Curse Of The Sorcerer (Book 2)

By CuteLazyPig

2.5K 223 17

After the war between the Incants and Quins, the Academy begin to experience the peace again. It was all fine... More

Author's note
❗Disclaimer❗
Prologue
Red Plant
Wind Of Doubt
First Sight Of The Forest
Hendra's Message
Unexpected visitor
Blood In The Wall
Girl's Bathroom
When She Came Back
Moments To Treasure
The Brave One
What He Think Matters
Serious Matter
Map
Mysterious Cave
Fall Of The Great Founder
What She Lost and What He Left
Old Friend
Suspiciously Magical
Uncontrollable Events

Watching

75 8 0
By CuteLazyPig


Cassandra's POV

"Thank you for helping me but I think I might just go back to my dorm. Ms. Soulford already treat my wounds. I will be fine now." si Flora habang nakatingin saamin.


Nagkatinginan kami nila Belle. Alam namin na hindi tama na hayaan nalamang s'ya ngayon ngunit wala talagang witch ang sumasagot saamin. Nang puntahan naman nila Jake si Mrs. Jackson ay lumabas daw ito ng academy.


Anong oras na at marami ang wala dahil sa pagtulong sa Guardian world. Pinapunta nila ni Ms. Clever ang halos lahat ng witch doon para tumulong. Makakabalik lamang sila mamayang umaga.


Gabi na at halos tulog na din ang mga studyante. Naisip ko pa nga na humingi ng tulong sa witch family ngunit alam kong magtataka sila kung ano ang ginagawa namin nang ganitong oras sa labas.


"Are you sure? Let me see your body" sabi ko bago tinignan ang kabuuan n'ya gamit ang kapangyarihan ko.


Wala namang bali, wala na ang sugat. Kailangan n'ya magpahinga para tuluyang bumalik ang kaniyang lakas.


Sinubukan n'yang tumayo kaya inalalayan namin s'ya ni Belle. Nang makatayo ay nanghihina pa s'yang tumingin saamin bago dahan-dahan na pumunta sa isang sink at kunin doon ang gamit n'ya.


Sinuot n'ya ang bag n'ya at nakangiting tumingin saamin. Hindi s'ya diretsong nakatingin ngunit bakas ang hiya n'ya.


Lumabas kami sa girl's bathroom at sinamahan s'ya pabalik sa dorm. Habang nag-lalakad ay nagdadalawang isip pa rin ako kung hahayaan ko lamang ba s'ya na hindi matignan nang maayos.


Nang nasa harapan na ng dorm namin ay tumalikod na s'ya para magpaalam.


"Mauna na ako. Medyo masakit pa ang sugat pero dahil sa tulong nyo ay medyo maayos na ako. Maraming salamat" sabi n'ya.


"Ihatid kana kaya namin? Saang floor ka ba?" tanong ni Trisha.


Halata naman ang pagkatigil n'ya. Tumingin s'ya sa dorm na tila nahihiyang sabihin saamin kung saan.


"Ahm..Huwag na talaga. Ayos na ako. Maraming salamat" sabi n'ya.


Naramdaman ko naman ang pag-iiba ng awra ni Jake. Diretso s'yang nakatingin kay Flora na naghihina pa rin.


"Mag-iingat  ka" sabi ni Jake dahilan para tignan ko s'ya.


Nang mag-tama ang aming paingin ay may kakaibang pakiramdam akong naramdaman. Dala siguro ng malamig na hangin dito sa labas.


"Sige, Flora. Magpahinga ka na." paalam ni Belle.


Pinanood namin s'yang pumasok sa Dorm. Nang tuluyang mawala ay tsaka kami nagkatinginan lahat.


"Bakit pa kayo nasa labas?" biglang tanong ni Jake kay Belle at Trisha.


Tumingin naman silang dalawa saamin. "Tinawag ulit kami ni Mrs. Jackson.


"Bakit daw?" taka kong sabi.


Nakita ko pa sa gilid ng aking mata si Liro na humikab bago nag-kusot ng mata ngunit pilit pa rin ang pakikinig sa sinasabi namin.


Halata naman kila Belle na kinakabahan sila. Naging madilim ang titig ni Jake dahilan para sumuko sila at sabihin saamin ang totoong nangyari.


"Nagwawala ulit yung naghuhunting sa mga Cruxies. Sakto at kailangan si Mrs. Jackson sa bayan dahil nandoon sila Ms. Clever. Kami ang nagbantay sa kwarto n'ya para hindi makawala" sabi ni Trisha.


Tumingin kami sa Main Building kung nasaan ang kwarto ni Mrs. Jackson. Nakapatay na ang ilaw doon ngayon.


"Ibig-sabihin..." tumingin ako kay Trisha na agad tumango.


Sabay-sabay kaming tumingin sa dorm kung saan namin hinatid si Flora.


"Hindi kaya...Cruxies ang umatake sakaniya?" sabi ko.


"But why? Hindi naman sya mababa sa kanila, ah" sabi ni Belle.


Narinig namin na tumikhim si Liro at tinignan ang likod namin. Nakita namin doon si Blizz na antok pa na nakatingin saamin.


"What?" taka n'yang sabi.


"Antok na antok ka ata. Matulog kana" si Liro.


Bigla naman umayos si Blizz ng tayo n'ya. "No way. Baka bukas ay wala na akong alam sa nangyayari" sabi n'ya.


"Anyway, napansin ko lang na inaatake na din ng Cruxies ang mga kagaya natin. Parang wala silang kontrol" sabi ni Liro.


"I agree. Alam naman natin kung paano nila tayo inatake kahapon" sabi ni Trisha.


Natahimik kami dahil sa iba't-ibang ideya na biglang pumasok saamin. Madaling araw na at wala pa kaming pahinga.


"Naramdaman ko din na mahirap gamutin si Flora kanina" pagsasabi ko ng totoo.


Tumingin silang lahat saakin. Bakas sa mukha nila na naguguluhan sila sa mga pangyayari. "Hindi kaya may lason ang Cruxies?" sabi ko.


"We need to study them properly. Mukhang kailangan natin magpatulong kay Mrs. Jackson" 


"But for now, we need to rest because we all have classes later. We only have  5 hours before the first period" si Jake.


Nang sabihin n'ya iyon ay bigla kaming humikab. Natawa kami bago nag-paalam na sa isa't-isa.


Kasabay ko sila Belle na umakyat sa dorm namin. Nag-ayos lamang kami ng aming sarili bago natulog na.


Ilang oras lamang ang tulog ko ngunit pinilit kong gumising. Tinignan ko sila Belle at Trisha na na tulog pa. Paano ba naman ay nag-aral pa sila kanina.


Tumayo ako at pumunta sa bathroom para maghilamos. Inayos ko din ang buhok ko. Balak kong magluto para saamin at dahil alam ko na pagod pa sila Belle at antok ay inasikaso ko na rin ang gamit nila.


Lumakad na ako palabas para mag-luto nang mapahinto ako dahil sa ingay. Dahan-dahan akong lumakad papuntang kusina at nagulat nang makita yung tatlo doon na nag-luluto.


Napahinto silang tatlo nang makita ako. "I told you, Blizz. Ang ingay mo kasi"


"Good morning, Lady" si Jake na nasa gilid ko na pala.


"Bakit kayo nandito nang ganito kaaga?" tanong ko habang pinapanood sila Blizz at Liro na nagpatuloy sa pagluluto.


"This is my idea. I know how tired you are because of the battle against Cruxies, plus my attitude" sabi n'ya habang nakataas ang kilay.


Sumilay naman ang ngiti sa labi ko dahil doon. Sumama ako kay Jake na pumunta sa kusina. Umupo na kami habang tinatapos nila Blizz ang niluluto. Nang nakahanda na lahat ay pinuntahan nila yung dalawa na tulog pa.


Narinig ko pa ang galit na si Belle kaya natawa kami ni Jake habang nagsasandok ng egg.


"I'm sorry, Blizz. Nagulat lang ako" rinig kong sabi ni Belle sa loob.


"Sino ba kasi ang nangigising na dinadaganan? The hell, Blizz Lorhan" dagdag n'ya pa.


Pumunta na silang apat sa lamesa at sabay-sabay kaming kumain. Habang nasa hapag ay nag-kwentuhan kami tungkol sa possible na mangyari ngayong araw.


Nang matapos kaming kumain ay ang boys pa rin ang nagpresinta mag-linis habang kami ay naghahanda para pumasok.


Nauna akong matapos sa dalawa kaya sa sala nalang kami naghintay ng boys. Nag-uusap sila tungkol sa pagsisiyasat nila sa Academy tuwing gabi para tignan kung may kakaiba.


"Make sure na walang makakaalam ah." si Jake.


"Sure, Master. Baka si Blizz Lorhan 'to" pagmamayabang ni Blizz dahilan para hampasin s'ya ni Liro sa braso.


"Loko. Ikaw nga dahilan bakit tayo maaga nakita ni Cassandra kanina" sabi n'ya habang natatawa.


"Hey. What are yo thinking?" rinig kong sabi ni Jake saakin.


Napabaling naman sakaniya ang paningin ko. Bumuntong hininga ako bago nag-salita. "Hindi kasi ako mapalagay kay Flora. Sino o Ano ang umatake sakaniya. Nag-aalala ako na baka may iba pang incident na mangyari katulad n'on" sabi ko.


"Don't worry about that. I will make sure no one will get hurt again" sabi n'ya saakin bago tinignan ang cellphone n'ya na hawak ni Blizz.


"Huwag mo punuin iyan ng litrato mo. You have your own phone. Use that instead of mine" banta n'ya kay Blizz.


Napasimangot naman si Blizz bago binaba ang phone ni Jake. "Ayaw mo ba na may litrato ka ng mukhang 'to?"


Sinamaan lamang s'ya ng tingin ni Jake dahilan para matawa kami ni Liro. Ilang sandali pa ay lumabas na rin sila Isabelle at Trisha at sabay-sabay kaming lumabas para pumasok sa unang klase.


Hinatid kami ng boys sa History Class namin. Tinignan pa namin ang paligid na parang normal lamang ang lahat at walang nangyaring kung ano kahapon.


Well, kami lang naman ang nakakalaam ng mga nangyari at kung bakit biglang nag lockdown ang buong academy.


"Ayos ka lang, Cassandra?" si Belle na nasa tabi ko at nakaupo.


Humikab naman ako bago tumango. "Yup. Kaya ko pa naman" sabi ko bago humikab ulit.


Kulang talaga ang tulog ko. Hindi din kasi talaga ako maayos na nakatulog kagabi dahil sa dami ng iniisip. Lalo na ang nangyari sa Guardian world at pag-sugod ng mga Cruxies.


Kung pagbabasehan ang mga pangyayari kahapon ay nakatitiyak akong may nangyayaring kung ano. Hindi ko pa alam kung ano iyon sa ngayon pero alam ko na simula ngayong araw ay magkakaroon nanaman ng mga pangyayari na hindi ko, namin inaasahan.


Nang dumating ang prof. ay sinubukan kong makinig. Nag discuss tungkol sa syudad ng Yehan si Mr. Lester. Nagsusulat si Belle ng notes habang ako ay kung ano-ano nalang ang sinusulat sa papel.


Hinihila ako ng antok ngayon. Nakakailang hikab na ako kanina pa. Sinusubukan kong pigilan iyon lalo na kapag nakatingin si Mr. Lester sa direksyon ko.


Naramdaman ko ang pag-siko saakin ni Belle. "Ayos ka lang ba. Bumalik kana kaya sa dorm pagtapos?" sabi n'ya.


Umiling naman ako kaagad para tumutol. "Kaya pa naman. Ang tahimik kasi kaya lalo akong inaantok" sabi ko at tinignan ang mga kaklase namin na tahimik na nakikinig.


Natapos ang History class namin at sabay-sabay kaming tatlo na pumunta sa second subject. Mabilis ang naging oras doon pero hindi pa rin ako tinantanan ng antok.


Papikit-pikit na ang mata ko habang pinipilit ang sarili na gumising kaya nang matapos ang klase at lunch time na ay nag-paalam na ako kila Belle na mag nap at babalik para sa last subject.


Tinignan ko ang dormitory building sa hindi kalayuan. Nang makita ang lalakarin ay umurong ako at napagpasyahan na pumunta sa bench. Doon ako umupo at iniyuko ang ulo para umidlip.


Naglalakad ako sa isang mapuno na daan. Nangunot ako nang mapansin na parang nakapunta na ako dati dito.


Lumakad ako at nahinto nang mapagtanto na parang alam ko nga ang lugar na ito. Madilim at puro puno...


Napalingon ako sa aking kanan nag may marinig doon. Nakita ko ang isang anino na hugis tao na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad akong lumakad pagilid at nag-tago.


Pinanood ko s'yang lumakad at dumiretso nang bigla s'yang huminto at tinignan ang paligid. Nagulat ako nang biglang lumiyab ang kaniyang kamay dahil sa apoy.


Lumingon ito sa banda ko dahilan para lalo akong mag-tago. Hindi ito katangkaran. Halata sa kaniyang mangangatawan na bata pa lamang s'ya.


Habang pinagmamasdan s'ya at nagulat ako nang makita na may isa pa palang nakamasid sakaniya. Isang puno malapit sakaniya kung saan nakatayo ang isang malaking anino.


Wala akong makita bukod sa kaniyang mga mata. Ang kaniyang mata ay kulay dilaw na parang gold na may silver.


Hindi ako makagalaw saaking kinatatayuan. Tila hinihila ang lakas ko papunta sa lalaking iyon.


Ramdam ko ang pagkaalerto nang naunang lalaki na may apoy sa kamay. Tila nararamdaman n'ya din ang kakaibang presensya sa kaniyang paligid.


"The symbol of Goblin"


Napatingin ako sa aking gilid nang may marinig. Pag tingin ko naman doon ay walang kahit ano.


"Soulford..." nanayo ang balahibo ko nang marinig ang aking pangalan.


Humarap ako saaking likod para hanapin ang boses na iyon ngunit wala akong nakita na kahit ano.


"Soulford..."


Binaling ko ang aking tingin sa lalaking nag-aapoy ang kamay ngunit wala na ito doon.


"Soulford..."


Kasabay nang kaba ko ay ang biglang paglitaw ng kung ano saaking harap. Isang malaking itim na usok na mayroong kidlat na umiilaw.


Nanghina ako kaagad at napa-upo. Ano ito...


"Soulford..."


Agad kong minulat ang aking mata at naghabol ng hininga. Tinignan ko ang paligid at nakita na nasa bench pa rin ako.


Tinignan ko ang nasa gilid ko at nakita doon ang lalaking tinulungan namin.


"Ms. Soulford? Am I right?" tanong n'ya habang nakatingin sa I.D ko.


Tumango naman ako at inayos ang aking sarili. Tinignan n'ya naman ako na tila nag-aalala.



"Are you alright? Nakita kita na binabangungot" sabi n'ya.


"Yeah. Thank you" sabi ko.


Natahimik kaming pareho at pinakiramdaman ang isa't-isa. "Uhm..ikaw iyong isa sa bagong student, right?" sabi ko.


"Yeah. I'm Stanley" sabi n'ya at nilahad ang kaniyang kamay.


Inabot ko naman iyon bago ngumiti. "I'm Cassandra. Nice to meet you" sabi ko.


Nag shake hands kaming dalawa ngunit hindi pa n'ya binibitawan ang kamay ko kaya ako na ang nag-alis n'on.


"Uhm..I'll leave now, Stanley. Thank you for waking me up" sabi ko at agad kinuha ang gamit ko.


"Oh, okay. Sorry. Ingat ka" sabi n'ya nang mapansin ang pagka-ilang ko.


Tumango naman ako sakaniya bago tuluyang tumakbo para pumunta kila Belle.

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
20.8M 764K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
2.9M 226K 68
Eleanor worked for several masters until an incident forced her to restart her life in a small town of Van Zanth, where hybrids prosper than humans. ...