Stazie's Resentment

By _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco More

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 10

0 0 0
By _cyriane_


Sabi ni Diko nag-pa-checkup siya sa doktor noon at nalamang may Stage 1 Lung Cancer siya at hindi talaga ako makapaniwala. Maging ako ay natataranta na hindi ko malaman.

Nagalaw na rin niya yung ipon para sa pagpapakasal nila ni Ate Mikha pero hindi alam ni Ate na may ipon siya. Natanggal siya sa trabaho niya dati dahil hindi niya na nagagawa nang maayos na baka makasama pa daw sa kumpanya dahil medyo bago pa ay babagsak na agad nang dahil lang sa pagkakamali niya. Hanggang sa lagi na lang silang nag-aaway ni Ate Mikha tungkol sa pera. Lagi ring umaalis si Diko at hindi nagpapaalam.

Tulog na si Diko ngayon kaya naisipan kong tawagan si Mama. Lumabas ako para hindi siya magising.

"Oh? Napatawag ka?" Napakagat ako ng labi, kinakabahan.

"Ano kasi, Ma... si Diko kasi..."

"Nagloko? Ano? Sabihin mo na at may gagawin pa 'ko."

Natahimik ako sandali. Hindi ko alam ang sasabihin. Paano ko ba sasabihin? Hays! Bahala na. Ganoon din naman, malalaman niya din naman.

"May Cancer si Diko..."

Nanahimik saglit ang kabilang linya.

"Naku! 'Wag niyo nga akong niloloko, uso prank ngayon... prank ba 'yon? Basta, iyon! Sige, ibababa ko na. Baka malaglag 'tong si Carl, nagtitimpla ang Ate mo ng gatas."

"T-Totoo nga, Ma!"

"Aba'y sinisigawan mo ba 'ko, loko ka!"

Napahinga ako nang malalim.

"E, pa'no naman kasi ayaw mong maniwala. Nag-away pa si Ate Mikha at Diko kanina dito. Nag-sampalan!"

"Parang sira ang ulo ka naman mag-kwento, jusko." Kahit hindi ko siya nakikita alam kong napasapo siya ng ulo.

"Punta ka dito, Ma, ha? Samahan mo si Diko mag-pa-checkup."

Narinig ko ang malalim na paghinga niya sa kabilang linya.

"Oh, si-ge, sa martes... pupunta ako."

"Sabi mo 'yan, Ma, ha."

"Sige at ibababa ko na."

"Bye po."

Kinaumagahan ay chinat ko na lang si Diko na may pagkain sa mesa dahil papasok na 'ko. Sana mabasa niya.

"Oy, kanina ka pa tulala diyan!" Napabaling ako ng tingin sa katabi ko, si Sayie na kaklase kong babae. "Nakaalis na si Ma'am, nagsusulat ka pa rin?" Napatingin ako sa desk ko.

"Recess na, hindi ka ba kakain?"

Napaisip ako.

"Ah..."

"Absent bessy ko, e. Sabay na tayo." Ngumiti pa siya sa'kin na tinanguan ko na lang. Kung hindi niya sinabing wala siyang kasama edi mag-i-stay sana ako sa kinauupuan ko.

Hanggang sa canteen ay kinakausap niya ako. Sinasagot ko naman siya kapag nagtatanong, tumatawa naman ako kapag nagbibiro siya.

Ngayon ko lang na-realize na madaldal pala talaga siya.

Maganda rin naman siya. Matangkad, may bangs, mahaba ang straight na buhok, sakto lang ang puti, parang rabbit ang ngipin pero pantay at mapuputi, may biloy sa magkabilang pisngi niya, sakto lang ang tangos ng ilong, sakto lang ang hugis ng mata, medyo makapal ang kilay.

Ang alam ko rin ay marami ang nanliligaw sa kaniya. Maganda rin naman kasi ang katawan niya, siguro pati ang personality kaya habulin siya ng kalalakihan.

"Aattend ba mamaya si Audrey sa practice?" tanong ko dahil kasama sa'min yung kaibigan niya. Siya lang yung babaeng member sa'min.

"Ah, ewan ko lang, e. Wait, i-chat ko." Tinapos ko na lang ang pagkain ko habang hinihintay siyang matapos sa pag-chat pero tumatawa pa siya habang nakatutok sa cellphone niya, kinikilig pa ata.

"Kumain ka muna," puna ko sa kaniya dahil malapit nang matapos ang recess namin.

"Okay." Hinintay ko siyang matapos kumain. Iniisip kong si Stazie siya. Mabagal silang kumain, e. Wala sa loob na natawa ako.

"Eh... May dumi ba 'ko sa mukha?"

"Wala." Umiling ako.

"E, bakit ka tumatawa?"

"Wala lang. Masama bang tumawa?"

"Ay, nako! Baka iba na 'yan, ha? Crush mo siguro ako?" Natawa lalo ako. Parang si Bea siya mag-joke. Gano'n kasi 'yon mag-joke kapag kaming dalawa lang. Napailing-iling na lang ako sa kaniya at tinapon na sa basurahan yung pinagkainan naming dalawa habang umiinom pa siya ng tubig.

Hinintay ko siya sa exit door at nagmamadali naman siyang lumapit at sinabayan ako sa paglalakad paakyat sa room namin.

"Ano 'yan, ha?" malakas ang boses na asar sa'min ng bakla naming classmate.

"May manliligaw ka na Sayie, ah?" pagpapaalala naman ng babaeng classmate namin.

Tumango lang si Dimple sa kaniya at pumasok na sa room namin. Mukhang nanghihiram ng jacket, may aircon kasi sa'min. Dito na talaga ako pinag-aral ni Mama sa semi-private dahil wala ng strand na gusto ko sa ibang school tsaka walking distance lang.

"Cute naman si Sayie, pre. Agawin mo na sa manliligaw niya," sabi ni Jasfer. Tropa-tropa ko rin dito sa room.

"'Wag na, uy," Kinuha ko ang jacket ko at tinawag si Sayie. "'Wag ka nang manghiram, balik mo na lang sa'kin mamaya."

"'Wag na daw," bulong na asar pa sa'kin ni Jas, tinawanan ko lang siya.

"Salamat! Tsaka sure! Balik ko mamaya." Umupo na siya sa kabilang column sa harapan dahil iba na ang seating arrangement namin sa next subject.

Naupo na rin ako sa upuan ko at inaasar-asar pa rin ako ni Jas. Hindi ko na lang siya pinansin, magsasawa rin naman siya kaaasar.

Nang uwian na ay edi syempre umuwi na ako sa bahay, maghahanda lang ako para sa practice namin mamaya.

Tiningnan ko kung nasa kwarto pa si Diko, natutulog na pala ulit. Tinignan ko kung na-seen niya ba ang chat ko pero hindi. Tiningnan ko kung kumain siya, mabuti at kumain naman siya.

Kumain na rin muna ako bago maligo at nag-jogging pants na gray at black na t-shirt. Dinala ko rin yung cellphone at pera ko papunta sa pag-pa-practice-an namin.

"Yo!" Sumaludo ako sa kanila bilang bati.

"Naks. Aga, ah," sabi ni Toni.

"Hintayin na lang natin si Audrey," sabi nung mag-cho-choreo sa'min. Leader na rin namin kumbaga.

Nag-warm up muna kami para hindi mabigla ang katawan namin. Sa aming lahat ay ito talaga ang kailangan ko, matagal na kasi akong hindi sumasayaw, e.

"Nandiyan na pala kayo," maangas na bungad na pagpapakita ni Audrey.

Nasa bahay nila kami at siya talaga yung may kaya ang buhay sa'ming lahat. Nandito kami sa court nila para mag-practice. Kapatid niya rin yung nag-cho-choreo sa'min, si Kuya Andrei. Nung nakaraan na practice namin ay nag-basketball rin kami dito.

"Ahm... jacket mo?" Nabaling ang tingin ko kay Sayie na nandito rin pala. "Napa-laundry ko na 'yan kanina. Salamat," nahihiyang ani niya. Nag-si-sipol ang mga kasamahan namin kaya walang salita kong kinuha ang paper bag at nilagay doon ang cellphone at wallet ko.

"Tsk tsk tsk." Si Audrey 'to malamang, mahilig siyang gumano'n, e. Siguro inaasar niya ang kaibigan niya.

Nilagay ko na sa bench ang paper bag. Pumalakpak na si Kuya Andrei, mag-i-start na kaming mag-practice. Buong practice naman ay pansin kong nakatingin sa'kin si Sayie at nakakailang 'yon. Iniisip ko tuloy na crush niya 'ko.

"Kaya mo bang mag-back flip?" tanong sa'kin ni Kuya Andrei habang nakapameywang at pawis na rin. "O tumambling ng tatlong beses? Mag-vertical?" Nagpamewang ako habang hinahabol ang hininga.

"Tumbling kaya ko... siguro. Ewan ko sa ibang sinasabi mo, Kuya." Tinawanan niya ako at tinapik ako.

"Subukan mo nga."

Nagsimula na silang umatras nang tinanguan ko sila. Huminga ako nang malalim, ewan ko kung kaya ko ba. Matagal-tagal ko na rin 'tong hindi nagagawa, e.

"Kaya mo 'yan!" pag-cheer up nila sa'kin.

"Dagdag points para kay Sayie!" sabi ni Toni at tumawa.

"Angas mo na 'pag nagawa mo," maangas na sabi ni Audrey at ngumisi.

Naibuga ko ang hanging inipon ko nang gawin ko ang isang tumbling. Pagkatayo ko ulit ay ginawa kong tatlo at sumablay ako nang konti sa dulo dahil dumulas ang parehong paa ko, naitungkod ko pa ang siko ko.

"Hala!" Napasinghap siya. "Okay ka lang?!" tanong ni Sayie  na lumapit sa'kin, lahat na nga sila ay nagsilapitan sa'kin.

"Okay lang ako. Nadali lang yung siko ko." Tiningnan ko 'yon at nagdudugo pa.

"Gamutin natin 'yan," nag-aalalang sabi ni Kuya Andrei.

"Hindi na, okay lang. Ang layo-layo sa bituka, e." Tumawa ako para hindi na sila mag-alala.

"Oh, edi tara, uwian na. Tapos naman na yung practice," sabi ni Toni at pinamunas pa sa mukha ang damit niya.

Sinimulan na nilang ayusin at bitbitin ang mga gamit nila. Siguradong pakakainin pa nila kami pero kailangan ko namang umuwi para may kasabay si Diko kumain.

"Mauna na pala ako, kailangan ko nang umuwi, e," paalam ko.

"Saan ka pupunta? Sabay na tayo," sabi ni Toni.

"May kukunin pa kasi ako sa Lola ko," pagdadahilan ko pa para hindi na siya magtanong at magpumilit pa.

"Gano'n?" Kunot noong tanong pa niya. "Sige, ingat ka."

"Ingat, bro. May sugat ka pa, gamutin mo na lang sa inyo. Choosy ka dito, e," sabi ni Audrey, tinawanan ko lang siya at kumaway na rin sa kanila. Kinuha ko yung paper bag sa bench at nandoon sa tabi nito nakaupo si Sayie.

Tiningnan ko siya habang nakayuko ako.

"I-delete mo yung mga picture ko," bulong ko rito. Halata ang pagkapahiya at gulat sa kaniya. Pero tumawa lang siya at tumango na parang walang narinig.

"Ingat ka. At — at ayokong i-delete!" Mabilis siyang tumakbo kina Audrey na papasok na ng bahay nila. Kumaway silang lahat sa'kin, sumaludo ako sa kanila bilang paalam.

Pag-uwi ko ay nagpahinga ako saglit at nagsaing, bibili na lang siguro ako ng ulam sa labas.

"Diko?" Walang sumagot. "Diko?" Nilakasan ko pa ang boses ko pero walang tumugon. Baka tulog pa rin?

Pinuntahan ko siya sa kwartong tinulugan niya kanina pero wala siya doon. Naisip kong tawagan si Ate Mikha.

"Nandiyan ba si Diko?"

"Wala, e. Bakit?"

"Ah, wala naman 'te. Sige sige. Salamat."

"Kung wala siya baka nasa lugawan lang 'yon o kaya sa mga kainan."

"Sige 'te, salamat." Binaba na niya rin agad ang tawag. Mukhang hindi niya talaga alam na may sakit ang asawa niya. Paano ko ba siya hahanapin? Ang dami pa namang kainan dito sa'min.

Hinintay ko na lang munang maluto yung sinaing bago patayin ang apoy tsaka lumabas na para hanapin si Diko. Nauna kong nakita ang tapsilugan at magsasara na ata sila kaya hindi ko na tinuloy pa ang pagtatanong ro'n.

Naisip ko na baka nandoon siya sa kinainan namin dati ni Stazie. Ewan ko kung nandoon nga siya pero nagbabaka sakali lang naman ako.

Pumunta ako doon at bukas pa naman, marami-rami pa nga ang tao pero hindi ko siya nakita. Tumingin ako sa eskinita at ang dulong bahay no'n ay kina Stay.

Gusto ko siyang puntahan.

"Ba't nandito ka?" Napalingon ako sa likod ko at ito na pala si Diko. Tapos na ata siyang kumain.

"Hinahanap kita."

"Pa'no mo nalamang nandito ako?"

"Syempre, wais kaya 'to." Hinawi ko pa ang buhok ko. Umiling lang siya at nauna nang maglakad. Bumili na rin ako ng lutong ulam para sa'ming dalawa.

Paano kaya kapag wala akong pera 'no? Pareho kaming nganga dito dahil kami lang ang magkasama.

Kinabukasan ng umaga ay dumating nga si Mama. Masyado siyang early dahil alas sais pa lang ng umaga ginigising niya na 'ko. Alas sais...

Alas sais ba?!

Napatayo ako't diretso kuha ng tuwalya at mabilis na dumiretso sa banyo.

"Ayan kasi, kanina pa ginigising!" sermon niya, natatawa naman ako.

"Nag-sumbong sa'yo 'no?" sabi ni Diko.

"Prank niyo lang siguro ako, nako! Hindi nga? Twuahsjabaja." Hindi ko na sila naintindihan dahil panay buhos na 'ko ng tubig sa katawan ko. Mabilis na rin akong nag-toothbrush at pumunta sa kwarto't nagbihis.

Pagtapos ko ay nasa kusina na sila at nakahain na ang pagkain. Umupo na agad ako at nagmadaling kumain.

"Dahan-dahan naman." Masama ang tingin sa'kin ni Mama. Napainom ako ng tubig dahil nabibilaukan na 'ko. "Pagtapos ng school mo dito, doon na tayo sa Maynila, ha?"

"Pa'no 'tong bahay?" tanong ni Diko.

"Oo nga, Ma. Paano? Tsaka gusto ko na dito magtapos, lilipat na naman ng ibang school," singit na reklamo ko.

"Aba'y ikaw ang bahala, ikaw lang ang maiiwan dito. Wala kang kasama."

"Ayos lang, may multo naman dito. Nandiyan si Daddy, babantayan ako no'n!" pagbibiro ko. Inilingan lang nila akong pareho. Napakibit-balikat na lang ako habang kumakain.

"Magpapa-checkup na kami ngayon, ihahatid ka na rin namin sa school mo, bilisan mo."

"Si Mama kanina sabi dahan-dahan tapos ngayon bilisan," nakangusong sabi ko.

Katulad nga ng sinabi niya ay hinatid nila ako at ang sama ng bungad ng araw ko, nakita ko si Sayie. Naalala ko yung video na naka-send sa'kin at ang sama ng bagsak ko sa video na 'yon! Ang pangit ko pa sa mga pictures!

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Lumilipad na naman ang utak ko kakaisip kay Stazie. Nakaka-miss yung ngiti niya, yung tawa niya, pag-irap niya, pagpapasensya niya sa pang-aasar ko kahit alam kong pikon siya sa'kin pero tumatawa na lang.

Wala naman na 'kong balita sa kaniya pero nag-cha-chat pa rin sa'kin si Bea. Hindi ko lang pinapansin kapag tungkol sa kaibigan niya. Ang sakit lang kasi nung huli ko siyang nakasama. Ang kirot lang talaga nung huling makita ko siyang may kasamang iba.

Nakita ko na lang na umuwi na siya rito pero hindi pa niya ako nakikita. Mukhang tapos na rin ang pasukan nila. Sa'min patapos na rin naman pero inaasikaso namin ngayon ang completion.

Hindi ko lang talaga inaasahang may magbabago. Nang sobra. Sa'ming dalawa.

Bakit parang naging baliktad ata ang mundo ngayon? Anong ginagawa niya sa buhay namin? Kung kailan namang nagugustuhan ko na si Sayie.









*

Continue Reading

You'll Also Like

148K 293 18
Just a horny girl
404K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...
245K 37.8K 98
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး