UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)

By AKDA_NI_MAKATA

821 91 0

(on-going) SPOKEN WORD POETRY SERIES #1 Halina't tunghayan niyo ang kwentong talagang makakabihag sa inyong p... More

Unspoken Promises
MOTTO
PROLOGUE
P1
P2
P3
P4
P5
P6
P7
P8
P9
P10
P11
P13
P14
P15
P16
P17
P18
P19
P20
P21
P22
P23
P24
P25
P26
P27
P28
P29
P30
P31

P12

10 1 0
By AKDA_NI_MAKATA

#SWP12

Kinabukasan ay parang wala lang nangyari. Lumabas ako ng kwarto at sinabayan si Daddy sa breakfast na nakangiti at bahagya pang tumatawa. 

Hindi naman normal ang ginagawa ko. After I cried my all shits last night, gigising ako na parang wala lang. Ganun naman palagi e, wala ng bago. Akala nila malakas akong tao na hindi na kailangan ng suporta pero ang totoo'y pagod na pagod na ako. Gusto ko ng sumuko pero ayaw naman ng katawan ko. 

Life is sucks, by the way. 

Naging mabilis ang araw at dumating na nga ang araw ng event sa Poetro Bar. Kinakabahan ako dahil hindi ko pa naman sinasabi kay Phoenix na pupunta ako dito ngayon at kung anong sadya ko. Gusto ko siyang sorpresahin. 

Hindi nga ako nagkamali, dahil kakapasok palang namin ng bar pero nakita ko na agad si Phoenix. Kakababa lang niya ng kaniyang cellphone bago kami nilingon. Kasabay nun ay ang pagtunog naman ng aking cellphone. 

Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero kahit na andami namang tao sa paligid namin, nagawa niya pa rin akong mahanap. 

"Beverly?" Kunot-noong ani niya. "What the hell, ambilis mo naman!" Pinakita niya ang kaniyang cellphone. 

Tiningnan ko naman ang akin, nabasa kong iniimbitahan niya ako na pumunta dito dahil may surprise daw siya pero ang totoo'y siya naman ang nasurpresa. 

Namamangha ko siyang tiningnan. "Surprise," I smirked. 

Umiling siya at pinitik ang aking noo. Hinawakan ko ito at natawa nalang.

"Ang galing mo din nuh, kaya pala halos hindi na kita makita sa school ay sa kanila kalang pala pumupunta," nilingon niya ang mga taong nakatingin sa aming dalawa. "Tsaka nga pala, thank you sa pagpapaunlak nang aking invitation. Siguradong sasaya si lolo kapag nalaman niya ito lalo na't kung malaman niyang isa si Beverly sa magpeperform." Ani ni Phoenix. 

"Actually, masaya kaming naging kasama namin si Beverly. Mahiyain pero may sense naman kasama." Sumang-ayon naman ang iba sa sinabi ni Ate Saharah. Napangiti ako. 

"Huy," ramdam ko ang pagsundot ni Toni sa aking kilid. Nilingon ko ito. 

"Bakit?" Bulong ko para hindi marinig ng mga kasama namin na busy sa pag-uusap. 

"Ikaw ha, may jowa ka palang gwapo," Kinikilig niyang wika. Para naman siyang binudburan ng asin. "At ang apo pa ng may-ari."

Namula ako ng mapagtanto iyon. "Hindi ko siya nobyo, ano ba!" Agap ko agad. 

"Sus, 'yan naman palagi ang sinasabi mo kapag may na lilick sa iyong lalake eh." Tukso niya pa rin. Hindi ko nalang siya pinansin at nakinig nalang kanila Phoenix. 

"Your tables are in front. Please be seated and the event will start any minute." Ani ng secretarya ni Lolo na kakarating lang. 

"Let's go?" Ani ni Phoenix at tiningnan kami isa-isa.

Dumapo ang kaniyang mata sa akin at hinawakan ang aking kamay. Tulad ng parati niyang ginagawa sa akin kaya nasanay na ako. 

"Sure," tugon naman ni Kuya Cleaford at sinabayan kami sa paglalakad. 

Nang makarating ay agad na silang nagsiupuan. Pinaghila pa ako ng upuan ni Phoenix para lang makaupo. Accidente namang dumapo ang mata ko sa aking kaibigan. Nakita ko ang nanunukso niyang mga mata. 

Hindi ko nalang siya pinansin at nakipagusap nalang kay Phoenix. Nang magsimula naman ang event ay napalingon na ako sa harap at nakinig. 

Tumayo rin si Phoenix para magsalita at pagkatapos nun ay sinimulan na nga ang totoong event. May mga guest rin na artista at singer na halos ikabali na ng leeg ni Toni. Isa rin daw sa mga guest ang kaniyang ultimate crush slash idol. 

Sinimulan ni Ate Saharah ang pakikipagbahagi ng kaniyang sariling pyesa. Sinabayan siya ng isang sikat na singer at doon ko lang nalaman na collab pala iyon nila. Sobrang ganda at halos mapaluha na ako sa sakit ng mga salita mula kay Ate Saharah na isang manunula at sa singer na kinakanta ang patok na kanta ngayon. 

Nagpatuloy pa ang event at pansin ko rin ang pagdami ng mga tao sa Poetro bar. Puno na ang buong resto bar kaya ang iba'y nakatayo nalang para masubaybayan lang ang mga piyesang ibinabahagi ng mga manunula. 

"Are you okay?" Bulong ni Phoenix ng balingan niya ako. Napansin niya sigurong tahimik lang ako st kinakabahan. 

"Not, really." Pag-amin ko. Sino ba naman hindi kakabahan e ako na sunod magpeperform. 

First time ko ito. I'm glad dahil matutupad ko na ang isa sa mga backet list ko ngayon pero nakakakaba siya lalo na't ganito karaming tao ang manonood sayo. Nakakapangliit. Nakakatakot tuloy magkamali. 

"It's okay, nandito naman ako e— kami." Hinawakan niya ang kamay ko. "Don't worry, okay? Kung nandito lang si Lolo baka kanina kapa niya pinagalitan." Ngumuso ako. 

Okay, para na rin ito kay Lolo. Kung nakakalabas nga lang si Lolo baka kanina pa siya dito't sinusuportahan din ako. 

Mas kinabahan pa ako ng ako na ang sunod na tinawag upang mag perform. Tinapik lang ni Phoenix ang aking balikat bago ako tumayo na. Malakas silang nagpalakpakan lahat lalo na nung umakyat na ako ng stage. 

Bumuga ako ng malakas na hininga bago hinawakan ang mikropono at ngumiti ng malaki. Nilingon ko si Kuya Cleaford at tumango. Tumango rin siya pabalik at inumpisahan nang kalabitin ang bawat string ng guitara dahilan upang lumikha ito ng tono. 

"Minsan na rin ba kayong nagmahal ng taong umpisa palang nakikita na agad ang future niyong dalawa. Yung umpisang ang kasal-kasalan ay hahantong sa kasalan. Maaaring wala naman problema kung pangarapin natin ang mga bagay na nagpapasaya sa atin pero paano kung... paano kung natapos na ang lahat? Matutupad pa kaya ang mga panaginip mo para sa inyong dalawa? Ang piyesang ito ay pinamagatang...Kapag natapos na ang lahat ni Beverly Garcia."

Nagpalakpakan ulit lahat matapos ko iyong sabihin. 

"Kapag natapos na ang lahat...
Sa libro, kapag nagbabasa tayo
Malalaman natin agad kung saan ang umpisa ng kwento,
Ang gitna, at ang wakas nito...
Kapag nagbabasa tayo,
Doon natin malalaman na may mga eksena sa kwento,
Kung saan, sasaya tayo...
At kung saan, masasaktan tayo ng todo.
Dahil iyon naman talaga ang mahalaga sa isang kwento,
Yung umpisa kung saan niyo sinimulan ang pagmamahalang binuo niyo ng magkasama,
Kung saan, na tanging papel at lapis lamang ang inyong hinahawakan,
Ang mga pangakong pilit niyong
pinanghahawakan,
At ang mga laruang sabay niyong
pinaglalaruan
Dahil ang mga iyon ay isang patunay na ang saya ng inyong kabataan.
Ang saya ng simula,
Ang saya kapag ang mga bagay na iginuhit ninyo sa panaginip ay mararamdaman niyo parin sa
inyong paggising,

"Ang pagmulat ng inyong mga mata tulad ng mga bagong umagang sabay niyong nakita,
Ay para na rin bagong bukas lamang na kwentong hindi niyo inaasahang hahantong sa gitna,
Kung saan ang tanging kaibigan lamang ay maibibigay ay magiging magka-ibigan
Na kung dati’y ang nakaraan niyong dalawa ay tanging mga memorya lamang ng mga batang character sa pelikula o kwentong tanging mga bata lamang ang makakabasa,

"Pero andito na kayo kung saan ang kwentong hindi niyo na mabura ng basta-basta,
Ang kwentong parehas niyong sinuong na magkasama,
Na kahit kumunoy man ang matapakan,
Sabay niyo pa rin iiwasan.
Na kahit gaano mang karami paninira anh matanggap niyo,
Andon pa rin kayo sa puntong lalaban kayo,
Sapagkat sa umpisa palang ng kwento'y iyon na agad ang pinangarap niyo.
Ang labanan ang pag-ibig,
At tangihan lahat ng problemang dadating.

"Sa gitna ng kwento,
Naging saksi kayo kung paano niyo binuo ang mga salitang inipon ng kahapon.
Ang mga salitang pumuno sa isang pahina,
At ang salitang tanging mga guwardiya ng memorya lamang ang makakabasa.
Sa gitna ng kwento doon niyo nalaman na pag-ibig ay hindi lamang pag-ibig lang,
Na ang pag-ibig na hiniling niyo kay
bathala ay hindi puro kasiyahan lang,
Dahil umabot na kayo sa puntong pakiramdam niyo malapit ng matapos ang masasayang panaginip niyo.
Tulad ng unang beses niyong idinilat ang mga mata niyo,
Didilim ulit iyon sa bawat pikit niyo at lakad niyo palayo.
Sa bawat patak ng luha niyo na bumubuhos na parang ulan na hindi tumitila kapag may bagyo.
Dahil yung gitnang ibinahagi niyo sa mga mambabasa ay hindi na maiitindihan ng mga bata,
Dahil ito ay gitna kung saan ang pag-ibig na ang kalaban,
At kayo ay lumalaban. 
Pilit niyong pinaglalaban ang pag-ibig na sumusuko na. 

"At umabot na nga tayo sa pang-huling pahina, 
Ang panghuling pahina ng kwentong unti-unting matatapos na, 
Ang pagmamahalang unti-unting matatapos na.
Doon niyo malalaman na ang mga dating karakter sa pelikula ay iba. 
Na kung dati ikaw ang kabilang sa pangunahing tauhan 
Ngayon ay naging ekstra nalang. 
Na kung dati sabay niyong sinabi sa isa't-isa na kayo lamang at wala ng iba
Ngayo'y ay nagmistulang panaginip nalang 
Dahil ang storyang binuo niyong dalawa ay matagal nang tapos na. 
Ang storyang nagpabago ng buhay niyong dalawa ay tanging papel na nabasa ng sakuna at ang lapis na panulat ay nawala na.
Kaya't sa panghuling kabanata ng inyong kwento,
Hindi na siya at ikaw ang tauhan ng kwento.
Kundi siya at ng bagong mahal niya simula ng magtapos ang inyong kwento,
At ang tanging magagawa mo nalang ay pakawalan siya,
At balang araw, maghihilom din ang lahat. Tiwala lang.
Dahil kung natapos mo man ang kwento niyong dalawa. 
Matatapos mo rin ang sakit at maghihilom rin ang pag-ibig na hiniling. 
Maraming salamat!" 

Kanina pa ako nakakarinig ng komento mula sa madlang nanonood sa akin ngayon. Lahat sila'y naririnig ko at nasiyahan ako ng makita at marinig ang sari-sari nilang reaksyon.

Inilibot ko ang aking paningin sa kanilang lahat. Hindi ako makapaniwalang nagustuhan nila ang aking ginawa at hindi ako makapaniwalang gusto nila akong umulit pa! Ang saya ko! 

Umawang ang aking bibig ng habang nililibot ko ang aking mga mata'y dumapo iyon sa taong hindi ko inaasahang narito ngayon. 

Malaki ang ngiti. . .

Pormado at mapaghahalataang hindi taga Isla Amore . . .

Ang gwapo!

"Antonio..." 

"Congratulations! I'm so proud of you, baby." Mahina niyang sambit.

Hindi ko ito naririnig pero nabasa ko ito mula sa kaniyang labi. 

Hindi na ako nagdalawang isip pa. Dali-dali akong bumaba ng stage at tinakbo ang daan patungo kay Anton. Ni hindi ko na nga napansin si Phoenix na nakaabang sa aking pagbaba! Naroon lamang ang aking mga mata kay Anton na parang siya lang ang pwedeng dapuan ng magaganda kong mga mata. 

"Anton!" Sigaw ko at niyakap siya ng mahigpit. 

Tawa siya ng tawa habang sinusuklian ang aking yakap. 

"Surprise, Miss me?" Rinig kong bulong niya. 

Sunod-sunod akong tumango at hindi mapaiwasang mapaluha nalang. 

"I missed you..." bulong ko rin pabalik. 

I missed him so much! hindi ko alam kung paano niya nalaman na nandito ako pero nagpapasalamat pa rin ako dahil nandito siya ngayon, sa importanteng araw ko. 

Hindi na niya ako iiwan pa. 


Itutuloy. . .

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...