Kingdom Warrior Series 1: Mar...

MaybelAbutar tarafından

42.9K 2.9K 183

Fighting is required. Killing is a choice. How will you face a situation where killing is required? Simula p... Daha Fazla

BLURB
Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Special Chapter

Chapter 6

695 36 0
MaybelAbutar tarafından

Balisa si Pinunong Piggy sa kanyang trono simula ng dumating ang hindi inaasahang bisita mula sa Kastilyo. Kakaibang takot ang naramdaman niya ng makita ang matitikas nitong tauhan na pumapalibot sa kanyang tanggapan. 

Flashback... 

"M-may dumating po tayong panauhin mula sa Kastilyo," 

"Ano?!" Malakas na sabi ni Piggy na kakikitaan ng takot at kaba sa itsura. "Magmadali kayo! Ilikom nyo ang lahat ng pagkain!" Nagmamadali niyang utos sa mga tauhan. 

"Hindi mo na kailangan itago ang lahat ng 'yan." Natigilan si Piggy sa maawtoridad na boses na iyon. 

Mabilis siyang lumapit dito at lumuhod sa harapan ng lalaki. 

"Maligayang pagbisita sa aming dibisyon, Mahal na Gentry Sigmundo." Bati ni Piggy sa kilalang makapangyarihang tao mula sa unang dibisyon. Isa rin ito sa Gentry ng Kastilyo na nagsisilbi sa Royal Family.

"Hindi mo ba ako papaupuin?" 

Nataranta namang tumayo si Piggy. "Maupo ka Mahal na Gentry," paanyaya nito sa panauhin. "Magdala kayo ng tsaa rito!" Utos niya sa mga tauhan ng makaupo ang Gentry sa kanyang trono. 

"Hindi mo na kailangan mag-abala, Division leader. Narito ako para sa isang mahalagang bagay," 

Namutla si Piggy sa sinabi ng Gentry.

"M-maaari ko bang malaman kung ano iyon?" Kinakabahan nitong tanong. 

Mas lalong kinabahan si Piggy ng tumitig sa kanya ang Gentry.

"Maganda ang iyong pamumuhay taliwas sa iyong nasasakupan," 

Napaluhod si Piggy. "P-patawad Mahal na Gentry. H-hindi ko na-" 

"Hindi ako makikialam sa klase ng iyong pamumuno, ngunit kung hindi mo ako pagbibigyan maaari kang itapon sa Blackhole." Putol ng Gentry sa sasabihin ni Piggy. 

"Sabihin mo lang ang kailangan kong gawin Mahal na Gentry, hindi ako magdadalawang isip na sundin ka." Mabilis na sang-ayon ni Piggy. 

"Good. Tumayo ka at mag-usap tayo ng maayos."

Sinunod ni Piggy ang sinabi ng Gentry. Umupo siya sa tapat nitong upuan. 

"Kailangan ko ang aklat ng kasaysayan na matatagpuan sa iyong lugar. Sasabihin ko pa ba ang dapat mong gawin?" 

Sunod-sunod na umiling si Piggy. "Hindi na kailangan Mahal na Gentry, ipapahanap ko sa aking Division soldier ang aklat na kailangan mo."

"Unahin mo sa tagong parte ng iyong dibisyon," 

"Tago?" Nagtatakang tanong ni Piggy. Ngunit sumilay ang ngisi sa kanyang mukha ng pumasok sa kanyang isip ang nag-iisang lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao. "Masusunod, Mahal na Gentry."

"Kapag nakuha ko ang aking hinahanap, umasa kang mawawala ang tinik sa iyong lalamunan." Makahulugan nitong sabi. 

Flashback end. 

Walang ideya si Piggy kung bakit kailangan ng Gentry ang aklat ng kasaysayan. Sa pagkakaalam niya, mahahalagang tao ang may hawak sa mga aklat pero sa kanyang dibisyon naghanap ang Gentry. Alam naman nito na mahirap ang kanilang lugar at walang espesyal na kakayahan ang sinumang naninirahan doon. Higit niyang ipinagtataka ng makita ang aklat sa kwebang tahanan noon ng Premier guard. 

"Anong koneksyon ng babaeng 'yon sa mga Gentry?" Nalilito at nagtatakang sambit ni Piggy. 

...

...

...

Samantala, sunod-sunod ang ginawang buntong hininga ni Aurus habang nakatingin sa walang malay na babae. Dinala niya ito pabalik sa kubong pinanggalingan nila ng nawalan ito ng malay. Exactly 40 hours ang epekto ng pinainom niyang gamot at isang araw pa lang ang lumilipas.

Hindi niya pinagsisisihan ang naging desisyon na tumalon mula sa sasakyang pandagat bago pa ito tuluyang lumabas sa Halo entrance. Nang matanaw niyang natumba si Gaia sa bukana ng kweba, hindi na siya nagdalawang isip pa. Alam niyang makakatulong siya rito tungkol sa kalagayan nito kahit ang kapalit n'on ay ang posisyon niya sa Urvularia, ang kahariang pinaglilingkuran niya. 

Ilang taon din nilang hinanap si Tana at dito nila natagpuan ang dalaga. Muli niyang nakita ang kasiyahan sa mata nito habang kasama si Gaia. Ayaw niyang makitang muli ang sakit sa mata nito kapag nawala ang kakambal. Masyadong matigas ang loob ni Gaia para tanggihan ang lunas, kaya ipinasya niyang tulungan ito sa paraang alam niya. Malaki ang nagawang tulong ni Tana sa kanilang lahat, kaya sisikapin niyang ibalik ang tulong na iyon para gumaling si Gaia. 

Muling huminga ng malalim si Aurus. Nawawala na ang marka sa mukha ni Gaia. Hindi lang sa mata ang marka nito kahapon. Kumalat din iyon sa pisngi nito pero ngayon unti-unti na rin bumabalik sa dati ang lahat. Kung hindi niya naagapan ang kalagayan nito, maaaring iyon na ang wakas ng buhay ni Gaia.

Umupo siya sa gilid ng hinihigaan ni Gaia at hinawakan ang kamay nito. Dinama niya ang pulso nito pero isang imahe ang biglang pumapasok sa isip niya. Isang imahe habang siya'y na sa tubig hawak ang isang kamay. Hindi iyon malinaw pero ramdam niya ang init ng palad mula sa taong iyon. 

Ipinilig ni Aurus ang ulo.

"I should rest," sambit niya sa sarili. Magdamag siyang hindi nakapagpahinga upang bantayan ang babae. Maselan ang sitwasyon nito sa nagdaang gabi. 

Inangat niya ang kumot ni Gaia bago lumabas sa silid. Humiga siya sa upuang naroon at pinagkasya ang sarili para makapagpahinga. Ngunit isang pagsabog ang biglang nagpabangon sa kanya. Mabilis siyang nagtungo sa labas ng kubo. Natanaw niya ang usok mula sa quarter ng mga guards. 

"What's happening there?" Sambit niya habang nakatingin doon. 

Muli siyang pumasok sa loob upang tingnan si Gaia. Mahimbing pa rin itong natutulog kaya't muli siyang lumabas. Nagtungo siya sa lokasyon ng quarter. 

Nang makarating doon, mabilis siyang nagkubli sa isang puno ng makitang magkakagulo ang mga guwardiya. 

"Patay na ang Premier guard!" Sigaw ng isa habang inaatake ang kasama. 

"Wala kang patunay na patay na siya!" Ganti nito at sinabayan ng atake ang kapwa guwardiya. 

"Malakas ang aming patunay na siya ang sunog na bangkay sa bukana ng West gate! Tanggapin nyo ng wala na siya!" Nagpatuloy ang laban ng dalawa habang pinipilit ng isa ang pagkamatay ni Gaia. 

Naguluhan si Aurus sa ginagawa ng mga ito. Nakita rin niya ang ilang guwardiya sa lupa. Duguan at ang iba'y sigurado siyang wala ng buhay.

"Lordion!"

Lumingon si Aurus sa bagong dating na babae. Mula sa kanyang pinagtataguan, nakita niyang lumapit ito kay Lordion na may bahid na rin ng dugo sa katawan. Hindi niya sigurado kung may tama ito o dahil sa mga napaslang na kalaban. Kilala niya ang lalaki sapagkat si Lordion ang nag-asikaso sa kanila noong hindi pa nila nakikilala si Gaia. 

"Sara! Mabuti narito ka na. Hanapin mo ang Premier guard. Nag-aklas ang ibang guwardiya dahil sa balitang patay na siya." 

Ngayong narinig ni Aurus ang sinabi ni Lordion, siguradong iyon ang dahilan kaya nagkakagulo ang mga ito. Ngunit nagtataka pa rin siya dahil buhay naman si Gaia. Paanong kumalat ang balitang iyon? 

"May mas malaki tayong problema, Lordion." Nababahalang sabi ng babae.

"Ano iyon?"

"Nagbigay ng notice ang Kastilyo, pinababalik ang lahat ng guwardiya sa kanya-kanyang division. Papalitan tayo ng mga first Division soldiers at sila na ang magbabantay sa buong Doom's gate."

"Paano nangyari 'yon? Bakit naman biglaan?" Naguguluhang tanong ni Lordion. Mukhang labis itong nagulat sa balita ng babae kaya't hindi nito napansin ang nagbabantang atake mula sa isang guwardiya. Nakatutok ang palaso nito sa lalaki habang nakatalikod ang huli.

Mabilis namang dinampot ni Aurus ang putol na kahoy sa paanan niya. Inihagis niya iyon sa direksyon ni Lordion ng pakawalan ng lalaki ang pana.

"What the hell?!" Bulalas nito ng bumagsak ang kahoy habang nakatusok ang pana roon.

"Don't turn your back in the middle of your fight," sambit niya at lumabas sa pinagtataguan.

"Sino ka?" Alertong tanong ng babae.

"Kilala ko siya, Sara." Pigil ni Lordion sa kasama. "Salamat sa iyong ginawa, Aurus. Mas makabubuti kung aalis na kayo rito. Hindi maganda ang sitwasyon ngayon sa lugar na ito."

"Paano ako makakaalis dito?" Tanong niya sa lalaki.

Kailangan niyang sundin ang suhestiyon nito, hindi para sa sarili niya kundi para kay Gaia. Hindi kayang lumaban ni Gaia ngayon 

"Sa East gate, mayroong-"

"Lordion!" Naputol ang sasabihin nito ng dumating ang isa pang babae.

"Anong nangyari Heather?" Baling nito sa bagong dating.

"Pinasabog ng ikalimang division ang East gate! Gusto nilang makita ang katawan ni Gaia!" Nataranta nitong balita.

"D'mmit! Bakit ngayon pa sila nakisali! Ano ba talagang nangyayari? Bakit sabay-sabay silang sumusugod ngayon?" Galit nitong sabi.

"Marami ang gustong pumatay kay Gaia at gustong kunin ang titulo nito bilang Premier guard. Marahil nabalitaan nila ang pagkamatay nito at nais kunin ang kanyang katawan upang akuin ang pagkamatay niya. Kapag nangyari 'yon, sila ang makakakuha sa titulo ni Gaia at kikilalanin sa buong Forbideria. Anong gagawin natin ngayon? Hindi pa dumarating ang mga papalit sa atin." Problemadong pahayag ng huling babae.

Nais tumulong ni Aurus sa sitwasyon ng mga ito, ngunit kailangan niyang mag-ingat. Baka magdulot iyon ng kaguluhan sa kanilang kaharian.

"Lordion!" Isang lalaki naman ang lumapit sa direksyon nila. "Kailangan ng back up ni Jag. Marami ang sumugod sa South gate!"

"Argh! D'mmit!" Frustrated na sigaw ni Lordion. Huminga ito ng malalim at seryosong tumingin sa mga kasama at ganoon din sa kanya. "Iligtas nyo ang inyong mga sarili!"

Nagulat si Aurus sa naging desisyon nito. Inaasahan niyang makikipaglaban ito dahil dito umaasa ang mga kasama.

"Nasisiraan ka na ba? Aalis tayo rito at hahayaan ang Doom's gate? Dalawang taon natin itong prinotektahan tapos ngayon, aalis tayo ng ganoon na lang?"

"Anong gusto mong gawin ko, Heather? Makipaglaban sa kanila sa kabila ng utos ng Kastilyo? Pinapaalis na tayo rito at mamumuno na ang unang distrito sa Doom's gate. Hayaan na natin silang umayos sa problema rito!" Sagot nito sa babae. 

"Tama si Lordion, Heather. Alam kong nakatanggap na rin kayo ng utos mula sa inyong Division leader. Kailangan na nating buwagin ang samahang nabuo rito."

"Pero, Sara-"

"Kung gusto mong makipaglaban, manatili ka rito. Aalis na kami." Putol ni Lordion sa sasabihin ng babae at balewala itong talikuran.

Tinapik naman ng isang lalaki ang balikat ng babae.

"Masaya akong nakasama kayo," ngumiti rin ito sa isa pang babae bago umalis.

"Hanggang sa muli Heather. Sana sa muli nating pagkikita ay pahalagahan pa rin natin ang nabuong pagkakaibigan dito. Iyon ay kung pahihintulutan tayo ng sitwasyon." Umalis din ito tulad ng dalawang nauna.

"P'tang'na! Nasaan na ba si Gaia? Hindi ako naniniwalang patay na siya. Kung narito siya hindi sana mangyayari ito! Ngayon pa ba nabahag ang buntot niya? P'nyeta talaga!" Paninisi ng babae kay Gaia.

"Kung buo ang loob ninyong lumaban magagawa nyo kahit wala siya." Sagot naman niya.

Dapat kanina pa siya umalis para hindi niya nasaksihan ang kaduwagan ng mga ito. Hindi nararapat na tawaging mandirigma ang mga ito kung sa ganitong sitwasyon lang ay umaatras na silang lahat. 

Matalim ang tingin nitong bumaling sa kanya, pero bigla iyong lumamlam ng makita siya. Mukhang ngayon lang siya napansin ng babae. Seryoso naman siyang nakatingin dito kahit nakangiti ito sa kanya.

"Saang division ka nabibilang? Maaari kang sumama sa akin kung gusto mo," paanyaya nito sa kanya.

Sasagot na sana siya pero isang pagsabog ang muling kumuha sa atensyon nila.

"Pati ba naman ang kagubatan hindi nila pinalampas?" Naiinis na sabi ng babae habang nakatingin sa direksyon ng kagubatan. 

Bumundol ang kaba sa dibdib ni Aurus ng makitang sa direksyon ng kubo nangyari ang pagsabog.

"Sh't!" Walang paalam niyang tinalikuran ang babae at tumakbo pabalik kung nasaan si Gaia.

...

...

...

Author's Note:
Gaia pronounce as Gaya

Madlang readers, nagkaroon ako ng adjustment from Prologue to Chapter 5. Balikan nyo na lang ah, salamat!

Don't forget to votes, comments and follow me @MaybelAbutar. Lavlats.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

286K 17.6K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
177K 8.5K 62
A personality that hides in her angelic face and a dangerous capability that hides in her sexy body. What is the biggest secret behind her innocent f...
10.2M 131K 22
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
23.4M 779K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.