The Heirs (On-Going)

By MissCLuna

2.9K 120 2

Teen Fiction|Trigger Warning|RomCom Isang paaralan na punong puno ng taga pagmana at mayayamang estudyante ay... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 1

179 16 1
By MissCLuna

Chapter 1 : Syinara's POV

"I need to transfered you in my University, Hija. You can't say no. Don't worry about your tuition. I'll take care of that."

Napairap nalang ako sa hangin nang maalala muli ang sinabi ni Tito Jie. Maayos naman na ako sa pinag aaralan ko. Bakit kailangan pa akong ilipat? Hindi naman ako pwedeng tumangi dahil siya na ang nag aalaga sa akin.

Wala na si mama. Iniwan na nya ako. Iniwan na ako ng lahat. Wala na akong pamilya. Bukod sa kanya, may kuya at papa pa naman ako pero nasaan sila? Wala. Nasa ibang pamilya at nagpapakasaya. Nagpapakasarap sa buhay habang maging halos impyerno ang buhay namin ni mama.

Sila ang pinakasusuklaman ko sa lahat. Wala man lang sila kahit sa burol ng mama ko. Ano pa bang aasahan ko? Umiyak sila? Lumuhod para humingi ng tawad? Bumawi para sa kapatawaran namin? Kapatawaran ko? Bumalik na parang walang nangyari? Hindi. Hinding hindi mangyayari 'yan.

Masyado na silang mataas at kami ay masyadong mababa. Pamilya kami pero parang ang layo na nila. Yung pamilya na sobrang saya dati, nawala ng parang bula dahil sa isang kasalanan na hindi ko aakalain na gagawin nila.

Tumingin ako sa langit habang nasa isang duyan dito sa park. Isang luha ang pumatak sa mata ko. Bakit naging ganito buhay ko? Bakit ako iniwan ng lahat? Si mama nalang ang natitira sa akin eh. Pero bakit pati siya kailangan akong iwan? Ganoon na ba ako kamalas?

Hindi ko na hiniling na bumalik pa si Kuya at Papa. Kung masaya na sila sa buhay nila, edi mabuti. Simula nung iwan nila kaming dalawa ni mama sa kalsada na punong puno ng putik sa katawan at nauulanan ay tinanggalan narin nila ang sarili nila ng karapatan sa buhay namin. Hindi nila kami tinulungan kahit man lang para pasilungin. Wala silang puso.

Pagkapos ng dalawang taon, heto ako. Walang natira sa akin. Walang wala. Kahit bahay na matutuluyan. Nilamon ng apoy ang bahay namin. Natutulog ng mahimbing ang mama ko non. Pero bakit sa ganoon paraan siya magigising? Bakit? Bakit kailangan niyang magising na nasusunog ang katawan niya hanggang sa mawalan siya ng buhay? Bakit hindi nalang ako? Hindi deserve ng mama ko na maging ganoon ang buhay niya. Gusto ko pa siyang makitang masaya at ngumiti ng hindi peke na hindi ko nasisilayan nang dalawang taon.

Hindi ko namalayan na humahagulhol na pala ako. Kahit sa huling hininga niya, ako ang inaalala niya. Bago siya mawalan ng buhay, may ibinato siyang isang box sa bintana. Nang buksan ko 'yon, naglalaman 'yon ng twelve thousand at isang sulat mula sa kaniya. Sinulat niya 'yon habang nasusunog ang bahay. Sinulat niya 'yon kahit nasa piligro ang buhay niya. Sinulat niya 'yon habang iniisip ang kapakanan ko at ipinagsawalang bahala ang init sa loob. Sinulat niya 'yon para sa akin. At ang pera na iyon, inipon niya pala iyon para sa akin.

"B-bakit... Bakit mo ginawa 'yon, m-mama?" Mahinang tanong kong muli sa hangin habang lumuluha.

Saglit pa akong umiyak doon hanggang sa tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko 'yon. Si Clark.

"O-oh?" Paos na bungad kong tanong nang masagot ang tawag.

"Totoo ba? Totoo ba? Lilipat ka dito sa University? Woah! First time 'to ah!" Bungad naman niya.

Pinunasan ko ang natitirang luha sa mukha ko at tumikhin bago siya sagutin. "Oh ano naman? Ayoko ngang pumayag dahil makikita ko nanaman ang pangit mong pagmumukha pero no choice naman ako dahil kay Tito Jie." Sabi ko.

Rinig ko ang OA niyang pagdaing at paniguradong nakahawak 'yan sa dibdib na parang nasasaktan sa sinabi ko. As usual sa kaniya. Hindi pa talaga siya nagbabago.

"Aray! Grabe ka naman! Pasalamat ka nga may kaibigan kang pogi! Sus! Akala mo hindi ko alam na may crush ka sa akin dati?" Pang-aasar niya.

Napanganga ako. "Ulol! Dati 'yon! Huwag mo na akong tatawagan dahil masusuntok talaga kita pag nag kita tayo!"

"S-syinara naman... biro lang e—" Bago pa man niya matapos ang sasabihin ay pinatay ko na ang tawag.

Kahit papaano naman ay natanggal ang kalungkutan ko. Napangiti ako. Clark Vincent Aleje. Childhood friend ko. Nag sisinungaling lang ako pangit siya. Dahil talagang biniyayaan siya ng napakagwapong mukha. Huwag niya lang sana itong malaman dahil malamang lalaki ang ulo non at aasarin ako. Dati ko talaga siyang crush pero masyado pa ako bata non. At saka, hindi lang naman siya ang naging crush ko. Marami pa.

Tumayo na ako at naglagay ng earphones sa tainga at nagpatugtog. Isinuot ko ang kamay ko sa bulsa ng pants ko at naglakad na. Sumilip muna ako sa park bago malungkot na ngumiti. Marami akong alala ala sa park na 'yan. Lalo na sa kaniya. Ang park narin na 'yan ang comfort place ko. Malaking parte ng pagkatao ko ang natulungan ng park na 'yan kaya hinding hindi ako magsasawang pumunta palagi d'yan.

Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man nalakalayo ay may race car na dumaan at kamalas malasan nga ng buhay ko, pinaliguan ako ng maduming tubig na tumalsik dahil sa pagdaan ng race car na 'yon.

Tumingin ako ng masama sa papalayong race car dahil sobrang dumi ko. Makarma ka sana habang buhay. Hindi man lang huminto para mag sorry. Tss. Malas na araw 'to oh.

^_^

Bored akong nakatingin sa pusang nasa harap ko. Kinikiskis niya ang katawan niya sa akin na parang nagpapabuhat. Mahina ko siyang sinisipa para lumayo.

"Lumayo ka nga sakin mabalbong pusa." Inis na sabi ko pero tumingin lang siya sa akin at nagpumilit parin ikiskis ang katawan sa paa ko.

Napakamot ako sa kilay ko at inis siyang binuhat. Umupo ako sa sofa at inilagay siya sa lap ko. Hinarap naman niya ang mukha niya sa akin at iwinagawayway nang iwinagawayway ang buntot niya na parang nagpapa cute.

"Meow. Meow. Meow."

Kumunot ang noo ko. Tinitigan ko lang siya habang siya ay naglilikot sa lap ko. Hindi naman sa ayaw ko sa pusa o kahit anong hayop pero hindi lang talaga ako mahilig sa kanila.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto na 'to at bumungad si Tito Jie. Ngumiti siya nang makita ako at tumingin din sa pusang nasa lap ko. Mukhang masaya siyang close kami ng pusa niya kahit hindi naman talaga.

"It seems you're already close to his cat." Bangit niya na nasa pusa ang tingin bago ilipat sa akin. "Are you done? We have to leave."

Tumango na ako at binuhat ang mabalbong pusa bago inilapag sa sofa. Halos kumapit pa siya sa akin pero nagtagumpay naman akong maalis siya sa akin. Kinuha ko ang dalawang maleta ko at lumapit kay Tito Jie pero nagulat ako nang may kumapit na maliit na bagay o bagay nga ba talaga sa pants na suot ko. Tinignan ko ito at yung pusa lang pala.

Binuhat ko itong muli. "Pwede ko naman siyang dalhin, hindi ba?"

Natawa si Tito Jie at napaisip bago tumango tango. "Go ahead. Take care of her." Sagot niya. May narinig akong ibinulong siya ngunit hindi naging malinaw.

Ngumisi nalang ako at buhat buhat ang pusa na 'yon habang hinahatak ang dalawang maleta pababa sa 2nd floor. Sinubukan pa akong tulungan ni Tito Jie pero wala siyang nagawa dahil matigas ang ulo ko.

Nang makadating sa gate, isang mamahaling Van ang bumungad sa akin at isa pang kotse na bugatti. Nagningning ang mata ko. 'Yang kotse na 'yan ang pangarap kong maging kotse.

"It's yours."

Napatingin ako kay Tito Jie na nagtataka sa sinabi niya. Nakangiti parin siya. Hindi ba nangangalay yung panga at labi niya kakangiti? Marunong bang malungkot ang mukha niya? Nako, shut up, Syinara. Judgemental ka naman masyado.

"That bugatti, it's yours now. I think you need car in my University. Hindi naman sa pagmamayabang pero my University is really huge." Sabi niya.

Nagulat ako at the same time natuwa din. Sa akin na talaga yung Bugatti? As in? Takte, hindi ako ready. Paano kung mabangga ako? Matagal na akong hindi nakapag drive ng kotse kaya hindi ko alam kung kaya ko pa ba.

"Syinara? Get in." Utos ni Tito Jie at pinagbuksan ako ng pinto sa back seat.

Nagkibit balikat nalang ako at sumakay sa Van. Pumunta naman si Tito Jie sa shotgun seat. Inilapag ko ang mabalbong pusa sa gilid ko na malikot parin. Nang umandar na ang Van, nagsuot ako ng earphones at nagpatugtog.

Si Tito Jie ay isa sa mga malapit na kaibigan ni mama. Noon pa man ay gusto na ni Tito Jie tumulong sa amin ni mama pero tumanggi kami. Kaya naman namin. Working student naman ako. Si mama naman ay maid. Gusto man ako patigilin ni mama magtrabaho, wala naman rin siyang nagawa dahil baon kami sa utang at may mga kailangan gastusin para sa bahay.

Malaking tulong ang naitulong ni Tito Jie sa akin, sa amin ni mama. Siya ang nagbayad ng mga utang namin ng mawala si mama. Siya ang kumupkop sa akin at pinatira ako sa Mansion niya. Siya ang gumastos sa lahat ng gastusin sa burol ni mama. Siya rin ang bumili ng mga damit ko dahil ang mga damit ko dati ay nasunog. Pinatigil niya rin ako sa pagtatrabaho na kahit ayaw ko ay wala akong magagawa. Tatanawin ko ng utang na loob ang pagtulong niya sa akin. Lalo na kay mama.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nang magising ay parang nasa isang gubat kami. Napakunot ang noo ko na pagtataka. Anong ginagawa namin dito?

"Tito, bakit nasa gubat tayo?" Tanong ko.

Lumingin naman siya sa akin. "Hija, nasa kalagitnaan ng gubat ang University ko."

Nagulat ako pero hindi ko ipinahalata. Huh? Anong klaseng University ba 'yon at kailangan na nasa gitna pa ng gubat? Nakakalito naman. Weird din ni Tito Jie, eh.

"M-malapit na po ba tayo?"

"Yes."

Napatango tango ako. Biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ito at si Clark lang pala. Nag text siya kaya dali dali kong binuksan 'yon. Kita ko agad ang mga emoji na hindi nawawala kapag nag te-text siya.

From: ClarkPinagpalitSaMalapit
$aAhN kHaN4😆

(Saan ka na?)

To: ClarkPinagpalitSaMalapit
Dhi3to s4 gHuvAt. Bvh4kIt nhaSa g1tNa NG gHvB4t?!?!?!😰

(Dito sa gubat. Bakit nasa gitna ng gubat?)

From: ClarkPinagpalitSaMalapit
Ez lHunGss🤣✌🏻 nHaz4h gUv4t kZ tR13p N1 J1rh3D! Nyahahahahhaha😂

(Easy lang. Nasa gubat kasi trip ni Jired.)

To: ClarkPinagpalitSaMalapit
K1NnGi1nA n4@maHn, ClArk vB!n(EnT Al3j3😤 Wg k4H L4lAHp1t $4K1n h4??? $aAsApoK1n t@lAggGa kit4‼️❌

(Kingina naman, Clark Vincent Aleje. Huwag ka lalapit sa akin ha? Sasapukin talaga kita.)

From: ClarkPinagpalitSaMalapit
S0Urr3h N4🥺 eXpL41n k0uHh Sh4y0 mAM4yA😅

(Sorry na. Explain ko sayo mamaya.)

Hindi na ako nakapagreply pa dahil biglang huminto ang Van. Napatingin ako sa harap. May isang malaking gate ang nasa harapan ng Van. Bumukas 'yon. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang loob. Napakalaki ngang University 'to!

Ano naman ang pinagkaiba ng University na 'to sa ibang University? Kung si Tito Jie ang may ari na 'to, ibig sabihin ganito talaga siya kayaman?! Grabe!

Pumasok ang Van sa loob at agad na pinagtinginan ng mga estudyanteng pakalat kalat ang Van na 'to. Parang ayoko na tuloy lumabas. Kita kong mapuputi ang mga kutis at halatang mayayaman ang mga ito. Maputi rin ako pero hindi makinis ang balat ko. Matangkad ako. Walang hugis ang katawan ko pero magaan ang katawan ko.

Huminga ako ng malalim nang lumabas na si Tito Jie. Kaya ko ba? Parang gusto kong umatras. Pinalobo ko ang bibig ko at saka inilabas ang hangin non nang marahas.

Binuhat ko ang mabalbong pusa at lumabas na sa Van. Iwas tingin kong kinuha ang maleta ko. Ramdam ko kasi ang mga tingin ng mga estudyante. Nakakailang. Ano kayang nasa isip nila?

"Syinara," tawag sa akin ni Tito Jie kaya lumingon ako sa kaniya. "I'll take care of your requirements. Someone will guide you to your dorm. Just rest, okay?"

Tumango ako at ngumiti. "Salamat, Tito."

May tinawagan siya sa phone nya kaya sumandal muna ako sa Van habang hawak ang mabalbong pusa. Tinignan ko ito at tahimik lang itong nakatingin sa akin. Kinindatan ko siya. Bigla nalang niyang iwinagawayway ang buntot niya kaya mahina akong natawa.

"Syinara!" Napalingon ako sa sumigaw.

Napatayo ako ng maayos ng makita ko si Clark. Tumatakbo siyang papalapit sa akin. Nang makalapit, agad nya akong niyakap. Niyakap ko naman siya pabalik. Tagal ko rin siyang hindi nayakap!

"I missed you!" Aniya at humiwalay ng yakap.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Sabi ko huwag kang lalapit, diba?" Pagbibiro ko.

Ngumuso siya at napangiwi. "Kakakita lang ulit natin ganyan ka na ka-sama sa akin. Hays, hindi mo na ako mahal."

Inirapan ko siya. "Manahimik ka nga. OA mo. Nga pala, dalhin mo muna 'to." Saad ko at binigay sa kaniya yung mabalbong pusa.

Gulat naman niyang kinuha 'yon. "A-anong gagawin ko rito? Bakit may ganto ka? Hindi ka naman mahilig sa pusa ah?"

Nagkibit balikat ako. "Ayaw humiwalay sa akin eh. Huwag ka na maraming tanong. Dalhin mo nalang muna 'yan."

Umingos siya. "Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi naman ako makahindi sa 'yo." Ngumisi lang ako.

"Oh, Clark. Nandiyan ka pala." Biglang sulpot ng kung sino kaya napatingin kami dito.

"Syinara?!"

"Keidi?!"

Continue Reading

You'll Also Like

170K 1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
88K 319 13
As the title says
1.1M 62.5K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
Lucent By ads ¡¡

Teen Fiction

182K 4.2K 18
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...