Trapped In Midnight (Complete)

By sinner_fromhell

1.3M 28.2K 3K

River Shail Embuscado is an innocent young lady who only wishes for her own happy ending and a prince charmin... More

TRAPPED IN MIDNIGHT
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 27

23.8K 636 70
By sinner_fromhell

"Night! Parang awa mo na, kausapin mo naman ako!" paos niyang sigaw sa labas ng mansiyon ng mga Valencia. Hindi niya alintana ang malakas na pagbagsak ng ulan at ang maingay na kidlat na nanggagaling sa madilim na kalangitan.

"Night!" sigaw niya ulit ngunit kinain lang ito ng malakas na kulog.

Pinaghahampas niya ang malaking gate na gawa sa bakal, hindi na nararamdaman ang bawat hampas niya. Her hands were numb, and so her heart.

Nanlalamig na ang kaniyang katawan dahil sa ulan, pati ang kaniyang damit ay basang-basa na rin.

"Night, kausapin mo ako! N-Night!"

Ang kaniyang luha ay humahalo sa ulang tumatama sa kaniyang mukha.

May naramdaman siyang mainit na kamay na humawak sa kaniyang braso.

"Risha, tama na. Maawa ka naman sa sarili mo at sa bata-"

Hindi na niya ito pinatapos magsalita dahil agad siyang humarap at sinampal ang lalaking nasa harapan niya.

"Kasalanan n-niyo ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon! Pinlano niyo lahat ng 'to, Anthony!" she shouted, crying hard. "Sinira niyo ang... lahat dahil sa ginawa niyo." nanghihina niyang iyak.

Hindi nagsalita ang lalake ngunit kita niya rin ang paglandas ng luha nito, dalawa na silang basang-basa.

"M-Masaya na kayo ni Olivia? Ha?" she pushed his chest. "Masaya na kayong nasira ako sa taong mahal ko? Ha?!"

Umiling si Anthony at sinubukan siyang hawakan pero lumayo siya.

Nanlalabo ang mga mata niya dahil sa walang tigil na pagbagsak ng kaniyang luha.

"Wala kayong awa! Hindi lang pagkatao ko ang sinira niyo, pati 'yong tiwala sa akin ni Night nawala dahil sa inyo!"

"That's not what I want-"

"Ginusto niyo! Kaya mo ako sinama sa resort na 'yon ng tatlong araw dahil may plano kayo!"

"W-Wala akong intensyon na gano'n, Risha. I don't even know you're pregnant with Maximus' child."

"Hindi totoo 'yan! Plano niyo ang lahat. Sinabi sa akin mismo ni Olivia." may diin niyang sigaw. "Sa loob ng tatlong araw na kasama kita, pinalabas niyong nagtanan tayo. Na sumama ako sa'yo dahil buntis ako at ikaw ang ama ng dinadala ko. Iyon ang sinabi niyo! Iyon ang sinabi niyo kay Night at Don Enrico! Iyon ang kinalat niyo! At hindi pa kayo nakuntento, nagbigay din kayo ng larawan na magkama tayo?" she bitterly spat. "May k-konsensya pa ba kayo?"

"B-Believe me, wala akong alam-"

She slapped him hard, again.

Gusto niyang ilabas ang galit na nararamdaman niya.

"Huwag mo nang bilugin ang ulo ko, Anthony. Tama na 'yong kasinungalingan niyo, ang paninira niyo sa akin." she weakly muttered. "S-Sirang-sira na ako, eh. Sira na ang lahat. S-Sira na 'yong relasyon na handa ko nang... ipaglaban."

Tuluyan na siyang bumagsak sa damuhan, niyakap ang kaniyang sarili at humagulhol.

"Anak, gising."

Her eyes slowly opened when she heard someone's voice called her.

Pagdilat niya ay bumungad sa kaniyang mata ang mukha ni Ora.

"Nananaginip ka na naman." mahina nitong wika.

Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal.

"Anong oras na, 'Nay?" paos niyang tanong.

"Alas-siyete pa lang. Nakapag-luto na ako, maaga akong papasok sa mansiyon ngayong araw." sagot nito.

Nagtaka siya nang nang umangat ang kamay ng matanda at may kung anong pinunasan sa pisngi niya. Agad naman niya itong hinawakan.

"Umiiyak ka na naman." saad ng matanda nang mapunas ang kaniyang luha.

She sniffed and awkwardly laughed, siya na ang nagpunas sa kaniyang pisngi.

"Naalala mo na naman ang nakaraan?" tanong ni Ora sa kaniya bago naglakad palapit sa malaking bintana ng kaniyang kuwarto at hinawi.

Malungkot siyang ngumiti. "Napanaginipan ko lang po." she said, almost a whisper.

"Alam kong masakit pa rin hanggang ngayon para sa'yo ang nangyari pero patuloy pa rin akong magdadasal para sa sarili mong kaligayahan, 'nak. Nakuha mo na ang lahat-lahat pero ramdam kong may kulang, hindi ka masaya." anito.

Tumawa siya ng mahina. "Ano ka ba, Nanay. Masaya ako kasi nandiyan kayo. Si Sevyn at Iphraim, sapat na 'yon para maging masaya ako."

Bumalik ito sa kaniya. "Alam ko kung kailan ka nagsisinungaling, kilalang-kilala kita." tanging untag ng matanda at naglakad sa kaniyang pinto. "Lalabas na ako para gisingin ang mga bata, bumangon ka na rin d'yan."

"Opo, 'Nay." mabilis niyang sagot.

Nang makaalis ito at nakahinga siya ng malalim. Bumaba siya mula sa kaniyang kama at itinali ang kaniyang buhok bago tinungo ang banyo para maligo.

Pagkatapos niyang maligo at agad siyang nagbihis ng kaniyang uniporme sa paaralan, kinuha ang kaniyang handbag pagkatapos ay lumabas na para bumaba. Diretso na siyang naglakad sa dining area at agad niyang nakita ang dalawang anak na nakaupo roon.

"Magandang umaga," bati niya sa mga ito.

Sevyn quickly glanced at her with a wide smile on her face, bumaba ito mula sa silya at sinalubong siya ng yakap.

She looks cute on her tiny uniform.

"Good morning, Mama. Have you slept well?" malambing nitong tanong.

She bent down and kissed her daughter's forehead.

"Yes, I slept well. How about you and Iphraim?" binalingan niya ang anak na lalake, at gaya ng inaasahan niya ay abala itong magbasa ng comic book.

Hinawakan niya ang kamay ni Sevyn at sabay silang lumapit kay Iphraim, her daughter went back to her seat kaya umupo na rin siya sa dulong bahagi ng lamesa habang ang dalawa ay nasa magkabilang side niya.

"I had a dream about unicorns, Ma. We flew daw po sa sky and then-"

"Unicorns are not real, Sevyn. They don't exist." Iphraim unexpectedly interrupted while his eyes remained on the book he was reading.

Sumimangot ang kambal nito. "It's a dream, Kuya. All dreams are real." she fought.

Tahimik lang siyang pinanood ang pagtatalo ng dalawa. Humalukipkip siya nang makitang binaba ni Iphraim ang comic book at tiningnan ang kapatid nito, alam niya nang may sasabihin ito.

"According to Hobson in Biology, dreams are ideas and emotions that are reactions of our nervous system, which our brains interpret as images and hallucinations. I also read that dreams are electrical brain impulses that pull random thoughts from our memories. There's no scientific explanation that all dreams are real." he explained.

Her mouth parted in disbelief, pati ang anak niyang babae ay hindi na nakapagsalita pa.

"Y-You-I don't care. You're just jealous dahil hindi ka nanaginip ng maganda." Sevyn pouted and looked away.

Mad at her brother.

She coughed once before she spoke.

"W-Where did you..." she composed herself dahil pati siya ay namangha sa sinabi nito. "Where did you learn all of that?"

Iphraim looked at her. "From Tito Anthony's books, he gifted me books on my birthday, don't you remember?"

"And he gave you what? I mean what kind of books?"

"Biology, Anthropology and History." he answered.

Mas nalaglag ang panga.

"Baby," tawag niya at hinawakan ang kamay ng bata. "You're not supposed to read those kind of books. Masiyado kang bata para sa mga gano'ng klaseng libro. You're just in first grade, dapat ay alphabet at numbers ang pinag-aaralan mo."

Sumasakit na tuloy ang ulo niya kay Anthony.

"Okay, Ma." he responded.

Bumuntong hininga siya. "Come on, let's eat. We're getting late to school." tanging sambit niya.

Pagdating nila sa paaralan ay hinatid niya ang dalawa sa classroom ng mga ito.

"Iphraim, bantayan mo ang kapatid mo. Okay?" bilin niya sa anak na lalake.

"Yes, Ma." sagot nito.

"Pumasok na kayo. I'll see you later."

"Bye, Mama. I love you." Sevyn said and waved her cute hand before they went inside the classroom.

Nang makita siya ni Ayesha ay agad itong lumapit.

"Mapapasabak na naman ako sa anak mo." tila nahihirapan nitong anas.

"Bakit? Makulit ba? Sino sa kanilang dalawa?" alala niyang tanong.

Sa pagkakaalam niya ay tahimik lang si Iphraim, si Sevyn naman ay may pagkamakulit pero hindi naman ito pasaway.

"Hindi ko kaya ang level ng intelligent quotient ni Iphraim."

"B-Bakit?" bigla siyang kinabahan. "Mahina ba? But I teach him at home-"

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Kanino mo ba ipinaglihi 'yang anak mo? Kay Albert Einstein?" mahina ngunit mariin nitong tanong.

Natigilan naman siya.

"Ayaw na ayaw ng fairytales, 'te. Kasi hindi raw nag-e-exist." napahilot ito ng sentido. "At ito pa, ayaw ding magpalagay ng stars stamp sa kamay kasi for kids lang daw 'yon. Ano ba siya? Matanda?"

She awkwardly smiled.

"A-Ah, pagpasensyahan mo na. Mature lang talaga mag-isip." paliwanag niya.

"Putting stars stamp on my students' hands is just my strategy para ganahan silang sumagot pero ako pa ata ang mali."

Ninakawan niya ng tingin si Iphraim na nakaupo sa silya nito at nakatingin sa kanila. She smiled and waved at him, hindi ito ngumiti ngunit itinaas lang nito ang kamay.

Hindi niya alam kung kumakaway ba o hindi.

Ibinalik niya ang atensyon kay Ayesha.

"Alam mo, 'yong percent ng intelligent quotient ni Iphraim hindi level ng isang first grade. Pang-sixth grade na."

Ilang minutong nagreklamo si Ayesha tungkol sa kaniyang anak, kung hindi pa nito narinig ang bell na tumunog para sa first period ng klase ay hindi pa titigil.

Mabilis na lumipas ang oras, hindi niya namalayang tapos na ang oras ng klase.

"Good bye, class. See you tomorrow." aniya sa kaniyang mga estudyante.

"Good bye, Teacher." sagot ng mga ito bago nagsilabasan.

Naiwan na naman siyang mag-isa sa classroom. Hinihintay ang kaniyang mga anak ngunit nagulat siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad niya itong hinagilap at sinagot.

"Hello?"

"Risha, are you done with your class hour?"

Tiningnan niya ang caller.

Si Anthony pala.

Ibinalik niya sa tapat ng kaniyang tainga.

"Oo, bakit? May problema ba?" may pagaalala niyang tanong.

"Wala naman. Si Misis kasi, kanina pa nagwawala."

Kinabahan naman siya.

"Bakit? Manganganak na ba? Pero next month pa ang sinabi ng Doctor."

"No, not that. She wants you to come with us. Magpapa-check up kami ngayon dahil madalas nang sumakit ang tiyan niya." anito sa kabilang linya.

Nakahinga naman siya ng maluwag. "Akala ko naman kung ano." aniya at tiningnan ang kaniyang orasan. "Sige, sabihin mong darating ako ngayon d'yan. Isasama ko ang mga bata."

"Sige, gusto rin niyang makita si Iphraim."

She just shook her head.

Naalala niya no'ng naglilihi pa ito, ang anak niyang lalake ang pinaglihian ng babae. Hindi na nga makauwi si Iphraim sa kanila dahil umiiyak si Bridgette. Ang nangyayari ay madalas silang matulog kina Anthony para lang rito.

"Baka hindi na naman pauwiin ang anak ko, ah." biro niya.

Narinig niya ang tawa ni Anthony.

"Hindi 'yan." he surely said.

Bigla siyang may naalala.

"Hoy, Anthony. Makukurot talaga kita. Anong klaseng libro ang mga niregalo mo sa anak ko? Okay na sana 'yong Anthropology pero 'yong Biology? History? Elementary pa lang ang anak ko, hindi high school!" asik niya rito.

Malakas na tumawa ang lalake. "Para advance, ayaw mo no'n?"

"Baka hindi kayanin ng utak niya ang mga gano'n."

"Iphraim is not an ordinary kid, matalino siyang bata. And he's not a baby anymore, he wants to learn things on his own. Let him do what he wants." pahayag nito.

Sa huli ay bumuntong hininga siya.

He's right.

Lumalaki na si Iphraim, dapat niyang hayaan itong matuto sa mga bagay na gusto nitong matutunan at gawin.

Pakiramdam niya tuloy ay sobrang tanda na niya.

"Humanda ka talaga kapag lumabas 'yang baby niyo. One month pa lang re-regaluhan ko na agad ng libro about Anatomy."

Sabay silang natawa.

"Gantihan?"

"Siyempre."

Natahimik sila nang may narinig siyang boses mula sa background nito.

"Sige, Risha. Ibababa ko na 'to, sumisigaw na si Misis." paalam nito.

"Lagot ka." pananakot niya.

"Kunting lambing lang 'to." halakhak nito.

Nang matapos ang tawag ay sandali siya tumulala.

Night suddenly appeared in her mind.

Mahilig maglambing ang lalake lalo na pagdating sa kaniya.

She forced a smile.

"I miss you, Night." she murmured. "I miss you so much."

Napaayos siya ng tayo nang marinig ang iyak sa labas. Mabilis niya itong tiningnan at nagulat siya nang makita si Sevyn na umiiyak kasama ang kambal nito.

She immediately approached her daughter, lumuhod siya at pinunasan ang pisngi nito.

"Why are you crying?" she worriedly questioned.

Lalong lumakas ang iyak nito, hindi sumasagot.

Tiningnan niya si Iphraim. "Why is your sister crying?" she asked again.

"Teacher Ayesha announced in the class that we're having a special day for father's day this coming week, and then she started crying." turo nito kay Sevyn.

May kung anong bagay ang tumusok sa kaniyang dibdib. Ibinalik ang tingin sa anak niyang babae na walang tigil sa pag-iyak.

"I-I don't want to attend, Mama." her voice trembled.

Maingat niyang hinaplos ang buhok nito. "Why, baby?" pabulong niyang tanong rito.

"W-We..." nag-angat ito ng tingin sa kaniya, patuloy na umiiyak. Namumula na ang ilong nito dahil sa kakaiyak. "We don't have a f-father po." she bursts out of tears.

Para siyang sinaksak nang makita ang sakit at lungkot sa mga mata nito.

Sevyn is in pain. Ngayon lang niya nakita ang kaniyang anak na nagpakita ng lungkot dahil sa ama nito.

Her eyes watered too, bago pa siya tuluyang maiyak sa harap ni Sevyn ay niyakap niya ito ng mahigpit. Ang sakit-sakit para sa kaniya na marinig 'yon mismo sa kaniyang mga anak pero alam niyang mas masakit para sa mga ito na walang nakilalang ama.

She looked at Iphraim who's staring at her too. Nag-iwas ito ng tingin pero huli na ang lahat, nakita niya ang paglandas ng luha sa mga mata nito na agad ding pinunasan.

She hugged them tightly.

I'm sorry, Sevyn and Iphraim. But your father left us.

He left us.

Continue Reading

You'll Also Like

231K 10.1K 22
PUEBLO DE SAN LORENZO (Book 1) [Mature Content] Savannah knew that Eli's return is bad news for her heart. Their kiss twelve years ago might lead to...
505K 10.6K 89
Warning: Mature content (18+ only) Friends Series #2 Bata pa lang ako ay lagi ko na s'yang kasama. At sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang taon...
821K 10.1K 37
Hindi na nga mabibilang sa daliri sa kamay at paa ang mga babaeng niloko at pinaiyak ni Markuz Hernandez. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang pagse...
747K 21.8K 23
[Mature Content] The Play Series Book 2 : Thomas Isaac Mendez