Stazie's Resentment

Por _cyriane_

47 3 0

Stazie Fuentes Gabil Archie Lavingco Más

Stazie's Resentment
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13

CHAPTER 6

2 0 0
Por _cyriane_


"Sorry po na-late, Ma'am," alangan akong ngumiti habang iniaabot sa kaniya ang project ko.

"Bakit late ka nang nagpasa?" tanong niya habang nasa folder ko nakatingin at chinecheckan.

"Nagka... problema po kasi sa bahay, Ma'am, e," Tinanguan niya lang ako. "Hehehe salamat po!" Masaya kong kinuha ulit sa kaniya ang folder ko nang matapos na siya.

"Maintain your grades, Lavingco Kasama ka pa naman sa achiever." Sumaludo ako sa kaniya habang nakangiti at nagpaalam na rin.

Babalikan ko pa yung bag ko sa room dahil inihabol ko sa kaniya 'tong project sa office nilang nga teachers. Nang makuha ko ang bag ko ay lumabas na rin ako sa school at bumili muna rin ng softdrink dahil uhaw na uhaw na 'ko.

"Uy, par!" Gulat akong lumingon sa tumapik sa'kin. "Buti nakita kita."

"Ha? Bakit? Ano 'yon?" Kunot noong tanong ko at sinenyas pa sa kaniya ang iniinom ko, tumango siya.

"Gusto ko lang sabihing may contest na gaganapin sa susunod na taon, balik ka ba?" Babalik ba 'ko sa grupo nila Toni?

Umiling ako. "Hindi ko alam."

"Sumali ka na! Malaki ang mapapanalunan natin kung mananalo tayo!" Puno ng saya ang mata niya habang sinasabi 'yon. Excited ata siya.

"Pa'no kapag hindi naman nanalo?" Pinanliitan ko siya ng mata.

"Edi... ewan! Haha! At least na-enjoy mo... natin 'di'ba? Tsaka kulang kami ng member, e kaya nag-re-recruit si Master."

"Sige sige. Pag-iisipan ko 'yan, ha?" sabi ko at sumipsip sa iniinom ko. "Uwi na 'ko, ingat ka rin sa pag-uwi," tinapik ko ang balikat niya at nginitian siya.

"Nag-aaral ka pala ulit? Nice!" Napalingon ulit ako sa kaniya at tuwang-tuwa ang reaksyon niya na may pagkamangha.

"Ngayon mo lang nalaman?" natatawang ani ko.

"Ngayon ko lang napansin, baliw. Haha! Mabuti 'yan, mag-aral ka... pero 'wag mong kakalimutan, ha? Yung sa sayaw."

"Hahaha sige sige. Una na 'ko." Tinapik niya ang balikat ko kaya sumaludo na 'ko sa kaniya at madaling umuwi sa bahay.

"Hi, baby Carl!" natutuwang bati ko at pinindot ang pisngi niya, tumawa naman siya kaya binuhat ko na.

Tumingin ako sa paligid at maingay sa kusina. Paniguradong nagluluto si Mama at abala tsaka mukhang may kausap pa. Sinong katulong no'n magluto? E, nandito si Dete at naglalagay ng lobo sa pader.

"Oh... happy sscond month baby Carl..." Nakangusong ani ko, nafpapa-cute din. Pinindot ko ulit ang pisngi niya at pagkatingin ko sa diaper niya... ay shet. Tumae! Agad ko na siyang binaba sa sofa at binaba ang bag ko tsaka ako kumuha ng wipes, pulbo at diaper para linisan siya.

"Abunjing bunjing... pogi mo ngayon tapos tatae ka lang?" Tinawanan lang ako. Psh.

"Si Ate ba pupunta?" tanong ni Diko na ang kinakausap ay si Dete pero ang tinutukoy ay si Ate Grace.

"Hindi ko alam, sinabihan na siya ni Mama. Ewan ko lang kung pupunta nga siya," sagot sa kaniya nito habang abala sa pagkabit ng kung ano-ano sa pader.

"Tigas ng bungo," singhal ni Kuya at humithit sa sigarilyo niya. "Iniwan yung anak dito. Sabi lang hahanapin yung Tatay... o baka si Gab talaga ang Tatay?" biro niya na tinawanan naman ni Dete.

"'Di na uy! Incest ka..." Inirapan ko siya.

"Bakla," Tawa pa niya. "Kamusta na yung nililigawan mo? Kailan ka sasagutin?" Umiling-iling naman ako habang si Dete tinatawanan ako.

"May iba na 'yan... hindi ka ba chinachat?" Umiling ako. "May iba na nga..." Pareho silang tumawa ni Diko, nang-aasar.

"Epal ka 'te." Umirap ulit ako.

"Kalalaking tao marunong umirap." Diko. Nawala rin ang ngiti niya nang makita ang asawa niya. "Mikha..." Agad niyang inupos ang sigarilyo niya at nilapitan ang asawa. Ako naman ay binalik na sa crib si Carl nang matapos ko siyang linisan.

"Nasaan si Mama?" mahinahong tanong ni Ate Mikha pero bakas sa tono ang sungit, normal na.

"Nasa kusina," sagot ni Dete na hindi na nangopo dahil magkasing-edad lang naman sila.

"Nasaan si Siri?" Pagkatanong no'n ni Kuya ay pumasok na si Siri at pulang-pula ang mukha. Gano'n talaga siya kapag naaarawan.

"Aba... active na ang batang 'yan, ah? Tumatakbo na," natatawang sabi ni Dete sa tatlong taon ng batang si Siri. Tawag namin sa kaniya Siri pero ang buong pangalan niya ay Serene Madeline.

"Pa..." sambit ng bata at excited na yumakap sa binti ng Papa niya. Mabilis akong tumabi kay Dete.

"Ngayon lang ba sila nagkita?" pakiki-chismis ko.

"Oo, tanga. Nag-away nga sila no'n 'di'ba?" Ah... okay.

Tumulong na lang ako kay Mama sa kusina dahil alam ko namang maaasahan na si Dete sa pagbabantay kay Carl, tahimik lang naman yung bata at hindi iyakin kaya madaling alagaan.

Nang handa na ang mga pagkain ay sakto naman ang pagdating ni Ate Grace... may kasama nga lang lalaki. Ito na ba? Yung nakabuntis sa kaniya? Bakit parang medyo... matanda na? Ang ibig kong sabihin ay parang nasa edad trenta na.

"Hali kayo at maupo kayo," aya ni Mama at kinuha ang iilang dalang gamit ni Ate. Ni hindi man lang niya tiningnan yung anak niya kung kamusta na? Mahigit isang buwan nang nandito ang anak niya at ngayon lang siya umuwi!

"Ah... Ma..." Tumingin siya sa'ming lahat. "Si Owen, boyfriend ko po... Owen, si Mama nga pala. Tapos ang sumunod sa'kin, si Ladrim, si Keith at ang bunso naman ay si Gab." Napilitan na lang akong ngumiti dahil hindi ko alam kung paano sila pakikisamahan.

"Akala ko lima kayo?" tanong nung Owen.

"Ah... oo, si Limuel yung pinaka-panganay sa'ming lahat pero wala siya dito, e..." — Kasi nga nakalimutan na kami, nagpakalunod na ata 'yon sa pera niya, psh. Walang utang na loob kay Mama. Ni singkong bulag ay wala manlang nakuha.

"Kumain na tayo..." sabi ni Mama pero bago 'yon ay nag-dasal muna kami.

Yung susubo na sana ako pero biglang umiyak si Carl... hays. Tumayo agad ako at nag-timpla ng gatas niya tsaka siya nilagyan ng lampin sa gilid ng leeg niya para hindi mahulog ang bote na dinedede niya.

Nang bumalik na 'ko sa inuupuan ko ay nagkasalubong pa ang mga tingin namin ni Ate. Umiwas na lang agad ako ng tingin... hindi ko alam, basta naiinis ako sa kaniya.

"Ma, punta ako next week kina Stazie, ah? Sabado naman 'yon, pabantay si Carl, Ma, ah?" nakangiting sabi ko.

"Kukunin na namin si Carl..." Sabay banat ng gano'n? Hindi ko siya pinansin pero puno na ng tanong ang utak ko.

"Tsaka lilipat na rin tayo ng bahay..." anunsyo ni Mama at ngumiti.

"Po? Saan?" tanong ko.

"Sa Maynila."

Yes!!!!!

"Nandoon kasi ang trabaho ko, nahihirapan akong mag-byahe kaya inaya ko na si Mama total may ipon naman na 'ko..." sabi ni Dete habang namamapak ng manok.

"May... trabaho na nga rin po pala ako. Sa kumpanya nila Owen." Nabaling ang atensyon nila kay Ate Grace pero ako nabaling kay Ate Mikha dahil sumama ang tingin niya kay Diko pero umiwas lang ng tingin ito at inasikaso ang anak sa pag-kain.

Mukha siyang kawawa. Malungkot ang mukha niya pero pinipilit niyang tumawa at ngumiti, pinipilit niyang sumalo sa usapan.

"Alam mo bang ayaw ng mga babae ngayon ang puro pangako? Puro salita?" nakangising sabi ni Kuya. Nasa salas kami at sinasamahan sila ni Kuya Owen mag-inom. "Dahil sa lecheng pangako na 'yan nasira na kami," mariing ani niya at nilagok nang diretso ang alak.

"Ano bang pinangako mo, bro?" tanong ni Kuya Owen. Umismid naman si Kuya at maikling tumawa.

"Pinangako? Marami... tulad nung pagpapakasal, mapagawa yung gusto niyang bahay, maging mayaman kasama siya... pero ni isa wala pang natutupad sa mga 'yon." Malungkot siyang napatitig sa kawalan.

"Hindi pa naman huli ang lahat, ah? Maaga-aga pa. Ilang taon lang naman yung anak niyo... bata pa. Tsaka hindi madaling yumaman," pagpapagaan ng loob niya kay Diko.

"Pero para sa desisyon niya, huli na," Ngumisi siya nang wala sa sarili, nakatingin lang sa bote ng alak pero parang wala na sa sarili. "Expect the unexpected talaga 'tol... expected ko kasi magiging masaya kami ngayon kasi nandiyan si Siri, yung magandang anak namin 'tol..." Napangiti pa siya na para bang may imaheng nabuo sa utak niya.

Nakakatuwa pala si Diko... pinupuri niya yung anak niya sa harapan namin at alam naming proud siya, na masaya siyang dumating sa buhay niya yung bata. Pero hindi ako sanay sa mga ganitong ka-dramahan kaya hinayaan ko na lang silang mag-usap do'n at nag-walwal mag-isa sa kusina, nagdala ako ng alak, e. Inom-inom muna habang tulog si Mama.

"Puntahan natin si Daddy bukas..." sabi ni Dete nang makalabas sa banyo at nagsalin naman ng tubig sa baso. "Pagtapos no'n ay mag-iimpake na tayo ng gamit para makaluwas na sa Maynila." Kuminang naman ang mga mata ko.

"Saan sa Manila?" excited kong tanong kaya natawa siya nang matapos uminom ng tubig, buti nga at tapos na. Baka ibuga pa sa'kin.

"Nakalimutan ko yung exact location natin," Kumamot pa siya sa ulo niya na para bang ang dami ng kuto. "Pero alam kong mabilis lang ang byahe papuntang UP — ayieee."

"Ikaw talaga 'te... alam na alam na, ah." Kinikilig at excited talaga ako sa totoo lang. Makikita ko na ulit siya!

"Syempre, ako pa ba? Hahahaha! Matulog ka na, hoy! Ibigay mo na din 'yang bote sa mga Kuya mo."

"Mga Kuya? Yuck... iw, girl." Tumawa siya.

"Basta, matulog ka na, ha? Isara mo yung gate diyan pati pinto," paala niya.

"May deposit ba 'tong mga bote?"

"Oo. Ikaw na ang magbalik nyan para bukas may fira ka na hahaha! Goodnight!" Umakyat na agad siya't pumasok sa kwarto ni Mama. Buti pala medyo malaki 'yon dahil doon sila matutulog na mga babae at kasama ko naman yung dalawang lalaki pero ayokong may lasing na katabi kaya sa sofa na lang ako kahit medyo maingay sila.

Iniisip ko agad na mapupuntahan ko na si Stazie at isu-surprise ko siya kapag nangyari nga 'yon. Kaya naman sa sobrang excited ko na ring pumunta kay Daddy ay iniwan ko na yung bote ng alak sa kusina at nakatulog na rin agad dahil sa pagod.

Normal lang naman ang nangyaring pagpunta namin sa puntod ni Daddy. Pinagtirik namin siya ng kandila at nag-picnic na rin kami, nag-kwentuhan ng past namin kasama si Daddy. Nakakatuwa rin naman pala si Kuya Owen dahil masaya ring kasama... libre ba naman, e! Joke.

Magaan lang naman siyang kakwentuhan at mahilig tumawa pero na-curious lang ako kung saan siya nakilala ni Ate dahil alam ko nang hindi siya yung ama ni Carl.

Yung akala kong makakapunta na rin ako kay Stazie ay hindi natuloy dahil naiwan kami ni Diko sa bahay. Inaya lang pala ni Dete si Mama ro'n para hindi na mag-trabaho sa palengke at ibibigay naman na ni Mama yung bahay kay Diko. Matagal na raw nilang napag-usapan 'yon pero ngayon lang nangyari at kung kailan namang hindi maganda ang relasyon nila ni Ate Mikha. Toyo din, e. Ayaw pa kasing umayos.

Mabuti na lang rin pala at hindi pa 'ko susunod kina Mama sa Manila dahil muntik ko ng makalimutan yung pag-aaral ko rito. Buti na lang pala talaga. Sayang din, e! Achiever pa naman ako!

Tamad akong magsulat pero energetic naman ako sa recitation at mga reportings at minsan maagang nagpapasa ng project kaya peyborit din ako ng bakla naming titser, e bwahahaha!

"Nakikita ko mga videos mo, ah? Haha!" sabi ko kay Langit nang magkita kami sa kanto. Inaya ko na rin tuloy siyang mag-ice cream, libre niya naman, e. Ayos 'di ba?

"Nanonood ka pala hahaha! Mga kalokohan ko do'n, tangek!" savi niya na may pag-hampas pa.

"Hahahaha ayos lang 'yon. Mukha ka naman talagang loka-loka, e." Umiwas agad ako sa kaniya nang mananakit na naman siya kaya pinagtawanan niya 'ko nang muntik na 'kong mapaupo sa semento sa sobrang iwas ko.

"Oo nga pala... ano... uwi na pala muna ako haha! May gagawin lang!" Kumaway na siya agad sa'kin at ewan ko ba kung anong trip niya't hinalikan niya 'ko sa pisngi kaya muntik na talaga akong mapaupo. Kailan ba nung huli niyang ginawa 'yon?

"Archie?" Napalingon agad ako sa likuran ko nang makita ko siya.

"Stay..." Nahihiyang ngumiti siya sa'kin. Napaayos naman ako ng tayo at pasimpleng pinagpagan ang short ko.

"Sinong kasama mo?" tanong niya. Mukhang galing siya sa kung saan dahil nakaayos siya. Naka-pantalon siya, kulay brown na fitted na damit, naka-sapatos rin at may dalang maliit na itim na bag.

"Ah, wala wala haha! Saan ka pupunta?"

"Eto, pauwi na sana, e kaya lang nakita kita. Kumain ka na ba?"

"Gutom ka ba? Tara, kain tayo," Naglakad na ako agad, gano'n din siya. "Saan mo ba gusto?"

"Sa'yo..." Tumawa pa siya nang titigan ko siya... edi mas lalo akong napatitig! Jusmiyo marimar naman iyan, oh! "Uy? Sa Unli Wings kako haha. Tulala ka na naman!" Tumatawa na siya. Na-miss kong marinig 'yon.

"H-Hindi, ah... tara." Pumara na agad ako ng jeep at pinauna siyang sumakay, ako na rin ang nagbayad dahil... ewan ko ba't nahihiya ako sa kaniyang magpalibre hehe. Alam ko naman na ang sagot.

"Kailan ka uuwi sa dorm niyo?" tanong ko habang kumakain na kami. Siguro hapunan na namin 'to, anong oras na rin, e.

"Bukas ng umaga." Pansin kong tahimik na siya masyado ngayon kesa kanina at parang hindi na mapakali kaya hindi na 'ko nakatiis pa.

"Bakit? May problema ba?" Umangat ang tingin niya sa'kin at muling yumuko.

"Wala... wala naman. Bilisan na lang nating kumain." Tumango na lang ako kahit tutok naman siya sa pagkain niya. Tinititigan ko lang siya nang matapos akong kumain. Hinihintay ko lang siyang matapos para maihatid ko na siya sa kanila.

Napaayos ako ng upo ko at napatingin sa cellphone niya nang tumunog 'yon. Umiwas siya ng tingin at tumayo agad, sinenyasan niya 'kong sasagutin niya lang ang tawag. Napatingin na lang ako sa lamesa at nagpangalumbaba habang hinihintay siyang matapos.

Napabuntong hininga ako. Ibang-iba siya ngayon... nararamdaman ko lang.

"Chie, tara na." Kinuha ko na yung bag niya at binigay sa kaniya tsaka kami lumabas. Hindi ko na rin natitiis pa ang katahimikan niya kaya nag-desisyon akong magtanong na.

"Okay ka lang?" Saglit niya 'kong tiningnan at tsaka tumango.

"Oo naman..."

"E, tayo okay pa ba?" Ilang sandali pang paghihintay ko ay katahimikan lang ang sinagot niya sa'kin. Nagpakawala ako ng hangin, nang tingnan ko siya ay nauuna na siyang maglakad. Napakamot ako sa ulo ko at tinabihan na siya sa paglalakad. Tiningnan niya 'ko at walang siglang ngumiti.

"Magkaibigan tayo, Archie 'di'ba?" Napaiwas ako ng tingin at napilitang tumawa.

"Kailan?" Kunot noo niya 'kong tiningnan. "Bakit mo sinasabi 'yan? Friendzone na ba 'ko?" Natawa ako nang sarkastiko nang umiwas siya ng tingin.

"Parang... gano'n na nga."

Bakit naman parang ang daling sabihin?

"Handa naman akong maghintay... Stazie..." Yumuko ako at napatingin sa tsinelas na suot ko. Mukhang kailangan ko na namang bumili ng bago. Tss. Ibang-iba talaga ang buhay namin. Pakiramdam ko ang layo namin.

"'Wag ka nang maghintay. Dahil wala ka namang hihintayin." Nagkatinginan kaming dalawa pero hindi niya natiis at umiwas ng tingin.

Binalot kami ng katahimikan hanggang sa napagdesisyunan kong magsalita, walang patutunguhan kung mananahimik na lang rin ako dito.

"Hihintayin pa rin kita..."

Umiling siya.

"Hindi na... kailangan. Ayaw kitang paasahin, Chie." Pilit kong inintindi ang sinasabi niya pero naiinis lang ako!

"Hindi mo na ba 'ko pinaasa sa lagay na 'yan? Hinintay naman kita. Kahit nasa malayo ka kaya kitang hintayin na bumalik ulit," nagmamakaawa ang ekspresyon na sabi ko.

"Hindi mo naiintindihan..."

"May nagugustuhan ka bang iba?"

"W-Wala." Tumango ako kahit pa alam ko namang nagsisinungaling siya.

Bumuntong hininga ako. "Okay lang sa'kin, Stay... bigyan mo lang ako ng isa pa. Isa pang chance..." Nakikiusap ko siyang tiningnan pero iniiwasan niya lang ako ng tingin kaya hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya at hinuli ang tingin niya.

"Umuwi na tayo, Archie."

"Sabihin mo munang hindi mo 'ko gusto — tumingin ka sa mga mata ko." Wala na 'kong pakialam kahit magmukha pa 'kong batang nagmamakaawa sa kaniya ngayon. Wala na akong pakialam kung magpakababa ako sa kaniya, matapakan ang pride ko.

Nasasaktan ako, e. Nasasaktan akong ganito lang ang kinahantungan. Mahal ko na nga ata siya... pero kailangan kong patunayan ang sarili ko para bigyan niya 'ko ng pagkakataon.

"Gusto mo ba 'ko?" tanong kong natatakot ang loob nang tiningnan niya nga ako at matagal na tinitigan.

Bakit nga ba ako nagtanong kung takot rin naman ako sa magiging sagot niya sa'kin?

"Hindi, Archie..." matapang na sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Hindi kita gusto." Nanlambot ang ekspresyon ko, tinanggal na niya ang pagkakahawak ko sa balikat niya.

"Stay..."

Para sa'kin iisa lang ang ibig sabihin sa'kin ngayon ng pangalan niya. Umaasa ako na manatili siya sa'kin. Kahit na walang kami.

"Kaya pwede bang tigilan mo na 'ko, Archie? Hindi kita gusto. Lubayan mo na lang ako." Tumango-tango ako at napabuga ng hininga dahil sa bigat ng loob ko. Tiningnan ko siyang muli at niyakap na lang bigla nang mahigpit.

"Hayaan mo 'ko... ngayon lang, Stay," emosyonal kong sambit at hinalikan ang ulo niya. "Miss na miss kita."









*

Seguir leyendo

También te gustarán

87.6K 2.2K 33
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
188K 4.3K 66
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
76.5K 3.4K 78
❤️
238K 5.4K 56
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc