LABYRINTH ACADEMY SEASON II L...

By asrah028

1.8M 37.2K 7.6K

WATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, d... More

LABYRINTH ACADEMY SEASON II
CHAPTER 1: CHEAP
CHAPTER 2: NEW SCHOOL
CHAPTER 3: BLANK
CHAPTER 4: LIES
CHAPTER 5: HMMM
CHAPTER 6: KIMI GA SUKI
CHAPTER 7:GUMMY BEAR
CHAPTER 9: GAME OVER
CHAPTER 10: NO MORE FRIENDSHIP??
CHAPTER 11: WORKING STUDENT
CHAPTER 12: SEARCH IS OVER
CHAPTER 13: HOME
CHAPTER 14: DAMOVES NI DANGER
CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A
CHAPTER 16: REGRETS
CHAPTER 17:ADDICTED
CHAPTER 18:OFFICIAL
CHAPTER 19: MALAPIT NA
CHAPTER 20:PLAYING SAFE
CHAPTER 21:
CHAPTER 22
CHAPTER 23:WAKE UP CALL
CHAPTER 24: SURPRISES
LABYRINTH ACADEMY II:...
FINALE
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT TO MY DEAREST.. ESKEPIKS

CHAPTER 8: COMPLICATED

52.2K 1K 159
By asrah028

ADVANCE HAPPY PUSO DAY! Sa mga may date, i enjoy niyo lang. Sa mga walang ka date, huwag bitter. :)) Mag hintay lang tayo, dahil alam ko ibibigay din ni GOD yung para sa atin. Hayaan natin yang mga may date! Atleast magaganda tayo! ^______^

Yun nga lang mas blooming bukas yung mga may date. ahahah

o sige na! tatahimik na ako.. Enjoy Guys!! :))

CHAPTER 8: COMPLICATED

KINABUKASAN

TAO

Nagising ako ng maramdaman kong nangi-nginig sa sobrang lamig si Twaylem. Ng hipuin ko yung noo niya,

''Ang taas ng lagnat niya!'' matara-taranta akong lumabas ng kwarto at ginising si kuya Uno. Halos hindi siya makapaniwala na nasa bahay si Twaylem.  Kumuha narin ako ng basin na may luke warm water, tsaka face towel.

''Hindi ko alam bat nagkasakit siya kuya.. Gagaling siya diba?''

Tumingin sa akin si kuya Uno. At bahagyang ngumiti..

''Magiging okay din siya, lagnat lang yan. Sakitin lang talaga yang si Twaylem. Siguro nahamugan lang yan kagabi..'' tinap ni kuya Uno yung right shoulder ko.

''Nakikita ko kung gaano kahalaga si Twaylem sayo. Ituloy mo lang yan ha Tao? Pero sa totoo lang, disappointed ako sa sarili ko. Sinubukan kong kausapin si Dad tungkol kay Twaylem.. Pero hindi niya ako pinakinggan.'' bakas sa mukha ni kuya Uno yung pagkalungkot at pagka dismaya..

''Hindi ko man siya kadugo.. Pero mahal ko tong kapatid ko na to. Kahit anong mangyari, she will always be my one and only baby princess.'' ngumiti ito sa akin.

''Whats the meaning of this?!'' nagulat kaming dalawa ni kuya Uno ng biglang pumasok si Dad sa kwarto. Galit na galit ito, nilingon ko yung mgaa maids at halos hindi sila maka tingin ng diretso sa akin.

Akala ko ba next month pa ang balik niya dito?? Pero..

''Diba ang sabi ko, huwag na huwag niyong papasukin yan sa bahay ko?!'' lumapit ito kay Twaylem, at hinila niya ito papatayo.

''Dad, Can't you see it?? She is damn sick! Let her rest!'' sigaw ni kuya Uno, habang hinihila niya pabalik sa kama si Twaylem.

''You shut up Uno.'' hindi ito nakinig kay Kuya Uno.

''No Dad you shut up! Hindi kami robot na susunod sayo. May buhay kame! Akala ko ba gusto mo akong sumaya? Pero sa ginagawa mong to.. Binibigyan mo ako ng reason para kamuhian ka lalo!''

''Listen young man, Ginagawa ko to para sayo. Hindi ako papayag na sa isang kagaya nya lang mapupunta ang anak ko.'' napansin kong napa look down nalang si Twaylem habang akay-akay siya ni kuya Uno.

''Twaylem, magkano ba ang kailangan mo para lubayan mo na ang anak ko?'' inalalayang tumayo ni Kuya Uno si Twaylem at kahit bakas sa pag mumukha nito ang panghihina.. Hinarap niya pa rin yung daddy ko.

''Hindi mo naman ako kailangan bayaran para lubayan ko ang anak mo.'' liningon ko ito at hinawakan sa magkabilang braso, tsaka sinabing

''Twaylem anong pinag sasabi mo??''

''Diba malinaw na sa usapan na lalaayuan mo na siya??'' nung tumingin sa akin si Twaylem nakaramdam ako ng matinding awa.

Kung hindi siguro ako dumating sa buhay nila, siguro hindi siya nahihirapan pa ng ganito.

''Yeah.. Lalayuan ko siya.''

''Stop threatening her! Minsan sa buhay mo naging anak mo siya.'' hinawakan ni Twaylem yung kamay ko..

''Okay lang ako Tao, hindi mo kailangang mag alala.. Uuwi na ako.''

''Alam mo na siguro yung daan palabas ng bahay na to.''

''TWAYLEM BUMALIK KA NGA DITO!'' sigaw ko dito, pero dire-diretso itong lumabas ng kwarto ko. Sa sobrang galit ko hindi ko napigilan na awayin ng daddy ko.

''Bakit hindi mo matanggap na mahal ko si Twaylem?!''

''Gumising ka sa kahibangan mo Tao, ngayon pa lang puputulin ko na yang mga sungay mo. Starting from this day, pag katapos mo sa school diretso kana sa bahay! You understand that!?!'' pagkatapos nun umalis na sa kwarto yung daddy ko.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto, baka maabutan ko pa si Twaylem. Nang makalabas na ako ng bahay, tama nga ang hinala ko, hindi pa ito tuluyang nakakalayo.

''TWAYLEM!'' hindi niya ako liningon, tumakbo akao ng mabalis para maabutan siya.

''Twaylem, ihahatid na kita.''

''Hindi na Tao. Kaya kona..'' pinilit niyang ngumiti kahit na bakas na sa mukha niya na naiiyak na siya. Hindi ako nakapag pigil at yinakap ko siya ng mahigpit.

Napaiyak ko nanaman siya… Umiiyak nanaman siya ng dahil sa akin.. Hanggang kalian ba magiging masaya yung love story namin? Bakit ba kailangan napakaraming hadlang sa buhay ng tao? Alam ko naman sinusubukan lang ni God yung samahan naming dalawa, pero sana…

Huwag naman sanang dumating sa puntong, siya na mismo yung sumusuko na.

TWAYLEM

“Anong nangyare diyan?” tanong nit okay Tao.

“Linagnat.” Tinuro ni Danger yung kwarto ko kay Tao.

“Twaylem, babalik ako mamaya ha?”

''Sige pare, ako nalang munang bahala sakanya..'' sabi ni Danger habang naka sandal sya dun sa amba ng pinto at umiinom ng yogurt drink.

''Pag balik ko magiging ayos na ang lahat. Basta, huwag kang bibiyaw ha???'' tumingin lang ako sakanya at nag nod. Pag katapos nun umalis na siya ng tuluyan.

''Alam mo? Kung ako sayo Twaylem bre-breakan ko na yang si Tao.'' hindi ako kumikibo, dahil wala ako sa mood.

''O tignan mo, umiiyak ka nanaman. Ilang beses kabang iiyak ng dahil sa lalaking yun? Sayang lang luha mo. Kase paulit ulit nalang.'' liningon ko ito at sinigawan.

''ANO BANG PAKEALAM MO SA BUHAY KO?!''

''Paano kung makipag break siya? Yung hindi ka na niya balikan??'' bigla tuloy akong napaisip sa tanong ni Danger.

''Tinatanong kita ng ganto, para kung dumating nga yung araw na mag break kayo.. handa kana. Walang relationship na permanente, kase lahat ng bagay na binibigay sayo.. Hiram lang lahat ng yan. At pag kinuha na sayo, maaring bumalik ito sayo.. Kung para sayo talaga.'' hindi ko pa rin ito pinansin..

''Pero mahal ko siya.. Mahal na mahal.'' tinawanan lang ako ni Danger.

''Bahala ka sa buhay mo. Mahal mo siya, kaya lang nag mumukha ka ng tanga.'' sabay labas niya ng kwarto.

Hindi ba pwedeng masaya nalang palagi?? :((

KINABUKASAN SA LA

''Fifi, napapansin ko bat parang namumutla ka these days?? May sakit kaba??'' hinipo ni Donald yung noo ko.

''Wala akong sakit..'' tinaboy ko yung kamay niya.

''Pero siryoso nga Twaylayt. Namumutla ka nga, o baka naman may ano ka ngayon.'' kumunot yung noo ko sa sinabi ng gag0ng Britt na toh.

''Ano??!''

''Yung.. Yung.. Meron yung babae na wala kame.'' tsaka pinag connect ni Britt yung mga hintuturo niya..

''Ahhh! Period??'' sabay sabay nilang sabe.

''WALA AKONG PERIOD NGAYON! Tantanan niyo nga ako, okay lang ako. Kulang ako sa tulog. Huwag kayong o.---'' nanlaki yung mata ni Donald na para bang may gusto itong ipahiwatig.

''O-EMMMM.. Baka naman..'' nagtinginan nanaman sila..

''BUNTIS KA?!''

''Friend, di mo na pigilan no??'' Riyee added. Tumawa-tawa pa ang sira.

''Basta, ninong at ninang kaming lahat!'' saad pa ni Kyd.

''Gusto mong mabaog ha Donald?! Ang dudumi ng tumatakbo diyan sa mga ulo niyo. Hindi ako buntis! Makalayas na nga dito.'' padabog akong umalis ng canteen. Nawalan na ako ng ganang kumain.

Sakto namang pagkalabas ko ng canteen nakita ko si Darth.

''Bespren!!'' halos mapalundag ito ng makita niya ako.

''Himala? Anong nakain mo at tinawag mo akong bespren?? Diba ayaw mong tinatawag kita ng ganon??''

''Ngayon lang naman e.. TARA NA! SIGE NA, INOM NA TAYO.''

''Aba! Ilang araw lang tayong hindi nag kita at naging lasenggera kana?? Hulaan ko.. May problema kayo ni..''

''Sasamahan mo ako diba??''

''Sige! Sige.. basta libre mo.'' nag okay sign ako at umalis na kami. Dumeretso kami dun sa bar kung saan nag pe-perform sina Darth.

DARTH

Hindi ko maintindihan bakit ayaw niyang mag kwento ngayon sa akin, e samantalang dati kahit natatae lang siya i kwe-kwento niya pa.. Ngayon wala.

''Twaylem cr lang ako hah?'' ngumiti lang ito at diretso pa rin sa pag inom.

Pero napaatras ako ng bigla kong makita si Tao. Kasama niya yung classmate niya.. Kung hindi ako nag kakamali Danita ang pangalan nun. Pasimple ko silang pinag masdan, at sinundan silang dalawa papalabas nung bar.

''Tao, pwede bang ako nalang yung maging girlfriend mo?? Pwede kong palitan si Twaylem. Pwede ko siyang gayahin. Kahit anong gusto mo, gagawin ko!'' pag mamakaawa nito kay Tao.

''Huwag mong gawing nakaka awa yung sarili mo. Maganda ka Danita, pero kahit anong gawin mo si Twaylem lang yung gusto ko.''

Nagulat ako ng biglang yakapin ni Danita si Tao.

'nababaliw na siya!' sabi ko sa sarili ko..

''I Love you Tao Gonzales. I love you..''

At lalos na ikinabiglaa ko pa ng biglang halikaan no Danita si Tao sa labi.

''Akala ko ba mag c-cr ka anong ginagawa mo dito??'' nanlamig ako ng bigla kong marinig ang boses ni Twaylem. ''Anong tinitignan mo diyan??''

''Wa... Wala!'' inextend ko yung dalawang kamay ko. Para hindi niya makita yung ginagawa nina Tao.

''Saglit nga!''

Itinulak ako papalayo ni Twaylem.. Napa hampas nalang ako sa noo. Dapat hindi niya nakita to.. Ang tanga mo Darth!

TWAYLEM

Bago ko tuluyang makita si Tao na may kahalikang iba, may tumakip ng mata ko, at yinakap ako.

''Pangit ang view, kaya huwag kang tumingin.. It might hurt you.. Kaya its better kung huwag ka ng tumingin pa.'' naiyak nalang ako nalang ako dahil hindi ko ineexpect yung  nakita ko.

Halos matulala ako at hindi na makapag salita sa nakita ko. I found myself crying again.

BACK TO DARTH'S POINT OF VIEW

''Twaylem tama na yan..'' pag aawat ko kay Twaylem. Dire-diretso kase itong lumantak ng alak! Bottoms up kung bottoms up ang ginagawa niya.

''Huwag ka nga! Hayaan mo siyang mag lasing.'' sabi naman ni Danger.

''paano kung mamatay yan diyan?!'' ma praning praning na sabi ko dito.. ''Hindi mamatay yan. Hayaan mo lang siyang mag lasing, kahit paano maibsan niya ng kaunti yang matagal niya ng dinadalang mabigat diyan sa dibdib niya.''

''Baket? May hallow blocks ba yang dibdib niya kaya mabigat??''

''Alam mo? Parang ikaw din yung si Tao e, may pag katanga rin. Ganyan ba talaga kayong mag kakaibigan?? Puro slow ang utak?'' sarcastic na sabi niya sa akin. ''Malay ko ba diyan sa sinasabi mo.''

''Pero kung ako diyan kay Twaylem?? Bre-breakan ko na yang si Tao.''

''oo, tas liligawan ko siya nun.'' sabi sa akin ni Danger. Liligawan daw.. mukha niya! =______=”

Tignan ko lang kung hindi ka kuyugin ng mga Takatak Boys.

Pero hindi naman kasi mahirap mahalin tong si Twaylem. Ayoko lang sakanya, kase masyadong moody. At isa pa, pag galit kulang nalang patayin ka! Kase pag si Twaylem ang galit..

Damay damay na lahat!

''Pero malabong mag break yung dalawang yan, masyado silang inlove sa isa't isa. Kaya kung pwede lang pare, huwag ka ng umeksena pa.'' sabay pat ko sa balikat niya. ''Gusto mo tayo nalang'' matawa-tawang sabi ko sakanya.

''Wanna die?''

''Di uso sayo yung joke no?'' alangan na sabi ko habang siya naman naka tingin lang kay Twaylem. ''Huwag mo nga akong kausapin, wala kang sense kausap.''

Wow, nag salita ang may sense kausap.

''Uuwi na ako, umuwi kana din. Dun sa bahay ko, dun muna mag sta-stay si bespren Twaylem ko. Mahirap na baka mamaya anong gawin mo sakanya.'' tumayo ito at kwinelyuhan ako.

Aba, kahit medyo maliit ng konti sa akin tong kumag na to.. Nakakatakot din pala.

''pag di kapa talaga nag tigil, hindi na ako magalawang isip na tuluyan ka. Sa apartment ko, dun nakatira si Twaylem. Kaya huwag ka ng umeksena pa.. Tsaka dumadamoves ako para breakan niya na si Tao!''

''so gusto mo siya?''

''Tinatanong paba yun??''

DANGER

''AHH! BAHALA KA SA BUHAY MO, IKAW NA BAHALA SAKANYA.'' tumigil ito sa kakadakdak at bigla niyang inilabas yung cellphone niya.

''Pre, mag pause ka muna.'' sabi niya sa akin. Weirdo tong isang to, mukhang mayabang pero aanga-anga.

''Para saan yan?'' sabi ko.

''para in case na hindi na namin makita bukas si bespren Twaylem ko.. yung picture mo ang ipapakita ko!'' sabay tawa nito. Siyempre, naki tawa ako kahit konting-konti nalang at bibingo na sa akin tong b*gok na to.

''Linoloko mo ba ako??'' sabi ko sakanya.

''Aalis na nga ako! Basta, ikaw na bahala sa bespren ko.'' pagkatapos nun umalis na siya.

Pinagmasdan ko kung gaano kaganda si Twaylem habang nakasubsob yung mukha niya sa mesa. Nagsasalita ito pero naka pikit yung mata.

Bigla-bigla pa'y nag ring yung telepono niya, ng tignan ko kung sino yun.. Si Tao ang tumatawag.

''kapal naman talaga ng pag mumukha mo, sinaktan mo na nga tatawagan mo pa?'' gusto kong i wasiwas yung cellphone ni Twaylem nung mga oras na yun. Pero hindi ko magawa..

Kase kahit papaano, boyfriend niya pa rin yun.. At kaibigan niya lang ako.

''Kung sa akin ka napunta? Kahit isang luha hindi ko hahayaang bumagsak galing diyan sa mga mata mo. Kahit ikaw yung may kasalanan? Ako pa rin yung mag so-sorry.. Hinding hindi ako mag tataas ng pride twing may hindi tayo nagkakaintindihan.. Kase..''

hinawakan ko yung mukha niya..

''Mahirap hanapin yung tulad mo. Kahit na pangit yung ugali mo sa ibang tao, para sa akin bale wala yun. Kase parte yun nang pagkatao mo.. Tatanggapin kita kahit minsan may pagka gangster ka.''

Hindi ko talaga maintindihan yung mundo, binabasura ng iba yung babaeng pinapangarap ko.

 

TAO

''Bakit ba hindi niya sinasagot yung tawag ko??'' alalang alala na ako, dahil kanina ko pa siya tinatawagan at kahit HA o HO wala akong natatanggap sakanya. 

Nang aktong tatawagan ko ulit to.. Nakita ko naka piggy back siya kay Danger. At lasing na lasing ito, nag madali ako para kuhanin si Twaylem kay Danger.

''Anong nangyare? Bat nag lasing siya?'' tanong ko kay Danger. Nakatingin lang si Danger sa akin, yung tingin na konti nalang at babangasin niya na ako.

''Diba dapat alam mo kung bakit nag kaka ganyan siya??'' sagot naman nito sa akin. Walang reaction yung mukha ni Danger, pero malakas ang pakiramdam ko na may ginawa tong gagong to sakanya.

Nang maipasok at maihiga na namin si Twaylem sa kwarto niya, lumabas na kaming pareho. Kumuha ito ng dalawang beer.

''Nakita kayo ni Twaylem kanina.'' napakunot yung noo ko.

''Nakita? Anong ibig mong sabihin??''

''kayong dalawa ni Danita. Nung hinalikan ka niya.''

''Ahh, dahil dun nag lasing siya?? Tss, sira na talaga ulo niya! Kahit naman mag hubad sa harapan ko si Danita di ko papatusin yun. Si Twaylem lang yung gusto ko.. Siya lang at wala ng iba.'' bahagyang ngumisi si Danger sa sinabi ko.

''Pre kahit walang namamagitan sa inyo ni Danita, sa ayaw at sa gusto mo mag kakamalisya yun kay Twaylem. Lalo na't harap-harapan niyang nakita yung pag halik niya sayo.'' bigla tuloy akong kinutuban..

''Magkasama ba kayo kanina??'' at the same time, nakaramdam ako ng selos. ''Hindi kami magkasama.. Napa tsempo lang na nandun ako nung nandun sila ni Darth.''

Pahamak talaga yang Danita Torres na yan. Asar! Kailangan kong mag paliwanag, pero paano kung hindi siya maniwala?? Anong gagawin ko?? Daaaaaaamn!

''Matanong nga kita Danger, nag kakagusto ka naba sa girlfriend ko??'' nakatingin lang ito sa lata nung beer.

''hindi mahirap mahalin si Twaylem, at nakakasigurado ako na alam mo din kung bakit.'' so ang ibig sabihin nito.. May gusto nga siya kay Twaylem??

''Pare, kung wala kang balak na ingatan siya.. Pwedeng akin na lang siya??''

Nung sabihin niya yun, para bang binuhusan ako ng malamig na malamig na tubig. Ganon ba talaga ako? Na hindi ko siya kayang ingatan?? Pero hindi ko naman ginugusto yung mga nangyayari sa aming dalawa.

''Hinde, hindi ko siya ipapaubaya sa iyo. Akin lang si Twaylem!''

''Pero pag nakita ko ulit siyang umiiyak ng dahil sayo, sa ayaw at sa gusto mo.. Sapilitan ko siyang  kukunin sayo kahit magkamatayan pa tayo.'' pagkatapos nun, tumayo na ito at dumeretso sa kwarto niya.

Anong gagawin ko ngayon? Baka iwanan ako ni Twaylem..

Hindi ba talaga kami para sa isa't isa??

itutuloy.. 

Continue Reading

You'll Also Like

529K 27.4K 56
What would you do if you have given the chance to live out in your favorite novel? Misty, a normal high school student was reading her favorite novel...
10.3M 237K 85
Just when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.
232K 6.1K 24
WARNING: Based on a true horror story "WAG KANG HIHIRAM!" Highest Rank #3 in Horror ♡ HIRAM Trilogy Book 1: Hiram: Ang Simula Book 2: Hiram: Ang Pagb...
454K 12K 26
SECTION A, B,C,D? Saang section ka nababagay?