Heaven In your Arms

By njgorid

152K 3.4K 225

Maagang namulat sa responsibilidad si Adeena Riona o mas kilala sa pangalang "Rina". Labing tatlong taong gu... More

Heaven In Your Arms
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Epilogue

Chapter 25

3.1K 80 6
By njgorid

Dumating ang sabado at heto ako, aligaga sa kusina habang naglalaro ang mag ama ko sa taas.

Actually, mabilis nang mapagod si Gav kaya minsan ay binabasahan niya na lang ng kung anu-anong libro ang anak namin. Sadyang matalino ang anak namin dahil sa murang edad ay mas gusto niyang pag usapan ang science kaysa manood ng disney movies na pambata.

Ngayon darating ang ama ni Stan kung kaya't hindi ako mapirmi rito. Tinatawanan nga ako ni Stan kanina pa dahil ang aga aga kong nagising.

Sinigurado kong nauna kong e luto ang mga paborito ng daddy niya bago ang iba pa.

Nang masigurong kumpleto at maayos na ang lahat ay saka ako pumanhik upang maligo ulit. Nakakahiya naman sa bisita at amoy bawang ako.

Sabay na bumaling sa akin ang mag ama ko nang pumasok ako sa kwarto namin.

"Nanay!"

Ngumiti ako at lumapit sa kanila sa kama. Nagdadalawang isip pa dahil amoy sahog ako. Nakakahiya kay Stan.

Pagkalapit ay hinalikan ko sa noo ang anak ko at isinawalang bahala ang titig ng ama nito sa akin.

"Are you done cooking?"

Lumingon ako at ngumiti sabay tango.

"Oo. Anong oras pala darating ang daddy mo?"

"Nanay, may lolo po ako! Tatay po siya ni tatay. Excited po akong makilala siya." Bibong sabi ng anak namin.

Pumayat si Gav simula nang magsimula ang chemo nito ngunit siniguro kong masustansya ang mga kinakain nito.

"Oo anak kaya pakabait ka mamaya, ha?"

"Mabait po si Gav, nanay. Tapos pogi pa. Di ba tatay?"

Tumawa ang ama nito habang humagikhik naman ang batang paslit.

"Ofcourse. You look like me so we're both pogi."

"Kung anu-ano nang natutunan ni Gav sayo, ha. Noong isang araw nagtatanong iyan kung ano yung panliligaw." Kunot noong tanong ko sa tatay nito.

Humalakhak ang magaling bago tiningnan ang anak habang nakataas baba pa ang kilay. Nang balingan ko ang anak ko ay namumula ang pisngi nito.

"He has a crush with our neighbor. I told him to court the girl he like."

Hinampas ko ang braso nito.

"Tatay....secret lang natin 'yon." Nakangusong sabi ng anak namin.

Tumaas ang isang kilay ko habang tiningnan silang dalawa.

"Anong secret? Ayaw mo na ba kay Nanay? Hindi mo na ako love?" Kunwaring nakapameywang na sabi ko.

Umawang ang labi ni Gav at kaagad umiling iling. Dahan dahan itong lumapit sa akin at kaagad ring inalalayan ng ama nito. Yumapak ito sa leeg ko bago ako hinalikan sa buong mukha.

"Mahal na mahal ka ni Gav, nanay. Pati si tatay."

Bumaling ako sa magaling na lalaki at nakita kong may nakapaskil na ngiti sa labi nito habang may adorasyon sa mga mata habang pinagmamasdan kami.

Kumalas sa yakap si Gav ngunit hindi tinanggal ang mga braso at lumingon sa ama.

"Tatay, kiss mo rin si nanay."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ng anak ko. Tingnan mo, kung anu-ano nalang talaga ang natutunan nito sa ama.

Kahit gusto mo rin, Rina? Huwag kang mapagpanggap.

Muntik na akong napairap sa sarili dahil sa pagtatalo sa isip.

"Gav..." Mahinang saway ko sa anak ko.

Nakakahiya sa ama nito. Ayoko talagang mapilitan ito sa isang bagay dahil sa anak namin. Pwede naman siyang humindi.

Bakit ba napaka defensive mong babae ka? Wala pa nga, e.

"Ayaw yata ni nanay, baby."

Kumunot ang noo ko sa sagot nito sa anak habang may ngisi pa rin sa labi.

Bumaling ang anak ko sa akin at napanguso.

"Ayaw mo ng kiss ni tatay, nanay?"

Napasinghap ko. Sigurado akong pulang pula na ang buong mukha ko ngayon.

"G-gusto naman p-pero-"

"Gusto daw ni nanay, tatay! "

Ni hindi ako pinatapos ng anak namin. Tumaas ang kilay ng magaling na ama nito bago dahan dahang lumapit sa aming mag ina.

Napakagat labi ako nang dahan dahang inilapit nito ang mukha sa akin kaya napapikit ako. Ramdam ko na ang mainit na hininga nito sa mukha ko kaya napapikit ako ng mariin.

"Saan mo ba gusto?" Napapaos na bulong nito.

Unti unti kong minulat ang mga mata at napagtanto kung gaano kalapit ng mukha niya sa akin. Isang lingon ko lang sa gilid ay paniguradong mahahalikan namin ang labi ng isa't isa.

Ngunit hindi nagtagal ay nangyari nga iyon kaya ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko.

Rinig ko ang hagikhik ng batang makulit. Niyakap niya kami ng tatay niya sa magkabilang braso dahilan kung bakit mas naglapit kami sa isa't isa at dahilan kung bakit lumapat ang mga labi namin sa isa't isa.

Nakakabingi ang lakas ng kabog sa dibdib ko kaya kaagad akong humiwalay at kumurap kurap.

Pinagmasdan ko ang mapulang labi nito bago tiningnan ang mga mata nito. Nandoon parin ang ngisi at ngiting tagumpay.

Lumunok at tumayo.

"U-uh..m-maliligo na ako u-ulit. P-palitan mo na rin ng damit ang a-anak natin." Nahihiyang sabi ko at kaagad umalis at pumasok sa banyo.

Rinig ko pang nag high five ang mag ama.

Pagpasok ko sa banyo ay sumandal ako sa likod ng pinto at doon huminga ng malalim bago hinawakan ang dibdib kung nasaan ang puso kong hanggang ngayon ay tumatambol dahil sa nangyari.

Nang makalma ang sarili ay kaagad na akong naligo.

At diyos ko, sa kamamadali nakalimutan ko pang kumuhanng damit.

Nakatuwalya lang ako at dahan dahang binuksan ang pinto ng banyo. Nagdarasal na sana ay bumaba ang mag ama ngunit ganoon nalang ang gulat ko nang nasa kwarto pa rin si Stan. Naka tungo at may nagpipindot sa cell

Wala akong choice kundi ang lumabas na parang walang nangyari kahit kinakabahan. Pumasok ako sa closet at dali daling naghahanap ng maisusuot.

"Dad is on the way."

"Ay puke!"

Napasigaw ako sa gulat.

Rinig ko ang halakhak ng magaling na lalaki kaya't humarap ako dito at hinampas ito.

"Nakakainis ka!"

Pilit nitong hinuhuli ang kamay ko.

"Sorry." Hinging paumanhin nito at nang mahuli ang kamay ko ay dinala nito iyon sa labi nito at hinalikan.

Diyos ko, magkakasakit ako sa puso dahil sa lalaking ito!

Continue Reading

You'll Also Like

26.6K 443 45
Montenegro Series #4. Ang buhay na kinalakihan ni Jamilla Carson Cabe ay masalimuot at malungkot. Separated parents, drunkard father and pressured by...
27.9M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
425K 12.8K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
3.3K 150 50
(COMPLETED) She's the breadwinner in their family, Anna Clarise Santiago. Gagawin niya ang lahat para sa kanyang pamilya, para maiahon sa kahirapan...