Heaven In your Arms

By njgorid

152K 3.4K 225

Maagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gu... More

Heaven In Your Arms
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue

Chapter 30

3.1K 78 7
By njgorid

Sis, si Ria 'to. May pinuntahan lang ako at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik. Sorry hindi ako naka contact ng ilang araw. Huwag kang mag aalala. I am safe and sound. I love you and I'll miss you all. Please kiss Gavril for me. See you soon.

Kunot noo kong binasa ang mensaheng galing sa isang unknown number.

Nakahinga ako ng maluwag nang  malamang nasa mabuting kalagayan ito. Ngunit naguguluhan ako kung saan siya pumunta. Pero may tiwala naman ako kay Ria. Baka lang may pinagdadaanan ito tapos hindi ko alam. Gusto kong nandoon rin ako kung mayroon man gaya nang kung paano siya nandoon nang kinailangan ko ng masasandalan.

Saka ko nalang siya tatanungin kapag nakabalik na siya. Ngunit hindi ko pipilitin. Hindi naman kasi lahat ng tao ay kumportableng mag share ng problema. Just because close kayo ng tao doesn't mean pwede mo nang pilitin na mag share kahit pa gusto mo lang makatulong. Hindi parehas ang mga tao.

Bumuntong hininga ako. Alas onse na ng gabi at kaninang alas syete umalis si Stan. Tulog na rin ang anak namin na napagod dahil naglalaro ito kasama ng mga tito.

Lumabas ako sa balcony ng kwarto namin dala ang cellphone. Nagdadalawang isip kung ite-text ko ba si Stan. Pero naisip kong baka nagkakasiyahan sila tapos istorbo ako.

Tsaka ano namang karapatan mong maghingi ng update, Rina? Girlfriend ka ba? Di porke't naghahalikan kayo..may karapatan ka na. Label muna bago landi.

Tsk. Huwag na nga.

Ngunit ganoon nalang ang talon ng puso ko nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag text.

Tatay Pogi :

I'm bored. I wanna go home now.

Kumunot ang noo ko. Tatay Pogi? Mahina akong napatawa sa pangalan ng naka save na numero. Siya kasi ang nag save ng number niya sa cellphone ko.

Actually, siya rin ang bumili ng bagong cellphone ko. Sabi niya dati...para mas makontak daw niya ako ng maayos. Pwede naman iyong keypad ko pero ang sabi nito baka may business trip siya at gusto niya makipag video call. Tinanggap ko nalang at tama naman ito.

Ako :

Mag enjoy ka diyan.

Tatay Pogi :

Why are you still awake?

Ako :

Hindi ako makatulog, e.

Tatay Pogi :

Or....you're waiting for me?

Wow! Ang confident naman.

Pero...paano niya nalaman? Char.

Ako :

Hindi, a. Hindi lang talaga ako makatulog.

Tatay Pogi :

Are you at the balcony?

Ako :

Oo. Huwag ka na mag reply. Mag enjoy ka na.

At hindi na nga ako nakatanggap ng reply. Maya't maya naman ang tingin ko sa cellphone ko. Ano ba talaga Rina? Ikaw nag sabing mag enjoy siya.

Pero hindi nagtagal ay nakarinig ako ng tunog ng sasakyan sa garahe.

Tumayo ako at dumungaw sa balcony.

Ganoon nalang ang pagkalabog ng dibdib nang makitang kotse iyon ni Stan! Umuwi siya?

Bago paman ito maka baba ay lumabas ako ng kwarto. Mahinang sinara ang pinto dahil natutulog ang anak namin.

Nang makababa ako ng hagdan ay siya namang pagpasok nito kaya nagkasalubong kami.

Ngumiti kaagad ito nang makita ako. Mapungay ang mga mata. Dala siguro ng nainom na alak.

Nang konti nalang ang distansya namin ay hinila ako nito at niyakap.

Namumuro na ito, a. Hila nang hila sa'kin.

Amoy ko ang alak sa hininga nito.

"Finally home."

Mahinang sabi nito.

"Ba't ka umuwi kaagad?"

Nakuha ko pang magtanong kahit gusto kong tumalon dahil sa kiliti sa tiyan dala ng kilig.

Nasaan na ang label bago landi, Rina?

"I did not enjoy being there. I told you, mas gusto ko rito."

Hinampas ko ang likod nito. Ang landi!

"Nakakahiya sa kaibigan mo. Birthday niya pa naman."

"It's okay. I already told him I'll go home early."

Tumango nalang ako. Magka yakap parin kami sa gitna ng living room.

Nakapatay na ang ibang ilaw kaya hindi masyadong maliwanag.

Nakaka antok ang bawat kabog ng dibdib nito.

"Matulog na tayo." Mahinang sabi ko sa kanya.

"Later."

At hinila ako paupo sa may sala habang nakayakap pa rin sa akin.

Nang makaupo ako ay balak ko sanang umupo sa tabi nito ngunit hindi niya ako hinayaan. Bagkos ay pinaupo ako nito sa kandungan niya!

Ganoon nalang ang kalabog sa dibdib ko pati panigurado kung maliwanag lang ay klarong klaro ang kulay kamatis ko ngayong mukha!

"Stan." Saway ko dito.

Iginilid ako nito. Ang dalawang binti ay naka sampay sa dalawang hita nito.

Nako concious ako dahil nasa dibdib ko na ngayon ang mukha nito at nararamdaman ko pa ang mainit nitong hininga doon. Gumalaw ako dahil nakakakiliti kaya nakangisi itong umahon.

Sinamaan ko siya ng tingin ngunit bale wala iyon sa kanya.

Hinahaplos haplos niya ang buhok ko pababa sa likod.

"Amoy alak ka." Sabi ko nalang.

"Ayaw mo?"

Umiling ako.

"Hindi naman. Sinabi ko lang."

Actually mas nakakadagdag init ang amoy alak nitong hininga. Para akong kinikiliti bawat tamanng hininga nito sa akin.

Nagtitigan lang kami ng ilang segundo.

Maya maya ay nagsalita ito ulit.

"I'll court you."

Napasinghap ako't nanlaki ang nga mata sa sinabi nito.

"Huh?"

"Huh?"

Nakangising sunod nito sa sinabi ko kaya hinampas ko siya sa braso.

"Huwag kang magbiro ng ganyan."

Biglang sumeryoso ang mukha nito.

"No. I'm not joking. Liligawan kita."

"Bakit?"

"What do you mean, bakit?" Kunot noong tanong nito.

Umayos ako ng upo sa kandungan nito.

"Kasi...kung liligawan mo lang ako dahil sa anak natin...hindi mo na kailangang gawin iyon."

"Tsk. I won't ever do that. I'll court you because I have feelings for you. Not because of our son. Our son is just a bonus."

Natahimik ako sa sagot nito dahil ang lakas ang kabog sa dibdib ko.

" At...hindi ako magsasayang ng panahon sa ganoong rason. Kaya kong maghanap ng liligawan kahit may anak ako kung wala lang akong nararamdaman para sa iyo."

Dagdag pa nito.

Hindi kaagad ako umimik dahil sa hindi ako makapaniwala. Parang kanina lang plano kong kausapin siya tungkol dito.

"But if you don't want...I'll still court you. I'll make sure that at the end of the day...mahuhulog ka rin sa akin."

Continue Reading

You'll Also Like

121K 2.7K 38
Acquisitive Billionaires Series 2: Lucas Andromeda Montesenia Lucas Andromeda Montesenia a well-known businessman is having the best days of his life...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
22.9K 438 35
Montenegro Series #5. One of the boys. 'Yan ang pinakamadedescribe mo sa buhay ni Gwendolyn Fiona Dela Cruz. Surrounded by three older brothers, it i...