Stazie's Resentment

By _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco More

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 11

0 0 0
By _cyriane_

"Gab!" Masayang bungad sa'kin nito.

"Hm?" Tugon ko lang dahil may sinasagutan pa 'ko. "Gumawa ka na ba ng assignment sa math?"

"Wala manlang ba munang good morning?" Inilapag na niya ang bag niya at naupo sa tabi ko.

"Bakit ako mag-go-good morning?" Inirapan niya 'ko at lumingkis sa braso ko. Napatingin ako agad sa kaniya at sa paligid namin pero ang lahat ay may kaniya-kaniyang mga mundo.

"Good morning," mahinang sabi niya. "Kumain ka ba, ha?" Unti-unti ay hinahalikan niya ako sa pisngi na hinahayaan ko lang naman pero minsan naiilang ako.

"Ikaw? Kumain ka na?" Hindi ko pa rin siya magawang tingnan dahil isang lingon ko lang ay magkakahalikan kami dito. "Tsaka umusod ka nga, parang walang nakakakita sa'tin, ah?" suway ko. Umusod nga siya pero hindi na niya ako pinansin. Pinakopya ko na lang rin siya sa math at tahimik lang siyang nagsusulat, nagtatanong lang siya kapag hindi niya naiintindihan.

Hindi ko alam na matagal na pala akong nakatitig sa kaniya... iniisip ko kung anong nangyari. Bakit ngayon lang kami naging mag-ka-close, ngayon lang kami nagkamabutihan. Matagal na rin naman kaming magkatabi pero siguro dahil sa may manliligaw nga siya no'n kaya hindi kami maasar-asar ng mga kaklase namin. Tsaka hindi naman kami nag-uusap talaga.

Sabay na kaming mag-recess lagi, minsan kasama si Audrey at Jasfer. At talaga namang laging iniinis ni Jas si Audrey na mayabang daw ito at masyadong maangas kaya hindi niya ito magugustuhan kahit na siya na lang ang huling babaeng natitira sa mundo.

"E, bakit ba pinipilit mo na hindi ka magkakagusto sa'kin? May nagtatanong ba?!" Ngumisi si Audrey at nakabukaka pang talaga. Buti at nilagay niya ang jacket niya sa mga hita niya.

"Sinasabi ko lang para alam mo 'no. Tsk tsk tsk." Nagsimula na ulit kumain si Jas. Tiningnan ko si Sayie at may ka-chat pa ata, mukhang seryoso.

"Hayop kang talaga," mariing bulong ni Audrey. "Napaka-gago mong nilalang, bakit ba ikaw ang katabi ko, ha?! Punyeta. Makukuha mo na lahat ng pasensya ko, konti na lang!" Kunot noong reklamo nito.

"Aba! Crush mo ata talaga ako, kanina pa ako dito nakaupo 'no!" Hindi ko na sila pinakinggan pa at paulit-ulit lang naman ang pinagtatalunan nila at mga mabababaw na bagay lang naman.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nag-pop up ang chatheads ko. Tiningnan ko kung anong sinend sa'kin ni Sayie at kumunot ang noo ko at napatingin sa kaniya.

"Ano 'yon?" tanong ko, kunwaring hindi ko nakita dahil na-unsend niya agad.

"Ah, wala." Umiiling-iling pa siya at tumutok na ulit sa cellphone niya.

"Kumain ka muna, mamaya na 'yan," sabi ko.

Napalunok ako ng sariling laway at agad na naisip yung picture na na-i-send niya sa'kin. Tiningnan ko ulit siya at napatingin sa ka-chat niya, hindi rin ako natutuwa sa daloy ng usapan nila.

"Lalaki 'yang kausap mo tapos ganyan ang topic niyo?" bulong ko. Napauwang ang labi niya at hindi ako sinagot, pinatay na rin niya ang cellphone niya at nagpatuloy sa pagkain.

Napabuntong hininga ako.

Kanina pa 'ko nagpapasensya sa mga nakikita ko at naiinis na talaga ako sa totoo lang. Naiinis ako sa na-i-send niyang picture, naiinis ako sa kausap niya, naiinis na rin ako sa kaniya.

"Mag-usap tayo mamaya," sabi ko sa kaniya bago maghiwalay ng upuan.

"Sa March 16 na ang last day niyo. I-submit niyo na ang mga kulang niyo. Class dismissed." Nagsitayuan na ang mga kaklase ko at alam kong tatakas siya sa pag-uusapan namin. Bakit nga ba? Nahihiya siya? Pero hindi manlang nahiya na mag-send siya ng naka-bra at panty lang sa iba?

"Huy, ba't mo naman hinahatak tropa ko?" Kunot noong pigil sa'kin ni Audrey kaya mabilis na nakabitaw sa'kin si Sayie at tumakbo. "Anong problema niyo?" Habol tingin niya sa kaibigan. Napahawak ako sa batok ko at tumingin sa kaniya.

"Sabihin mo diyan sa kaibigan mo na tigilan ang kaka-send ng nudes niya sa ibang lalaki... ewan ko kung sinong sinesendan niya." Tumawa siya na lalo kong ikinaaasar.

"Sus! Baka ibang babae lang 'yon tapos niloloko lang yung mga kausap niya." Pinakita ko sa kaniya ang mabilisang screenshot ko kanina at hindi siya magkakamali ng nakita do'n. Kaibigan niya 'yon, e. Natural na alam niya ang hubog ng katawan nito at kung paano itong tumindig.

Kahit mirror shot nga lang 'yon ay kilalang-kilala ko na agad, siya pa kayang kaibigan niya na matagal na niyang kasama.

Dinelete ko na agad yung picture pagtapos ipakita sa kaniya.

"Sige... ano... pagsasabihan ko." Siniko niya ako para magpaalam na. "Ingat." Tumango lang ako.

Nakaka-disappoint... nang sobra. 'Wag niya sana lalong baguhin pa ang tingin ko sa kaniya dahil kahit na anong mangyari, kapag nagkamali ulit siya... titigilan ko na siya.

Pinuntahan ko na yung isang ugok sa tapat ng banyo at nagpunta kami sa canteen. Gutom daw siya.

"Jas."

"Uhm?"

"Inom tayo."

"May i-re-review pa tayong research. Lapit na ng defense, ah? Hindi pa tapos yung kay Sir Robles, 'di'ba?" Paliwanag niya habang puno ng pagkain ang bibig.

"Next time na nga lang."

Nagpangalumbaba ako sa mesa.

"Bakit? Anong problema mo? Hirap ka bang mamili sa dalawa? Sabihin mo lang at akin na yung isa para okay na."

"Daldal mo," natatawang ani ko.

"Wow naman, pre! Nahiya ako sa'yo! E, mas madaldal ka pa nga sa'kin lalo kapag puyat, e." Natawa na lang ako. Nawawala ako sa mood.

Nag-chat na agad ako sa group chat namin nila Kuya Andrei na hindi ako makakasama ngayon sa practice dahil nga sa research na kailangan naming i-defense. Ka-group ko pa ro'n si Sayie. Hanggang ngayon tuloy hindi pa tapos dahil napakatamad ng teacher namin do'n, tapos magagalit kapag hindi pa tapos. Abnormal.

"Diretso na daw tayo sa bahay nila Rolly," sabi niya habang may binabasa sa cellphone.

"Ngayon na agad?"

"Oo daw, e. Hindi manlang sinabi kanina para sinabay na tayo sa kanila, tsk! Pangit ka-bonding naman nitong mga 'to!" Humikab pa siya at nag-stretch.

"Hayaan mo na, alam ko naman papunta sa kanila." Tinapik niya ang balikat ko sa tuwa.

"Ay, nice 'tol! Kaya sa'yo ako, ih!" Tumawa pa siya na parang timang.

"Baliw."

Alas tres na nung makarating kami sa bahay nila Rolly at nauna pa ang pag-kain namin kaysa sa paggawa. Pero sabagay, gutom na rin naman ako tsaka hindi ako tumatanggi sa libre.

Tiningnan ko si Jas na inuuto-uto na ang mga kaklase namin dahil tuwang-tuwa sa pagkain, mamaya hindi na 'yan tutulong, matutulog na lang 'yan.

Panay lang ang sulyap sa'kin ni Sayie at hindi alam kung paano akong kakausapin, hindi ko rin naman alam kung kakausapin ko ba siya o hindi. Nakakatamad. Lalo na ayun pa yung nakita ko.

Naalala ko nung naiwan na lang kami sa bahay nila last month pa ata 'yon dahil nagsiuwian na ang mga kaklase namin pagtapos gumawa ng kung ano para sa groupings; sinubukan niya akong halikan no'n at hanggang ngayon hindi ko makalimutan. Kung iba akong lalaki at hindi siya nirespeto nung oras na 'yon ay malamang na sinunggaban ko na siya... pero hindi.

Naiilang pa nga ako sa kaniya lalo na dahil sa mga pinaggagawa niya tapos maghahalikan na lang kami nang gano'n lang? Tss. Hindi pwede. Wala pa rin naman kaming label, bakit namin gagawin 'yon?

Tumabi na siya sa'kin nang hindi na siya makatiis.

"Galit ka ba?"

"Hindi."

"Ano lang? Kanina ka pa tahimik diyan, hindi mo manlang nga ako kinakausap, e."

"Nagtatampo ka?" tanong ko. Napanguso siya agad at tumango.

"Pa'no kasi ikaw. Wala naman akong ginagawa sa'yo tapos kanina ang sakit ng hatak mo sa'kin, tumakbo ako kasi... hindi ko alam. Natatakot ako sa'yo dahil mukhang galit ka..." Paliwanag niya habang hindi nakatingin sa'kin.

"Sorry," usal ko.

"Galit ka nga?" Paniniguro niya pa.

"'Wag mo nang ulitin 'yon." Hinawakan ko ang ulo niya at hinaplos ang buhok niya.

"Ang alin?"

"Ang mag-send ng gano'n."

"N-Nakita mo?" Gulat na aniya.

"In-unsend mo nga 'di'ba? Pero nakita ko 'yon," Tumahimik siya. Nagpatuloy ako. "Hindi mo kailangang mag-send ng gano'n para tanggapin o mahalin ka nila. Kahit sa'kin... 'wag kang mag-se-send no'n. Ipakita mo 'yan sa lalaking pakakasalan mo at yung tanggap ka. Yung mahal ka."

"Gab..." Unti-unti siyang napanguso at bigla niya na lang akong niyakap.

"Sorry... h-hindi na uulitin. Tanggap mo naman ako 'di'ba?"

Tumango ako.

"Tanggap pa rin naman kita... Ayoko lang kasi ng gano'n, mapapahamak ka pa." Tinapik ko ang likuran niya. Alam kong naiiyak na siya at nahihiya talaga siyang ipakita ang mukha niya dahil nakatingin na sila sa'min pero sinesenyasan ko sila na magpatuloy sa ginagawa nila.

"Ayoko kasi ng gano'n. Respetuhin mo ang sarili mo dahil ikaw... talagang nirerespeto kita," pagpapatuloy ko. Tumango-tango siya at humarap na sa'kin, pinunasan ang gilid ng mata niya.

"Lab mo 'ko 'no?" Tiningnan niya ako. Tinawanan ko siya at napatanong rin sa sarili ko.

Mahal ko ba siya?

Hindi.

Hindi pa.

Nang matapos ang groupings de drama namin ay hinatid ko na si Sayie sa kanila.

"Pasok ka muna."

"Hindi na... pumasok ka na." Sinenyasan ko pa siyang pumasok na.

"Ayaw mo bang maging legal na tayo sa kanila?" nakangiting sabi nito, nagbibiro.

"Ayoko... next time. Maghahanda muna ako ng maraming lakas." Tumawa siya at tiningnan ang paligid. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

"Sige, ingat ka, ha? Kumain ka ng marami palagi para marami kang maipong lakas!"

"Oum. Sige na," Hinawakan ko ang ulo niya pababa sa pisngi at ngumiti. "Pasok ka na. Matulog ka na ng maaga, hindi umaga."

"Yes, Sir!" Sumaludo siya sa'kin, tinawanan ko siya dahil ginaya pa talaga niya 'ko. "Ingat! Byebye!"

"Sige sige, bye." Kumaway siya at nakangiti pa nga na para bang mahal ako nito. Kung makatingin kasi siya sa'kin ay parang gano'n tsaka nararamdaman ko rin naman.

Nangingiti akong naglakad pauwi sa'min. Ewan, trip ko lang. Masarap pa naman ang hangin ngayon kaya gusto ko ring maglakad-lakad, summer na kasi at bukas pag-sinag ng araw ay mainit na ulit.

Napakunot ang noo ko. Nakatingin sa pigura ng isang babae. Sa isang tingin ko pa lang kahit na malayo ay kilala ko na agad siya. Naglalakad at diretsong nakatingin sa mga mata ko. Naka-pantalon siya at kulay puting long-sleeve na crop top, naka-sapatos at nakaipit.

Nakatingin siya sa'kin.

Habang papalapit kami nang papalapit sa isa't isa ay hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. Babatiin ko ba? Anong sasabihin ko kapag binati ko siya? O kaya tawagin ko muna siya sa pangalan niya at tanungin ko kung saan siya pupunta?

"Chie."

Huminto siya sa harap ko.

"Samahan mo 'ko."

"Ha?" Wala sa sariling usal ko.

"Sige na. Kahit sandali lang." Hindi naman siya mukhang problemado dahil alam kong totoong ngiti niya 'yon.

"Naka-drugs ka ba? Bakit kita sasamahan?"

Ayaw ko kaya siyang samahan! Delikado!

"Parang others ka naman, e. Dali na. Ngayon lang." Pamimilit pa niya habang nakikiusap ang tingin. Tumango na lang ako. Wala na 'kong nagawa. Dahil bakit?! Anong dahilan para tanggihan ko siya?!

Wala.

"Sige. Maliligo lang ako para fresh ako."

"'Wag na, okay na 'yan. Pogi mo pa rin naman, e," biro pa niya. Pabirong inirapan ko rin siya na ikinatawa niya.

"Lakas mo mag-joke."

Sinama ko siya papunta sa bahay at walang tao kaya nakaramdam ako na parang hindi siya komportable kaya binuksan ko lang ang pintuan at electric fan, tinapat ko sa kaniya.

Pumunta agad ako sa kwarto ko at naghanap ng masusuot. Pantalon lang at polo na kulay puti para maangas ako. Nag-suot rin ako ng kwintas na gold, parang ako lang. Paimportante ako kasi hinihintay niya 'ko.

Nag-toothbrush ako at naghilamos para hindi naman siya masyadong malulugi sa'kin. Habang nagpupunas ng mukha ay narinig kong may kausap na siya, boses ni Heaven.

"Okay naman ako," sagot nito.

"Si Bea? Okay naman ba?"

"Oo. Siguro... ewan." Tinawanan siya ng pinsan ko.

"Baliw."

"Hindi pa naman daw siya baliw." Tumawa pa ito na.

"Gabby, ang tagal mo! Naghihintay na reyna mo, oh!" Lumabas na 'ko ng banyo at pumasok ulit sa kwarto. Nag-pabango at inayos ang buhok at pogi na 'ko paglabas ko.

"Naligo ka ba ng pabango?" Pambabasag trip pa ni Heaven.

"Ba't ka ba nandito?" Nakataas ang isang kilay kong tanong.

"Masama ba?! Tara, sabay na 'ko sa inyo hanggang sa kanto." Tumango lang kami.

Habang naglalakad ay kami lang ni Heaven ang nag-uusap, minsan tatawa lang si Stazie at sasagot kapag trip niya.

"Saan ba kayo pupunta? Gabi na, ha." Heaven.

"Ewan ko dito," sabi ko.

"Diyan lang kami sa tabi-tabi," sagot ni Stay.

"Sige, ingatan mo 'yan, Gabby tukmol, ah. Papapayatin talaga kita nang wala sa oras kapag hindi." Napatingin tuloy sa katawan ko si Stay.

"Pfft. Sexy ko talaga." Umirap silang dalawa at tumawa. Nagpaalam na rin si Heaven dahil may gagawin pa daw siya.

"Tara, inom?" Nagsalubong ang kilay ko. Napahawak ako sa batok ko dahil sa paninibago sa kaniya. Ngayon lang kami iinom at gabi pa, siya pa ang nag-aya. Tss. Lakas topak, ah.

"Nagpaalam ka ba sa Nanay at Tatay mo?" Kumislot ang labi niya, parang hindi alam kung tatawa o ano.

"Ano?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "Anong ipapaalam ko? “Ma, iinom lang kami, ah?” Gano'n ba?" Napailing-iling na lang ako sa kaniya habang natatawa.

Pumunta kami sa convenience store at siya ang bumili, libre niya. Siya naman daw ang nag-aya. Hinayaan ko na lang. Pagtapos no'n ay nasa sea side na kami at naupo sa sementong patag.

May mga ilaw pa naman dito at medyo marami-rami pa ang tao. Pareho kaming tahimik at nakatingin sa dagat, dinarama ang may kalamigang simoy ng hangin, tinatanaw ang maliwanag at magandang buwan.

Binuksan ko ang bote at binigay sa kaniya, nag-bukas rin ako ng para sa'kin. Nauna ko na 'yong tunggain, gumaya siya pero naibuga niya.

"Bakit?" natatawang tanong ko. Kinuha ko ang panyo sa loob ng bag niya at pinunasan ang bibig niya. Siya naman ay ubo nang ubo. "Ba't mo kasi binuga?"

"Ang... ang pangit pala ng lasa," nakangiwing ani niya. "'Wag mo 'kong pagtawanan diyan. First time kong uminom."

"Saan gusto mo kung ayaw mo dito?" Tinitigan niya 'ko at tsaka umirap, mas lalo naman akong natawa tsaka uminom ulit baka sakaling mapigilan no'n ang pagtawa ko. Asar na, e.

"Break na kami," sambit niya at lumagok sa inumin niya. Muntik na 'kong mabilaukan sa sinabi niya. Napatitig ako sa dagat at binaba ang inumin sa pagitan ng hita ko, nakalapag sa semento.

Ngayong break na sila ano namang gagawin ko? Masyado na bang sakto sa timing o late na siya dahil may iba na 'kong nagugustuhan?

"Gusto kong umiyak..." Napatingin na 'ko sa kaniya. "Kaso ayaw, e. Hahaha! Napapaisip ako nitong nakaraang araw... kung bakit hinayaan kita at bumalik ako sa kaniya..." Iniiwas ko ang tingin sa kaniya at binaling na lang sa mga kamay kong nasa bote. "Sa huli talaga ang pagsisisi..." Nag-angat siya ng tingin sa langit habang may ngiting hindi malaman sa labi.

"Gusto kong magmukmok tulad ng dati... kasi gano'n ko siya kamahal noon, e. Gano'n yung ginagawa ko kapag nasasaktan ako. Pero ngayon alam ko naman na kung bakit hindi na ganoon." Humugot muna ako ng hininga bago tumingin sa kaniya.

"Bakit?"

"Hindi ko na siya mahal."

"Anong dahilan 'yan? Tss. Bakit mo naman babalikan kung hindi mo naman na pala mahal 'di'ba?" Nakakainsulto ang sinasabi niya sa totoo lang. May past ako sa kaniya, e.

"Mahal ko siya pero hindi na tulad ng dati. Nito lang nakaraang buwan na-realize ko na ayokong mag-stay sa relasyon namin kung hindi ko na siya kayang mahalin ng buo," sarkastiko siyang tumawa. "Nagbulag-bulagan ako."

"Wow... deep," Tumango-tango pa 'ko. "Aray!" Hinampas niya 'ko at naiinis siyang tumingin sa'kin. Pinigilan ko naman ang pagtawa.

"Bwisit kang kausap," sambit niya sa sarili, nasa dagat na ang tingin niya.

"Oo, alam ko na 'yan." Huminga siya nang malalim hanggang ocean, animong nagpapasensya sa'kin.

"Gaano ba 'ko ka-gaga? Siguro isa akong putanginang tanga," mariing sabi niya. Para namang akong tangang nakanganga. Ngayon ko lang siya narinig mag-mura, bago 'yon sa pandinig ko.

"Bakit mo naman sinasabi 'yan? Don't say bad words, uy," pagbibiro ko pa pero hindi niya pinansin. Tumingin siya sa'kin at namumuo na ang mga luha sa mga mata niya pero ang labi ay nangingiti nang sarkastiko.

"Ayoko nang maging tanga't manatili sa taong dahilan ng trauma ng kaibigan ko." Napatitig lang ako sa kaniya dahil sa sinabi niya.

Gusto kong magtanong kung si Bea ba ang tinutukoy niya... o si Heaven, kaya hindi na ito malapit sa kanila.

"Archie..." Tiningnan ko lang siya bilang tugon na nakikinig ako. Ngumiti siya at tumingin ulit sa akin. "May... nagugustuhan ka na bang iba?"

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.








*

Continue Reading

You'll Also Like

88.6K 2.3K 33
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
46.8K 998 93
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
58.4K 136 17
My wlw thoughts Men DNI 🚫 If you don't like these stories just block don't report
286K 8.1K 137
"𝑻𝒉𝒆𝒓𝒆'𝒔 𝒓𝒆𝒂𝒍𝒍𝒚 𝒏𝒐 𝒘𝒂𝒚 𝒐𝒇 𝒘𝒊𝒏𝒏𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒇 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒚𝒐𝒖'𝒍𝒍 𝒂𝒍𝒘𝒂𝒚𝒔 𝒃𝒆 𝒂 𝒅𝒖𝒎𝒃 𝒃𝒍𝒐𝒏𝒅𝒆."