The Heirs (On-Going)

By MissCLuna

2.9K 120 2

Teen Fiction|Trigger Warning|RomCom Isang paaralan na punong puno ng taga pagmana at mayayamang estudyante ay... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 2

104 14 0
By MissCLuna

Chapter 2 : Syinara's POV

"Paanong nandito ka?!" Tanong nitong unggoy na 'to.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong pake mo kung nandito ako? Hindi ba ako pwede dito, ha?!"

"Pero mayayaman lang nakakapasok dito. Kaya paanong... huwag mo sabihing ikaw yung kasama ni Jired Hans?!"

"Oo, kasama niya ako! Teka nga, bakit ba ang dami mong tanong? Hindi ba ako pwede dito, ha? Bawal ba ako mag aral?!"

"Kung ayaw mo akong magtanong huwag ka rin sumagot!"

"Ay hanep. Hoy unggoy, kasalanan ko pa talagang sinasagot ko tanong mo? Pasalamat ka nga sinasagot pa kita!"

"A-anong... anong unggoy- what!? Unggoy!? Mukha ba akong unggoy?! Sa gwapo kong 'to?! Ha!"

"Gwapo ka? Gwapo ka? Saan banda? Hindi ko makita! Clown ka ba sa past life mo? Nagpapatawa ka eh!"

"I'm not a clown! Bulag ka kasi! Alam mo bang habulin ako ng babae? Syempre hindi! Wala ka naman dito eh!"

"Tanong mo, sagot mo! Leche! Siraulo ka! Baliw!"

"Gurang na babae! Bulag ka! Bulag!"

"At least maganda! Hindi ka lang kasi talaga gwapo! Tanggapin mo na!"

"Kita mo na! Kita mo na! Bulag ka talaga! At saka ano?! Ikaw? Maganda? Sus! Mangarap ka lang!"

"Bakit ko pa papangarapin kung nasa akin na?"

"Grr-"

"Hep hep hep! Tama na! Tama na! Ano ba kayong dalawa? Kakakita niyo lang para na kayong aso't pusa! Paanong magkakilala kayo?!" Singit ni Clark.

"Magkakilala kayo?" Tanong ko habang hinihingal kakasigaw kanina sa garapatang unggoy.

"Oo."

"Obvious ba? Tss."

Inirapan ko lang ang unggoy. Bwisit.

"Oh, nandyan ka na pala Keidi." Napatingin kaming tatlo kay Tito Jie na sumulpot sa gilid namin. "Syinara, Keidi will guide you to your dorm."

"Po?! Siya?! Bakit siya?" Tanong ko na ikinataka ni Tito Jie.

"Kilala mo ba si Keidi, Hija?" Tanong niya.

Ngumisi ako. "Wala po akong kilalang unggoy."

"H-hoy! Manahimik kana, ah!" Sabi nitong nasa gilid ko pero hindi ko siya pinansin.

"Oh, you already know each other. By the way, Clark why are you here?"

"Susunduin po sana si Syinara. Pero mukha hindi na kailangan hehe."

"Kilala mo rin si Syinara?"

"Yes po."

Napatango tango si Tito Jie at tumingin sa akin. "Mukhang marami kang kakilala, ah? Anyway, Keidi guide her to her dorm, she needs to rest."

"Noted."

Tinignan ako ni Keidi bago kuhanin ang dalawa kong maleta at naunang maglakad. Inirapan ko siya kahit nakatalikod na siya bago tumingin kay Tito Jie.

"Salamat po ulit, Tito. Una na po ako." Paalam ko at hinila narin si Clark para sumunod kay Keidi. Ayokong kaming dalawa lang ni Keidi, 'no! Baka magrambulan lang kaming dalawa.

"Syinara, kilala mo si Keidi? Paano?" Tanong ni Clark sa tabi ko at nilalaro ang mabalbong pusa habang naglalakad kami.

"Ang dami mong tanong. Basta magkakilala kami." Sagot ko at pasimleng tumingin sa paligid.

Halos lahat ng estudyante ay napapatingin sa amin. Ano bang meron? Sabagay, gwapo itong dalawang 'to. Teka, sino ko bang gwapo si Keidi?! Tss. Oo na. Gwapo sya. Pero ayokong sabihin sa kaniya. Inborn na kaming enemy.

"Sungit. Mayroon ka ba ngayon?" Tanong nanaman ni Clark pero tinignan ko lang siya ng masama kaya nanahimik siya.

Malay ko ba sa lalaking 'to. Kalalaking tao ayaw ako patulan. Takot na takot makipag bangayan sa akin. Mas gusto ko ngang may kabangayan ako eh, para hindi ako na bo-bored. Bangayan is life.

Mayaman itong si Clark. Nagkakilala kami noon sa park. Umiiyak siya dahil iniwan siya ng ice cream vendor. Hindi niya naabutan dahil balak niyang bumili. Bata palang kami non. 7 years old, i guess? Tagal narin kasi.

Flashback

Nakatitig ako sa batang lalaki na umiiyak sa harap ko. Nakaupo siya at pinapadyak-padyak ang mga paa na tila may hindi nakuhang bagay. Kinalabit ko siya kaya napatingin siya sa akin. Ang cute niya.

"Bata, bakit umiiyak ka?" Tanong ko.

"Iniwan ako ice cream. Bili ako dapat pero wala na siya." Sabi niya habang nakanguso.

Tinawanan ko siya kaya tinignan niya ako ng masama. Mukhang mayaman ang isang ito. Halata sa damit at kutis niya. Gwapo rin e kahit bata pa. Mukhang may bago akong crush.

"Wag mo ako tawanan! Sumbong kita kay mommy! Huhu!" Iyak nanaman niya.

Pinat ko yung ulo niya. "Huwag ka masyadong maging iyakin. Lalaki ka pa naman pero nagmumukha kang babae. Gusto mo ba talaga ng ice cream?" Tanong ko. Tumitig siya sa akin sandali at tumango.

"Sige, tara. May pupuntahan tayo at bibili tayo ng ice cream." Aya ko.

Pinunasan niya ang luha niya at tumingin ulit sa akin. "Talaga?" Tumango ako. "Yehey! Sige, tara tara! Ililibre kita!"

Tumayo siya at humawak sa kamay ko kaya nagulat ako. Ngumiti siya sa akin. Lumabas ang napakaputing ngipin niya. Ang sarap naman bunutin ng ngipin niya.

"H-huwag na. May pera naman ako." Sabi ko at hindi na siya hinayaan pang magsalita at hinatak ko na rin siya.

Dinala ko siya malapit sa bahay namin kung saan maraming nagtitinda ng kung ano ano. Pumunta kami kay Aling Linda na nagtitinda ng Ice Cream. Hinarap ko yung bata.

"Ayan, bumili kana." Sabi ko.

"Ikaw? Hindi ka bibili?" Tanong niya kaya ngumiti ako.

"Bibili rin. Mauna kana." Sagot ko naman.

Tumango siya at sinabi ang flavor na bibilhin at nagbayad. Bumili rin ako. 30 pesos ang pera ko galing kay papa. 20 pesos ang binayad ko para may tira pa akong 10 pesos para may gagastusin pa ako mamaya.

Pumunta ulit kami sa park at naupo sa dahon dahon. Fresh ang hangin dito sa park na 'to. Malawak rin at masarap matulog kung sakaling ako lang mag isa dito.

"Ano pangalan mo?" Tanong nitong katabi ko.

"Bakit? Kailangan mo ba talaga malaman?" Tanong ko rin.

"Gusto ko lang. Ako si Clark." Pakilala niya at ngumiti sa akin.

Tinitigan ko siya saglit. "Syinara pangalan ko."

"Shinara o Syinara?" Nagtatakang tanong ulit niya.

Ngumisi ako. "Syinara."

End of Flashback

Nasa gitna kami ng hallway nang biglang gumilid lahat ng estudyante. Kaming tatlo ay hindi gumilid pero huminto. Kanina rin naman habang dumadaan kami ay may mga gumigilid para makadaan kami pero mas marami ngayon ang gumilid na tila may iniiwasan.

Biglang may sumulpot na anim na estudyante na dumaan sa gitna. Kumunot ang noo ko at tinignan sila isa isa. Bigla tuloy akong napangisi.

Hindi ko aakalain na dito ko makikita silang anim.

Walang ekspresyon kong tinignan ang anim na dumadaan sa gitna na napatingin din sa akin. As in lahat silang anim ay nakatingin sa akin at gulat na gulat.

Humalukipkip ako at tinignan lang sila habang papalapit sila sila sa direksyon namin dahil talagang magkakasalubong kami. Nasa gitna parin kasi kami habang sila naman ay naglalakad din sa gitna. Nang makalapit na sila, medyo itinagilid ko ang mukha ko na parang kinikilatis silang anim.

"Syinara?!"

Zin and Zon.

"Ate Syinara?"

Aniela.

"S-syinara..."

Laiko.

"Y-you're... here."

Icer.

"Syinara."

Cry.

Ngumisi ako. Hindi dahil natutuwa ako kung hindi dahil naiirita ako. Nandito pala si Icer at Laiko? Hindi ko expected. Malamang ay nandito rin si Klea? Mapaglaro talaga ang tadhana at pinakita-kita nanaman kaming lahat. Why all of a sudden?

"My name seems so famous, huh?" Sabi ko at tinaasan sila ng kilay.

Dalawang tao lang naman ang kinaiinisan ko sa kanilang anim pero iritang irita na ako. Masyadong malakas ang impact sa akin dahil biglaan at hindi ko inaasahan na makikita ko sila dito.

"Syinara!" Sigaw ng kambal at halos patalon akong niyakap. Buti ay nabalanse ko agad.

Rinig ko ang paghikbi nilang dalawa at hinigpitan ang yakap sa akin. Napangiti ako. Namiss ko rin itong kambal na ito. Halata sa kanilang walo ang gulat dahil naguguluhan yata sila kung bakit ako kilala ng mga kasama nila.

"T-teka, hindi ako makahinga." Natatawang sabi ko kaya humiwalay muna ang dalawa.

Mas lalo akong natawa dahil talagang may luha sa mata nila. Napakaiyakin talaga ng dalawa ito.

"Long time no see, guys." Sabi ko sa dalawa.

"Dito ka mag aaral? Dito kana? Paano ka nakapasok?" Tanong ni Zon.

Nagkibit balikat ako. "Pinasok ako ni Tito Jie."

Nanlaki ang mata nilang dalawa at rinig ko ang gulat na pagsinghap nung apat. May nakakagulat ba sa sinabi ko?

"Jired Hans?! Really?!" Tanong naman ni Zin.

Dahan dahan akong tumango kahit nagtataka talaga ako sa reaksyon nila. Anong nakakapagtaka doon? Ano naman kung si Tito Jie nag pasok sa akin dito? Big deal ba 'yon?

"Tito mo si Jired Hans?" Tanong ulit ni Zon.

"Hindi. Kaibigan ng... mama ko." Saad ko at sumilip kay Laiko na bahagyang napaiwas ng tingin sa akin.

I missed you, asshole. I said sarcastictly on my mind

"Ah, nasaan pala si Tita Yanara?" Tanong ni Zin na nagpatigil sa akin.

Umuwang ang bibig ko saglit pero sumara rin iyon dahil hindi ako makahanap ng sagot. Bumigat ang paghinga ko at madiin na kinagat ang pang ibabang labi ko dahil naramdaman ko nanaman ang sobrang kalungkutan. Nangilid ang luha ko pero sobra sobra ang pagpipigil ko para hindi matuloy 'yon.

"E-excuse me, guys. Dadalhin ko muna sa dorm si Syinara. Kailangan niya magpahinga." Singit ni Clark.

Buti nakaramdam siya agad.

Hinatak niya na ako papaalis doon at sumunod naman sa amin si Keidi na dala dala ang dalawa kong maleta. Pasimple akong lumingon sa likod at nakita ko ang seryosong tingin sa akin ni Icer at Laiko samantang nagtataka naman akong tinignan nung apat.

Argh. Mukhang hindi magiging normal lang ang pag aaral ko dito. Mapapasama pa yata.

Third Person's POV

Sa isang opisina ay may isang lalaking naupo sa office chair habang pinaglalaruan ang isang ballpen. Biglang pumasok ang sekretarya nito at nag bow.

"Why?" Tanong ng lalaki.

"A Female Student transfered in Jired Hans' University." Ani ng sekretarya nito.

Tinaasan naman ng lalaki ng kilay ang sekretarya niya. "And? Is she special to report it to me?"

"S-she's not rich, Sir. Her mother died 1 week ago and the identity of her father is missing. We checked her backround twice and she's very suspisious." Wika ng sekretarya.

Kinamot ng lalaki ang kaniyang kilay. "How can she enter that University if she's not rich?"

"Jired Hans helped her."

Dahil sa sinabi ng kaniyang sekretarya ay napangisi ang lalaki. Noon pa man ay hindi nagpapapasok ng mahihirap na tao si Jired Hans sa kaniyang University. Kahit pa mga scholar ay hindi niya hinahayaan makapasok kaya mukhang may kakaiba sa babaeng ito.

"Give me her backround." Utos ng lalaki

Dali daling binigay ng sekretarya niya ang isang envelope. Binuksan niya 'yon ay kinuha ang isang papel. Binasa niya ang mga nakasulat doon. Tumango tango siya ng matapos sa pagbasa.

"Find more info about her. Especially about her father. I'm curious about her life... before."

Syinara Elyu Sandoval. Daughter of Yanara Yuel Sandoval.

He secretly smirked. She's not aware about her life. Specially about her parents past. He said in his mind.

Syinara Elyu Sandoval's POV

"Syinara... Hoy, Syinara." Gising ni Clark sa akin habang inaalog ako pero tinapik ko ng malakas ang kamay niya sanhi ng pagdaing niya.

"Huwag ka maingay." Sabi ko at umayos ng higa.

Lalamunin na sana ulit ako ng antok pero bigla akong napatayo sa pagkakahiga dahil sa ingay na ginagawa ni Clark na narinig ko. Pinupukpok niya ang table sa gilid ko.

"Ikaw po ay mala-late na sa iyong unang klase, Madame. Kailangan mo na pong maghanda dahil hindi ka pwedeng malate dahil kapag nalate ka damay ako." Sarkastikong sabi nito habang ngumingiti pa.

Umirap ako sa kaniya at padabog na tumayo sa kama. Tumaas-baba kilay pa siya na tila nang-aasar kaya inambaan ko siya ng batok. Dumila lang siya sa akin at tumakbo papalabas ng pinto ng kwarto ko.

Isip bata talaga.

Nang matapos ako sa pag aayos, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko si Clark na nakatutok sa phone niya habang mukhang tanga na ngumingiti mag isa.

It's Aniela.

"Tara na." Saad ko kaya napatingin siya sa akin.

Tumayo siya at sumunod sa akin. Bubuksan ko na sana ang pinto palabas pero may biglang may sumabit sa pantalon ko. Hindi muna kasi ako nag suot ng uniform tutal first day ko lang. Bumaba ang tingin ko at nakita ko ang mabalbong pusa. Nag papacute nanaman siya.

Binuhat ko ito at meow ito ng meow. Mukhang gutom. Takte, bakit ko ba kasi ito dinala kung wala rin akong dalang pagkain niya? Tss.

"Teka lang." Paalam ko kay Clark at dinala ang mabalbong pusa sa kusina.

Kumuha ako ng isang tasa at linagyan ng tubig. Kumuha rin ako ng gatas sa ref at tinimpla ito sa tasa. Linagay ko sa gilid ang tasa at pinalapit ang mabalbong pusa doon. Napangiti naman ako dahil mukhang hindi siya maarte at ininom ang gatas.

Lumabas ako sa kusina at dumiretso sa pinto kung saan naghihintay si Clark. Lumabas na kami at naglakad. Sari-saring bulungan ang narinig ko pero pinagsawalang bahala ko at naglakad ng nakapamulsa habang nakatungo.

Medyo nakalayo na kami sa dorm nang biglang may umakbay sa akin na nag palundag sa akin sa gulat. Oh please, ayoko sa lahat yung binibigla ako. Dahil feeling ko aatakihin ako sa puso. Tumingala ako at tumingin sa umakbay sa akin.

Sumama ang tingin ko sa lalaki ito. Siya naman ay nakangisi lang. Alam niyang ayoko ng may humahawak sa akin pero ginagawa niya parin. Kapag ako nabwisit baka masapak ko siya dito at mapahiya siya.

"Good morning, pangit." Bati ng garapatang unggoy.

Umingos ako. "Kainin mo 'yang good morning mo. Isa pang hawak sa akin tatadyakan ko 'yang kaibigan mo." Turan ko at nginuso pa ang baba niya.

Nanlaki ang mata niya saglit pero ngumisi ulit. "Just tell me if you want to touch it- ouch!" Inda niya nang apakan ko ang paa niya ng pagkalakas lakas.

"Ayan, deserve." Mahinang sambit ni Clark sa gilid ko.

Tumalikod na ako at dumiretso na sa paglalakad kaya sumunod na si Clark. Mabuti nga at magkaparehas kami ng Schedule. Dahil kung hindi ay mabobored ako sa buhay ko dito.

"Elyu-"

"Sabi kong wag mo akong tawagin sa second name ko eh." Putol ko sa sasabihin ni Clark.

Ngumuso siya at inirapan ako sa panlalaking paraan. "Pagkahaba-haba naman kasi ng Syinara. Ano gusto mo tawag ko sayo bukod sa Syinara?"

Tumaas ang kilay ko. "Hmm. Pwede na yung... Syina. Pwede rin yung Syin, Nara, Yinara, Inara, Syan-"

"Ayan! Syan! Pwede, pwede!" Saad niya.

Ngumisi ako. Cool din pakinggan ang Syan. Ayos na. Huwag lang akong tawagin na Elyu. Kasuka.

"Bilisan mo, daldal mo nanaman." Sabi ko at binilisan pa ang paglalakad. Mukhang nakalimutan niya na ang sasabihin dahil sa pag iisip ng nickname ko.

Pagkadating sa room, hindi na ako kumatok. Masyado pa namang maaga para dumating ang Prof. kaya alam kong wala ako maiistorbo. Pumasok na ako at tama nga ako. Wala pang Prof. Iilan palang ang nandito kaya napangiti ako. Medyo tahimik. Ayoko sa maingay.

"Saan upuan mo?" Tanong ko kay Clark at pinagsawalang bahala ang mga nakatingin sa akin.

"Doon," Turo niya sa bandang likod at nauna na magpunta roon. Sinundan ko naman siya at rinig ko ang impit na tili ng ibang babae dito. Halatang pinapapantasyahan si Clark.

May Aniela na 'yan, girls. Wag siya.

Dumukdok ako sa lamesa nang makaupo ako sa tabi ni Clark. Siya naman ay nag phone ulit. Love life nga naman, masyadong nakakasagabal sa oras. Tss.

Sandali ko pa lang napipikit ang mata ko nang marinig ko nanaman ang tilian ng mga babae. Hindi ba sila naririnidi sa mga boses nila?! Leche!

Itinaas ko ang ulo ko para tignan ng masama ang mga babaeng 'yon pero napadako ang tingin ko sa tatlong lalaki na nasa harap ng board. Keidi, Cry, and Icer. At nakatingin itong tatlo sa akin.

Walang emosyon ko silang tinignan. Si Cry, hindi naman ako inis sa kanya pero naiilang siguro oo. Si Keidi, inis lang siguro. Enemy nga kasi kami. Kung inborn na kaming enemy, inborn na rin inis ko sa kaniya. Si Icer, galit. Galit lang nararaman ko sa kanya... siguro? Basta galit ako sa kanya. Kung ano man ang iba pang emosyon na nararamadaman ko sa kanya, wala na akong pake doon. Basta alam ko lang nangingibabaw ang galit ko.

Umiwas ako ng tingin at dumukdok ulit sa mesa. Nangilid ang luha ko ng maalala ko nanaman ang salitang iyon.

"I don't need you anymore. So please, stay away from me."

Sabagay, sino nga ba naman ako? Hindi ko deserve na makatagpo ng matataas na tulad nila. Kahit man si Clark hindi ko deserve maging kaibigan. Hindi niya deserve ang pabigat na tulad ko.

Continue Reading

You'll Also Like

164K 12.4K 14
Her şey bana gelen mektupla başlamıştı. Ufacık bir not kağıdında yazan şeyler büyük olaylara ve hayatımın değişmesine yol açmıştı. Ben kendimden emin...
17.1M 656K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
171K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
42.7K 2.6K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...