Stazie's Resentment

By _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco More

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 8

0 0 0
By _cyriane_


"Pakibigay kay Stay." Inabot ko ang regalo kay Bea.

"Ako wala?" biro pa niya.

"Syempre meron! Nandiyan rin, kunin mo yung pink na paper bag." Nginitian ko pa siya. Kumislap naman ang mga mata niya. Pfft.

"Ay talaga?!" Tiningnan niya nga 'yon at ngumiti nang malawak. "Yie! Kaya lab kita, e!"

"Kay Stay lang ako, huy," Nginusuan niya ako. "Uwi na 'ko." Kumaway siya habang nakangiti.

"Ah, sige. Ingat, ah? Merry Christmas ulit!"

"Sige sige, salamat din. Merry Christmas, Bea!" Kinawayan ko din siya.

"Oo! Makakarating! Hahaha bye!" Tinanguan ko siya at umalis na rin. Tiningnan ko ang cellphone ko nang tumunog 'yon.

"Tsk, nagpapabili wala namang binigay na pera," reklamo ko. Wala na rin akong nagawa kun'di sundin ang utos ni Ate. Pumunta ako sa McDo at nag-order na rin para sa kanilang dalawa ni Kuya Owen, buti talaga may dala akong pera.

Naupo muna ako sa isang upuan doon habang naghihintay na tawagin. Nagpangalumbaba ako sa mesa at parang tangang nanlaki ang mata ko at yumuko tsaka tiningnan ulit ang pababa na sa hagdan na si Stay kasama ang boyfriend niya.

"One, two, zero." Pucha. Tatawagin na nga lang ng staff sakto pang mapapadaan ako sa kanila, putek naman talaga, oh. Hays!

Huminga muna ako nang malalim at tumayo na, kunwaring hindi ko sila nakita kahit napatingin silang dalawa sa'kin.

"Thank you, Sir," sabi pa ng staff. Tumalikod na 'ko agad at lumabas. Nang medyo nakalayo na 'ko sa Mcdo ay napabuga ako ng hangin at napahilamos sa mukha ko.

"Jusko... sana mag-break na sila," bulong ko sa sarili.

Habang papunta sa ospital ay bash ako nang bash kay Rex. Pang-asong pangalan, amp. Pero hindi ko maitatangging may kirot sa puso ko na pilit kong hindi iniinda. Syempre, para naman hindi lalong masakit.

Tiningnan ko ang paligid at marami ng kumikinang na mga ilaw dahil bukas pasko na. Umakyat na 'ko sa third floor pagpasok ko sa ospital. Nakita ko agad si Ate na nasa waiting area, nakaupo.

Medyo maayos na ang itsura niya ngayon pero laging hindi siya makatulog sa pangamba at pag-aalala sa anak at jowa niya. Tsk, sanaol may jowa. Ilang buwan pa nga lang ata sila ni Kuya Owen, e. Tapos ganyan agad ang nangyari.

May sumpa ata.

"Oh, 'te." Abot ko sa kaniya ng order niya. Gusto niya no'n, e. Arte kasi.

"Bayaran na lang kita sa bahay," ani niya.

"Kahit 'wag na, magpahinga ka na lang diyan at kumain." Tumango lang siya.

"Uuwi ka na ba?"

"Kailangan mo ba ng kasama?" Nagpamulsa ako.

"Hindi na. Ingat ka sa pag-uwi." Bahagya siyang ngumiti.

"Merry Christmas 'te, ayan na regalo ko, ah?" Natawa naman siya at tumingin sa binili ko.

"Salamat."

"Sige, alis na 'ko." Kumaway siya sa'kin tsaka pumasok na rin sa kwarto ni Kuya Owen.

"Si Carl, Ma?" tanong ko nang madatnan si Mama sa bahay at naglilinis, nag-mano na rin ako. Nakalabas na nga rin pala si Carl sa ospital pagtapos ng limang araw.

"Nasa kwarto namin ng Dete mo, tignan mo nga at baka naglalakad na."

"Luh. Mag-a-apat na buwan pa lang, e." Tinawanan niya naman ako kaya umakyat na rin ako doon at pumasok sa kwarto. "Ay... mahimbing ang tulog ng baby na iyan." Tinawanan niya 'ko kaya sumilip ako sa crib niya. Gising pala. Scammer. Binuhat ko siya at bumaba na kami. "Ma, hindi pa ba tayo mag-aano ng Christmas tree?" tanong ko.

"Mamaya nang gabi. Darating nga rin pala ang Kuya Limuel mo bukas."

"Ha? Talaga? First time ata 'yon." Sana hindi ako mag-tunog sarkastiko.

"Mabuti nga at pupunta 'yon, e. Hindi ko lang alam kung kasama ang girlfriend niya." Hindi na lang ako nag-salita pa at nakipaglaro na lang kay Carl sa kwartong isa. Doon ako natutulog.

Nang mapagod naman ako sa kakadaldal sa pamangkin ko ay natulala na lang ako sa tabi niya. Iniisip ko yung kanina... Mukhang okay naman sila. Bagay sila.

"Gab. Gab? Hoy, gising!" Inilagan ko ang pagkalabit ng kung sino man 'yong animal na 'yon.

"Ano ba... natutulog, e istorbo." Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagtalukbong ng kumot.

"Nasa baba si Stazie, tanga." Napabalikwas ako ng upo at napahilamos ng mukha.

"Ha?! Saan?!" Inikot ko ang mata, natataranta pa!

"Bwahahahahahahaha!" Hagalpak niya ng tawa.

"Parang tanga 'te," magkasalubong ang kilay kong sambit at humiga ulit. Napatingin ako sa tabi ko at wala na si Carl. "Nasaan si Carl?"

"Nasa baba, buhat ni Ate," Hinila niya 'ko patayo. "Tara, ilagay mo na yung star sa Christmas tree!"

"Tapos niyo nang gawin?" tanong ko habang tinatanggal ko ang muta sa mata ko.

"Oo, kaya nga pinapalagay na sa'yo yung star, e," Maangas na sabi niya at sinipa pa 'ko. "Tumayo ka na diyan, daming pagkain sa baba. Pupunta kayo kay Kuya Owen sa ospital." Bumaba na 'ko agad dahil nadadaldalan na 'ko sa kaniya. Nakakarindi boses niya kapag ginigising ako, e!

"Sa susunod si baby Carl na magsasabit ng star!" masiglang sabi ni Dete. Kinuha ko na yung star at sinabit 'yon doon sa tuktok ng paskong puno. Tsk.

"Wish ko lang sa pasko ay maging healthy at masaya ang pamilya natin," nakangiting sabi ni Mama.

"Hayaan mo, Ma. Itawa na lang ang problema," singit ni Dete at inakbayan si Mama.

"Itawa, itawa, nako! Mataas nga lagi dugo ni Mama!" sabi ko. Bumaba na ako sa upuan at iginilid, total tapos ko nang ilagay yung star.

"Ewan ko sa iyo," sabi ni Mama at nilayasan kami.

"Oh... 'di'ba? Menopause na." Tinawanan naman ako ni Dete at pabirong sinuntok ang braso ko tsaka pumunta sa kusina.

Pero ang sakit ng suntok no'n, ah!

Wala akong nagawa kun'di sumunod na lang din sa kaniya. Ako na lang nasa sala e.

Nauna nang kumain si Dete dahil papasok pa daw siya mamaya kaya siya na muna ang magbabantay kay Carl habang nasa ospital kami. Hindi pa din naman pumupunta si Kuya Limuel. Kahit kailan talkshit.

Katulad nga rin ng napag-usapan ay pinuntahan namin si Kuya Owen doon. Masaya naman dahil namimigay rin si Mama ng pagkain sa ibang kwarto. Masaya si Mama sa gano'n, e. Yung nakikitang masaya yung tao sa simpleng bagay na binibigay niya.

Panay lamon lang ang ganap namin hanggang sa sumapit ang bagong taon.

"Happy new year!!!" sigaw namin. Nasa labas kaming magkakapatid at nagpapaputok.

"Huy, Diko, si Siri! Maano yung kamay nyan ng paputok!" sigaw ko. Dali niya namang kinuha 'yon sa anak niya at binuhat.

"Papa, ice cream!" Nagpa-cute pa ito sa kaniya kaya napangiti si Kuya.

"Halika, bumili kami ni Keith ng ice cream kanina, e," sabi ni Ate Grace at akmang bubuhatin si Siri. Natawa naman kami. Ngayon lang kasi ulit siya nakita ng bata kaya natatakot.

"Sama ka na kay Tita," natatawang ani ni Diko. Kahit nagdadalawang isip ang bata ay sumama naman siya kaya tuwang-tuwa naman ang buang kong kapatid.

Nang maubos ang nabili naming lucis ay pumasok na rin kami para kumain. Nakita ko namang kausap ni Kuya Limuel si Mama. Hindi kasi natuloy nung pasko ang pagpunta nila kaya ngayon sila pumunta, may inasikaso daw, e.

"Ma, kain na tayo," aya ni Dete. Natigil naman agad ang usapan nila at naupo na sila. Kahit si Siri ay tahimik na nakaupo at hindi kinakausap si Ate Grace.

Naninibago naman ang paningin ko dahil buhat ni Kuya Limuel si Carl. Wala pa rin kasi siyang anak hanggang ngayon pero may girlfriend siya at nagsasama na daw sila sa iisang bubong.

"Gwapo ng anak mo," sabi nito kay Ate sa malalim nitong boses. Kailan nga ba nung huli namin siyang nakita? Hmm... Mag-da-dalawang taon. Pagkatapos ipanganak si Siri?

"Mag-dasal muna tayo," sabi ni Mama kaya natuon ang atensyon namin sa kaniya. Pinagsalikop na niya ang mga palad at pumikit, gano'n din ang ginawa namin.

"Lord, salamat sa munting salo-salong ito at hinayaan niyong maging masaya ang bagong taon namin. Masaya akong magkakasama ang mga anak ko sa hapag... kahit na maraming problemang pinagdaraanan."

"Lord, sana wala ng away, galit at sama ng loob ang mga naririto. Hayaan sana nilang magpatawad ang mga puso nila..." Kahit hindi man namin sabihin kay Mama ay alam pala niya... doon sa sinabi niya ay ramdam kong nawala ang ilang at tensyon kanina at nagkatinginan sila.

"Gabayan niyo po kami at bigyan ng lakas para sa araw-araw... salamat rin sa mga biyayang natatanggap namin sa'yo mahal na panginoon... Amen." Sa katahimikang ito ay naging emosyonal ang mga itsura nila kaya iniwasan kong tumingin sa kanila. Baka makornihan lang ako.

Ako na tuloy ang naunang kumain. Natawa naman sila nang walang dahilan at nagtinginan sa isa't isa at tumawa ulit tsaka nag-kwentuhan.

Mga baliw.

"Gabo, may shota ka na ba?" Para namang ano 'to si Kuya! Na-miss ko tuloy tawagin niya 'ko do'n dahil siya talaga ang original na tumatawag sa'kin ng gano'n.

"Wala." Nagtawanan naman si Dete at Diko dahil kilala naman nila si Stazie. Inaasar tuloy nila ako at wala ako sa mood dahil sa nakita ko nung nakaraan.

Lumapit na lang ako kay Mama at nagsumbong pero tinatawanan lang rin ako kaya umakyat na 'ko sa kwarto at nag-cellphone na lang. Mukhang serious talks naman sila sa baba, e.

Beatryze Alva

Punta ka dito bukas? Pupunta naman si Stay hahaha. Punta ka na.

Nood tayo movies tapos walwal. Charot.

Hindi na 'ko nakapag-reply dahil sa pag-i-imagine kung anong mangyayari bukas kung pupunta ako. Pero tangang-tanga na yata talaga ako at pumunta talaga ako pagtapos akong payagan ni Mama, binigyan pa nga ako ng pera. Napaka-supportive.

"Oh, ano na? Alak ba?" sabi ko pagtapos kong pumasok sa bahay niya. Napahinto naman ako at nakatingin lang sa lalaking nakita ko.

"A-Ah... aalis na siya," natatarantang sabi niya. "Ingat ka." Baling niya dito at tumango lang ito sa kaniya tsaka bumaling sa'kin sandali at lumabas na.

"Sino 'yon? Hindi ko nakita, naka-face mask."

"Ah, kaibigan ko lang hahaha. 'Wag mo sanang sabihin kay Stay."

"Ha? Bakit naman?" Nilapag ko na ang dala kong pagkain sa mesa at sa totoo lang ay wala naman talaga akong dalang alak.

"Wala lang, gusto kong maging lowkey."

"Jowa mo?" Hindi niya sinagot at nginitian lang ako. Binuksan na niya yung flat screen TV at nag-scroll ng mapapanood sa Netflix.

"Nakakapagtaka lang, ha..."

"Hm? Bakit?" sagot niya nang hindi nakatingin sa'kin.

"Kakalipat mo lang nung October, tama ba?" Napatigil siya sandali sa paghahanap. "Nagtataka lang ako na kumpleto agad yung mga gamit mo dito sa bahay."

"Ahh hahaha magic 'yon. Tara na dito, nood tayo." Kinuha ko na lang yung binili ko at tumabi sa kaniya sa sofa, binuksan yung chichirya tsaka inumin at binigay sa kaniya.

Tahimik lang kaming nanood pwera lang kapag nagugulat dahil horror ang pinili niya. Sa pangalawang movie naman ay umiiyak siya.

"Sakto umuulan..." sabi niya at suminghot. Natawa naman ako sa kaniya.

Pangalawang movie na wala pa rin siya...

Sakto namang biglang may kumatok kaya tumayo ako agad at napahinto tsaka tinignan si Bea na nagpipigil ng tawa.

"Excited, ah? Sige, ikaw na magbukas." Sabay ngisi niya sa'kin. Huminga ako nang malalim at binuksan na yung pinto. Bumungad naman sa'kin si Stay... na medyo basa at may kasama nga lang.

"Ah, Archie," Parang nagulat pang sabi niya at tumingin sa katabi niya sandali. "Si Bea?"

"Nasa loob." Lumapit na rin sa'min si Bea kaya pumunta ako malapit sa banyo at kinuha yung tuwalya at inabot kay Stay. Tiningnan naman ako nung jowa niya at tinaasan ng kilay.

E, iisa lang naman yung tuwalya kaya wala akong mabibigay sa kaniyang extra tsaka kahit meron pa, may kamay naman siya at paa. Pake ko ba naman sa kaniya.

Tumingin naman ako kay Stay nang hindi niya pa rin inaabot, kaya napilitan siya, naiilang pa. Umupo na ulit ako sa sofa at nag-kunwaring walang pakialam pero buong atensyon ko ay nasa kanila.

Medyo nakakarindi na nung nag-uusap sila. Gusto ko na lang mabingi para hindi marinig yung boses asong 'yon.

"Nilalamig ka pa ba? Painit tayo?" Napatingin na 'ko sa kanila na tumatawa na at nakakainis! Nakakainis kasi gano'n na yung sinabi tinawanan pa niya!

"'Wag ka na kasing tumingin." Napatingin ako kay Bea na nasa tabi ko na pala. "Ang sama na masyado ng tingin mo kay Rex, hays. Hayaan mo na sila, nandito naman ako," nangingiting sabi niya.

"Pfft. Gaga," natatawang ani ko.

Sa TV na lang ako tumingin.

"Ay, hindi mo na 'ko mahal?" natatawang sabi pa niya habang nagpipindot sa remote.

"365 days? Anong kwento 'yan?" biglang tanong ni Stay.

"Maganda 'yan," pangungumbinsi ni aso.

"Libog na," bulong ni Bea tsaka nilipat sa ibang movie pero nag-reklamo pa si tukmol na ibalik daw do'n. Gumatong pa si Stay. Hays! Hindi mo alam kung anong ginagawa mo, Stazie! Nakaka-badtrip ka!

"Uwi na 'ko," bulong ko kay Bea.

"Tanga 'wag, ayokong maiwan nang kasama 'yan." Mukhang ayaw niya kay aso. Okay, edi hindi muna ako uuwi. Baka kung ano pa ngang gawin ng asong 'to sa mahal ko. Mahirap na.

Nang mag-umpisa na ay tahimik na kami pero minsan ay nagtatanong... ako. English ba naman kasi, e. Nakakabobo.

Nung bandang ano na... SPG. Tiningnan ko si Bea at tahimik lang siyang nanonood. Napatingin naman ako kay Stay pero nakatakip na siya ng mata at hindi niya nakikita ang kamay ng bulldog na 'to.

Sinagi ko si Bea nang mahina at sinenyas sa kaniya yung dalawa kaya tiningnan niya. Nakaakbay yung aso sa kaniya pero pababa nang pababa yung kamay sa dibdib ni Stay. Hindi na 'ko nakapag-timpi at tumayo na ako't tinapik ko yung kamay niya kaya napatingin si Stay sa'kin.

Tiningnan niya ako, nakakunot ang noo. "Ano bang problema mo?" sabi ni Rex at galit na tumayo.

"Oh, galit ka na naman? Pupukpukin mo ba ulit ako ng bote sa ulo?" seryosong sabi ko pero tonong naghahamon.

"Anong sinasabi mo?" pasinghal na ani niya.

"Bakit ka nagagalit?" ngumisi ako. "Hahawakan mo pa siya 'no?" Tinulak niya na 'ko.

Galit na talaga siya.

"Ano bang pinagsasabi mo, ha? Alien ka ba?!" sigaw niya sa mukha ko.

"Umuwi ka na nga kung maglilibog ka lang dito," singit naman ni Bea at pumunta sa kusina dala yung plastic na pinagkainan namin. Sumunod naman si Stay sa kaniya.

Nakakuyom na yung kamay nung bulldog, nagtitimpi pa ata habang nakatingin nang masama sa'kin. E, mukha naman siyang trigger na trigger. Kulang na lang lumabas yung asong pangil niya. Sumunod na siya kay Stay sa kusina at bigla na lang niyang hinila sa braso.

"Uuwi na kami, Bea, ah? Sorry ulit," paalam ni Stazie dito. Kinuha na niya yung bag niya sa sofa at tumingin lang sa'kin saglit tsaka mabilis na silang lumabas.

"Uwi na rin ako, Bea."

"Sige, ingat kayo." Tumawa pa siya at kumaway na lang.

"Lock mo pinto mo, pati mga bintana mo, ah. Ingat ka." Tumango lang siya sa'kin at kumaway kaya lumabas na 'ko at mabilis silang hinanap.

Palingon-lingon ako sa paligid at buti pala huminto na ang ulan, basa nga lang ang kalsada kaya nag-iingat rin ako sa paglalakad.

"Mag-break na lang tayo kung ganyan ka." Hinanap ko ang boses niya at nandoon sila sa gilid ng isang bahay at medyo may kadiliman.

"'Wag naman, Stazie. Nagseselos lang talaga ako..."

Pfffft. Paawa epek. At ano kamo? Sa'kin ba siya nagseselos?

"Wala naman siyang ginawang ikakaselos mo. Tsaka ano ba? Bitawan mo nga 'ko." Pilit niyang tinatanggal ang mga kamay nito sa braso niya.

"May gusto siya sa'yo! Anong dapat kong isipin, ha?!" Kita ko ang pagbabago ng itsura ni Stay, mukhang natakot sa sigaw nito. Unti-unti ay lumapit na 'ko sa kanila pero yung hindi pa rin nila ako mapapansin. Nagtitimpi lang rin akong umeksena.

"Ano ring iisipin ko sa'yo? Hindi mo sila nirespeto sa harapan ko. Kaibigan ko si Bea, alam mo 'yan," mariing sabi niya.

"Kaibigan, amputa. Kaibigan daw pero siniraan ako sa'yo. Kaya nga tayo nag-break dati 'di'ba?" Ngumisi pa itong parang bulldog.

"Alam mo... bukas na nga tayo mag-usap, please lang." Inayos niya ang sarili nang bitiwan na siya nito pero walang tugon yung aso at nakakuyom lang ang kamao. Napatingin ako sa paa kong dumulas sa tsinelas ko at ang putik na!

Pero pagkatingin ko ulit sa kanila, magkalapit na ang mga mukha nila. Umiwas na agad ako ng tingin at huminga nang malalim. Dahan-dahan akong napasandal sa pader, tumingala at pailing-iling ngunit wala sa wisyo.

Nangingiyak ako sa nasaksihan ko. Nakakapanginig ng kalamnan. Nakakapanghina na hindi ko maintindihan.

Nang marinig ko na silang nag-uusap ay tsaka ako dire-diretsong naglakad palayo sa kanila. Napahilamos ako ng mukha sa pagpipigil ko ng luha.

"Napakaiyakin mo naman, Gab! Parang babae lang, e!"

Pero tangina. Harap-harapan ba namang pinamumukha talaga sa'kin, e! Sinasabing tama na! Awat na... awat na, Gabo. Talo na tayo. Hindi mo nga manlang kayang pantayan 'yon, malagpasan pa kaya!

Tama na lang sigurong umiwas na ako at sumuko. Marami pa naman diyang iba. Magiging masaya na lang siguro ako para sa kanila, kahit kailan hindi siya magiging sa'kin. Baka hindi talaga siya masaya sa'kin. Baka hindi talaga siya para sa akin para magawang mahalin ako at manatili.









*

Continue Reading

You'll Also Like

242K 5.5K 56
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
245K 37.8K 98
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
404K 5.5K 28
Emmett loves to be a rebel. He skips school to hang out, drink, and smoke with his two friends when suddenly he and his best friend are cornered and...
318K 18.7K 40
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong