na 'yon, siya na maghahatid sa'kin."

"Tch. May maghahatid naman pala! Istorbo ka talaga kahit kailan!" singhal ko.

"Kapal, ah! Sakalin kita diyan, e." Inirapan niya ako.

"Baka magawa. Tara na at mainit dito, nagugutom ka na ba? Kain na tayo."

"Hindi ako gutom. Baka ikaw? Tignan mo, ang laki mo na," nang-aasar na ani niya at tumawa pa nga. Pabiro ko siyang inirapan.

"Ikaw sakalin ko diyan, e." Tinawanan niya lang ako at tinatawanan pa rin ako hanggang sa makapasok kami sa bahay, baliw na ata 'to. Nag-hain na 'ko habang yung pinsan kong 'yon, ayun... sarap buhay. Nakatapat lang sa electric fan habang nag-e-ML. Tsk, palibhasa pasmado yung kamay.

"Ma!!! Kain naaaa!"

"Oo! 'Wag kang sumigaw, nandito lang ako!" Tinawanan ko siya.

"Si Mama galit na naman." Nag-kamot siya ng ulo, irita.

"Paanong hindi magagalit, e ang lakas-lakas ng boses mo, dinaig mo pa 'ko." Magkasalubong na naman ang kilay ni Mama, parang stress sa mundo.

"Ay... gusto mo ba ikaw lang malakas?" natatawang sabi ko. Binatukan niya ako.

"Buti nga," singit ni Heaven habang nasa cellphone pa rin ang paningin.

"Sabi ko sa'yo, Langit, pagtapos mo lang talagang kumain sisipain na kita pabalik sa tiyan ng Mama mo, e!" Magkasalubong ang kilay ko habang sinasabi 'yon.

"Tita, oh! Inaaway ako ng anak mong mashuba!" Tinawanan lang siya ni Mama. Nagtawanan lang silang dalawa. Napatingin naman ako sa hawak niya.

"Ay, takte kang babae ka! Cellphone ko pala 'yan, walangya ka!" Hindi makapaniwalang aniya ko. Parang sinaniban ako ng demonyo at gusto ko nang ibato sa kaniya 'tong hawak kong plato. Total para sa kaniya naman 'to, mabuti nang mabasag sa ulo niya para hindi na rin siya makakain!

"O-Oh haha eto na..." Binigay niya sa'kin 'yon habang pinipigilan ang pagtawa. Kinuha ko 'yon nang mabilis.

"Potekkkkk! Mama!!! Ibalik mo na nga 'yan sa kanila! — Shet, inubos star ko!" Pagsusumbong ko pa dahil sa inis.

"Tinry ko lang naman, Tita." Ngumuso pa siya na parang aso. Sinamaan ko lang ng tingin na ikinatawa naman niya. Maya-maya pa ay patapos na kaming kumain pero masama pa rin ang loob ko at mas lalong sumama ang paningin ko sa kaniya.

Napaka-pangit talaga niya.

"Nga pala, kaano-ano mo yung dalawang babae?" tanong niya habang ngumunguya pa. Dugyot.

"Anong karapatan mong magtanong?" naiinis na sabi ko.

"Sorry na nga, e... isang star lang naman nawala, OA ka." Sorry na nga pero tumatawa?! Anong klaseng trip kasi 'yon?! Sana talaga 'wag na siyang bumalik dito, doon na siya sa sunog niya!

"Saan ka pala mag-aaral?" tanong ko habang naglalakad na kami pauwi ni Stay. Kagagaling lang namin sa simbahan at pauwi na, nauna na rin si Bea. Tiningnan ko siya nang hindi siya sumagot, umiwas siya ng tingin at hindi alam kung sasabihin ba niya o hindi. "Saan?" tanong ko ulit.

"Sa Manila." Nasa Manila ba ang poreber? Takte, hilig nila sa Manila. Papapalitan ko na lang rin talaga ng ganoon ang pangalan ko.

"Bakit ang layo naman?" Naiisip ko tuloy na talagang wala akong pag-asa sa kaniya dahil lalayo pa siya pero ayoko na lang isipin dahil mas magandang unahin ang pag-aaral niya kesa sa'kin na ganito lang.

Pero naiisip ko talaga!

Paano na lang kung makahanap siya ng iba?! Paano kung may mas pogi sa'kin? Mas sexy 'di'ba? Pero alam ko naman! Mas marami talagang mas higit sa'kin!

"Dream school ko kasi 'yon," nag-aalangang turan niya. Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Ano ba naman ang magagawa ko? Wala. Sa kaniya yung desisyon na 'yon, susuporta ako sa kung anong nagpapaligaya sa kaniya pero 'wag sana siyang makahanap ng magpapasaya sa kaniya. Gusto ko ako lang!

"Ayos lang 'yan. Unahin mo ang pangarap mo."

"Sorry, ah? Hindi ako nakakapag-chat sa'yo." Naro'n ang guilt sa mukha niya kaya ngumiti agad ako para sabihing ayos lang.

"Alam ko naman." Na busy siya. Alam ko ring halata sa tono ko ang pagtatampo pero hindi ko naman maiwasang masaktan. Nabalitaan ko rin kay Bea na malapit na ring mag-simula ang klase doon.

Naiintindihan kong naghahanda lang sila. Natural na mahirap ang College. Nakita ko sa Dete ko yung paghihirap niya bago siya makatapos ng Kolehiyo. Kaya alam ko 'yan, naiintindihan ko.

Pero hindi ko maitangging pinagkukumpara ko silang dalawa ng kaibigan niya. Paano ba kasi iwasan? Si Bea nakakapag-chat sa'kin, si Stay, hindi. Si Bea ang nagsasabi sa'kin kung anong ginagawa ng kaibigan niya o kung anong ginagawa nilang dalawa sa nagdaang araw. Bakit siya ay hindi?

Paano rin ako maniniwalang may ginagawa nga lang talaga siya, sila? Kung pinaparamdam niya sa'kin na ayaw niya... na wala pa nga kaming nasisimulan pero awat na?

Pagtapos ng gabing 'yon ay hindi siya nagparamdam, hindi ko alam kung bakit. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa palengke at pasunod na sa Mama ko. Napasinghap ako sa gulat nang may humila sa kwelyo ko sa likod at hinatak ako kaya paatras akong sumunod habang pumipiglas sa kaniya.

"Bakit mo pinaiyak si Stazie?!" sigaw niya sa mukha ko't galit na galit. Patulak niya 'kong binitawan at inayos ko naman ang damit ko. Inis ko siyang tinignan.

"Putek! Sino ka ba, ha?! Bakit nananapak ka nang bigla-big — aray ko, yawa ka!" Napahawak ako sa bibig ko. Sakit, e. Shet! May sugat pa nga ata, peste!

"Ikaw lang naman yung alam kong nakakasama niya! Alam kong ikaw yung iba niya! Tangina, pinagpalit ako sa isang basurang kagaya mo?! Ha..." Tumawa siya na parang namamangha at tsaka ngumisi.

"Ano bang sinasabi mo?! Hindi nga kita kilala tapos bigla kang susugod?! Sino ka ba?! Tapang mo, ah! Taga-dito ka ba, ha?!" sigaw ko rin.

"Baho ng hininga mo, tarantado," mariing sambit niya habang masama ang tingin sa'kin.

"Hoy! Colgate toothpaste ko! E, ikaw?! Naka-shabu ka ba?! Lakas mo. High na high, ah!" sigaw ko rin sa kaniya. Nakakainis, ah!

"Pinagsasabi mo?!" Nakakunot na ang noo niya. "Alam mo, pinapaikot mo lang ako. Bakit mo pinaiyak si Stazie, ha?! Sino ka bang tangina ka?!"

"Wow..." Ngumisi ako. "Lakas nyan brad, ah! Dapat nga ako'ng nagtatanong sa'yo nyan, e!" Inismiran niya lang ako at tinignan nang masama. "Alam mo, umuwi ka na lang. Naka-inom ka pa. Pasalamat ka at matino ako–" Napasalampak agad ako sa sahig at napahawak sa ulo ko, lintek. Nakangiwi ako sa sakit, parang gusto kong manapak, pucha. Nakakawala ng pasensiya 'tong gunggong na 'to!

Napatingin ako sa kamay ko at marami ng dugo ro'n, may bubog pa dahil sa pag-palo niya sa'kin ng bote. Parang gusto kong matulog pero iyon ang huli kong gagawin matapos kong makabawi.

Tumayo ako at pinunasan ang noo ko dahil pumapatak ro'n ang dugo. Ngumisi ako sa kaniya na halatang asar na asar naman.

Pikon naman pala 'to, e.

"Bakit ba 'ko ipagpapalit sa'yo ni Stazie? Haha! E, ang gwapings mo nga, may toyo ka naman. May toyo ka ba, ha? May toyo ka ba?" pang-aasar ko pa pero bakit parang baliktad? Ako ang nababanas sa pagmumukha niya!

"'Wag mo 'kong sinasabihan ng ganyan... dahil alam kong mas matino ako kesa sa'yo." Dinuro niya pa 'ko. Natawa naman ako. Tanga ba naman kausap.

"Sa ginawa mo, matino ka pa nyan?" Tumawa ako nang sarkastiko pero natatakot na rin dahil baka kung anong gawin sa'kin nito, kulang na nga lang mangisay ako dito.

"Tangina mo, ha. Kinakayan-kayanan mo 'ko, bata ka pa ganyan ka na. Pinalaki kang ganyan ng Nanay mo? Hahahahaha mga basura! Pwe!" Dinuraan niya ako at tumawa. Napakuyom ang mga palad ko sa sobrang gigil sa kaniya.

Hindi na ako nakapagtimpi pa at binweltahan ko na agad siya ng suntok. Tinulak ko siya pasandal sa pader at sinakal ko siya habang galit na galit na nakatitig sa kaniya.

Ngumisi siya sa'kin kahit nahihirapan nang huminga. Ang pangit pa niya habang naghahabol ng hininga tapos tatawa. Parang tanga lang!

"B-Bukod sa inutil ka... t-tanga ka pa haha. Alam kong mas... mahal pa rin a-ako ni... S-Sta—zie. Pinili ka l-lang pero ako ang b-babalik-balik... an." Hindi ko na nasundan ang pangyayari dahil napapikit na lang ako at naramdaman ang lakas ng pagpalo sa likod ko ng makapal na bote tsaka tinulak ako nang malakas.

Nagising na lang akong nasa ospital, malamang. Naalala ko kaagad ang nangyari. Nakakapikon! Gusto kong malagutan siya ng hininga!

Bakit?! Bakit niya inaagaw sa'kin si Stazie kong mahal?! Galit na galit pa, e hindi ko nga siya kilala tapos malalaman kong may karibal na lang ako?! Ako! Ako dapat ang nagagalit! Hindi siya! Ang pangit ng ugali niya!

Napatigil ako sa pag-iisip at napalingon ako sa gilid nang marinig ko ang yapak ng kung sino man 'yon, tsk!

"Magkasalubong na naman ang kilay mo." Mas lalo akong napakunot ng noo sa pagtataka.

"Bakit ka nandito? Si Stazie dapat." Galit siyang tumingin sa'kin.

"'Di'ba dapat ang Mama mo?" Napakamot ako sa ulo ko. Oo nga naman.

"Nasaan pala si Mama?"

"Hindi ko alam?" sarkastikong tanong niya.

"Hindi mo alam?"

"Oo, 'di ko alam."

"Ba't 'di mo alam?" Sinamaan niya na 'ko ng tingin. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya at bumuntong hininga.

Nagpaalam muna sa'kin si Bea na mag-ba-banyo lang na tinanguan ko naman. Pake ko ba sa kaniya kung pupunta siya sa banyo? Nagpapaalam pa, e. Tsk!

Napatuwid ako ng upo sa kamang hinihigaan ko nang makita ko si Stazie. Tatawagin ko na sana siya pero nakita naman niya na 'ko.

Ngumuso ako sa kaniya, nagpapaawa. Tiningnan niya lang ako at nakitang may inaalalayan siyang lalaki at iyon yung lalaking namugbog sa'kin! Yari talaga sa'kin 'yan kapag nakatayo ako rito!

Pero... Sa sandaling makita ko yung magulang ni Stay ay parang gusto kong lumubog sa hiya at may kasama pa silang dalawang matanda, magulang siguro 'yon nung lalaki.

Hindi ko alam. Nakaramdam na lang ako ng hiya sa sarili ko. Gwapings ngang talaga 'yon at kakilala rin ni Stazie pero sino siya? Pinili lang niya ako pero siya pa rin daw ang mahal nito?! Ha! Patawa ang gunggong! Muntik na 'kong maniwala!

"Stay." Napatingin ako kay Bea nang tawagin niya ang kaibigan. Tiningnan naman siya nito at tinanguan, mukhang nakuha naman niya iyon.

"Ako na'ng bahala sa kaniya habang wala pa yung Mama niya," sabi ni Bea. Tinanguan siya ng mahal ko at tumingin sa magulang sa gilid niya.

"Sandali lang po, Ma, Pa, ah? Mauna na po kayong lumabas, susunod ako," nakangiting paalam niya sa magulang.

Tiningnan muna ako nung Mama ni Stay at umiwas rin ng tingin. Mukhang gusto naman akong suntukin ng Mama nung lalaki pero hindi niya lang magawa kaya nauna nang maglakad. Sumunod na rin ang magulang ni Stazie roon.

Lumapit na siya sa'kin, wala akong mabasang emosyon sa kaniya. Hindi ko alam, e. Hinawakan niya ako sa ulo ko at nilagay sa gilid ang buhok ko sa noo.

"Magpagaling ka, darating na mamaya ang Mama mo. Si Bea muna ang bahala sa'yo habang wala pa si Tita." Ngumiti naman ako sa kaniya nang malapad.

"Ayos lang, mag-iingat kayo, ha?"

Iyon na lang siguro ang masasabi ko sa ngayon dahil hindi ko rin naman matanong ang gusto ko, natatakot ako.

Ngumiti na siya sa'kin at tumango tapos tiningnan pa muna ang ulo kong may benda at hinalikan 'yon pati ang noo ko.

Nakaalis na siya pero tulala pa rin ako sa ganoong posisyon. Hinampas na lang ako ni Bea para magising sa katotohanang kinikilig ako kaya hindi ako makagalaw! Nahihirapan ang pusong siya ang sinisigaw!

"Bea..." nakatulalang tawag ko sa kaniya.

"Oh? Kinikilig ka?" masungit na ani niya.

"Hays!" Ginulo ko ang buhok ko. "Aray, shet! Putek! Yung sugat kooo! Shet, shet, shet! Ang sakit putek! Peste!" Hindi ko na hinawakan pa 'yon sa sakit no'n! Tinatawanan naman ako ni Bea na hindi ko naman mapipigilan dahil mas lamang sa'kin ang pagtuunan ng atensyon ang sugat ko!







  

*

Continue Reading

You'll Also Like

244K 37.6K 98
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
190K 4.3K 67
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
125K 4.5K 23
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
55.2K 134 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report