Hot Doctor's Destined Love(on...

By hikaru03

11.2M 118K 11.3K

*Please be open-minded* Cleo sold her virginity in exchange of money, a night with a hot doctor. Cleo thought... More

Prologue - Hot Doctor's Destined Love
HDDL I - Ginevra Cleo
HDDL 2 - Family's Secret
HDDL 3 - Offer
HDDL 4 - Penetrating Pair of Eyes
HDDL 5 - Hero
HDDL 6 - Memory
Bs chapter
HDDL 7 - Always on my Mind
HDDL 8 - Ice Cream
HDDL 9 - Harry and Ginny
HDDL 11 - Unexpected
HDDL 12 - Inevitable Topic
HDDL 13 - Return
HDDL 14 - Love Square
HDDL 15 - Date
HDDL 16 - Jewel
HDDL 17 - Story
HDDL 18 - Eyes' Emotions
HDDL 19 - Nature
HDDL 20 - Preparation
HDDL 21 - His Eyes and Lips
HDDL 22 - Love and Respect
HDDL 23 - Sexual Tension
HDDL 26 - Princess and Queen
HDDL 27 - "That's Great"
HDDL 28 - Daughters-in-law
HDDL 29 - Right Decision
HDDL 30 - Best Man for Her
HDDL 31 - Her Tranquilizer
HDDL 32 - Model
HDDL 33 - Spin the Bottle
HDDL 34 - Beyond Physical
HDDL 35 - Surprise
HDDL 36 - Change of Heart
HDDL 37 - Beating Hearts
HDDL 38 - His Kitten and Girlfriend
HDDL 39 - Meet the Family Unexpectedly
HDDL 40 - Smile
HDDL 41 - No Kiss
HDDL 42 - Pale in Comparison
HDDL 43 - Resemblance
HDDL 44 - Destiny Played a Trick
HDDL 45 - Her Cry
HDDL 46 - Cousins?
HDDL 47 - Sick
HDDL 48 - Real Father
HDDL 49 - Fashion Show
HDDL 50 - All of Me
HDDL 51 - Monthsary
HDDL 53 - Angry
HDDL 54 - Jealous
HDDL 55 - Effect
HDDL 56 - Big
Repost! Chapter 55 & 56
HDDL 57 - Anchor
HDDL 58 - Thankful
HDDL 59 - Cousins
HDDL 60 - Positive
HDDL 61 - Flowers
HDDL 62 - Ring and Suspicion
HDDL 63 - Plan
HDDL 64 - Regret
HDDL 65 - Deserve
HDDL 66 - Broken
Private Chapters / Hikaru's Note
HDDL 67 - Lost Love

HDDL 10 - First Day

216K 2.4K 129
By hikaru03

A/N:

For mariyaaaaa... Tnx for the comments, sissy... Galing... ^___^

Chapter 10

"Saang area ka naka-assign, girl?"tanong sa kin ni Jill. First day ng area assignment namin ngayon. Tapos na kami sa 3-day orientation.

Good for us, lahat kami nakapasok sa Fuentes Medical Center. PM shift kami ni Jill. Sina Candice at Sapphire, AM shift.

"Pediatric Ward. Same with Sapphire. Ikaw?"tanong ko sa kanya. Buti na lang kasama ko silang apat sa hospital. Hindi na namin kailangang maghiwa-hiwalay. Tsaka pwede pa kaming sabay na pumasok at umuwi. Natuwa pa ko kasi pedia ward ako. Mahilig kasi ako sa bata. Iba ung fulfillment at sayang nararamdaman ko pag bata ung inaalagaan ko. Children always have a special place in my heart.

"Medical ward. Sana magkasama na lang kami ni Candice,"nakalabing sabi nito. Si Candice kasi, napunta sa surgical ward.

"Hayaan mo na. Para naman hindi kayo magkikita ni Candice eh,"nakangiting sabi ko.

Pumara si Jill ng jeep. Bukod sa min, may 3 pang ibang pasahero. Pagsakay namin, nagtanong agad sya. 2 pm pa ang duty kaya may 1 hr pa kaming allowance sa time. 15 minutes lang naman ung byahe papunta sa hospital kaya hindi pa kami malelate.

"Girl, pano mo pala nakilala ung hombreng makalaglag panty at bra dahil sa kagwapuhan at kakisigan?"kinikilig na sabi nito.

"Sino?"kunwaring tanong ko. Pero kilala ko naman talaga. Nahihiya lang akong sagutin. Parang balak pa nyang ireto sa kin eh. Ngayon lang sya nagtanong talaga ng about dun. Sabi ko lang kasi sa kanila, kaibigan ko lang si Harry. Sina Sapphire at Candice, hindi naman usisera kaya hindi nila ako tinatanong.

Itinirik nito ang mata bago nagsalita,"Duh! Ang iyong kalove team, Ginny,"pang-aasar nito.

Natawa ako sa itsura nya kahit nahihiya ako. First time kasi nila akong inasar sa lalaki kaya nahihiya ako.

"Ginny ka dyan. Nakilala ko lang un sa palengke,"

"Ay ang chepepay naman ni Mr. Fate sa inyo. Palengke? Hindi man lang ginawang mall, para medyo sosyal,"aniya.

Natawa ako sa sinabi nya. "Loka ka talaga,"

"Che! Kwento ka na lang. Anong nangyari sa kismet nyo sa palengke?"

Kinwento ko ung pagkakatapon ng ice cream sa kin tapos ung pagsusungit ko sa kanya. Pati na ung pagkikita ulit namin nung initial interview.

"Talagang tinarayan mo? Alam mo, girl, ang lalaking ganun kagwapo, hindi dapat tinarayan. Sayang eh. Pampawala ng gutom un eh,"nakangisi nyang sabi.

Nakilala nila si Harry nung panel interview.

***Flashback***

"You did well, Ginny,"masayang sabi sa kin ni Blake pagkatapos ng interview. Nagulat pa ko nung pagpasok ko sa room, kasama sya sa panel. Nakita naman nya ung gulat sa mukha ko pero ngumiti lang sya. Siguradong alam kong alam nya na kasama ako. Pero nagtataka rin ako kung bakit sya ung kasama. Alam ko kasi dapat si Dr. Reyes ang kasama nung chief nurse eh.

"Thank you, Sir Blake,"

"Cut the formalities. And one more thing. Call me Harry. Para partners ang name natin,"nakangiting sabi nito.

Nag-init ung pisngi ko dahil sa sinabi nya o ung gusto nyang ipahatid.

"Don't be embarrassed. Magkaibigan naman sina Harry at Ginny eh. Like the both of us,"

"Okay. Pero pag may ibang tao, tatawagin kitang Doc ha?"

"Okay,"pagpayag nito.

"Cleo,"halos pasigaw na tawag ni Jill sa kin.

Napalingon ako sa likod ko. Nakita kong nagtatakang nakatingin silang tatlo sa kin. Ngayon lang kasi nila akong nakitang may kausap na lalaki eh.

Lumapit sila sa kin. Si Jill, kinalabit pa ko. Gusto nyang ipakilala ko sila.

"Doc , these are my friends, Jill, Candice at Sapphire,"sabi ko habang isa-isang tinuro ung mga kaibigan ko. "Friends, si Doc Blake Harry Alleje,"

Inilahad ni Harry ung kamay nya sabay sabing,"Blake,"

Sa kin lang talaga nya pinatawag ang Harry ah?

Agad namang kinuha iyon ni Jill. "Nice meeting you. Kahit na pinahirapan mo ako kanina,"

Ang tinutukoy nito ay ung interview. Maram siguro tinanong si Harry sa kanya.

Natawa si Harry sa sinabi ni Jill. "Sorry about that. Nasagot mo naman ng maayos eh,"

Sumunod na nakipagkamay si Candice.

Nang ilahad ni Harry ung kamay nya kay Sapphire, tinignan lang iyon ni Sapphire pero hindi tinanggap. Siniko ko si Sapphire pero hindi man lang ito natinag. Nahiya tuloy ako kay Harry. Bihira kasi talaga makipagkamay si Sapphire sa mga lalaki nang kaswal.

Ipinagkibit lang ng balikat ni Harry ung ginawa ni Sapphire pero nakangiti naman ito. Mukha naman syang hindi naoffend.

"Paging Dr. Alleje, 3rd floor. Paging Dr. Alleje, 3rd floor,"anunsyo nung nagpe-page.

"Paano? Una na ko. See you soon. Nice meeting you all,"nakangiting paalam nito sa min. Then he turned on me,"Ginny, you have beautiful friends,"sabi nito bago tumalikod.

"Babaero,"bulong ni Sapphire sa tabi ko.

***End of Flashback***

"Ginawa mong pagkain naman ung tao,"sabi ko sa kanya.

"Kasi naman, katakam-takam ung si Doc Blake eh,"nakangising sabi nito.

"FMC FMC,"anunsyo nung driver.

"Meron po. Saglit lang,"sigaw ni Jill.

Dali-dali kaming bumaba ng jeep. Buti na lang sumigaw si Manong Driver. Hindi na nami napansin na nakarating na pala kami sa hospital.

Dumaan muna kami sa Nursing Service Department. Dun kasi ung bundy clock namin. Pagkatapos, dumiretso na kami sa sari-sariling station. Binati ko muna ung mga kasamahan ko bago ko nilapitan si Sapphire. Nag-aayos sya ng chart.

"Ang aga mo ah. Wala pa ung senior mo,"puna ni Sapphire pagdating ko. 1:30 pa lang kasi un. Ang tinutukoy nya, ung senior nurse na magsusupervise sa kin.

"Alam mo namang ayaw kong nalelate eh. Kumusta first day?"

"Ayos lang, masaya. Medyo nangangapa pa pero inalalayan naman ako nung ibang nurses dito,"sabi nya.

"Full house ba ngayon?"tanong ko. Full house ung tawag pag puno lahat ng bed.

"Oo. Marami kasi kaming admission kanina. Pero halos dengue cases ung marami eh,"sagot nya.

***

"Shocks. Kailangan nating mag-ayos. Tumawag ung secretary ni Doc Fuentes. Kakaalis lang daw nya dun sa office nya. Magro-rounds daw sya,"kinikilig na balita nung isang nurse. Kung hindi ako nagkakamali, Raven ang pangalan nya.

"Talaga?"nanlalaki ung matang sabi ni Maica, isa pang nurse dun. 6 kaming nurses na nandun. Ako, tapos 4 bedside nurses at 1 charge nurse. Ung isa sa bedside nurse, lalaki.

Agad silang pumunta sa lalagyan ng mga bag at nagretouch.

Bumaling ako kay Eriel, ung senior nurse. Sya lang kasi hindi natataranta eh. "Ma'am, ano pong meron?"

Nakagaanan ko kaagad sya ng loob. Nakita kong may wedding ring sya kaya siguro hindi sya naapektuhan nung balita.

"Dr. Fuentes is one of the most brilliant pediatrician of our country. Marami na syang awards na natanggap. Recently, he became one of the most eligible bachelors in a famous magazine along with his twin brothers. Family nya rin ang may-ari nitong hospital. Masanay ka na sa mga nurses at ibang employees dito. Ganyan talaga ang mga iyan pag si Doc na ung pinag-uusapan. Unfortunately, wala namang pinapansing babae un si Doc, puro bata lang naman ang pinapansin nun,"mahabang paliwanag nito.

"Baka naman bakla sya kaya wala syang pinapansing babae?"

"You wouldn't say that pag nakita mo sya. He's one hell of a hot doctor. He's every inch of a man. A man in every woman's dream,"nakangiting sabi nito.

"Gossips during work is unhealthy,"sabi ng isang malagom na tinig sa tapat namin. A deep yet soothing voice.

Napaangat kami ni Eriel ng tingin mula sa binabasang chart.

Para akong tinuklaw ng ahas pagkakita ko kung sino ang sumita sa min.

"Exer,"bulong ko.

Nakita kong dumaan din ung recognition sa mga mata nya. Halata ring nagulat ito nung makita ako eh.

>>>tnx for reading... ^___^

---till next time... ^___^

Continue Reading

You'll Also Like

855K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...