Operation: Secret Glances

By viexamour

35.3K 769 68

Operation Series #1 M I L A D A Milada's heart has belonged to Amadeus since childhood. From the shy ten-year... More

Operation: Secret Glances
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Wakas
Note, Amours

Kabanata 22

707 19 0
By viexamour

Nakarating kami sa Albancia na maraming bodyguards ang nasa labas ng malaking gate. Napalunok ako dahil totoo nga ang sinabi ni Amadeus na nandito lahat ng Contrejas. Masaya kaming sinalubong ng mga taong naroroon pero ang pagkailang ko sa katawan ay hindi ko mapigilan.

Nang mapansin kasi nila ang presensya ko ay natigilan ang lahat at para silang namamangha na may dinalang babae si Amadeus. Bumaling ang tingin ko sa matandang nasa wheelchair. At katulad ng iba ay mariin itong nakatingin sa akin. Seryoso at nakakaintimida.

Kahit alanganin ay ngumiti ako rito pero wala naman akong nakuhang kahit anong reaksyon mula sa kanya. Bigla tuloy akong kinabahan na baka ayaw sa akin nito pero ayaw ko rin naman na maging negatibo agad sa pagpunta ko sa Casa Contrejas.

"You okay?" tipid akong tumango kay Amadeus ng balingan ako nito.

"Hmm," sagot ko.

Dumiretso kami sa dining area at halos malula ako sa ganda ng chandelier na nasa kisami. Ang mahaba at napaka-eleganteng lamesa. Marami rin upuan dahil marami ang Contrejas. 

Bumaling ako sa tatlong lalaki na pamilyar sa akin. They are Amadeus cousin. Sila iyong pumunta sa bahay nila Amadeus na maganda ang sasakyan.

"It's really nice being us completed in this long table. Papa is really happy, Wilford..." ang lalaki na sa tingin ko ay kapatid ni Tito Wilford.

"We really had a plan to go here for vacation," matipid na sabi ni Tito Wilford.

"Well, can we know who's this beautiful lady here with us?" ang babae naman ang nagsalita.

"She's the girl I am courting, Tita. She's Milada Yamamoto..." Amadeus said politely and sounded so sure and proud.

Nakagat ko ang aking ibabang labi at nahihiyang ngumiti sa kanila.

"It's nice meeting you, Milada." Ani ng tita ni Amadeus.

"Ah, nice meeting you din po..." I said gently.

“Dude, pinipikot mo naman agad. Nanliligaw ka pa lang pala pero dinala mo na dito.” Sabi ng isa niyang pinsan.

“Shut up.” Si Amadeus na may halong ngisi sa labi.

Pinag-initan ako ng pisngi.

"Akala ko ay walang balak itong si Amadeus manligaw ng babae. Naghanda na nga si Papa na i-arrange marriage ito sa America." 

Natigilan ako sa narinig. Nilingon ko si Amadeus at kahit siya ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

"Tita, I didn't agreed in a fix marriage. Pakakasalan ko ang babaeng mahal ko hindi ang basta na pinili lang." Seryosong sabi ni Amadeus.

Nagtawanan ang matatanda. Nilingon ko si Tita Analyn at maliit siyang ngumiti sa akin.

"Hindi namin pinipilit si Amadeus dahil alam naman namin kung ano ang mga gusto niyang gawin sa buhay. Masaya kami na si Milada pala ang gusto niya. Milada is a good and a nice lady, everyone. I hope you will like her," si Tita Analyn kaya nahiya na ako ng tuluyan.

"Of course, Analyn! Kapag nagmahal ang isang Contrejas ay buo at hindi basta-bastang natitibag. The Contrejas are loyal and faithful." Sabi ng tita ni Amadeus.

Tipid akong ngumiti. Tuloy-tuloy na nag-usap sa hapag pero kahit isang beses ay hindi ko narinig na nagsalita ang lolo ni Amadeus. 

I wonder why? 

Kaya matapos ang kainan at naisipan na sa may garden sila pumunta ay doon lang ako nakakuha ng pagkakataon para makausap si Amadeus na kaming dalawa.

"Amadeus, bakit hindi nagsasalita ang lolo mo?" I asked him softly.

"Mild stroke," tipid niyang sabi. Suminghap ako.

"Kung ganoon... hindi na ba siya mababalik sa dati?" kuryoso kong tanong.

Kaya pala gano'n ang reaksyon niya sa akin ay dahil na mild stroke pala ito. 

"Makakabalik kung magpapagamot siya sa America. Mas advance ang technology roon kaya mas gusto nila na doon ipagamot si lolo," aniya pa.

Inabot nito ang kamay ko at sabay kaming naglakad papunta sa garden ng Casa.

"Bakit hindi nila dalhin sa Amerika?" natahimik siya at nilingon ako.

Bago pa akong makapagsalita muli ay dumating ang tatlong pinsan niya at nagpaalam sa akin kung pwede ba daw muna nila mahiram si Amadeus. Pumayag naman ako dahil mukhang meron silang pag-uusapan na pribado. Ako na lang mag-isa ang naglakad papunta sa garden.

Pagdating doon ay nakita kong nagkakasiyahan na ang lahat. Nang makita ako ng tita ni Amadeus ay marahan akong hinila para makisali sa kanila. They are all warm and welcoming. Siguro ay likas na talaga sa presensya nila ang pagkakaroon ng nakakaintimida na awra.

Ang mga tita ni Amadeus ay parang si Tita Analyn lang din. Ang mga tito niya naman ay mababakas ang kaseryosohan pero nagagawa naman magbiro. They are a big family and I suddenly wonder kung meron din kaya akong gano'n.

Sa paglaki ko ay si Tita Analyn na ang nakasama ko. Wala akong nakilalang pinsan. Dalawa lang naman sila Tita Kilari at Mama. Hindi ko rin naman natanong kung may mga pinsan nga ba ako sa side nila dahil kahit kailan ay hindi naman ito naging mahalaga sa akin.

Pero ang makita na ganito kalaki at kasaya ang pamilya ni Amadeus ay hindi ko na mapigilang mag-isip.

"Oh... so, you're living with your Aunt?? Anong trabaho ng tita mo?" ang tita ni Amadeus.

"Ah, elementary teacher po..." she smiled.

"Ah teacher, huh?" tiningnan ko sila isa-isa.

"Your surname is a bit familiar to us. Yamamoto, you have Japanese blood?" tumango ako.

"Ang papa po nila Tita Kilari ay pure Japanese po. Si lolo..." magalang kong sagot.

"Maaga ka pa lang nangulila sa isang ina. Mabuti naman at kinupkop ka ng tita mo?" ani ng isang lalaki.

Hindi ko pa rin alam ang pangalan nila. I'll try to ask Amadeus about this. Lahat naman sila ay mababait at wala namang ipinakita na ayaw nilang nandito ako sa Casa nila.

"Inalagaan naman po ako ni Tita Kilari ng maayos. Halos sa kanya na po ako lumaki at nagkaisip." 

Tumango-tango sila na para bang masaya sila sa narinig. Napangiti na rin ako at tuluyan ng nawala ang kaba mula sa kanila.

"Gusto ko tuloy makilala ang tita mo, Milada..." humagikhik ito at inakbayan naman siya ng lalaki na sa tingin ko ay kanyang asawa.

Napansin ko na parang matagal ng wala si Amadeus. Nagpaalam muna ako sa matatanda at sinabing hahanapin ko lang si Amadeus. They agreed kaya pumasok na ako loob. Noong una ay alanganin pa akong maglakad sa marmol na sahig ng Casa pero naalala ko na sobrang na welcome naman ako rito.

Sinimulan ko sa living room pero wala sila roon. Pero sa paglalakad ko ay nakarinig ako ng kung anong nabasag. Mabilis akong naglakad papunta sa kusina at natagpuan na kinukuwelyuhan si Amadeus ng isa sa mga pinsan niya.

Mabilis akong nagtago ng mabakas ang tensyon sa kanilang apat. 

Bakit sila nagtatalo?

Sumilip akong muli ngunit gano'n pa rin ang ayos nila. Si Amadeus na kinukuwelyuhan ng isa niyang pinsan. Ang isa naman ay prenteng nakaupo lang sa upuan sa may lamesa at ang isa ay nakasandal sa may sink habang magka-krus ang mga braso nito.

"Mas pipiliin mo ang babaeng 'yon para sa kapakanan ni lolo? Are you insane, Amad?" hindi sumagot si Amadeus.

"That's enough, Cherauno." Saway ng isa na sa tingin ko sa kanilang apat ay siya ang mas matanda.

"Let him go, Uno..." napatingin naman ako sa lalaking nakaupo.

"Nagsisimula pa lang kami, Cherauno. My decision is final. I will not go to America." Si Amadeus.

Napatakip ako sa bibig ko ng malakas siyang suntukin ng tinatawag nilang si Uno. Gusto kong lumapit para tulungan si Amadeus pero away nila itong magpipinsan. At tama ba ang narinig ko? Si Amadeus pupunta sa America?

"Tang-ina, Amad! Si lolo ang usapan dito! He wanted you to go with him! Lahat tayo! Dahil lang sa babae, Amadeus?" napasinghap ako ng mabilis na nakabangon si Amadeus at sumuntok pabalik kay Uno.

"Hindi lang siya basta babae! Don't talk like that..." mariing sabi ni Amadeus.

"Anong gusto mo? Ako na ang magsasabi sa babaeng 'yon na aalis ka para pumunta sa America? Huh? You can continue what's going on between the two of you once naging okay si lolo, Amad. Just give lolo a chance to be with you! Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa kanya?" Si Uno.

"I'm not, this is about me and Milada, Uno. Hindi mo naiintindihan dahil hindi ka pa naman nagmamahal! You wouldn't know how it feels to think that the girl you like will be left here!" Si Amadeus.

"Oh, you don't know anything, Amad. He's more cruel when it comes to a girl—"

"Shut up, Firdaus!" humalakhak ang lalaking nakaupo at nagkibit lang ng kanyang balikat.

"You still have months to decide, Amadeus. We’re not rushing you, I understand that you can't leave that girl. But I think he will understand it when you explain it to her. She looks nice and understanding. Tell her that our lolo needs proper medication in America. That we all need to go there." Ang lalaki na nakasandal sa sink ang nagsalita.

Wala akong narinig na sagot kay Amadeus kaya nagpasya na lang akong umalis doon. Wala ako sa sarili ng bumalik ako sa lugar ng matatanda hanggang sa nahagip ng mata ko ang lolo nila Amadeus. 

He looks old and weak. Pero makikita sa mata niya na gusto pa nitong lumaban. He has a hard expression on his face.

Nagtama ang mata namin kaya napaayos ako ng upo. I smiled at him but like what happened earlier, wala akong nakuhang sagot sa kanya.

"Milada, I'm sorry but can you look for our father? Sandali lang kami. We will just talk in private. I hope you won't mind?" si Tito Wilford.

"Ah, ayos lang po. Wala naman po akong gagawin..." tumango siya ay maliit na ngumiti.

"Maya-maya ay nandiyan na rin si Amadeus at ang mga pinsan nito," tumango lang ako at tuluyan na nga itonf umalis.

Naging tahimik ang paligid namin at nahihiya man ay lumapit ako sa kanya at marahang tinulak ang wheelchair para makalapit sa pwesto ko. Wala siyang reaksyon pero gumagalaw naman ang kanyang mata.

"Pasensya na po, mas'yado kasi kayong malayo. Ah, ako nga po pala si Milada Agnesine Yamamoto. Uhm... alam ko pong nakapagpakilala na ako kanina pero gusto ko pa rin po magpakilala sa inyo..." ngumiti ako at tumingi  sa malayo.

Ramdam kong nakatingin siya sa akin pero wala naman reaksyon.

"Narinig ko po na nagtatalo si Amadeus at ang mga pinsan niya..." mahina kong sabi at pinaglaruan ang aking mga daliri sa kamay na nakapatong sa kandungan ko. "Ayaw pala ni Amadeus na sumama para sa pagpapagamot niyo sa America dahil sa akin. Actually po, wala akong ideya na kasama pala siya... nasabi niya lang sa akin na sa America kayo magpapagamot." 

Kahit hindi siya sumasagot sa mga sinasabi ko ay nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. I want him to know that I'm sincere to him. Lalo't siya ang ama ng Casa'ng ito.

"Kakausapin ko po si Amadeus tungkol dito. Hindi ko man alam ang istoryo niyo ni Amadeus ay tutulong pa rin ako. Alam niyo po ba... masaya ako na nakilala ko ang pamilya ni Amadeus kahit ngayong araw ko pa lang sila nakita at nakasama. Wala po akong ideya kung ano ang pakiramdam na mayroong malaking pamilya. Si Tita Kilari lang po kasi ang kasama ko sa bahay at nagpalaki sa akin. Ang pamilya niyo po ay mababait at masayahin."

Nilingon ko siya at naroon pa rin ang titig niya sa akin. I smiled at him genuinely.

"Hindi ko po alam kung gusto niyo ba ako para sa apo niyo. Pero po... gustong-gusto ko po si Amadeus. Nagustuhan ko siya noong sampung taon ako. Akala ko ay batang pagkakagusto lang iyon para sa kanya. Pero dumaan na ang mga taon pero hanggang ngayon ay siya pa rin. Hindi niya po alam 'yon kaya sana kapag gumaling kayo ay 'wag niyo pa rin sasabihin. Secret lang po natin, ha?" mahina akong natawa sa sinabi.

"Magpagaling po kayo... hihintayin ko po na makausap kayo sa mas maayos na kalagayan. At sana... magustuhan niyo po ako para sa apo niyo..." hinawakan ko ang kamay niya ng marahan at ngumiti.

Maya-maya ay dumating na ang mga pinsan ni Amadeus at nasa hulihan siya. Nang makita akong kasama ang lolo niya ay mabilis ang mga hakbang na lumapit ito sa akin.

"Are you okay?" mahina akong natawa.

"Bakit naman ako hindi magiging okay?" inosente kong tanong. "Kinausap ko lang ang lolo mo para hindi kami ma-bored na dalawa. Umalis kasi ang mga tita at tito mo, kasama ang mga magulang mo."

Tumango siya at hinawakan ang kamay ko. Tumingin ako sa mga pinsan ni Amadeus na nakatingin pala sa aming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng hiya para sa aming dalawa. Nakahawak pa si Amadeus sa kamay ko.

"I'm Zebulon," pakilala ng lalaki na nakita ko kaninang nakasandal sa sink.

Ngumiti ako at inabot ang kamay niyang nakalahad.

"Milada..." pakilala ko.

Lumapit naman sa akin ang lalaki na may mapaglarong ekspresyon sa mukha.

"Firdaus!" masayang sabi nito.

Mahina akong natawa at inabot rin ang kamay niya. Bumaling ako kay Uno na masungit ang mukha habang nasa malayo ang tingin. Mahina siyang siniko ni Firdaus kaya tumingin ito sa akin ng masama.

I bit my lower lip and smiled at him.

"Cherauno." Matigas niyang sabi.

Tumango na lang ako at nag-angat ng tingin kay Amadeus na nakatingin din sa akin. Ngumiti ako kaya ngumiti na rin siya.

Lahat ay bumalik sa loob ng bahay at katulad ng nangyari sa hapag ay nagkwentuhan pa rin ang mga ito. Pero ang pinsan ni Amadeus ay parang may ibang pupuntahan. Nasa may balcony kaming dalawa at doon naisipan na magpalipas ng oras.

Nilingon ko siya na nasa malayo ang tingin. Sumagi muli sa isip ko ang natuklasan ko sa may kusina kanina. May parte sa akin na ayaw din umalis si Amadeus dahil mas'yadong malayo ang America. Iniisip ko pa lang na malalayo siya sa akin ay nalulungkot na agad ako. 

Naiintindihan ko siya. Tama naman si Amadeus na nagsisimula pa lang kami. Umamin siya sa akin ng nararamdaman niya. Nanligaw. Wala pa nga kami sa umpisa kung tutuusin.

Bumuntong-hininga ako dahilan para lingunin niya ako sa kanyang tabi.

"Why?" agad niyang tanong.

"May gusto ka bang sabihin sa akin?" natigilan siya sa tanong ko.

Umiling ito. Nadismaya ako dahil mukhang wala talaga siyang balak sabihin sa akin ang tungkol sa America. Naalala ko ang kalagayan ng lolo niya. Dapat na talaga siyang maipagamot ng mas maaga.

"Handa naman akong makinig at intindihin kung ano man ang bumabagabag sa'yo, Amadeus..." hindi siya sumagot.

Ipinatong ko ang kamay ko sa kamay niya na mahigpit ang pagkakahawak sa bakal na railings. I smiled at him while looking at his eyes softly.

"Amadeus..." yumuko siya at mabigat ang hininga.

"My family wants me to go to America with them..." he finally said. 

Imbis na malungkot ako sa kanyang sinabi ay napangiti pa ako dahil nagawa niya na itong sabihin sa akin. 

"Iyon ba ang dahilan kaya sa pagbalik mo ay hindi mo ako pinapansin?" mas lalo siyang nagyuko ng ulo at pilit iniiwas ang tingin sa akin. 

"I've tried avoiding you, para sa pag-alis ko ay wala akong maiiwan dito. I don't want to give you any attachments. Pero sa bandang huli ako rin pala ang susuko. Hindi ko pala kaya. Everytime I see your innocent eyes looking at me wondering why I'm avoiding you..." tinuro niya ang tapat ng kanyang dibdib. "I'm hurting. Hindi ko kaya..."

Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi makapaniwala na gano'n na pala ang iniisip niya. Na gusto niya pala ako.

"Bakit... bakit hindi mo sinabi? Maiintindihan ko naman, Amadeus..." malumanay kong sabi.

"That's the point, Milada. You'll understand the situation. But how about us? I'm pursuing you yet I will be in the far place? Ano pa ang silbi no'n? I can't leave you here, Milada..." umiling-iling pa siya.

"We can still communicate, Amadeus—"

"Only a small percent succeeded in a long distance relationship, Milada. I can't risk it!" umiling ako at hinawakan ang kamay niya.

"Susubukan natin! Gawin natin! Amadeus, hindi lang naman sa atin iikot 'to. Your lolo needs you. He wants you to come with him while he's doing his medication. Amadeus, lolo mo 'yon. I heard you and your cousins' conversation. Narinig ko na ayaw mong sumama sa America dahil sa akin. Hindi kakayanin ng konsensya ko kung ako ang magiging dahilan para hindi tuluyang magpagamot ang lolo mo!" giit ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at mariin siyang tiningnan sa kanyang mata. He looks sad and frustrated at the same time. 

Mas lalo ko siyang nagustuhan dahil sinasama niya ako sa desisyong ito. Pero alam kong mali na mas piliin niya ako kaysa sa kapamilya niya. Sa mismong lolo niya. Kahit na hindi ko narinig na magsalita ito ay alam kong sasabihin niya na kausapin ko si Amadeus para roon. I can't risk it too! 

"Milada, I can't... maiintindihan naman nila 'yon. I already told it to my parents. They agreed. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mas pipiliin mo na magkalayo tayong dalawa..." pagod niyang sabi habang namumungay ang mga mata nito.

"Wala pa namang tayo..." mahina kong sabi. Binasa niya ang kanyang labi at bahagyang umawang pa ito dahil sa narinig mula sa akin. "Nililigawan mo pa lang naman ako. You still have no responsibility to me—"

"I am committed to you! My heart is already committed to you, Milada!" nangilid ang luha sa mata ko ng unti-unting maintindihan kung ano ang kanyang sinasabi. "I already fell... really hard..." 

Namamaos niyang sabi. Nanlabo ang aking tingin dahil sa mga luhang walang tigil sa pagtulo. My heart feels warm when I heard it to him. He loves me. Hindi na lang isang pagkakagusto. Amadeus loves me...

"I understand..." halos bulong ko na lang na sabi.

Lumakad siya palapit sa akin at naramdaman ko na lang ang pagbalot niya sa aking katawan ng mahigpit na yakap.

"Don't cry... I'm sorry..." bulong niya at marahang hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

Yumakap ako pabalik sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa kanyang dibdib. I can feel and hear his heartbeat. Fast and loud. 

"We can do this, Amadeus..." bulong ko sa kabila ng mahina kong hikbi.

"What if we don't? Wala pa tayo sa simula, Milada... paano tayo?" imbis na mas lalong umiyak ay natawa ako ng mahina.

"Wala pang tayo, Amadeus..." nakanguso kong sabi.

He cupped my cheeks that made me faced him. 

"Kaya nga nanliligaw ako," seryoso niyang sabi. 

"Alam ko..." mahina kong sabi.

Pinunasan niya ang pisngi ko na may bakas ng luha mula sa pag-iyak. Marahan at puno 'yon ng pag-iingat habang nakatitig sa mukha ko. I blushed and looked away. Hindi na yata ako masasanay sa mga tingin niyang ganito. Para akong natutunaw sa kanyang mga titig.

"Ano nang plano mo?" tanong ko.

"I'm still undecided," ngumuso ako.

"'Wag mo nang patagalin, Amadeus. Maikli lang ang oras. You should decide as soon as possible. Your lolo loves you kaya ka niya gustong kasama habang nagpapagaling siya. Ipagdadasal ko na gumaling din siya mula sa mild stroke..." he tucked my hair behind my ears and caressed my right cheek.

"I'll decide soon then," tumulis ang nguso ko.

"Seryoso ako!" sabi ko pa.

"I'm serious too," sabi niya sa mababang boses.

He smiled at me while I'm still pouting my lips. At least we finally talked about it. Hindi ko na inungkat pa sa kung anong meron sa kanila ng lolo niya kung bakit para siyang galit dito. Maybe in time he can finally tell it to me.

Dumating ang hapunan at muling nakumpleto ang hapag kainan. Masaya at maingay dahil sa kanilang masayang kuwentuhan. Minsan ay natatanong din ako at nabanggit bigla ni Amadeus na mahilig akong magluto. His tita's likes me more because of it.

Pagdating ng oras na para magpahinga ay nagpasya si Amadeus na ihatid ako hanggang sa magiging kwarto ko. Malaki ang Casa at dahil hindi pa ako gaanong pamilyar lalo't unang araw ko rito ay hindi ko pa ito kabisado. 

Isang linggo kami rito at sa isang linggo na 'yon ay hiniling ko kay Amadeus na ilibot niya ako sa lupain nila at sa mga batis na meron sa Albancia. Pumayag naman siya at baka bukas ay doon na kami magsimula.

Hawak kamay kaming naglalakad sa mahabang pasilyo kung saan may pulang carpet pa na nakalatag. Marmol ang sahig at halata mong hindi basta-basta ang pagkakagawa. Nakakamangha pa rin talaga ang Casa Contrejas. Alam kong mayaman si Amadeus pero ang makita ito ay nakakalula na talaga.

Tumigil kami sa tapat ng isang kulay kayumanggi na pintuan. Hinarap ko siya at ngumiti.

"Salamat sa paghatid. Magpahinga ka na rin dahil bukas ay dapat mo akong ilibot sa lugar niyo." I said in a playful tone.

"Kahit hindi ako matulog maililibot kita rito, Milada." Humalakhak ako.

"Oo na lang." I chuckled.

"You should go inside now," I nodded.

"Good night, Amadeus..." malambing kong sabi at unti-unting pinihit ang doorknob at tuluyan ng nabuksan ito.

"Good night..." he gently muttered. "See you tomorrow?" 

I laughed and nodded again.

"See you tomorrow..." I said.

"Sleep well," napairap ako ngunit hindi naman matanggal ang ngiti sa labi.

"Yeah, sleep well too..." natatawa kong sabi.

"I love you," he said, too soft and full of gentleness.

"Yeah, I love— what?!" gulat na gulat kong sabi.

Halos malakas din ang pagkakasabi ko no'n kaya napatingin ako sa kaliwa't-kanan ng pasilyo dahil baka may nakarinig sa malakas kong boses. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto na wala naman. Tumingin akong muli kay Amadeus at ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi.

"Y-You what, Amadeus...?" it's almost a whisper.

Malakas ang kabog ng dibdib ko at nandoon pa rin ang gulat at kaba. Hindi ako puwedeng magkamali sa narinig. I heard it clearly but I want to hear it again from him.

"I love you..." he said hoarsely.

"Amadeus..." nanginig ang boses ko.

"Hmm?" umiling ako. Nag-iinit ang pisngi dahil sa kilig at saya. "You don't need to answer it, Milada.” 

I bit my lower lip and nodded again. Humakbang siya palapit sa akin at pinatakan ng halik ang aking noo.

"Good night," I smiled shyly.

"Good night, Amadues..."

Tuluyan na akong pumasok sa loob ng kwarto at dahan-dahan na sinara ang pintuan habang nandoon pa rin si Amadeus, nakatayo. Nang maisarado na ng tuluyan ang pinto ay napasandal na lang ako sa pintuan at padausdos na umupo sa sahig.

Hugging my knees while my chin is resting above it. I bit my lower lip and smiled widely

I put my hand above my chest. It beats so fast.

"That was... amazing." I muttered between my breaths.

Continue Reading

You'll Also Like

225K 8K 30
Biglang umingay ang lahat nang lumabas ang magandang babaeng naka-black bikini, may mahabang buhok at kutis porcelana. Higit sa lahat, birhen. "Isang...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.7M 294K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...