ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 36

1K 16 0
By iirxsh

Kabanata 36

"A-ANONG mayroon?"

Kahit mahina lang ang pagkakasabi ni Kelly, sapat na iyon para marinig ng dalawa. Halos mabitawan ni Lyn ang kanyang telepono, at nakita rin Kelly kung paanong naging mabigat ang paghinga nito. Ang anak naman ni Kelly ay napatigil sa paghagikgik, iyong reaksyon na pinapakita niya ngayon kay Kelly ay sobrang layo sa kung ano ang nadatnan ni Kelly kanina nang mabuksan niya ang pinto.

"N-Nanay, aga ka po ngayon," Puna ni Riri, parang kabado pa ang bata sa lagay na iyon. Hindi maiwasan ni Kelly na kumunot ang kanyang noo. Parang ang naging dating sa kanya, ayaw nito iyong ideya na maaga siyang umuwi. Nag-iwas ng tingin ang kanyang anak, at binalingan ng tingin ang kanyang Yaya Lyn. "Tulong po, Ti-Yaya Lyn... Baba po ako."

Pansin ni Kelly ang panginginig ni Lyn, pero nagawa naman niyang ibaba ng maayos ang kanyang anak. Narinig pa niya kung paanong nagpasalamat ang kanyang anak at kung paano tipid lang na ngumiti si Lyn. Nawala nang tuluyan ang kanyang atensyon kay Lyn nang nakalapit na pala sa kanya si Riri.

Sinalubong siya ni Riri nang mahigpit na yakap. Lumuhod naman si Kelly para mapantayan ng tingin ang anak at malugod niyang ginantihan ng yakap ang bata. Nang humilay siya, hinalikan niya iyon sa noo at dinampian ng halik sa labi.

"Bakit ang aga mo po, nanay? Hindi po marami work mo?" Litaw ang kuryosidad sa mukha ni Riri, nang itanong niya iyon.

Tipid na ngumiti si Kelly sa anak. Sinuklay pa niya ang buhok nito gamit lamang ang kanyang daliri. "Hindi naman anak, tsaka miss na kita..." Ramdam sa tinig ni Kelly ang paglalambing.

"Nanay, ilang oras lang naman po iyon."

Doon na hindi napigilan ni Kelly ang sarili. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Inosente ang pagkakasabi ng anak, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang naging reaksyon nito. Nagtataka niyang tiningnan ang anak. "Ayaw mo ba akong umuwi ng maaga, anak?"

Umiling naman si Riri. "Hindi naman po, nanay. Taka lang po ako kasi aga mo po umuwi, eh... Noong nakaraan naman tulog na po ako."

Totoo naman iyon dahil halos noong nakaraang linggo, hindi na nadatnan ni Kelly na gising pa ang anak. Dahil isa iyon sa mahigpit niyang bilin na kung gagabihin man sila nang uwi, dapat patulugin na siya ni Lyn.

"Ganoon ba?" Tumango muli si Riri. "Dapat masanay ka na, maaga na ako uuwi lagi."

"Bakit parang hindi ka masaya, anak?" Muling nagsalita si Kelly, wala kasi man lang siyang nakitang reaksyon mula sa kanyang anak. Hindi rin nito nagawang sagutin ang sinabi niya.

Kung ikukumpara man kasi dati, ayaw ni Riri na umaalis sa tabi niya ang kanyang nanay. Pero sa inaakto ng bata ngayon, parang pinaparating niyang ayos lang sa kanya ang ideyang iyon.

"Masaya po ako, nanay ko." Ngumiti pa si Riri, at nagawa pa nitong ilabas ang kanyang ngipin. Parang maging kapani-paniwala.

"Hindi iyon ang nakikita ko, anak." Hindi maiwasang punahin ni Kelly ang anak, puno ng hinanakit ang kanyang boses. Na siyang ikinanuot noo lang ng kanyang anak.

"Riri, sama ka na lang muna kay Yaya Lyn mo, ha," Singit naman ni Alex sa usapan ng dalawa, na kanina pa nakikinig at may parte sa kanyang hindi niya nagustuhan ang inaakto ni Kelly. Masunurin naman na tumungo ang bata at hindi man lang na nagsalita pa. Tinalikuran silang dalawa at lumapit iyon sa kanyang Yaya Lyn.

Hinintay nilang tuluyan na makaakyat muna si Lyn at ang bata. Bago hinarap ni Alex si Kelly na magkasalubong ang dalawang kilay.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Seryosong sambit ni Alex, hindi mo makikitaan nang bakas ng pagbibiro ang kanyang mukha.

Naglakad naman si Kelly at naupo sa sofa, tila pagod na pagod na sumandal. "Anong ibig mong sabihin?!" Inis niyang tugon, hindi niya nagustuhan ang tono ni Alex. Para bang pinaparating nito na may mali sa kanyang ginawa o sinabi.

"Bata iyon, Kelly. Ano namang kamuwang-muwang noon sa gusto mong iparating sa kanya?"

Huminga ng malalim si Kelly, napatuwid pa sa kanyang pagkakaupo. "Anak ko 'yon, Alex! Wala na ba akong karapatan na magtanong sa kanya nang gusto kong malaman?"

Naupo si Alex sa sofa na katapat ni Kelly. Hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang nakukuha niyang reaksyon mula kay Kelly. "Hindi ko kailanman sinabi sa iyo 'yan. Ni minsan hindi mo nadinig 'yan sa akin! Malaya ka kung kailan mo gustong tanungin ako, si Riri o kahit sino..." Paliwanag ni Alex. Iyong dating kasi ng tanong ni Kelly, parang kinikwestyon siya. Eh, nagtatanong lang naman siya. Wala ibang intensyon si Alex. "Ang punto ko lang, bata pa ang anak mo. Tatlong taon gulang. Sige nga... sabihin mo sa akin kung paano niya makukuha ang gusto mong iparating sa kanya?" Paghamon pa ni Alex.

Kung iisipin kasi, bata ang kausap ni Kelly. Pero parang ang dating niya noong sinabi niya iyon ay matanda na ang kaharap niya at madali na nitong makuha ang gusto niyang iparating. Ngunit, hindi... dahil bata pa lamang iyon. Sa madaling salita, inosente pa. Wala pang kamuwang-muwang sa mundo. Hindi agad nito maiintindihan iyong malalalim na bagay na gusto niyang iparating.

Natigilan si Kelly. Nanatiling nakatingin si Alex kay Kelly. Hinihintay kung ano pa ang masasabi nito. "Bakit ka nagkakaganyan?" Muling tanong ni Alex, nang matahimik na lang si Kelly at wala nang masabi pa.

Napangisi si Kelly, at nagawa pa niyang matawa. "Ganito na ako, Alex. Anong gusto mong iparating?! Na may nagbago sa akin?" Tinaasan pa niya ng kilay si Alex.

Nanatili na kalmado si Alex, kahit nagawa siyang irapan ni Kelly. Hindi niya pwedeng sabayan ito dahil alam niyang hindi magiging maayos ang pag-uusap nila. Kung sakali man na matatawag pa na pag-uusap ang kanilang ginagawa. "Kumalma ka. Nakikipag-usap ako ng maayos sa iyo," Kalmado na wika ni Alex, kulang na lang kasi sumigaw na si Kelly. Wala naman kasi siyang ginagawa, kinakausap lang dahil sa napapansin niyang kilos nito na hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang mag react si Kelly. "Hindi ka ganyan. Simula nang dumating si Lyn dito, naging ganyan ka na. Ayaw mo ba sa kanya? Akala ko ba napag-usapan na natin ito? Sana sinabihan mo ako. Kung ayaw mo naman pala, para sana hindi tayo umabot sa puntong 'to!" Sabi pa ni Alex, sa mahinahon pa rin na paraan.

Hangga't maaari, kinokontrol ni Alex ang kanyang sarili. Ayaw niyang lumala kung ano man ang hindi nila pagkakaintindihan na dalawa. Sa paniniwala kasi ni Alex. Hindi sa ganitong pagkakataon dapat sila magtalo, dalawa na nga lang sila. Sila pa ang magbabangayan.

Pagak na tumawa si Kelly. "Nakuha mo rin ang gusto kong iparating!"

Napabuntong-hininga na lang si Alex, kahit anong hinahon niya na magpaliwanag. Talagang taliwas naman ang kay Kelly. "Wala siyang masamang ginagawa, bakit ka nagkakaganyan? Inaalagaan naman niya ang anak mo."

Hindi makapaniwala na tumingin si Kelly kay Alex. "Walang ginagawa?" Sarkastikong sabi ni Kelly, napailing pang natawa ito. "Seryoso ka ba riyan?! Hindi mo man lang ba nakita iyong kanina?!"

"Nakita ko," Tipid na sagot ni Alex. Nakuha niya agad ang gustong iparating ni Kelly, na tingin niya iyon ang pinaglalaban sa kanya ni Kelly.

"Nakita mo pala! Sana alam mo na iyong naramdaman ko roon," Sumbat ni Kelly, litaw ang sama ng loob niya.

"Nakita ko..." Pag-uulit ni Alex. "Pero wala akong nakitang masama. Nagtatawanan lang silang dalawa. Saang parte doon ang dapat kong sabihin na mali? Ipaintindi mo sa akin. Kasi ang labo, Kelly!" Mukhang hindi na rin na-kontrol ni Alex ang sarili at nagawa na niyang sumigaw.

"Paano na nakuha niya agad ang loob ng anak ko? Isang linggo pa lang, Alex!" Talagang iyon ang ipinaglalaban ni Kelly, hindi na rin nito napigilan na sigawan pabalik si Alex.

"Ano bang gusto mong mangyari? Ang umiyak ang anak mo? Ayaw kang paalisin? Hindi ka makapagtrabaho?" Balik ni Alex. Nagawa naman na umiling ni Kelly. "Hindi pala, eh! Mabuti nga iyon at napakisamahan niya agad ang anak mo. Hindi tulad ng ibang bata riyan, aabutin pa ng buwan bago makuha ang loob nila."

Nangunot ang noo ni Kelly. "Kinakampihan mo ba si Lyn?"

Napailing na lang si Alex. Pagak pa siyang tumawa. Hindi na rin niya napigilan ang sariling mapakamot, parang mas sumakit ang kanyang ulo. "Kinakampihan? Saan ka nanggagaling niyan, Kelly?"

"Hindi mo ako kinakampihan!" Sigaw na sumbat ni Kelly.

Marahas na napabuntong-hininga si Alex. "Sige nga, saang parte mo gustong kampihan kita? Ipaliwanag mo sa akin," May diin na wika ni Alex. "Kahit naman sabihin kong wala akong kampihan, alam ko naman may masasabi ka pa rin. So, sige. Saan? At titingnan ko kung dapat ba kitang kampihan?"

"Anak ko 'yon, Alex." Giit ni Kelly. "Masakit para sa akin na makita siyang masaya sa iba."

Saglit na natigilan si Alex. Hindi niya makuha ang nais na iparating sa kanya ni Kelly. Ang gusto lang naman niya, malinawan. Pero sa mga pinagsasabi ni Kelly, parang mas lumabo ang gusto niyang ipaintindi.

"Ayaw mo ba noon na masaya ang anak mo? Anong mali doon?" Nagtataka na tanong ni Alex.

"Alam mo tapusin na natin ang pag-uusap na 'to! Hindi mo ako maintindihan!"

Padabog ng tumayo si Kelly, akmang tatalikod na nang matigilan siya dahil sa narinig niyang sinabi ni Alex.

"Hindi mo naman ipinapaintindi sa akin, Kelly! Tulad na lang noong tinanong kita. Wala akong naintindihan, dahil hindi mo nilinaw sa akin!" Puno ng hinanakit ang boses ni Alex.

Muling binalingan ng tingin ni Kelly si Alex, tila pagod na pagod. Litaw ang kagustuhan niyang matapos na ang pag-uusap nila dahil sa nangyayari mukha namang wala itong patutunguhan. Hindi lang sila nagkakaintindihan. "Gusto mo na maintindihan mo?! Sige..." Mas lumapit si Kelly kay Alex. Talagang tutok lang ang mata niya kay Alex. "Alam mo ba ang pakiramdam na ipaalaga sa ibang tao ang anak ko? Masakit iyon para sa akin. Iyong kaba ko bawat segundo, minuto at oras... hindi mo alam iyong pag-aalala ko. Kung ano na ba ang nangyayari sa kanya. Kaso wala naman akong choice, eh. Wala akong pagpipilian, Alex. Kasi kailangan kong magtrabaho. Ang laki na ng utang ko sa iyo! Tambak na ako ng utang sa iyo!" Marahas na pinahid ni Kelly ang nanlalabo niyang mata dahil sa nagbabadya niyang luha. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Kelly, ramdam din ang hinanakit sa bawat salitang binibitawan niya. "K-Kaya kahit mahirap para sa akin na mahiwalay siya, ginawa ko pa rin. Ni minuto nga Alex, hirap ako! Paano pa kaya iyong ilang oras, 'di ba? Grabe! Parang pinapatay na ako noon. Tapos iiwan ko pa siya sa ibang tao, na alam ko sa puso ko na may duda ako. Ngunit nangingibabaw ang tiwala ko sa iyo. Kaya pumayag ako! Tsaka iyong tinatanong mo kung ayaw ko bang maging masaya ang anak ko?! Gusto ko..." Mapait siyang ngumiti. "G-Gustong gusto ko... pero sa akin lamang. Sabihin mo ng makasarili ako, pero sasabihin ko rin sa iyong palit tayo ng maintindihan mo ang nararamdaman ko!"

"K-Kelly..."

Akmang lalapitan ni Alex si Kelly pero umiling-iling lang ito sa kanya. Tinalukaran nito si Alex. Ayaw niyang ipakita kay Alex, kung paano na siya ay mahina pagdating sa mga ganitong bagay. Wala pa ring pagbabago, mula noon hanggang ngayon. Mahina pa rin siya at isang bagay pa rin ang dahilan. Bago pa magawang maihakbang ni Kelly ang kanyang mga paa, muli siyang nagsalita.

"A-Ayaw kong nakikita na masaya ang anak ko sa iba. Kasi natatakot akong hindi na niya ako kailanganin isang araw... dahil alam mo nagawa ko ring talikuran ang magulang ko, dahil sa kanya. Natatakot akong dumating ang araw na ibalik lahat ito sa akin," Mabigat ang hininga ni Kelly, tuluyan nang nabasag ang kanyang boses. Hindi na rin nagpaawat pa ang kanyang luha. "Natatakot akong makuha siya sa akin... tulad na lang kung paano ko siya ipagkait sa lalaking dahilan kung bakit ako nasa sitwasyon na 'to ngayon." Umiling-iling pa siya, hindi na niya na-balanse pa ang sarili at tuluyan nang napaluhod dahil sa panghihina ng kanyang katawan. Naitakip na lang ni Kelly ang dalawang palad sa kanyang mukha at tuluyan nang humahagulgol.

"N-Natatakot ako, Alex... H-hindi ko kakayanin."

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

46.2K 695 42
COMPLETED Sa unang beses na maka-encounter ni Amara ang isang lalaki, tila iba na ang naging epekto nito sa kaniya. Simula nang araw na iyon, naging...
7.9M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
4.7K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...