Stazie's Resentment

By _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco More

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 1

5 0 0
By _cyriane_


Gabil Archie



"Anak, nandiyan na bumbay mo!" Napakamot ako sa ulo ko dahil sa isinigaw ni Mama.

"Sabihin mo bukas na lang, Ma!" mahinang sigaw ko at pinanlakihan siya ng mata. Tinawanan niya ako at lumapit sa'kin habang nakasiksik ang walis tambo sa kili-kili niya habang may dinudukot sa bulsa niya.

"Oh, bigay mo," sabay abot ni Mama ng bente. Lumawak naman ang ngiti ko at kinuha 'yon tsaka lumabas agad.

"Akala ko 'di ka bayad, ih," sabi ng utol ko. Nginitian ko naman siya habang napapakamot sa ulo ko at binigay na ang notebook ko para sa pag-lista ng nabayaran ko.

"Nandiyan na ba?" tanong ko.

"Kojic mo? 'Di pa, ih. Bukas pa dating order mo."

"Sige." Inabot na niya sa'kin ang notebook ko, "Salamat." Inilagay ko naman 'yon sa bag ko na nakasabit lang sa likod ng pinto namin.

"Sige, 'lamat den." Umalis na rin siya agad at nakita ko naman si crush na naglalakad. Nagkatinginan kami kaya nginitian ko siya nang malawak pero umiwas siya ng tingin at nahihiyang nakayukong nagpatuloy lang sa paglalakad.

"Nag-bi-binata na talaga ang anak ko," nakangiting sabi ni Mama. Hinarap ko naman siya at tumalon-talon habang abot langit ang ngiti.

"Ma... kinikilig ako..." Halos pigilan ko ang pag-sigaw dahil sa nararamdaman ko. Natawa lang siya.


"Dalhin mo 'to, tulungan mo 'ko." Abot ni Mama sa mga gamit niya. Madaling araw pa lang naman at nakita ko na agad siya! Sa tingin ko rin ay hindi pa natutulog si crush kaya nasa labas ng ganitong oras.

"Ma..." tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami. Tumingin naman siya sa'kin nang nagtatanong. "Mag-aral na kaya ako 'no?"

"Ngayon mo lang naisip 'yan?" Natawa naman ako. "Pero tsaka na at akala ko ay wala ka nang balak mag-aral pa kaya wala pa tayong budget para diyan." Nag-kibit-balikat na lang ako at nag-iisip na kung anong maganda at pwedeng gawin.

Nang makarating kami ni Mama sa palengke ay nag-ayos na kami ng mga gamit. Nagtitinda kami rito ng tilapia at galunggong. Kung minsan naman ay tumutulong ako kay Mama pero madalas talaga 'yon, hindi lang minsan. Ngayon lang ay napapadalas ang pag-takas ko hehe.

"Buntis ang Ate mo..." Napabuntong hininga siya habang inilalatag ang mga tilapia sa sementong mesa namin. "Kaya ikaw kung balak mong mag-aral, mag-aral ka na lang at gawing inspirasyon 'yong babaeng nagugustuhan mo." Nangangaral na sabi niya habang wala ang paningin sa'kin.

"Si Mama istrikta na naman. Tignan mo, tignan mo, oh! Yung kilay mo nakataas na naman!" Natatawang ani ko at inayos ang kilay niyang may kakapalan na sa kaniya ko namana.

"E, nako! Baka mabuntis mo pa 'yan kung sakaling maging girlpren mo, ano?" Nagpameywang siya. "Wala tayong pera, anak. Naghihirap na nga tayo ngayon, may balak ka pang pahirapan lalo ang buhay natin." Dinuduro-duro niya pa yung mga isda namin habang pinapangaralan ako. Umiling-iling na lang ako. Si Mama talaga... pati isda nadadamay. Nakadilat na nga lang, e.

"May voucher naman na po yung school namin 'di'ba, Ma? Doon na lang rin ako mag-aaral ng Senior High. Bakit ba kasi sa dinami-rami ng school, Ma, e sa private school mo pa ako pinag-aral?" At tsaka ko napagtantong kapag galing pala sa private school ay may bayad kaya wala rin ata akong magiging voucher!

"Ayos lang iyon, ano ka ba? Magandang maranasan mo rin ang dalawang uri ng paaralan. Tsaka natira namang pera 'yon ng ama mo kaya ayos lang. Tandaan mo, kahit mahirap tayo, marami akong ipon sa bangko." Hindi ko alam kung tatawanan ko ba o talagang seryoso siya kaya hindi na lang ako tumawa.

"Ma, naman!"

"Oh, ano?" natatawang tanong niya pa.

"E, sana hindi na 'ko nangungutang kay pareng bumbay ko, Mama!" Kamot-kamot ko ang ulo ko sa panghihinayang.

"Alam mo naman ang chismis sa'kin ng mga kapit bahay, hindi ba?" Nakataas na ang parehong kilay niya, nagpapaalala ng nangyari. "Na porket nakapag-asawa ng amerikano, e mayaman na tayo. 'Wag ka na lang maingay sa mga Ate at Kuya mong may ipon ako sa bangko, alam mo naman ang mga 'yon." Mabilis akong tumango nang paulit-ulit habang nakangiti pa. Mayaman na ata kami... pero lowkey nga lang.

Yung Ate ko at sabihin na nating si Kuya rin ay may pagka-mukhang pera — pero mukha naman talaga silang pera. Hindi ko na lang rin ipipilit na manghingi kay Mama dahil kilala ko naman siya. Hindi ako bibigyan nyan. Hindi naman sa pagdadamot pero gusto niyang 'wag akong tumulad sa mga kapatid kong umaasa lang sa kaniya kahit na nagkaroon na ng pamilya. Pero kahit ako rin naman ayokong manghingi kay Mama. Nakakahiya na kaya.

"Ate, magkano ho dito isang kilo?" Tanong ng isang babae habang nakaturo doon sa galunggong na talaga namang sariwang-sariwa pa.

"Ma, ikot lang ako sandali, ah?" bulong ko rito at hindi na hinintay pa ang sagot niya't agad na 'kong umalis. Marami na kasi ang bibili, pustahan.

"Kuya Boy!" Nakangiting bati ko nang makita ko siya. "Maraming nahuli?!"

"Oo, tulungan mo nga 'ko rito!" sigaw na rin niya dahil maingay sa banda rito, nasa labas na kasi kami ng palengke. "Malaman ka na 'toy, ah. Kaya mo ba?" Sabay tingin pa sa pangangatawan ko, medyo tumaba lang naman ako. Simula rin kasi nung nahinto ako sa pag-aaral panay rin ang lamon ko.

"Kuya Boy naman, syempre oo!" Tinawanan niya ako at nag-tulak na ng isa sa mga banyerang puno ng isda, gano'n na rin ang ginawa ko.

Si Kuya Boy ay medyo matanda na, nasa bente anyos mahigit na siya, gano'n. Kaibigan siya ng Kuya ko noon pero dahil medyo umangat na ang buhay ng Kuya, e nakalimutan na ata siya. Ewan ko.

Tinatak ko na rin sa isip ko ang lahat ng nangyayari sa'min at ayokong maging gano'ng matulad sa mga kapatid kong naka-depende sa ibang tao at nung katulad sa Kuya ko... nalimutan kung saan siya nagsimula at nanggaling. Walang paramdam, e.

"Nagtataka lang ako kung bakit Kuya na nga, Boy ka pa," sabi ko nang malipat na namin ang mga banyera sa pwesto ng isa sa mga nagtitinda rito.

"Nagtataka lang din ako kung bakit ka pa pinanganak ng Nanay mo para lang magtanong ng ganyan." Natawa na lang ako at hindi na nakasagot pa dahil may tumawag sa'min.

"Oh, mga beh." Abot ng pera nito sa'min. Dalawang daan sa'kin at hindi ko alam kung magkano kay Kuya Boy.

"Para sa'n po 'to?" tanong ko. Sinagi naman ako ni Kuya Boy nang mahina.

"Parang hindi mo naman alam ang daloy dito sa palengke," sabi nito. Nagtataka pa rin ako.

"Ang laki naman?" Pabulong kong tanong. Tumulong lang naman ako pero hindi ko naman inaasahang may bayad. Tsaka dalawang banyera lang naman yung nabuhat ko.

"Gusto ka nyan, bading 'yan, e." Umiling na lang ako at naiilang na nagpasalamat ro'n, hindi na rin ako babalik sa pwestong 'to, tinataga ko sa bato.

Naging batilyo o taga-buhat ng mga banyera ng isda ako ng ilang araw, inipon ko 'yon at hindi gumagastos. Iniisip kong marami akong kailangang gawin at paggamitan sa perang iniipon ko. Hindi nga iyon alam ni Mama; na kaya nawawala akong bigla ay dahil do'n.

"Woah! Panalo! Panalo!" sigaw ko nang manalo sa pustahan. "Bente, bente... akin na, men." Nakangiting ani ko habang nilalahad ang palad ko sa kanila.

"Badtrip, galing ni Gabo mag-ML!" Kamot ulong turan ni Chito.

"Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ko naman kay Danilo, onse anyos lang siya.

"Inutusan lang kasi ako ni Mama, e pambili 'to ng suka at patis," nakangusong sabi niya.

"Nako, bakit ka kasi sumali sa pustahan? Baliw ka!" natatawang sabi ko. "Sige na, sige na. Bumili ka na ro'n, next time na lang kita sisingilin, bata."

"Malaki na 'ko! Tuli na 'ko!" Pagkasabi niya no'n ay pumunta na siya sa tindahan at bumili na. Natawa na lang kami sa kaniya at siningil na ang dapat naming singilin.

"Oy, si Dora!" Mahinang sigaw ni Chito. Napatingin ako ro'n sa tindahan. Medyo malapit lang naman kami ro'n pero pakiramdam ko ang layo-layo pa rin ni crush. Myghad.

"Akala ko grade 9 lang 'yan pero sabi ng pinsan ko classmate niya daw 'yon, edi grade 12 na," sabi ni Tenten. Nakuha niya naman ang atensyon ko kaya sa kaniya ako tumabi.

"Talaga? Ano pang alam mo sa kaniya? Sa school? Ilang taon na ba siya?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Aba, pre. Malay ko naman kung ilang taon na siya."

"Ano ba 'yan!" Kamot ko ng ulo.

"Pero ang alam ko ay may boypren siya, e."

"May... may boypren?!" Nanlalaki pa ang mga mata ko.

"Oo, 'tol. Sabi lang ng pinsan ko, ah. Hindi ko sigurado." Para akong pinagbagsakan ng langit, lupa, impyerno... im-im-impyerno.

Sa mga sumunod na araw ay hindi muna talaga ako nagparamdam sa kaniya o baka hindi niya rin ako nararamdaman. Pero nakikibalita rin ako sa kaibigan niya, iyon nga rin, busy silang pareho. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ro'n sa nalaman ko gayong wala namang kumpirmasyon na may boypren na nga ang crush ko.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-iipon ng pera. Naalala ko yung binigay ko sa kaniyang bulaklak, mahal pa naman 'yon. Bente pesos nung binili ko, peke naman... pero ayos na rin, para naman sa kaniya 'yon.

Ano kayang ginagawa niya sa mga binigay ko? Tinapon niya kaya? Ilang beses ko na ba siyang binigyan no'n sa tapat ng bahay nila? Tatlo? Lima? Walong beses na nga ata, ewan ko. Tsaka kapag nagbibigay ka hindi na kailangan pang binibilang 'di'ba?

Valentines Day na pero natotorpe pa rin ako sa kaniya. Panay lang ako bigay ng kung ano-ano, kinukulit ko rin siya sa chat, nilalapitan sa gate ng school nila pero tinigilan ko na rin dahil nagalit ata siya sa'kin.

Ang bigat sa dibdib no'n kahit crush ko lang naman siya. Binigyan ko lang naman siya ng bulaklak pero nung araw na 'yon lang niya hindi tinanggap. Hays, kumirot yung puso ko dahil doon, ewan ko nga ba at ganito ako sa kaniya, e. Panay paramdam pero hindi ko kayang sabihin yung tunay kong nararamdaman. Baka akala niya siguro hindi ako seryoso sa kaniya.

Napatingin ako sa kanila nang marinig ko na ang boses niya na nakabisado ko na. Nag-aasaran sila ni Bea, kaibigan niya. Natutuwa lang rin ako kay Bea dahil sinusuportahan niya ako kahit medyo... hindi maganda ang sinasabi.

Sinabihan niya akong maligo araw-araw, mag-toothbrush kahit dalawang beses sa isang araw, mag-hilod, mag-shampoo nang mabuti, mag-tawas kasi piso lang naman daw. Hindi naman ako mabaho, ah?

"Archie!" tawag sa'kin ni Bea. Naiilang ko naman siyang nginitian. Hindi ako sanay ng tinatawag sa Archie. Sanay ako sa Gab o Gabo.

"Hi," bati sa'kin ng crush kong si Stay, yun ang tawag sa kaniya ni Bea, e. Gagaya na lang rin ako tsaka unique rin kaya.

"Hehe hello." Nahihiyang aniya ko pa habang pinupunas ang kamay sa short ko dahil nagpapawis sa kaba. Kinakabahan ako kapag malapit siya, e.

"Saan ka? Sama ka sa'min. Kakain kami sa karindirya, rarara!" At paano pa ako tatanggi? Hinila na niya ang mahal ko. Wala na rin akong nagawa at sumunod na rin sa kanila, tsaka isa pa, maganda na rin 'to. Feeling ko nga si Bea ang tulay ko para mapalapit sa kaibigan niya. Advance salamat.

"Anong gusto niyo?" tanong ko.

"Ikaw daw," mapang-asar na aniya ni Bea. "Ikaw gusto ni Stay manlibre! Hahaha sige na, libre mo kami, ha?" Humagikgik pa siya at syempre... ano ba ang magagawa ko? Ngumiti nang bukal sa loob.

"Sige ba," saad ko.

"Gusto ko no'n, pati ayun, tsaka eto at... coke." Napalunok naman ako sa sinabi ni Stazie.

"Gano'n na lang rin sa'kin," sabi ni Bea. Bumili na lang rin ako... sopas para sa bigat ng bayarin. Pagkaupo namin ay natatawa pa si Bea habang nakatingin sa'kin at tuminging muli sa pagkain ko.

"Ba't ayan lang?" tanong nito.

"Ano... hehehe busog ako," sabi ko habang may pag-hawak sa tiyan. Kung sanang nadala ko yung pera ko, e. Hays, saklap.

"Sa ganyan mong kalaki, busog ka?" tanong ulit niya. Sobra na 'to, ah. Chubby lang naman ako pero hindi naman ako ganoong kalaki! Sarap hilahin ng buhok neto, amp! Tapos ititirintas ko lang hehe.

"Bumili ka pa do'n..." sabi ni crush habang natatawa. "'Nagbibiro lang naman, e 'wag kang mag-alala kami ang magbabayad nito."

"Hindi, ako na. Ako lalaki dito, e."

"Ah, gano'n? Akala ko bakla ka haha charot." Bakit pati ang mahal ko? Bakit parang pinagkakaisahan nila ako? Pero naging masaya rin ang naging araw ko dahil sa mga kwento ni Bea, marami na tuloy akong nalalaman tungkol sa kaniya. Kahit na halos kami na lang ni Bea ang nag-uusap at tahimik si crush. Nagsasalita lang siya kapag kokontra siya sa sinasabi ng kaibigan.

"Pwede bang sunduin mo 'ko ngayon? Hindi ko kasi alam 'to, e," sabi ni Stazie sa kabilang linya. Nahihimigan ko ang balisa sa boses niya kaya hindi na ako nag-dalawang isip pang um-oo.

"Nasaan ka? Sinong kasama mo?" tanong ko habang nagpapalit na ng damit. "Ano?"

"Nasa Luneta. Hindi ko kasi alam paano bumalik pauwi, e. Sige na, Archie... pasundo." Ang hinhin talaga ng boses, kahit nung unang usap namin ay kahit inis na siya ay kalmado pa rin ang boses niya. Parang galit na bata lang, pfft.

"Sige sige, hintayin mo 'ko diyan, ha?" Binaba ko na ang tawag para makapag-bihis nang maayos.

Nag-shirt ako ng puti at nag-pantalon na maong tsaka nag-rubber shoes. Kinuha ko rin lahat ng pinag-ipunan ko para kung sakaling mag-kulang ang pamasahe o kaya naman ay may bilhin kami ay meron akong pera.

"Ma, sunduin ko muna si crush, ha!" Paalam ko at uminom ng tubig.

"Saan naman?" Ayan na naman yung kilay ni Mama na parang naghahamon ng away.

"Sa Luneta, Ma. Hindi niya alam pauwi, e siya lang ata mag-isa do'n." Pag-explain ko.

"Oh, sige sige, mabuti pa nga. Mag-ingat kayo, ha. Oh, eto pera, mag-date na rin kayo." Inabot niya sa'kin ang one fifty na para sa'kin ay malaking halaga na.

"Ma, naman..." Napapakamot ang ulong sambit ko pero kinuha ko rin habang nakangiti. Siguro nasa magandang mood si Mama, sheesh!

"Oh, ano? Problema mo ba?" Sungit!

"Kinikilig ako. Sabi mo mag-date kami e!" natatawang sabi ko.

"Ay, sus, ginoo. Bilisan mo na at hinihintay ka na ng batang 'yon."

"Mukha lang 'yong bata pero mas matanda pa sa'kin 'yon bwahahaha!"

"Ligwak ka do'n kapag matagal mo pang pinag-hintay! Kami ha, ayaw namin ng pinaghihintay kami!" Nakapameywang na naman siya at tinuturo pa ang mukha ko.

"Eto na! Babye, Ma! Labyu! Bwahahaha!" Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi!

"Siraulo ka talaga." Napapailing-iling na tugon niya, para bang kinakahiyang anak ako pero ako natatawa sa excitement at tuwa.

Uminom ulit ako ng tubig at parang matutuyuan ata ako ng lalamunan. Lumabas na rin ako at nag-flying kiss pa kay Mama habang tumatawa pero inilagan niya lang. Psh. Okay lang, sanay na 'ko.

Nag-hintay ako ng jeep sa kanto namin at jineep ko na lang papunta sa Luneta. Kaya naman, e. Nagpa-gwapo muna ako dahil alam ko na kung saan siya hahanapin. Chinat niya sa'kin.

Naalala ko tuloy noon, dito kami namamasyal nila Daddy ko kasama ang mga kapatid ko. Ang saya pa namin dati. Namatay kasi si Daddy. Idol ko pa naman siya. Sundalo 'yon, e sayang at hindi niya ako matuturuang kumasa ng baril tapos pagmamahal ang bala no'n. Ipuputok ko talaga 'yon kay Stazie nang walang pag-aalinlangan.

Napangiti ako nang makita ko na siya. Lumapit na rin agad ako.

"Stay, wala kang kasama?" Hindi niya kasi nabanggit kung meron nga ba o wala siyang kasama. Umiling naman siya pero ngumiti pa rin kahit halata ang takot at pagka-balisa sa kaniya.

"Salamat at dumating ka na," sambit niya habang may maliit na ngiti sa labi dahilan para mas lumaki naman ang pagkakangiti ko.

"Stazie?" Napatingin kaming dalawa sa tumawag na 'yon. Lalaki. Medyo matangkad pero mas matangkad ako ng konti. Matured na ang katawan, mukhang matanda na. Ang ibig ko palang sabihin ay mas matanda lang siya sa'min. Mga bente siguro mahigit.

Sino ba 'to?

"Sasabay ka ba sa'kin?" tanong nito. Kinabahan naman ako bigla dahil baka ito ang boypren na sinasabi ni Tenten. Nagpalipat-lipat na ang tingin niya sa'ming dalawa ni Stazie. "Sino 'yan?" Napalunok naman ako at baka biglang manapak 'to.

"Ah... kaibigan ko," sagot ni Stay. Tiningnan ako nung lalaki at pinasadahan pa ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Ihahatid ka ba niya?" Ano ba namang klaseng tanong 'yan, e syempre ako ang nandito, matik na 'yon 'no!

"Ano..." Tiningnan ako ni Stay nang nag-aalinlangan. "Oum. Siya na ang maghahatid sa'kin, ingat kayo." Ngumiti pa siya rito.

"Sige, ikakamusta na lang kita sa bahay." Pumihit naman siya sa'kin paharap kaya pinatapang ko ang sarili kong itsura. "Ingatan mo 'yan, prinsesa ko 'yan." Ngumiti pa siya at naaasar naman ako do'n! Ngumiti na lang rin tuloy ako, pilit pa. Putek talaga, papakain ko sa kaniya yung putek kung sino man siya.

"Akong bahala, salamat po." Mukhang natatae na siguro akong nakangiti sa harap nila ngayon.

"Sige." Tinapik niya pa ako sa balikat ko. "Ingat kayo, ha. Stazie, tawagan mo 'ko kapag nakauwi ka na."

"Okay, ingat ka rin." Ngumiti pa siya. Bakit parang ang tamis nung ngiti na 'yon?!

"Alam mo naman pauwi 'di'ba?" tanong niya nang makaalis na yung lalaki, naiilang pa siyang ngumiti. Tumango lang ako. "Dito muna tayo, mag-ga-gabi na, gusto kong makita yung colorful na fountain." Tumango na lang ako sa kaniya.

Wala kaming imikan, ilang minuto na rin kaming naglalakad. Nawalan ako ng ganang makipag-usap, e. Iniisip ko yung lalaki kanina. Sino ba kasi 'yon? Ayoko namang mag-tanong, natatakot ako sa sagot. Baka... matigil ang kung ano'ng meron sa'min ngayon. Pero nakaka-guilty naman kung boypren niya pala talaga 'yon, ano?

"Ang tahimik mo... ayaw mo ba 'kong kasama?" Natatawang tanong niya. Umiling agad ako.

"Gusto... syempre." Napangiti na agad ako dahil nakangiti siya sa'kin ngayon.

"Nagseselos ka ba?" Napatingin ako agad sa kaniya. "Nagseselos ka nga haha seloso ka pala, ha?" Nang-aasar na ang tinig niya, tumigil din sa pagtawa. "'Wag kang mag-alala, pinsan ko lang 'yon."

Putek. Para akong nabunutan ng tinik.

"Talaga? Totoo?" Natawa na naman siya.

"Oo nga. Pinsan ko 'yon... tignan mo pauwi na sila ng pamilya niya." Sabay turo niya pa doon sa kinatatayuan ng lalaki. May kasama nga siyang isang babae at dalawang batang lalaki.

"Mga anak niya 'yon?" paniniguro ko pa.

"Oo, maaga siyang nag-asawa, e." Tiningnan niya ako at natuod naman ako nang kinawit niya ang kamay sa braso ko tsaka ngumiti nang malawak. Nagpatitig naman ako sa maganda niyang ngiti. Para akong nasa alapaap. Ang ganda niya talaga kahit simple lang.

"P-Pero... may boypren ka daw, e?" Kinakabahang tanong ko pero natawa pa siya at may pag-hampas pa sa braso ko. Nang mahimasmasan ay paulit-ulit siyang umiling sa'kin.

"Matagal na kaming hiwalay kaya..." Binalik na niya ulit ang pagkakahawak sa braso ko, nanatili naman ang tingin ko ro'n. "'Wag kang mag-alala, date natin ngayon." Wala sa sariling napangiti ako, hays! Ang rupok, amp! Napapangiti na lang ako bigla!







*

Continue Reading

You'll Also Like

85.5K 2.2K 32
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
124K 236 17
Just a horny girl
1.1M 55.8K 83
"The only person that can change Mr. Oberois is their wives Mrs. Oberois". Oberois are very rich and famous, their business is well known, The Oberoi...
36.4K 974 82
In which Kim Saena is in a groupchat with a bunch of idiots Or In which Bangchan finds himself inside a groupchat with a bunch of delusional fans ~~★...