Stazie's Resentment

By _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco More

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 13

CHAPTER 12

2 0 0
By _cyriane_


"Hello?" pagsagot nito sa tawag. "Bakit, anong problema?" Tumingin siya sa'kin at parang nahihiya na dahil sa itinanong kanina.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang iniinom ang nasa boteng hawak ko. Mukhang nag-aalala rin ang boses niya sa tumawag.

"Ano?" Nilakasan niya ang volume at in-speaker ang tawag. Dahil siguro sa may kalakasang hangin kaya hindi niya masyadong naririnig.

"Balik ka na d-dito... ang daming blood. A-Ayaw ko ng blood..." Na-curious ako agad kung sino 'yon, tonong bata at umiiyak... pero parang pamilyar ang boses sa'kin. "Ayaw ko ng blood, please b-balik ka na..." Hikbi pa nito.

"B-Babalik na 'ko. K-Kumalma ka lang. Punasan mo yung dugo..." Hindi na rin mapakali ang mata niya kung saan titingin dahil sa pag-aalala. Natataranta.

"A-Ayaw ko nga ng blood!" Umiiyak na sigaw ng kausap, natataranta namang kinuha ni Stay ang bag niya at astang bababa na sa sementong kinauupuan namin. Tumalon ako pababa at inalalayan ko siya. Minadali ko nang ubusin yung alak kasi sayang. Naglalakad na rin pala siya kaya nagmadali akong sundan siya.

"May pasok ka ba bukas?" mabilis na tanong niya na para bang may hinahabol na oras.

"Meron, bakit?" Umiling siya.

"Wala. Samahan mo 'ko pabalik s-sa Manila," Huminto siya at hinarap ako. "Please? N-Ngayon lang..."

Sinamahan ko na siya dito, pati ba naman sa Manila? Tss. Pero sige, hindi ko rin naman siya maiiwan sa ganitong oras, lalo na't babyahe pa siya ng malayo.

Habang nasa jeep na kami papunta sa bus station ay biglang umulan nang malakas.

"Shet naman. Wala akong dalang payong," reklamo ko at malapit na pala kami. "Para po... — tara." Inalalayan ko siya pababa at agad kaming tumakbo sa bus, paalis na ito. Mabilis kaming umakyat at hila-hila ko na pala siya kanina pa.

Wala ng bakante kaya tumayo na lang rin kami katulad ng iba. Ako na rin ang nag-bayad ng pamasahe namin dito sa bus. Nagpupumilit pa siyang siya na pero si Gabo 'to 'no! Subukan niya lang akong tanggihan ulit!

"Sino yung kausap mo kanina?" tanong ko.

"'Wag ka na lang munang magtanong. Hindi ako nakakapag-isip ng maayos ngayon," sagot niya. Nag-kibit balikat na lang ako habang pinipigilan ang tawa.

Ilang minuto pa ang lumipas na byahe o isang oras mahigit na ata ay nakarating na rin kami sa bababaan namin. Umaambon na lang.

"Naiihi ako," ani niya. Tumingin ako sa paligid at may nakita akong gasolinahan kaya nagpunta kami ro'n. Habang nag-ba-banyo siya ay pumunta muna ako sa isang bilihan ng mga payong na nakita ko.

Pagtapos kong makabili ay bumalik na ulit ako doon pero ilang minuto pang paghihintay ko ay hindi pa rin siya lumalabas kaya kinatok ko na siya.

"Stazie..." Hindi siya sumagot. "Stay, nandiyan ka pa ba?"

"S-Sandali..." Nagsalubong ang kilay ko sa tono ng boses niya. Ilang segundo pa ay lumabas na rin siya agad pero magulo na ang buhok niya.

"Ayos ka lang?" tumango siya.

"Nag-aalala lang ako. Tinawagan niya ako ulit kanina at umiiyak pa rin siya."

"Ayusin mo ang buhok mo, tatakbo tayo." Napauwang ang labi niya at madaling inayos ang sarili niya. Inilagay ko sa gilid ng tenga niya ang ilang hibla ng buhok na hindi niya naisama.

Nung una ay lakad takbo ang ginawa namin habang nagsisiksikan sa payong. Lalo namang lumakas ang ulan kaya mabilis kaming tumakbo papunta sa sakayan ng jeep. Nababasa pa rin kami kahit may payong na.

"Ayan na. Tara," sabi niya't hinatak ako. Nauna siyang sumakay at naupo ako sa tabi niya. Nagbayad na siya agad kaya wala na rin akong nagawa.

"Inunahan mo 'ko, ah," biro ko.

"Syempre. Nahihiya na 'ko sa'yo, sinamahan mo talaga ako, e." Natawa naman ako.

"Sinong hindi sasama kung nag-please ka pa sa'kin?"

"Ah, gano'n?" Tinawanan ko na lang siya at baka maasar na naman kapag sumagot pa 'ko.

Napapansin ko naman ang may edad ng matandang lalaking katabi niya na panay ang tingin sa kaniya. Halatang naiilang na rin siya pero pilit niyang hindi pinapahalata.

"Umusod ka," bulong ko sa kaniya.

"Ha?" Nagtatakang tumingin siya sa'kin. Nakagat ko ang labi at naiiritang tumingin sa lalaki.

Iniusod ko ang hita ni Stay sa gawi ko at hindi ko na binitawan ang tuhod niya hanggang sa pumara na kami. Tahimik rin kami nang sumakay na kami sa tricycle, sabi niya doon daw kami sumakay, e.

"Bakit nandito tayo kay Bea?" tanong ko sa kaniya habang nag-aabot ako ng bayad sa driver. "Salamat, Kuya." Umalis na ito at wala na sa paningin ko si Stay kaya pumasok ako sa bahay.

Mukhang tanga pala akong nagtanong ro'n, wala na pala siya.

Nang hindi ko siya makita sa salas ay sa kwarto na 'ko dumiretso, nakakarinig rin ako ng ingay do'n.

"Ano ba'ng ginagawa mo..." naiinis na sambit nito habang nililinisan ang dugo sa kamay... ni Bea? Nagsalubong ang kilay ko.

Huh?

"Anong nangyari?" tanong ko pero walang sumagot. Natutulog rin pala si Bea at medyo tuyo na rin ang dugo. Ang daming nag-kalat na dugo sa bedsheets nito at sa sahig.

"Dalhin natin siya sa ospital, Archie..." Halos pabulong na lang iyon pero hindi nakaligtas sa pandinig ko ang panginginig ng boses niya. Agad na siyang tumabi, maingat kong binuhat si Bea.

"Saan natin siya isasakay?" tanong ko, kinakabahan na nga rin ako, e.

"Sandali." Nagmadali siyang lumabas kaya sumunod ako. Pumara siya agad sa dumaang tricycle pero may sakay ito. Nakakataranta rin ang kilos niya kaya lalo akong nagtaka, nag-alala at natataranta rin tuloy.

Malinaw sa isipan kong nag-laslas ang kaibigan niya pero magulo ang nangyayari sa'kin ngayon. Nasaan ang mga magulang ni Bea? Bakit wala manlang pumigil sa kaniya? Wala na naman ata siyang kasama.

"Sakay na 'ko, Chie, isunod mo si Bea sa loob." Nauna siyang pumasok at sinunod ko siya. Dahan-dahan kong itinabi sa kaniya si Bea at madali akong sumakay sa likod ng driver.

"Sa malapit na ospital, Kuya!" sabi niya sa driver.

"Paki-bilis, 'Ya," sabi ko dito.

Nang makarating kami sa ospital ay inilagay agad ng mga nurse sa stretcher si Bea. Sumunod kami kung saan siya dadalhin.

Sa emergency room.

"Anong nangyari, Ma'am?" mahinahong tanong ng nurse.

"Binalak na naman po niyang mag-suicide," mangiyak-ngiyak na sabi niya. Agad na nilukob ng pangamba ang puso ko at pagtataka kung bakit niya nagawa 'yon.

Tumango ang nurse sa kaniya at sumali rin sa pag-aasikaso kay Bea.

"Dito po muna tayo, Ma'am," sabi naman sa'min nung lalaking nurse at itinuro ang direksyon kung saan kami pwedeng maghintay. Kita kong nag-da-dial na si Stay sa cellphone niya at may ilang ring pa nito ay tsaka sumagot.

Tumapang ang mukha niya ngayon, nakapamewang siya na nilagay rin sa noo ang kamay, parang stress na stress sa nangyayari.

"Sabi mo babantayan mo siya habang wala ako?" bungad nito sa katawagan niya. "Okay?! — Sinabi lang niyang okay siya kahit iwan mo, naniwala ka naman?" Nagsimula nang mag-iba ang awra niya, konti na lang ay sasabog na siya pero halata kong pinipilit niyang kumalma.

"Nasa ospital kami. 'Wag ka na ring pumunta, ako na ang bahala sa kaniya — hindi pa siya okay, ang lalim nung sugat niya at marami-rami ring dugo ang nawala sa kaniya — oo, buti nga at tumawag. Sige. Bye..." Nang maibaba niya ang cellphone ay mahabang pagpapakawala ng hangin ang inilabas niya, tulala't pagod na naupo siya. Tinabihan ko rin siya.

"Okay ka lang?" sambit ko.

Sa totoo lang ang dami kong gustong itanong pero ayun lang ang safe na pwede kong maitanong. Pakiramdam ko kasi ayaw niyang sabihin kung anong meron, kung anong nangyayari.

"Si Bea... l-lumalala. Hindi ko na alam ang gagawin ko..." Yumuko siya at kinalikot ang daliri niya. Ilang segundong titig ko pa sa kaniya... naisip kong yakapin siya. Nagulat siya pero hinayaan niya ako. Hinahaplos ko ang buhok niya at tinatapik-tapik ang likod niya.

"Masama ba 'kong kaibigan?" May pait ang tinig na bulong niya. Binaon niya ang mukha sa leeg ko at mahigpit na niyakap ako pabalik.

Alam kong marami siyang gustong sabihin... aminin... pero nanatili siyang tahimik. At ang tanging alam ko lang na magiging okay sa kaniya ay yung yakapin at pakinggan siya. Kahit pa na iyon lang ang sinabi niya.

Madaling-araw na nung sinabing inilipat ng kwarto si Bea. Ngayon ko lang rin napansin na nasa private hospital kami at maganda ang kwarto ni Bea, mukhang mahal.

May sofa, may mesa sa gilid ng kama niya. May TV rin sa isa pang gilid. Nakaupo si Stay ngayon sa sofa at magkatabi kami. Mukhang malalim ang iniisip niya.

"Magiging okay rin si Bea..." Ngumiti ako nang bahagya at tinapik ng dalawang beses ang balikat niya.

"Parang ikaw ang hindi okay. Namumutla ka na," sabi niya at matiim na tumingin sa'kin... at sa labi ko na naman napunta ang tingin niya. Gusto niya ba akong halikan? Katulad ni Sayie? Pfft! Ilang beses niya na ring ginagawa iyon pero hindi ko na lang pinapansin.

Tanginang labi 'to, masyado sigurong nakakaakit.

"Sabihin mo kung gusto mo ng kiss, ah?" Pambabasag ko sa katahimikan.

"Kapal... kapal ng labi mo."

"Gusto mo nga?" nangingiting ani ko.

"Gusto kita." Napatigil ako. Pati pag-tibok ng puso ko tumigil na rin. "May nagugustuhan ka ng iba?" Siya naman ang ngumiti ngayon. Umiwas ako ng tingin at hindi na sana sasagot kaso nakatitig pa rin siya sa'kin, naghihintay ng sagot ko. Tumango ako. Dahan-dahan akong tumango.

"Oo... siguro."

"Ako ba 'yan?" nakangiting sabi niya at mukhang nagbibiro lang pero seryoso ko siyang sinagot ng iling.

"Hindi. Hindi na ikaw," tunog nagbibiro ko ring sinabi.

"Hays!" Pinag-krus niya ang braso niya at nakatingin na lang sa sahig. "Gusto ko ako lang." Sinabi niya iyon habang nakatingin sa'kin. Nagkatitigan kami sa isa't isa, hindi ko rin alam kung bakit pero parang iisa lang ang gustong sabihin ng mga mata niya.

Umaasa siya. Gano'n. Ngayon ko lang siya nabasa ng alam kong hindi ako nagkakamali.

Nagulat ako na agad kong hindi ipinahalata. Nasa pisngi ko ang isang kamay niya at nangungusap ang mga matang nakatingin sa'kin. Hinawakan ko ang kamay niya at ibababa na sana nang bigla niya 'kong sinunggaban ng halik.

"Archie, uy?" Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko, parang sumisingaw na ewan. "Kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot." Naupo ako at nanghihinang sinandal ang likod ko sa higaan. "Nilalamig ka pa ba?" Tiningnan ko lang siya.

Bakit naman gano'n? Bakit malambing?

"Nilalamig ako." Yakapin mo naman ako. Pero ang binigay niya ay kumot. Tch. Grabe talaga, ang sweet.

Mali, shuta.

Si Sayie! Cheating ata 'to, par!

Ipinulupot ko na lang nang mahigpit ang kumot sa katawan ko dahil naaasar na rin ako sa sarili ko. Dahil sa lintek na panaginip na 'yon... yung... y-yung mag-ki-kiss kami! Hays, pucha! Hindi pala totoo! Nakakainis! Pero buti na lang panaginip lang 'yon, hindi ko alam kung paanong mag-e-explain kay Sayie kapag nangyari man 'yon.

Nakatulog pala kaming pareho ni Stazie kagabi do'n sa sofa at huminto ang usapan namin sa sinabi niyang gusto niyang siya lang ang gusto ko. May gumising na lang sa amin nung paumaga na at mukhang Nanay 'yon ni Bea, nakita ko rin yung lalaki pero naka-face mask at cap.

Nagpasalamat sila sa'ming dalawa at inaya kaming kumain pero tumanggi na si Stay at sinabing sa apartment na lang nila Bea kami kakain, binigyan kami ng pera nung lalaki at muli silang nagpasalamat at umalis na rin kami.

Ngayon, kakagising ko lang at hapon na pala. Nilalagnat pa 'ko. Ang OA ng katawan ko, amp. Parang ulan lang nilagnat na. Pero sabagay. Pumasok ba naman ako ng umaga, nag-groupings pa kami at nag-inuman pa kami ni Stazie nung gabi tapos bumyahe pa.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong niya na agad ko namang tinanguan at nauna pa 'kong pumunta sa kusina kahit nahihilo ako. Pakiramdam ko nga tutumba na lang ako bigla.

"Kumain ka na ba?" Baling ko sa kaniya nang makaupo ako at nasa tapat ko ang kanin, itlog, hotdog, bacon at tubig. Breakfast ata ngayon? Natawa ako bigla. Buti hindi niya pinansin.

"Hindi pa, kaya nga sasabayan kita." Umupo na siya sa harapan ko at inahinan pa 'ko.

"Hinintay mo 'kong magising?"

Tumaas ang isang kilay niya.

"Ano ka gold? Alas tres na kaya ng hapon. Chinat ko na rin si Ate Keith, pinaalam kong nandito ka."

"Anong sabi?" Nagsimula na 'kong kumain nang tapos niya na ring ahinan yung sarili niya.

"Wala naman, ingatan mo daw ako kasi gold ako."

Kumunot ang noo ko.

"Anong gold gold bang sinasabi mo diyan?"

"Wala! Kumain ka na lang diyan." Natatawa na siya ngayon. Pinagtitripan ata ako ngayon, ah.

"Alangan namang doon."

Umirap siya.

"May sakit ka ba talaga?"

"E, bakit mo 'ko inaalagaan? Mema ka rin 'no?" Ngumisi ako, nang-aasar. Uminom ako ng tubig habang nakatingin sa kaniya.

"Ewan ko sa'yo. Choosy mo."

"Ha, talaga lang, ah?" Bumalik na ulit kami sa pag-kain pero maya-maya lang ay nagsalita ulit siya.

"Ikaw na lang mag-isa babalik do'n, gusto ko munang maiwan dito para alam kong walang mangyayaring kung ano kay Bea." Tumingin siya sa'kin nang matapos sa pag-nguya.

"Sige lang. Kaya ko namang umuwi mag-isa."

"Pfft, tampo 'yan?"

Umiling ako. "Hindi, ah."

"O baka na-mi-miss mo na yung... nagugustuhan mo do'n?"

Napangiti ako.

"Baka nga." Nangingiting umiling-iling na lang siya't tinapos na ang pagkain. Wow, naunang natapos.

"Pagkatapos mong uminom ng gamot, ihahatid na kita sa sakayan."

"'Wag na, dito ka na lang. Mapapagod ka pa."

"May sakit ka pa pala." Napatampal siya sa noo niya. Lutang na ata siya. "Dito ka na lang muna kaya mag-stay?"

"Ayoko. Ikaw si Stay, ayoko sa'yo," nakangusong pagbibiro ko pa, umirap ulit siya at pumasok sa kwarto. Pagbalik niya ay hawak na niya ang phone niya tsaka umupo ulit sa harapan ko. Kinuha na niya ang pinagkainan ko nang matapos ako, binigay niya na rin sa'kin yung gamot at tubig.

"'Wag mo 'kong picture-an."

"Ha? Hahaha cute mo kaya," Pinakita pa niya sa'kin 'yon at hindi talaga ako natutuwa kapag pinipicture-an ng gano'n. "Picture tayo."

"Ayoko."

"Sige na! Isa lang!" Pinagbigyan ko na lang dahil mukhang pipilitin niya pa 'ko do'n.

"Naligo ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa 'no, hinihintay kaya kita."

"Nasa akin ba yung tubig?"

"Hindi. Sabay tayo." Tumawa pa siya at namicture na naman. Bahala siya sa buhay niya.

"Maligo ka na, nabasa ka ng ulan kagabi." Walang emosyong pagpapaalala ko.

"Strong ako!" Bakit ba ang hyper nitong babaeng 'to? Nakakahalata na 'ko.

Total nasa Manila na rin naman ako at medyo malapit ang bahay nila Dete at Mama dito ay doon na lang ako didiretso kapag medyo okay na 'ko. Kinagabihan na 'ko naligo at pinahiram ako ni Stay ng damit. Siguro ito yung sa lalaking naka-face mask, branded pa yung simpleng shirt na 'yon. Hindi naman daw magagalit 'yon sabi niya. Pinag-kibit-balikat ko na lang iyon.

Inasikaso niya pa rin ako hanggang sa hihigaan ko. Nung mahiga lang ako at handa nang matulog tsaka siya naligo. Napapaisip tuloy ako. Nalilito na tuloy ako sa kaniya. Hindi ko na talaga alam kung anong gusto niyang ipalabas at... nakakainis.

Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog, naka-charge pa 'yon. Kinuha ko na 'yon agad at sinagot ang tawag.

"Hello?! Gab?!" Napalayo ako sa telepono. "Nasaan ka?! Nag-aalala na 'ko sa'yo kaya tumawag na 'ko. Nasaan ka ba?" Tiningnan ko ang cellphone at si Sayie pala 'yon.

"Nandito... sa Manila." Napatingin ako sa dumaang si Stay, naka-tuwalya pa. Dito niya kasi ako pina-kwarto sa kwarto ni Bea. Nagmamadali siyang maghanap ng damit nang hindi manlang lumilingon sa'kin. Yumuyuko pa siya at ang ikli lang ng pagkakatapis niya.

Umiwas ako ng tingin.

"Ba't ka nandiyan?! Hindi ka rin pumasok kanina," sabi niya na akala mo mamamatay na 'ko dahil sa pag-aalala ng boses niya.

"Emergency lang. Bukas wala na palang pasok."

"Oo nga pero pwede naman akong lumabas nitong weekend."

"Titingnan ko kung makakadaan ako sa'yo. Diretso kasi ako kina Mama dito." Narinig ko ang pag-lock ng pinto kaya lumingon ako ro'n. Akala ko lumabas na siya. Pero nandito pa rin siya at nakangisi sa'kin.

"Mahal? Sino 'yan?" Napalayo ako sa kaniya nang akma niya 'kong hahalikan pero pinatunog niya lang 'yon. "Isa pang round. Na-miss kita, e."

"Sino 'yan? Niloloko mo ba 'ko? Ba't may kasama kang babae diyan?!" iritang sabi ni Sayie sa kabilang linya. Nagsalubong ang kilay ko nang kunin ni Stay 'yon at patayan ng tawag. Hindi ako nakaangal agad.

"Anong cheating pinagsasabi nyan?" Umupo na siya sa kama sa harapan ko nang maayos. "Wala pa ngang kayo, cheating agad. Ang galing, ah." Umupo rin ako nang maayos at walang ganang ngumiti sa kaniya.

"Ano naman?"

"Sayie Lim, tama ba?" Hinawi ko ang buhok ko dahil sa inaarte niya. Nakaka-stress, hoo! Hirap maging gwapo!

"Stalker."

"Hindi ako stalker pero kilala ko na 'yan. Alam mo ba kung sino 'yang nilalandi mo?"

"Nilalandi, amputa," sarkastiko akong natawa. Napanganga naman siya dahil sa sinabi ko pero tiningnan na niya 'ko ng seryoso.

"'Wag siya, Archie." Napataas ang isang kilay ko.

"Sinong gusto mo? Ikaw?" Pinag-krus ko ang braso. Hindi siya umimik at nakatitig lang sa'kin. Napakagat labi siya at parang merong gustong sabihin pero nanahimik na lang.

"Sasama ako sa'yo bukas kina Ate Keith. Goodnight." Iniwan niya ako sa kwartong nakatunganga, napatingin ako sa cellphone ko na nasa gilid ko at hindi napansing kanina pa tumatawag si Sayie.











*

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 926 91
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
243K 37.4K 97
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
142K 21.3K 99
Translation novel Unicode only Zawgyi users များ page မှာဖတ်လို့ရပါတယ်ရှင်
123K 4.5K 23
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !