Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

34 | Maid for a day

477 26 1
By Arcanum_Writes

←----• 34 •----→

"Maid For A Day"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -



Hanggang sa makabalik kami sa sarili naming dormitoryo ay hindi pa rin naaalis sa isip ko ang sinabi ni Azriel.

He wants me to be his maid tomorrow? Wtf? Sa tanda na niyang yun kailangan pa niya ng yaya?

Ahh, son of a king. Yeah right.

"Sam, ikaw hah, may tinatago ka. Ramdam ko!" Sabi ni Firexia ng makaupo ako sa kama ko.

At heto na naman po tayo.

"H-hah? Ano namang itatago ko?" Sagot ko sa kaniya sabay tawa kuniyari.

"I can feel that really something happened." Gatong ni Arine na binabalutan ng tela ang paligid ng dumpy egg niya.

"W-wala akong tinatago ano!"

"Okay, okay. But please answer this question, can you?" Tanong ni Firexia ng may pagsusumamo. "Are you perhaps the person behind the reason kaya kontrolado na ni Azriel ang steam niya? Are you the one who helped him?"

Pinakatitigan nila akong dalawa. Natigil din sa ginagawa si Arine at naghihintay rin sa isasagot ko. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sabihin ang totoo.

The part na tinulungan ko lang si Azriel and not the part na hinalikan niya ako!

"O-oo, ako nga. As a partner niya sa project, syempre kailangan tulungan ko siya para ma-handle namin ng maayos ang dumpy. Baka imbes na maging cute creature ang lumabas, maging instant froze egg pa."

"Talaga?! Alam mo ba kung gaano kalaking tulong ang ginawa mo kay Azriel?!" Sabi ni Firexia at hinawakan pa ang dalawa kong kamay!

"A-ahh hindi?"

"Thank you sa pagtulong mo sa kaniya, Sam!" Masayang sabi naman ni Arine sa akin. "The real thing is dati palang, tinutulungan na namin siyang makontrol ang steam niya. So as the higher teacher pero wala talagang nangyayari."

"Hmmm, he even undergo some test sa central hosp dahil baka sa katawan niya may problema pero wala naman. Talagang hirap lang siya to control it. I know Tita Areece and Tito Arzel will be happy about this news!" Ani Firexia.

"Ginawa ko lang naman ang makakaya ko as a partner niya sa project."

"But, how did you do it? I mean, how did you help him?" Tanong ni Arine at umupo sa kama ni Firexia. "Dati kasi kami-kami ang nagtutulungan. Sabay-sabay namin siya na sinasabihan ng dapat niyang gawin."

"I did tell him what to do dahil sa aming lima, ako ang mas nakakaalam sa ganoong bagay dahil narin sa bukod sa kaniya ay ako lang ang may elemental steam." Sabi ni Firexia na inaalala ang ginawa nila noon.

"Ahh siguro nakatulong sa kaniya yung katahimikan ng paligid." Sabi ko sa kanila. "I told him to take a breathe, focus and erase his thoughts and just see on his mind ang bagay na gusto niyang gawin. Siguro kaya siya nahirapan noon ay dahil sa pressure."

"Siguro nga. Sabay sabay din kasi kami mag suggest." Natatawang sabi ni Arine.

"Salamat at natulungan mo siya, Sam. Tama talaga na nakapasok ka dito sa Academia." Ani Firexia. "Pero saan naman yang tahimik na lugar na yan?"

Uhhu...

"A-ahh-"

"We know its on the outside! Don't worry! Di namin ipagsasabi, satin satin lang. Promise!" Firexia said and raised her right hand na parang nanunumpa.

"Yung oras na nakita mo akong nagmamadaling maglakad sa facilities, yun yung oras na hinahanap ko ang room kung saan namamahinga ang mga high teachers dahil gusto ko makausap si Sir Fier. Kaso di ko mahanap kung saan, buti na lang nakasalubong ko si Ash."

"Ash? You mean, the guy with black and some strands of gray hair?" Tanong ni Firexia na agad kong tinanguan.

"Hmmm, mukha siyang outsider kasi naka shirt lang siya, simpleng pants at shoes."

"Ahh yes, I dunno if he did studied. Ka-close ni Ash ang mga faculty members. Buti at nakasalubong mo siya." Ani Arine.

"Hmm tapos sakto na papunta rin pala siya sa lugar ng pahingahan ng mga teachers kaya isinabay na niya ako. Dinala niya ako sa faculty kung saan nakita namin si Sir Fier.

And well, kaya ko siya hinahanap dahil alam ko na nasa labas ng Academia si Azriel, kaya nagpatulong akong makalabas sa kaniya. Dinala niya ako sa likod ng Academy at doon kami nagteleport palabas. Sa kakahuyan niya ako dinala at sa may lawa ko nakita si Azriel na nagpa-practice sa batong hawak niya, that instantly became an iced rock. Mukhang frustrate na frustrate talaga siya."

"Lawa? Sa kakahuyan? Sa Cerban ba yan?" Tanong ni Arine na agad kong sinagot ng tango. "Never ko pang nakita yun."

"Ako din." Sabi ni Firexia kaya napatitig ako sa kanila.

"Grabe."

"Actually, never kaming nagawi sa Cerban dahil wala naman kaming kakilala doon." Nakangusong sabi ni Arine.

"Yup, lagi lang kami si Deldahn, Dwarzen tsaka Ferliz. Sa Deldahn kasi nandoon yung farm at flower garden nila Arine sasama namin kayo doon pag oras na ng labasan! Sa Dwarzen naman nandoon mga botique, ahmm dress botiques, tux and so on na kailangan para sa mga royal balls and celebrations or even just an ordinary day." Paliwanag ni Firexia.

"At sa Ferliz naman nandoon ang mga pasiyalan! Nandoon yung largest park, nandoon din yung ginawang lake ng mga Ferlizian and of course the Palace Temple kung saan nag-aalay kami ng dasal sa Bathala at sa mga yumaong royalties." Ani naman ni Arine.

"Sa Cerban naman wala naman masiyadong mapapasiyalan doon. Pulos kabahayan pero masayang pagmasdan ang paligid dahil malinis at payapa. Nandoon ang kakahuyan na sinasabing mapanganib daw pero wala naman kung ano doon, makakaramdam ka lang ng panganib kung may masama kang balak sa lugar. Nasa kakahuyan din ang lawa na sinasabi ko. Napakaganda talaga doon lalo na yung pabilog na batohan sa gitna." Explain ko naman sa lugar ng Cerban.

"Na-curious akong bigla. Bisitahin natin yung Cerban, Xia!" Nakangusong pangungulit ni Arine sa katabi.

"Sure, isama natin yung boys. Mas marami, mas masaya!"

"Mas maganda rin sigurong magbaon ng makakain!" Suhestiyon ko na agad nilang tinilian.

"Gusto ko ng lumabas!"

"Ako dinnnn!"

"Oh, oo nga pala Sam." Biglang sabi ni Firexia. "You told us that you lost your memories right? Saan ka natagpuan ng pamilya ni Lucas?"

Napipilan naman ako sa tanong nilang bigla. I cleared my throat and calm myself. "S-sa pagkakaalala ko sa may dalampasigan ako nagising. Tapos tumakbo na ako papasok sa loob ng kakahuyan kung saan nabangga ako sa kapatid ni Lucas na si Lucy. Dinala na nila ako sa bahay nila para doon magpalipas hanggang sa maalala ko na kung s-saan ako n-nakatira." Paliwanag ko.

"Pangalan mo lang talaga ang naaalala mo? Kamusta naman kaya ang pamilyang naiwan mo. Sa lawak nitong Luzarcia mahirap maghanap." Malungkot na sabi ni Arine.

"Oh kaya kumuha tayo ng mangguguhit. Ipapaguhit natin si Samantha para maipakalat natin ang mukha niya sa buong lugar!" Suhestiyon ni Firexia at napapalakpak.

"H-hah?! W-wag na! Wag na!" Pagtanggi ko sa sinasabi niya. "M-magbabalik din ang memorya ko. Wag na kayong mag-abala pa."

Kahit anong pagkakalat nyo ng litrato ko, wala kayong mapapala. Sa ibang mundo ako nakatira!

"Pero-"

"W-wag kayong mag-alala. Ramdam ko naman na w-wala na akong pamilya."

Isang katahimikan ang namutawi sa amin. Napalunok naman ako dahil sa matiim na pagtitig nila.

"Oh!" Nagulat naman ako sa biglaang paglapit nilang dalawa sa akin at niyakap ako ng ubod ng higpit!

H-hindi talaga ako makahinga!

"T-teka-"

"K-kung wala ka na ngang pamilya, kami! Pwede mo kaming maging pamilya!" Naluluhang sabi ni Arine.

"Sasabihin ko kay Mama at Papa na ampunin ka! Lets be sisters!" Naluluha ring sabi ni Firexia.

H-hala, ano tong ginawa ko?

Kinabukasan...

"Hmmm..." nagmulat na agad ako ng mata at nakitang medyo may kadiliman pa sa labas. Mabuti pa ang dalawang kasama ko na masarap pa ang tulog.

Hindi na ako makakatulog ulit.

Minabuti ko na lang na magmuni-muning saglit at bumangon para maghanda na. Inayos ko muna ang kama ko bago tuluyang pumunta sa harap ng cabinet ko. Kumuha ako ng uniform dito at maingat na lumabas ng kwarto para hindi magising ang mga natutulog ko pang kasama.

Nag-uunat na dumiretso ako sa banyo at isinalansan ng maayos ang mga gamit ko. Binuksan ko na ang tubigan at nagsimula nang malaglag ang tubig mula doon.

Mabuti at di sobrang lamig.

Pumailalim na ako doon at sinimulang linisan ang sarili.

Matapos makapaghanda ay umupo ako saglit sa sofa para magsuot ng sapatos. Balak ko nang lumabas para makalanghap ng hangin at maglibot sa mga pasilidad.

Nang makuntento na sa ayos ay isinuot ko na ang badge ko habang papalabas ng pintuan. Tahimik na naglalakad ako pababa ng hallway dahil baka makaistorbo ako ng mga natutulog pa.

Pagkarating sa labas ay agad ako napalanghap ng sariwang hangin.

Wala niyan sa Manila.

Naglakad lakad na ako at pumasok sa isang pasilidad na kunektado sa senior facility. Dahil puro baba lang ang narating ko kahapon ay umakyat ako sa second floor. Kada room ay binabasa ko ang pangalan kung may nakalagay man.

Hanggang sa nagawi ako sa gitnang parte. Library one ang nandito na medyo nakaawang ang pintuan.

Sumilip ako doon at nang malaman na walang tao ay tuluyan ko ng binuksan ang pintuan at pumasok. Napanganga na lang ako sa laki ng aklatan dahil hindi normal ang taas ng mga shelf na nasa gilid!

Abot ito hanggang sa mataas na ceiling!

Hindi rin ito katulad ng library sa mortal na mundo. Ang mga bookshelves ay nakadikit mismo sa apat na sulok ng kwarto at pataas ito ng pataas hanggang ceiling. Sa gitna ng kwarto naroon ang walong lamesa at na may tig-a anim na upuan.

"PUSANG KINALBO!" Sigaw ko na lamang ng biglang may bumulusok sa akin na kung ano. Ilang pulgada na lang ang layo nito sa mukha ko!

Hinahabol ko ang hininga ko habang nakatingin sa patusok sa yelo sa harap ko.

"Tsk, what the hell are you doing here?" Nang marinig ang boses niya ay nakahinga ako ng maluwag lalo na ng biglang maglaho ng parang mala dust ang patusok na yelo kanina.

Muntik na ako doon ah?!

Inis na tiningnan ko ang parte sa harap ko kung saan galing ang boses. Naglakad ako at doon nakita na nakaupo siya sa sahig. Nakatupi ang isang paa at ang isa ay diretsong nakalapat sa malamig na flooring habang nakasandal ang likuran niya sa shelf. Katabi niya ang pugad ng dumpy egg. Kasalukuyan siyang nagbabasa ng kung anong libro.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?! Muntikan na ako doon hah?!"

"Ikaw narin nagsabi, muntikan. Buti nga di ko tinuloy." Kalmado niyang sabi na tila walang pakialam na nagbubuklat ng pahina. "Again, what are you doing here?"

"Kung makatanong parang wala ka dito ah?" Sarkastiko kong sabi. "Estudyante ako, malamang gusto kong magbasa!" Sinungaling, naglilibot ka lang.

"Students are not allowed here." Aniya at tumayo. Kinuha niya rin muna ang dumpy at basta na lang nilagay sa mesa ang librong ginamit niya. May ilang libro pa doon na malamang ay siya rin ang gumamit.

Humakbang siya papalapit sa akin na hindi ko naman inatrasan. Huminto siya isang metro ang layo sa akin.

Sinong tinatakot niya?!

"Anong students are not allowed here? So bakit ka nandito? Psh."

"I'm not allowed here too dahil naka restrict na ako dito. So shut your mouth."

"Shut your mouth, your ass. Sasabihin ko to kay Maestro Fier." Sabi ko at nginisian siya. Ang emotionless niyang mukha ay naguhitan ng isang ngisi. He then cross his arm in front of his chest.

"Go, tell him. Then I'll tell other's that you stole a kiss from a prince-"

"A-anong- HOY! IKAW ANG BASTA NANGHALIK!" Ang kapal ng mukha nito!

"Well, yun ang sasabihin ko-"

"Fine! Wala namang maniniwala sa sasabihin mo!" Sabi ko dito at ako naman ang ngumisi.

"Really? What are you? Just a regular student, while me? Hmmm, a Prince." Aniya at dumukwang palapit ang mukha niya sa akin na matapang kong sinalubong.

Ano pang ikakaiwas ko e wala na nga yung first kiss ko?!

"Go and tell the teachers, while me, I'm gonna tell the student how you stole a kiss from a prince. Just imagine how adoring became hatred once they look at you." Nakangisi niyang sabi mismo sa mukha ko kaya inis na nagpigil na lang ako dahil unang una...

Ibang mundo to at hindi lang ordinaryong away ang mangyayari kung sakali.

"Anyways, clean my mess, Maid Samantha. And take good care of our child." Nakangisi niyang sabi, kinuha ang kamay ko at maingat na inilagay sa kamay ko ang pugad at nakapamulsang naglakad.

"A-ano?! Aba't hoy! Kalat mo to! A-at tsaka anong 'our child' ka dyan?! SIRAULO!"

"You owe me things, remember? And our 'child' because we are the 'parents'." Huling sabi niya bago lumabas ng library.

BWISETTTTTTT!

Umagang umaga! Kay gandang salubong mahal na prinsipe!

"Ughhhh!" Napapadyak na lang ako sa inis at nagmartsa papunta sa mesa kung nasaan ang nagkalat na libro na sa tansiya ko ay nasa sampo lang naman at maingat na inilapag ko doon ang itlog.

Kinuha ko ang isang makapal na libro at isinara ito. Tumambad sa akin ang pabalat nito. Nakasulat ang title sa Alibata na kaya ko namang basahin.

Isang casting spell book ang isang to. Malamang ay nagkabisa siya ng kung anong spell. Di naman niya siguro din magagamit dahil kailangan niya ng allowing spell dust.

Akmang isasara ko na ito ng makaagaw ng pansin ko ang isang spell.

"Calefac temperatus." Hmmm, I must try this spell one time. Napangisi na lang ako matapos malaman kung para saan ang spell na binasa ko.

I should visit this library often.

Inayos ko na lang ang mga nakakalat na librong ginamit ng demonyong prinsipe. Napansin ko na by alphabetical ang mga pagkakaayos ng mga libro sa shelf kaya ganun ang ginawa ko. Nang matapos ay pinagpag ko ang kamay ko, kinuha a g dumpy at nilisan na ang silid.

Pagkalabas ko ay sinara ko na ang pintuan, sakto naman na may dumaang estudyante. Mukhang maaga rin itong nagising at nakauniporme na.

"Crimson..." rinig kong bulong niya kaya agad na napatayo ako ng ayos.

siya yung babae kahapon!

"M-miss! Teka!" Sigaw ko sa kaniya ng makaliko na siya sa isa pang hallway. Tinakbo ko ang aming distansiya ngunit ng makaliko na doon ay hindi ko na siya nakita pa.

Agad na nangunot ang noo ko at nagpatuloy sa paglalakad, tila walang nagdaan doon, sobrang tahimik at wala ni anino niya.

Nasaan siya? Nag teleport kaya?

"Pero dapat nakarinig na ako ng announcement? Sino ba yung babaeng yun at panay tawag sakin?" Tanong ko at pinagmasdan ang tahimik na hallway.

Sa susunod ko na lang siguro siya lalapitan. Natatandaan ko na naman ang features niya ngayon dahil nakita ko na siya ng maliwanag di katulad kagabi.

Matangkad, petite at ang buhok ay abot sa ibabaw lang ng kaniyang balikat.

Tahimik na tumalikod na lang ako at nagmartsa na paalis ng lugar. Tahimik na bumaba ako sa kada hallway hanggang sa marating ko ang ground floor.

Napaunat na lang ako habang yakap sa isang kamay ang pugad at napalanghap ng sariwang hangin.

Napagdesisyunan ko na lang na pumunta na sa dorm at sa may nakasanayang bench na lang magpalipas ng oras habang wala pa ang mga kasamahan ko.

Nang makarating doon ay may pailan-ilan na rin na mga estudyante sa baba. Dumiretso ako sa kinasanayan naming hintayan na bench at doon ako tahimik na umupo.

Maya maya ay nakaramdam ako ng presensiya sa gilid ko. Nang tingalain ko ay nakita ko ang isang babae na naka red dress. Ang buhok niya ay kayumanggian na may halong mga blue strands at umaabot ito sa ibabaw ng bewang niya.

At ang ganda niya...

"Hi!"

"H-hello?"

Natawa pa ito sa alanganin kong bati sa kaniya pabalik. "Sorry for approaching you suddenly, it's just that, your face seems new to me. New elementalist?"

"A-ahh oo. Bago lang ako rito."

"Oh, what royal family are you part of? Uhmm, royal councils? Royal teachers? Royal spellers? Or is it the high royals? Ice, fire, water, lightning and the air? What is it?" Sunod sunod niyang tanong sa akin.

"A-ahh, h-hindi ako parte ng kahit anong Royal Family." Sagot ko sa kaniya. Nawala ang ngiti niyang bigla.

"Ah, then what are you? Outsider?" She said, mocking. Medyo nainis ako sa paraan ng pananalita niya sa parteng iyon.

"I'm not a royal, nor an outsider-"

"Then you perhaps just enter this high academy because you sip on someone in royal-"

"...nor I sip someone that is part of royals. Pwede ba, tantanan mo ako sa ganiyang tono ng pananalita mo?" Sabi ko at tumayo. Taas noo siyang tiningnan. Isang ngisi naman ang gumuhit sa kaniya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Ni isa sa mga sinabi mo, hindi ako parte at hindi ko ginawa. Dahil isa lang naman ako sa nanalo sa elemental game. Mukhang nasa kama ka ng mga panahong yon at sarap na sarap sa pagtulog?" Sabi ko sa kaniya. Agad na nawala ang kaniyang nakakalokong ngisi maging ang pagkaka cross-arm niya.

"Si-"

"At pwede ba ulit? Tantanan mo ang tono mong nakakaloko kapag ang usapan ay mabababang nilalang. Hindi mo sila kilala, hindi mo kami kilala. Dahil kahit mababa man kami sa uri, mataas naman kasi sa pag-iisip at pagrespeto sa kapwa namin." Seryosong sabi ko sa kaniya. Humakbang ako papalapit sa kaniya na agad niyang kinaatras. Doon ako napangisi. "Mukhang parte ka ng kung alin man sa mataas na society, pero yung way ng pagsasalita mo sa kapwa mo? Bulok at hindi match sa kinabibilangan mo. You should step out on that society then." Dagdag ko pa ang sinabayan ng ngisi.

Mahabang minuto siyang natahimik at nakatitig lang sa akin. Maya maya ay umirap na lang siya at tahimik na nagmartsa paalis. Lihim na natawa na lang ako sa kaniyang inasta.

Psh, friendly kuno.

"Hi, Sam!" Bati sa akin ng isang estudyanteng babae ng makalapit. Pinagmamasdan nito ang dinaanan kanina nung babae.

"Don't mind her. Ganiyan ang ugali niyan. Sa mga royal member lang nakikipagkaibigan. Kuniyari friendly sa una pero pag nalaman na mababa ka lang, she would start mocking you." Inis na sabi nito.

"Hmm, akala niya uubra siya sakin." Ani ko.

"May kaaway ka, Sam?"

"L-light!" Gulat na sabi nang kasama ko at napa-curtsy pa. "U-una na ako, Sam! Good morning nga pala!"

"Sige, morning." Bati ko pabalik at pinagmasdan siyang umalis na.

"May kaaway ka?" Ulit ni Light sa tanong niya. "May I?" Aniya at itinuro ang espasyo sa tabi ko.

Tumango naman ako bilang pagsang-ayon na umupo siya sa tabi ko.

"May kaaway ka nga?" Pangatlong ulit pa niya.

"Wala, oo, ay ewan ko kung anong matatawag dun."

"Bakit?"

"Bigla na lang kasing may lumapit sa akin kanina, mukha siyang friendly at first but then nung sinabi kong di ako part ng kahit anong royal family, she started to talk not nice and mocked me."

"Huh? Talaga? Hindi ka niya kilala?" Sunod sunod na tanong ni Light. Inosente niyang nilibot ang paningin sa buong lugar kung nasaan kami. "Anong ginawa mo? Nasaan na ngayon? Mukhang di siya nanood ng elemental game dahil di ka kilala."

"Ayun, sinagot ko ng matindi kaya napa walkout." Natatawang sabi ko.

Light chuckled and shake his head. "Di na katakataka sa isang winner na kagaya mo."

"Nakakainis lang na kailangan ko pang makasalamuha ng kagaya niyang nilalang na masiyadong mataas ang tingin sa sarili." Inis na sabi ko.

"Nakakainis-"

"Yow yow yow! What's up?! Ano hah?! Ligawan stage na ba, Light?!" Isang batok ang natanggap ni Aeros ng makaupo siya sa tabi ni Light.

"Aray ko hah! Magsisimula ka na naman, Light Thunderous!"

"Anong ligaw sinasabi mo? Nag-uusap kami."

"Usap-usap, nako, yan ang tinatawag na the moves, Light."

"Gusto mo bang tamaan ng kidlat, Aeros?" Nakangiting tanong ni Light na bakas ang pagkainosente sa mukha. Natatawa na lang ako sa eksena ng dalawa.

"Hayyy, ang sariwa talaga ng hangin!" Bulalas na lang ni Aeros at kuniyari ay na langhap ng hangin. Napailing na lang ang katabi niya.

"Si Lucas?"

"Nandito ako!" Pagkatanong ko palang ay lumitaw sa kabilang gilid ko si Lucas. Tulad namin ay maayos narin ang postura niya. "Good morning!"

"Morning."

"Aga mo yata, Sam?"

"Ahh, ewan ko rin eh-"

"Sammmmmmmmm! Akala ko nawawala ka!"

"Huk!" Agad akong napahawak sa braso na nakapulupot sa leeg ko. Yakap ako ngayon ni Firexia mula sa likuran.

"Fire, nasasakal si Sam."

"Huhu, nagulat ako wala ka na doon sa kama mo!"

"Ang exaggerate mo kasi mag-isip, Xia." Natatawang sabi ni Arine na nasa harap na namin.

"Eh sa mukhang late magising itong si Sam eh!"

"Kailangan ba na lagi kayong ganito kaingay?"

"Gawa ka ice buds tapos pasak mo dyan sa tenga mo! Demonyo ka!" Inis na sigaw ni Firexia habang nakayakap pa rin sa leeg ko. Muntikan na akong mabingi!

"Tara na." Yun na lang ang sabi ni Azriel at nauna ng umalis. Doon naman ako nakahinga ng umayos na ng tayo si Firexia at nagyaya na rin.

Marami pa kaming mga kapanabayang iba pang estudyante na kagaya namin ay papunta narin sa hall para mag-agahan na. Habang papunta kami doon ay syempre, nag-aasaran na naman ang mga boys at pilit na iniinis si Azriel na hindi naman tinatablan habang kaming mga babae ay tahimik lang na naglalakad.

Pagpasok namin sa hall ay diretso ang upo namin sa table namin. Di pa rin natitinag ang ingay nila Aeros.

Maya maya ay dumating narin ang mga maestro ng akademia at umupo narin sa kanilang mesa. Doon na lumabas sina Nana Wed at sinabi naman ni Firexia ang kakainin namin ngayon.

"May I sit here?" Ang hall na maingay kanina, maaari ka ng makarinig ng kuliglig ngayon sa biglaang pagtahimik. Ang mga guro naman ay maingay din kanina, ng tumahimik ang mga estudyante ay napalingon ito sa pwesto namin.

"No." Agaran na sagot ni Firexia. Nang tingnan ko ang kausap niya ay napatawa na lang ako ng pagak ng makilala ito.

"B-but, what is she doing here? Friend nyo na ba siya? Kung friend nyo siya edi dapat ako din dito nakaupo..." Aniya. Halata naman ang pagkainis ni Firexia dito.

"Sure-"

"I already said no, Arine." Sabi ni Firexia kaya natigilan si Arine. "Doon ka umupo sa ka-grupo mo-"

"I-I want here. Bakit siya hinayaan nyo dito na makiupo? Dito rin ako!" Aniya at itinuro pa ako. Lihim na napairap na lang ako.

Ang akto niya ngayon, mala tupa, hindi kagaya kanina na akala mo kung sinong mataas.

Akmang uupo na siya ng magsalita naman si Azriel na ang paningin ay nasa mesa. "She's sitting here because she's part of our group."

"P-parte ng grupo nyo? P-papaanong nangyari yun? Kayo ang mga estudyanteng mataas ang rango. Paanong naging ka-grupo nyo sila?" Aniya at tiningnan ako at si Lucas. Naiinis ako sa maamo niyang pagkakatitig, alam ko naman sa loob niya na naiinis siya na nandito kami.

"Kung ganon naman pala, lilipat na lang ako sa grupo nyo, mapapalipat ako dito! Hindi nyo sinabi na pwede pala-"

"Pwede ba, Lexcey?! Kaya namin sila kasama dahil nasa mataas na rango narin sila! They're the students na nakatalo sa amin sa Elemental Game!" Inis na sabi ni Firexia.

"Hey kids, stop that, umagang umaga." Bati ni Sir Fier sa amin at nilingon ang babaeng nagngangalang Lexcey. "Miss Lexcey, join your group."

"But-"

"And can you please, f*cking drop the act? Hindi bagay sayo. Tupa ka kapag kaharap sila? Tapos pag wala na masahol pa ang ugali mo." Madiing sabing muli ni Firexia.

"X-xia, ano ba yang sinasabi mo?" Si Arine na hindi nauunawaan ang nangyayari.

"Alis." Seryoso niyang sabi at matiim na tinitigan si Lexcey. Kulang na lang ay ihampas ko ang ulo ko sa pader ng makitang may tumulong luha sa mata nito.

"Firexia, watch your word." Ani Miss Limary. "Please, Lexcey. Just go to your respective group." At tahimik naman itong tumango at dahan dahan na umalis.

"You're still a rat for me..." nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya ng makalagpas sa akin. Mahina ito at sakto lang para marinig ko.

"Kung ganon ang tingin mo sakin, kahit sing-liit ako ng dagang sinasabi mo, kayang kaya kitang pirapirasuhin." Inis na sabi ko sa kaniya. Ang mga kasama ko naman ay takang nakatingin sa akin pwera kay Firexia na masama ang titig sa mesa.

Ang mga kalapit na mesa rin ay nakalingon sa akin.

Napahinto naman siya at nilingon ako suot ang maamo niyang mukha. Nakakainis.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo..." natigil lamang ang komusyon ng naglabasan na ang taga hatid ng mga pagkain. Kita ko ang pagguhit ng ngisi sa labi niya bago siya tumalikod at umupo sa isang mesa.

Sa mesa nila Ainyd.

Kita ko ang pagtakimik ng grupo nila at kung paano nila hindi ito pansinin. Mukhang alam din nila ang totoong ugali nito.

"Xia, ngayon lang ulit siya nakabalik, bakit ganoon mo siya tratuhin?"

"Arine, kapag nalaman mo ang totoong siya, baka ganun din ang gawin mo."

"Hindi naman siya nagpapanggap." Hindi na sinagot pa ni Firexia si Arine dahil mukhang mainit na ang ulo nito.

"Light." Tawag ko kay Light na nasa pangatlong upuan sa harap ko.

"Bakit, Sam?"

"Sino ba yun?"

"Ahh, Lexcey ang pangalan niya. Isang water elementalist ngunit malayo ang antas nila ni Arine."

"Ahh..." Ani ko. "Kapag sinabi ko bang siya yung babaeng tinutukoy ko kanina, maniniwala ka?"

Si Light naman ay seryosong nakatingin sa akin. Di ko mawari ang ekspresyon niya, mahirap mabasa.

Hindi ko na nahintay pa ang sagot niya dahil dumating na si Nana at tinulungan siya nina Azriel at Aeros na ihanda ang pagkain. Nang makaalis ito ay agad na kaming kumain.

Maya maya lang ay tahimik na tinatap ni Azriel ang lettuce sa plato na kaharap ko. Nang tingnan ko siya ay seryoso ang mukha niya at tinatap pa rin ang lettuce.

Napapikit na lang ako ng makuha ang gusto niya. Kumuha ako ng lettuce at nilagyan iyon ng mga sangkap, sinara ko ito ng maayos para hindi tumapon bago nilagay sa plato niya.

Kanina ko pa rin alam na sinusundan ng mga kasama ko sa mesa ang ginagawa ko. At para pagtakpan ang paninilbihang ginawa ko sa demonyong prinsipe ay kumuha pa ako ng lettuce at naglagay din sa plato ni Aeros. Ang ngisi nito ay nawala at napapikit-pikit pa.

"S-salamat?"

Ginawan ko rin naman si Light na tanging nag-iisa na walang ekspresyon sa mukha na nang-aasar. "Thanks, Sam."

Ginawan ko rin si Lucas at Arine na agad nilang kinain ng tahimik. Mga mukhang di maunawaan ang ginagawa ko.

"Ako din, Sam! Hehe." Nakangiting sabi ni Firexia. Nang maigawa siya ay nakanganga na siya kaya naman isinubo ko na lang sa kaniya na nakangiti niyang nginuya.

Nang ginagawa ko na ang akin ay naramdaman kong may sumipa sa akin. Nang tingnan ko si Azriel ay inilingan ako nito. Isang irap naman ang isinagot ko.

Maya maya ay nakaramdam na naman ako ng sipa kaya inis kong tiningnan si Azriel. Tinitigan nito ang baso at binalik ang tingin sa akin.

Tahimik na tumayo naman ako at itinago na lang ang inis. Para maitago ko ulit ang ginagawang pagsunod sa demonyong prinsipe ay una kong nilagyan ang akin, sunod ang kaniya at nilagyan ko rin ang kay Aeros na nakanganga sa akin.

"Sam, lalaki dapat ang gumagawa niyan. Akin na." Ani Light at kinuha sa akin ang lalagyanan ng tubig at siya ang naglagay kila Lucas, Arine at Firexia na kapwa naguguluhan sa inaakto ko.

Bwiset kasi.

Rinig ko naman ang pagbuga ng hangin ni Azriel at muling naiiling na nagpatuloy ng kain.

At talagang siya pa ang may ganang umiling niyan hah?

Tahimik na nagpatuloy na ako ulit sa pagkain. Ang akala ko na tapos na pag-uutos ng mahal na prinsipe ay may susunod pa pala.

Pero isinalita niya na ang gusto niya sa pagkakataong ito. "Hiwain mo to." Aniya at iniurong ang plato niya sa akin na naglalaman ng karne. Napapikit na lang ako ng magtinginan ang mga kasama namin sa mesa.

Alam kong alam niya na inililihim ko ang nagaganap na paninilbihan ko sa kaniya. Sinasadya to ng mokong na to na sabihin ang ipinag-uutos niya sa pagkakataong ito para masiwalat ang tinatago ko.

Akmang kukunin ko na ang plato at magpapatay malisiya na lang sa tingin nila ng may nauna na sa aking kunin ang plato. Si Light na nakangiti sa akin ang kumuha ng plato at nilingon si Azriel na kunot-noong nakatingin sa kaniya.

"Ako na ang maghihiwa, Prince. Hindi pa nakakakain ng marami-rami ang inuutusan mo." Nakangiting sabi ni Light at nagsimula na ngang maghiwa. Para namang nagbabaan ang anghel sa langit, pumalibot kay Light at nagpatugtog ng trumpeta sa kabaitang ginagawa niya.

Oh Light, you're literally a light.

"It's still her work." Sabi ni Azriel kay Light.

Maagap na nagsalita naman ako ng mapansin ang pagngisi ni Aeros bago sumubo ng karne. "A-ang ibig niyang sabihin, salamat Light." Ang layo naman niyan Samantha, hays...

"The phrase it's still her work is to far from thank you." Inosenteng sabi ni Light at inilapag na ang plato sa harap ni Azriel kung saan hiwa na ang karne.

"So, maid mo si Samantha, Prince?" Natatawang tanong ni Firexia at doon na lang ako napayuko.

Sumandok na lang ako ng pagkain sa plato ko at sinubo ng sinubo sa bibig ko.

Bahala sila!

"Hmmmm." Sagot ng mahal na prinsipe. Sa inis ko ay tinadyakan ko ang paa niya na nasa ilalim ng mesa. Isang masamang tingin naman ang isinagot niya sa akin.

"At paano mo naman napapayag si Sam, Az? Share mo naman ng magamit ko rin." Nakangising sabi ni Aeros. Inambahan ko naman siya na babatuhin ng kutsara.

"Secret." Sagot ni Azriel sa kaniya at kumain na to. Panay pa rin ang pangungulit ni Aeros kay Azriel kahit hindi siya nito pinapansin.

"Magkano naman ang pasahod ni Prince sayo, Sam?" Kyuryosong tanong ni Lucas sa tabi ko na katatapos lang kumain.

"Anong sahod? Walang sahod!"

"Hah? Eh ano to? Maid ka kasi gusto niya lang?" Takang tanong ni Arine at nilingon si Azriel na prenteng nainom. "Grabe ka, Prince. Bigyan mo naman ng sahod si Sam kahit at least one gold coin."

Naibuga naman ni Aeros ang iniinom kaya medyo napalayo kami dahil sa ginawa niyang talsik. "One gold coin?! Eh ang minimum na sahod kaya twenty silver! Yayamanin ka talaga, Arine!"

"Napaka salahula mong tunay, Aeros Wind." Sabi ni Firexia na nagpupunas ng kamay.

"Buti na lang tapos na akong kumain. Kaso nabasa uniform ko." Nakangusong sabi ni Lucas. Medyo nabasa nga ang uniform niya.

Napakamot na lang sa ulo si Aeros. Makalipas ang minuto ay kinuha na ni Nana Wed ang pinagkainan namin at oras na para pumunta sa mga room namin. Kinuha namin ang dumpy egg namin na nasa mesa din at sabay sabay ng nilisan ang hall.

"Tuyuin mo ang uniform ni Lucas, Aeros." Utos ni Light kay Aeros matapos tingnan ang uniform ni Lucas na basa.

"H-hah? Paano? Hindi ba pwedeng bumalik na lang sa dorm para magpalit?"

"Male-late siya kung ganon. Second day palang niya, baka nakakalimutan mo?" Nakangiting sabi ni Light kay Aeros at inakbayan ito.

Medyo nakakatakot si Light hah.

"Use your element instead. Habang naglalakad tayo, hindi naman mahahalata ng mga student dahil invisible ang hangin." Dagdag ni Light.

"Gago! Magkaka-punishment ako-"

"Pwede rin namang wag mo na tuyuin..." Nagliwanag naman ang mukha ni Aeos. "...basta babasain ka rin namin?" Aniyay at itinuro ang katabi ko na si Arine. Natawa na lang kami ng bumagsak ang balikat ni Aeros sa narinig. Mukhang natutuwa naman si Lucas sa ginagawa ni Light.

"Tuyuin mo na. Magpaka lalaki ka, Aeros. Oh itatakwil ka ng lahi natin." Sabi ni Azriel.

"Anong connect non-"

"Tuyuin mo na." Sabay sabay na sabi namin. Medyo nahuhuli na tuloy kami sa paglalakad dahil sa pang-aasar namin kay Aeros.

Natatawa naman si Lucas dahil sa ginawang big deal ni Light ang basa niyang uniform.

"BAKIT ANG SAMA NYO SAKIN?! Kasalanan to ni Arine! Gold coin ba naman kasi!" Maktol ni Aeros at napapadyak.

"Pero hindi naman ibig sabihin noon na kailangan mo ng bugahan ng tubig si Lucas." Gatol ko kaya napasabunot na lang si Aeros sa buhok at nilingon ako.

"Mga bwisit kayo." Aniya at naramdaman na lang namin ang pag-ihip ng hangin at pumalibot nito sa katawan ni Lucas na natutuwa sa hangin.

"Aeros Wind Farrou, kindly proceed to the guidance office after classes in the afternoon for your punishment."

"ARGHHHHH!" Inis na sigaw ni Aeros ng marinig namin ang announcement. Sakto naman na nasa harap na kami ng spelling room.

Sabay sabay kaming nagtawanan matapos niyang sumigaw. "Kasalanan to ni Samantha! May pa-maid maid pa kasi!" Inis na sabi niya at nagpapadyak na parang bata.

At nasisi pa nga ako.

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
7.9K 399 64
Legend Of The Stars #2 (Completed) โ€ขAlignments Princess Sora is the image of perfection. Beautiful, kind, calm, pledged to become a queen. But, the s...
628K 16.5K 70
Old title: Dream Academy Dream Saga #1 Sienna Serรฉna was born to become like them- a mage- although she holds nothing but herself. She lives in a wor...
148K 3.1K 70
Ngayong gabi, atin ang mundo.