Khael Moon: Ang Prinsipe ng m...

By Akiralei28

75.5K 6.2K 707

Heto na ang bagong yugto at buhay ng ating Mahal na Prinsipe Kung saan ang nakaraan ay magtatagpo sa hinahara... More

Author's Note
Author's Note
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121
Chapter 122
Chapter 124
Chapter 125
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Epilogue
PASASALAMAT
πŸ“£πŸ“£New StoryπŸ“£πŸ“£

Chapter 123

348 32 2
By Akiralei28


°°°°°°°°°°

Kinagabihan nga

Matapos makapaghapunan ang lahat, ay agad nilang pinapasok sa kwarto ang mga bata, kababaihan na hindi marunong lumaban at mga matatanda

Napansin ng mga iyon ang malaking bintana ng kwarto na may mga nakausling sibat na gawa sa mga bagakay na kawayan at mga patibong

Habang nandoon naman sa kusina nagbabantay ang ilan sa mga sakristan, si Father Jose, Bryan, Jade at Ivan

Sa sala naman nakatambay sina Yuri kasama ang mga kaibigan niya, doon sila malapit sa pintuan ng kwarto nakapwesto

Habang sa may bandang pintuan naman ng kombento ay nandoon sina Khael, Blaze, Kevin, Father Ramon, Alex, Jennica at JC

Habang ang isa pang batang Pari na si Father Carlos ay nasa loob ng malaking silid kasama ang tatlong Madre at ang mga taga Baryo

Nagdarasal silang apat ng tahimik para sa kaligtasan nila ng gabing iyon at sa susunod pang mga araw

Ilang oras pa ang nakalipas ay tahimik lang sila na nakikiramdam, sinisipat sipat nilang maigi ang bawat kapaligiran

Hanggang sa pumatak ang alas onse ng gabi,

Nakakadinig na sila ng mga pag angil at higit sa lahat ay dama na nila ang pwersa ng kadiliman sa buong paligid

"Nandito na sina Apollo at Mark,"anas ni Yuri sa kanila,"Maghanda at mag iingat kayo, tayong lahat,"paalala niya

Naghanda na din ang mga nakapwesto sa kusina, sa sala at higit sa lahat ang mga nasa malapit sa bintana at pintuang malaki ng kombento

Nakakadinig na din sila ng mga angil ng mga aswang na paikot ikot sa kombento

Sumilip ang ilan sa kanila sa mga siwang ng bintana o sa mga butas na maliliit

"Maraming aswang ang umaali aligid sa buong kombento,"ani ni Ivan ng makita nito ang labas ng kombento

Hindi pa sila nakakatugon sa sinabi ni Ivan ay nakadinig na agad sila ng malakas na pagbagsak sa bubungan at mga pagbangga sa pintuan ng kombento at maging sa simbahan ay dinig nila na pinipilit na iyong sirain ng mga aswang

Ilang sandali pa ang nakakaraan ay nadinig na nila ang mga sigawan at hiyawan ng mga aswang na nasa bubungan ng kombento, dahil naapakan ng mga ito ang mga asin at kalamansi na ikinalat nila Khael ng hapong iyon

Napatingala pa sila sa bubungan ng makadinig ng kalabugan dahil nga nag bagsakang mga katawan ng aswang sa lupa

Bago pa sila makakilos ay nakadinig na naman sila ng mga hiyawan at sigawan sa bawat bintana na nilagyan nila ng mga pinatulis na bagakay, agad naman namatay ang mga aswang na natusok ng kawayan kaya halos nabawasan na din ang mga kalaban na nasa labas

Halos sunod sunod na nakakadinig sila ng mga sigawan at hiyawan ng mga aswang na tila nasasaktan at nasusunog ng kanilang mga paa

Dahil ang ibang aswang ay naapakan nila ang mga sinunog na dahon ng makabuhay at makahiya na kinalat nila sa lupa, umuusok ang mga paa nila at unti unti din iyong umaakyat sa katawan nila hanggang sa matupok ang mga aswang at naging abo na humalo sa makahiya at makabuhay na nasa lupa

Dahil ng maapakan nila ang mga iyon ay natumba sila at napahiga sa lupa kaya nahigaan nila ang mga abo ng sinunog na makahiya at makabuhay kaya namatay ang mga iyon

"Ang iba ay umaatras na papalayo,"pagbabalita ni Blaze ng sumilip ito sa siwang ng bintana na nasa harapan nito,"Marami na ang namatay sa nga ginawa nating patibong at panlaban sa kanila,"

"Mabuti naman kung ganoon,"tugon nila na nakahinga ng maluwag

Nanahimik silang bigla ng makadinig na naman sila ng mga ungol, pag angil at mga alulong kaya ang mga bata at matatanda ay napasiksik sa isat isa habang nakaupo at nakikiramdam sa kapaligiran

Ilang sandali pa ang lumipas matapos ang mahabang pag alulong ng mga aswang ay biglang naging napakatahimik na ang pumalit sa mga ingay ng mga aswang

Kaya nagkatinginan silang lahat at tila kinakabahan dahil sa biglang pagtahimik ng kapaligiran

"Wala na sila,"ani ni Khael,"Mukhang umalis na sila," sumilip din ang ilan para makita kung wala naba talaga ang mga aswang

"Magpahinga na tayo,"yaya ni Father Ramon,"Wala na ang mga aswang,"

Kaya nakahinga na sila ng mas maluwag ng wala na silang masipat na mga aswang

Kaya silang lahat naman ay nagsipagtulog na din
.
.
.
.
.
.
.
.
Kinabukasan,

Pagka gising na pagka gising ng magkakaibigan ay kaagad silang lumabas para tignan ang buong kapaligiran ng kombento maging ang bubungan

Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa mga nakita nila

Nagkalat sa buong kapaligiran paikot sa kombento at simbahan ang mga bangkay ng mga aswang na nahulog sa kanilang patibong

Ang ilan ay nakatusok pa sa mga buho, may mga patay din na nakahiga sa lupa na galing sa bubungan na nagsipaghulog

Madami ding mga patay na mga aswang sa bubungan at halos wala ng espasyo para sa karagdagang bangkay ng mga aswang para sa kinagabihan

"May pitong patay na aswang sa bubungan ng simbahan,"ani ni Khael ng makaakyat sa  bubungan ng kombento,"Tapos mga kinse naman po ang nandito sa bubungan ng kombento, Father,"

"Hindi na din iyan masama,"ani ni Nena,"Atleast nabawasan sila ng bilang diba?,"

"Tama ka, Nena,"pagsang ayon ni Aira,"Tapos nasa beinte naman ang mga patay dito maliban pa iyong mga nasunog dahil sa mga dahon ng makabuhay at makahiya,"

Napabuga nalang ng hininga si Yuri, alam niya umpisa pa lang iyon ng paghihiganti at paghahasik ng kasamaan nila Mark at Apollo, kasama ang ninuno nitong si Cain at ang Pitong Prinsipe ng impyerno

"Mayroon pa pong sampu,"turo naman ni Shane,"Tig dalawa po sa bawat bintana at may iba pa po na tatlo, kaya sampu po silang lahat,"

"Ipunin ninyo ang lahat ng mga bangkay ng mga aswang,"ani ni Father Jose,"Kailangan na sunugin natin ang mga iyan at baka balikan pa ng mga kasamahan nila at buhayin muli,"

"Walang imposible sa demonyo,"bulong ni Yuri na nakatingin sa puno ng bulak na nasa di kalayuan

Nakita niya doon si Apollo na kumakaway sa kanya habang nakangisi ng nakakaloko

Nasa tabi din nito si Cain, pero hindi kasama ng mga iyon si Mark at ang demonyo

"Bilisan na natin,"ani ni Yuri,"May lakad pa tayo, pupuntahan natin ang kabilang bahagi ng Sitio Maligaya bago ang buong Baryo Masapa,"

Tumango naman ang mga makakasa niya kaya binilisan na nilanh ipunin at sunugin ang lahat ng bangkay ng mga aswang na namatay
.
.
.
.
.
.
.
.
Itutuloy

Continue Reading

You'll Also Like

76K 6.1K 88
Isang tagapag mana ang isinilang mula sa mabuting lahi ng aswang at bampira Para kalabanin ang mga masasamang balak ng mga ito na lipulin at patayin...
1.8M 104K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
682K 47.9K 74
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...
2.1M 42.8K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...